Jam's POV
Kakatapos lang ng klase namin pero pinauna ko na sila Letth umuwi. Hihintayin ko pa si Penyx dahil kailangan na kailangan na talaga naming mag-usap. Hindi ko na ata kakayanin kung magtatagal pa na ganito yung sitwasyon namin.
"Oh Jam?" Bati sakin ni Ralph. Nginitian ko lang siya at sumilip sa likod niya. "May hinahanap ka?"
"Hmm. S-si Penyx?" Nahihiyang tanong ko.
"Ah si Penyx. Akala ko si Jm." Sinamaan ko kaagad siya ng tingin. "Joke lang. Hindi siya pumasok eh." Sabay iwas niya ng tingin.
Paanong hindi pumasok? Eh kakakita ko lang sa kanya kanina kasama sila Jm.
"Ralph please."
Naiintindihan ko naman kung galit siya sakin eh. Pero sana naman wag niya kong iwasan diba? Alam kong may mali din ako pero kasi hindi ko talaga siya maintindihan. Pilitin ko mang intindihin pero wala talaga akong makitang dahilan para layuan yung taong wala namang ginagawa sayo.
Tinapik niya ko ng mahina sa balikat at tinuro ang pinto.
"Salamat." Ngumiti lang siya at naglakad na palayo.
Nagdasal muna ako bago pumasok. Sana this time masagot na lahat ng tanong ko. Gusto ko ng maayos namin to.
Dahan dahan akong pumasok at nakita kong nakasandal lang siya sa upuan habang nakapikit. Mukhang pagod na pagod siya. Kakausapin ko pa ba siya? Baka kasi maistorbo ko pa yung tulog niya.
Humakbang ako paatras pero humakbang din ulit pabalik. Aish!
Tinitigan ko muna siya sandali. Kahit isang araw ko palang siyang hindi nakakasama't nakaka-usap miss ko na kaagad siya. Ang hirap pala pag nasanay ka na sa isang bagay tapos bigla bigla nalang mawawala.
Napa-atras ako ng bahagya ng biglang bumukas ang mata niya at nakatingin sakin. Biglang kumirot ang dibdib ko ng mapansing parang wala siyang nakita. Sobrang galit ba talaga siya sakin at hindi niya man lang ako pinansin?
"P-pen.." Hindi siya tumingin sakin kaya nagkusa na kong lumapit sa kanya kahit pakiramdam ko ayaw niya kong makita.
Umupo ako sa tabi ng bag niya.
"Pwede ba tayong mag-usap?" Ngumiwi siya at dinampot bigla ang bag niya.
"Wala namang dapat pag-usapan." Cold na banggit niya.
Tatalikod na sana siya ng bigla kong hilahin ang bag niya kaya napaatras din siya pabalik.
"Ano ba Pen! Kung ikaw kaya mong takbuhan ng takbuhan tong problema natin, ako hindi!" Hindi ko na mapigilan hindi mag-taas ng boses.
"Kung sana sinunod mo nalang yung sinabi ko hindi tayo aabot sa ganito." Cold niya paring sagot. Walang emosyon ang mukha niya at diretso lang siyang nakatingin sakin.
Bakit pakiramdam ko ako pa yung may kasalanan?
"Hah, kung pinaintindi mo sana sakin kung bakit ko kailangan layuan si Kenny edi sana walang ganung nangyari!"
Nagulat ako ng biglang may tumulak sa upuan.
"Alam niyo bang may natutulog dito? Ang iingay niyo." Iniluwa ng upuan si Justin na halatang kakagising lang.
K-kanina pa ba siya jan? Bakit hindi ko man lang namalayan?!
Tumayo siya kaagad at padabog na lumabas. Nakahinga naman ako ng maluwag dun.
"Kung hindi mo kayang gawin yung hinihingi kong pabor sayo, mas mabuting itigil nalang natin to." Biglang nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
A-anong ititigil? Anong pinagsasasabi niya?
Napa-kuyom ang kamao ko sa sobrang inis. Bakit ba ang babaw babaw niya?! Hindi ko na talaga siya maintindihan!
"Ganun lang ba kadali sayong bitawan lahat ng to? Dahil lang sa gusto mo na wala namang kwenta ititigil mo na lahat ng to?! Lalaki ka ba talaga? O sadyang nagkamali lang ako ng taong pinili? Kung alam ko lang na ganito sana pala noon palang pinili ko na si Kenny."
Pinunasan ko yung luha ko at tinanggal ang kwintas na bigay niya sakin.
"Sayo na yan. Tutal jan ka naman masaya sige, break na tayo."
Hindi ko kayang layuan si Kenny dahil lang sa gusto niya. Oo mahal ko siya pero kasi may mga bagay na dapat ipaintindi niya muna sakin bago niya ipilit.
Hindi parin tumigil sa pagbagsak ang mga luha ko ng lumabas ako sa kwartong yon. Tinawagan ko kaagad si Letth at sinabing puntahan ako. Hindi ko kayang solohin lahat ng to, sobrang bigat sa pakiramdam eh. Parang sasabog na yung puso ko sa halo halong emosyon.
Dumiretso ako sa roof top at umiyak. Wala pang limang minuto nakarating na kaagad si Letth. Agad ko naman siyang niyakap.
"A-anong nangyari sayo?" Hindi ko lubos maisip na ganun lang pala kadali sa kanya ang sumuko.
Gusto ko lang naman maayos eh, pero mahirap kung dalawa kayo tapos ikaw lang ang may gustong maayos.
"W-wala na kami." Lalong lumakas ang pag-iyak ko ng banggitin ko mismo sa bibig ko ang mga salitang yon. Lalong sumisikip ang dibdib ko!
"Ano?! Paano nangyari yon?"
Pinunasan niya ang mukha ko at patuloy parin sa pagpapatahan sakin. Hindi ko alam pero imbes na tumahan ako, lalo lang akong umiyak.
"Sige iiyak mo lang. Kapag handa ka ng magsalita andito ako para makinig."
Sobrang mahal ko siya eh. Pero hindi ko inaakalang ganun siya. Nagdedesisyon nalang siya bigla bigla. Ayoko naman talaga sanang makipaghiwalay eh. Pero ano pang silbi ng pag-stay ko kung ayaw niya na diba? Akala ko maayos namin to. Siguro hindi ko pa nga talaga siya lubusang kilala. Ang laki ng pinagbago niya, hindi na siya yung Penyx dati, yung kayang makinig at kayang umintindi.
Christina's POV
Nakaramdam na naman ako ng pagkahilo kaya huminto ulit ako sa paglalakad.
"Gands? Okay ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Kryshna.
Sinubukan kong ngumiti para hindi sila makahalata na masama na talaga ang pakiramdam ko.
"Gusto mo bang dalhin ka na namin sa clinic?" Suggest naman ni Kate.
Umiling lang ako at pilit na tumayo.
"Practice lang. Hehe, tara na." Kailangan pa naming pumunta sa library at kumuha ng libro.
Ayoko naman na sila lang ang gumawa nun.
Habang patuloy sa paglalakad lalong bumibigat ang pakiramdam ko at panay ang pagdilim ng paningin ko.
"Gands!" Sigaw ni Kryshna at Kate ng bigla akong natumba.
Pinilit ko paring tumayo pero hindi na talaga kaya ng katawan ko.
"Alalayan natin siya Gands. Dalhin na agad natin siya sa hospital dali!" Hindi ko na dinilat ang mata ko. Wala na talaga akong lakas pa para magsalita at sabihin sa kanilang kailangan ko si Dendo.
Hindi ko na namalayan na nasa parking lot na pala kami.
"Ako na bahala sa kanya Gands. Puntahan mo nalang si Dendo at sabihing sumunod sa hospital." Bilin ni Kate.
Pero lalo akong nakaramdam ng hilo sa loob ng kotse. Parang mabibiyak na talaga ag ulo ko at nasusuka narin ako.
"Oh my gosh! G-gands?! Anong nangyayari sayo?" Pinunasan niya kaagad ang pawis ko.
Dumilat ako ng kaunti at tinuro ang aircon sa kotse niya.
"Oh sorry! Sorry gands." Pinatay niya kaagad ang aircon at binuksan ang bintana.
Thanks God at nag-function ng maiigi ang utak ni Kate ngayon.
Hindi na ko nagsalita pa at ipinikit nalang ang mata. Habang nasa byahe kami wala akong ibang inisip na sana sumunod agad si Dendo. Kailangan na kailangan ko siya ngayon.
AN:
Binago ko na yung title para lang malaman niyo. Masyado kasing common kaya ganun. Pero hindi naman nagbago yung plot so walang dapat ikabahala.