His Promises

By Rheiple

6.4K 395 49

She always wanted to have a simple life yet ended up marrying a wealthy engineer. She fell in love and her dr... More

PROLOGUE:
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
PROLOGUE
Hilton's POV

CHAPTER 26

158 4 2
By Rheiple

Annulment

"Thank you for coming!"

Hindi ko na mabilang kung pang ilan na ba itong nasabihan ko nito. Hindi ko inalis ang ngiti sa mukha ko sa bawat tao na umuupo sa harapan ko para papirmahan ang libro na dala nila. Kahit napapagod na ako ay worth it din naman ito. I appreciate those people who appreciate my works too.

Yung iba pagkatapos magpapirma ay nagre-request pa magpa-picture. Who am I to refuse? Nakakatuwa na kahit sa simpleng ganito ay may napapasaya akong mga tao. I didn't expect na ganito kadami ang dadalo sa in-announce kong book signing event dito sa Pasay, Manila. Punong puno ang National Bookstore at may ibang nagtatanong as usual about sa part two ng libro na siyang nagpasikat saakin.

"Hindi ba talaga nagkatuluyan si Rene at Alex? Ang sakit naman nito" wika ng isang babae at marami ang sumang ayon sa kaniyang sinabi.

"Let's just say, nothing lasts forever. Not because you got married, you already have the happy ending, no 'cause you just step into another chapter of trials you gotta survive. If you don't survive, just move on then"

Napa 'aww' silang lahat sa sinabi ko. Natawa na lang ako at pinagpatuloy ang pagpipirma. Nagulat ako nang tumingin ako sa susunod na nasa pila. Ngiting ngiti na mukha ni Kimberly ang sumalubong saakin. She looks friendly and greeted me like we're very close friends though we just met each other last Tuesday. I don't even like her that much.

"I'm really a big fan of yours. Marami rami itong dala ko na papapirmahan." Bahagya lang akong ngumiti at nagsimulang isulat ang pangalan ko sa cover ng mga librong dala niya.

She keeps talking while I'm doing my part here. Mukha naman siyang inosente at mabait pero—argh, I just can't like her. I know that there's a reason but I refuse to believe it. What the hell. Wala akong pakialam kung nagdi-date sila ngayon ni Hilton. Tsk. Okay rhein, no one's arguing with you. Let's just focus. Masiyado naman na atang mahigpit ang hawak ko sa marker na pinangsusulat ko.

"Niyaya ko sana si Hilton dito kaso ayaw eh" dagdag niya pa sa mga pinagsasabi nito kanina pa.

I'm trying so hard not to roll my eyes at her. She's a fan not an enemy. I don't want to look mean and rude towards my supporters. Baka nawalan pa ako ng career at ma-bash na ang sama ng ugali ko. Well, hindi naman kasi sa lahat ng oras mabait tayo. Everybody has a demon side. May iba nga lang na nasobrahan na din sa ganong side. Ako minsan lang atakehin ng ganon, I'm loser and pathetic most of the time.

"Pinilit ko pa kahit sinabi kong uuwi lang naman kami, ayaw talaga. Sabi pa niya, he'd rather stay inside his office than to attend this event" she's fucking overstating. Soo exaggerated. I want to tell her to stop talking but since I want to be polite no matter what, I'll just seal my mouth.

And ofcourse, hindi yun pupunta dito kahit anong pilit niya dahil bukod sa wala naman yung alam sa mga libro ko at walang interes sa pagbabasa ng nobela, ay iiwas na din yun saakin pagkatapos ng pag uusap namin kahapon. Ang lakas pa kasi ng loob na lapitan ako. Hindi na lang lumayo at iignora ako hanggang mawala ako sa paningin niya.

It's kinda late nang maubos ko lahat na mapirmahan ang mga dumalo. Nagkaroon na lang kami ng konting oras para sa question and answers. Sinasagot ko ng malugod at maayos ang bawat tapon nila ng tanong saakin. Nag-promote din ako ng bagong story ko na malapit ko ng mai-publish. They're all very excited about that. May natitira pa kaming konting minuto, ibinigay ko iyon sa ibang nais pa makipag picture saakin na hindi naisingit kanina.

Tuwang tuwa sila at todo pasalamat saakin nang tapusin na namin ang event. Madilim na ang paligid nang lumabas ako ng mall kung saan ang venue namin kanina. Gusto ko ng mahiga at damahin ang lambot ng kama sa hotel. Nakakapagod ang araw na ito. I just entertained hundreds of people without erasing the smile on my lips just to look good infront of them.

Bago pa man ako makaalis ng tuluyan para maghanap ng taxi ay may narinig akong iyak kung saan. Sa una ay natakot ako kasi baka kagaya ito ng mga napapanood ko sa horror movies. Kaso nang maaninag ko ang isang maputing batang babae na umiiyak sa sulok ay naawa ako. Gustuhin ko mang umalis na lang at hayaan na ito ay parang napaka walang puso ko naman kung gagawin ko iyon. She's alone in the middle of the dark.

Lumapit ako sa kaniya at kitang kita ko ang namumula niyang mga mata sa kaiiyak.

"M-mommy" umiiyak niyang sambit

"Nawawala ka?" Tumango lang siya.

Marahan ko siyang niyaya paalis doon sa sulok kung nasaan siya kanina. Mabuti na lang at bukas pa ang mall kaya pumasok kami para mas maliwanag. She looks little, maybe she's just two or three. Halos hindi ito makalakad ng maayos kaya kinarga ko na. Saan ko ba hahanapin ang nanay nito? Diyos ko naman.

"Saan ba ang mommy mo?" Sana naman hindi ako makasuhan ng kidnapping. I'm tryna be a good girl here.

"I-i don't know" shet Englishera pa pala ito.

Kumuha ako ng tissue sa handbag na dala dala ko at pinunasan ko siya ng pawis at luha. Tinry ko siyang tanungin kong saan sila last nagkita ng mommy niya pero di din alam. Dinala ko muna siya sa ice cream parlor para maaliw at matigil sa pag atungal. Pinagtitinginan na kami dito. Baka isipin pa nilang pinaiiyak ko ang bata. Naupo muna kami sa may high stool at pinagmasdan ko ang bata na tahimik na ngayon na nilalantakan ang ice cream.

May dumaan na kung anong kaba sa dibdib ko nang makita ko sa mga mata niya si- Hilton. Hindi maipagkakaila ang resemblance nila. Oh God. Is this another, blow from our fate? May anak na ba siya?

I can't tell it yet pero magkahawig talaga sila. She looks like his girl version. Lalo pa ng ngumiti na ito saakin nang makita ako na gulat na gulat na nakatunganga sa mukha niya ngayon. Kahit nagmumukha na akong tanga sa harap ng bata ay hindi ko mabago ang reaksyon ko. Hindi ko ata siya napagmasdan ng maayos kanina. Dahil kong napagmasdan ko sana siya ng mas malinaw ay hindi ko na siya dinampot. Hah. Kakayanin kaya ng konsensiya ko?

Magagawa ko kayang matulog ng mahimbing sa hotel room ko knowing na may batang babae dito na iniwan ko sa halip na tulungan? Tsaka baka may mangyari pa sa kaniyang masama at makita ko sa balita, kinamatay ko pa yung konsensiya na mararamdaman ko. I'm glad I did the right thing anyway.

"What's your name?" Magaan kong tanong sakaniya.

"Leyn Coline"

"I'm ate rhein. Okay, lein. Let's find your mom again. I'm sure she's freaking out right now that you're nowhere to be found" nakangiti kong anyaya sakaniya.

Kaso nagtatalon ito nang makakita ng shop ng  laruan. No choice, pumasok kami at binili ko ang gusto niyang bilhin. It's a unicorn stuff. Since may energy na ito ay akay akay ko na lang ito palabas ulit ng mall. Magsasara na ata ito dahil lumalalim na ang gabi.

Palabas na kami ng mall nang makita ko si Hailee na papasok din ng mall. Matagal tagal na nung huli naming pagkikita pero tandang tanda ko pa yun, kung paano niya ako itaboy at maliitin. Nagkatinginan kami at kita ko ang gulat sa mga mata niya. Pero ako hindi ko pinahalata na gulat ako sa kaniya.

"Mommy!" Tumakbo ang bata na nasa tabi ko at yumapos kay hailee at tuwang tuwa. Doon ako nagulat.

"Raine. My baby" lumuhod siya para yakapin pabalik ang anak. Gusto kong matawa sa sarili ko. Tinulungan ko lang naman yung taong dapat kinamumuhian ko ngayon. Isa siya sa sumira ng buhay ko noon.

"Sh-she helped me. She's ate lein. We have the same name" nakangiting turo saakin ng bata. Tumingin saakin si Hailee at kitang kita ko na nahihiya ito saakin ngayon.

"O my God. Mababaliw ako kakahanap sayo." Kinarga niya ang bata bago bumaling muli saakin. "Thank you so much, Rheiniel. It's been a long time, you're famous now and your life is different but you stayed the same. You're still that—kind" hindi ko alam kung anong isasagot ko. Gusto ko siyang barahin pero kinagat ko na lang ang dila ko na huwag ng gawin iyon. I didn't come home for revenge or what. That's too cheap. Hindi ako ganun pinalaki nina mama at papa. I just know my limits.

"Hailee?" Pareho kaming lumingon sa lalaking dumating. It's Hilton. Damn it. What a great coincidence, indeed. "You found her"

"Rheiniel found my daughter." Doon pa lang tumingin saakin si Hilton at nagulat sa presensya ko. Hindi siya halos makapaniwala na nandito nga ako.

"Yeah. But you don't owe me. I just did the right thing" nagkibit balikat ako. Bahagyang ngumiti sa kanila.

"I-iiwan ko muna kayo para makapag usap kayo saglit. Thank you again, Rheiniel" she doesn't look like the Hailee I used to know. Nawe-werduhan akong nakatingin sakaniya ngayon. Baka kung yung dati itong Hailee, nung makita niyang kasa kasama ko ang anak niya ay baka inakusahan pa ako nito ng kidnapping at pinadampot para masira ang pangalan ko. Glad she has changed her life.

"I'll go ahead" basag ko sa katahimikan naming dalawa nang tumalikod kina Hailee at sumakay sa sasakyan ni Hilton na nakaparada.

"I'll offer you a ride." Nilingon ko siya at umiling ako

"No, thank you. I'm fine" tinalikuran ko na siya. Ngunit bumalik rin ako at tiningnan siyang muli nang may maalala bigla. "Anyway, I want to file an annulment" walang preno-preno kong sabi. Hindi man lang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Nanatili siyang seryoso na nakatingin saakin. Wala siyang pinakitang reaksyon. Di ko alam kung natutuwa ba siya sa suggestion ko o ano.

Dapat matuwa siya na ako na ang nag open up about dito. Mas malaya na siya mag girlfriend or magpakasal muli kung gusto niya yet this time with Kimberly. I wonder kung alam ba ng karelasyon niya ngayon na kasal pa rin siya saakin. I bet hindi, kasi mukhang hindi naman ako kilala ni Kimberly kung sino ako sa buhay ni Hilton dati. Siguro kung alam niya ay hindi na ako kakausapin nun or maybe sunugin niya yung mga libro na binili niya at may autograph ko na ngayon.

"Alright" nakaramdam ako ng kung anong kirot sa dibdib ko sa agad-agad niyang pag sang ayon sa suhestiyon ko. What was I expecting though? Na kokontrahin niya ang sinabi ko at magpupumilit na huwag na naming gawin iyon? Oh come on, rhein. You're delirium. You're being delusional. How can he disagree to this when it's completely and clearly a privilege to him.

Tumango ako at hindi makangiti.

"Let me give you a ride. It's late at night" umiling ulit ako. Hindi ako makapagsalita dahil parang may kung anong nakabara sa lalamunan ko. "Please. I already agreed to do what you want. Let me do this"

Labag man sa loob ko pati sa pride ko ay pumasok ako sa backseat part ng sasakyan niya. Nakatingin saaming dalawa ang nagtatakang mga mata ni Hailee. The whole ride, I was just looking outside the window. Tanging salita lang na lumabas sa bibig ko ay nang sabihin ko kung saan ako bababa. Ni hindi ako nagpaalam o ni nagpasalamat nang bumaba ako ng sasakyan. I don't know what's happening to me.

Nang mahiga ako ay ilang oras pa ako nagmuni muni at tumitig sa kisame bago ako dinalaw ng antok at tuluyang nakapagpahinga sa kung ano mang bumabagabag sa isipan ko ngayon.

Kinabukasan nagising ako na mabigat ang pakiramdam. Sa kadahilanang hindi ko pa rin alam hanggang ngayon. Hilton got my number and he texted me kung saan daw kami magkikita ngayon. Sabi niya may kakilala siyang lawyer na maaaring mag handle ng process ng annulment namin pero mag uusap daw muna kami ngayon.

3 pm ang napag usapan naming oras. Sa isa sa mamahaling restaurant sa Makati ang napili niyang lugar. Gustuhin ko mang kontrahin ang lugar na napili niya ay mas pinili ko na lang na sumang ayon para hindi na humaba ang palitan namin ng mensahe.

Alas dos pa lang ay paalis na ako ng hotel. I'm wearing a simple faded loose jeans and a racer back tank top. I put some light make up on. I tied my long hair in a ponytail to make it look more presentable and clean. Dahil sa matagal tagal na din akong namamalagi sa hotel na ito at kilala din ako bilang manunulat ay araw araw akong nakakatanggap ng pagbati sa mga staff sa ground floor tuwing lalabas ako o papasok.

Nagtaxi ako para mas mabilis. Ayoko ng nale-late kaya nakahinga ako ng maluwag na before 3 pm ay nandito na ako sa nasabing address. Pumasok ako at nagtanong. It's good that we both have our reservation. Iginiya ako ng waiter papunta sa naka reserve na upuan saamin at nagtanong kung ano daw ang order ko. Sinabi ko munang hihintayin ko yung kasama ko at tahimik akong naghintay doon habang binabantayan ang oras.

Pumatak na ang alas tres ng hapon. Baka maya maya ay nandito na iyon. Kung male-late naman siya ng sobra sobra ay dapat nagsabi siya para hindi ko masiyadong inagahan. Nag scroll muna ako sa social media account ko para hindi ako masiyadong ma-boring at mainip kakahintay.

Bumalik ang waiter at nagtanong muli kung may gusto na daw ba akong i-order. Umiling ulit ako at napansin na lumipas na ang dalawampung minuto. Nag scroll muli ako at nanood ng videos. Nagbabasa ng kung anong mga memes na nakikita para hindi ko masiyadong bantayan ang oras. Lumipas ang tatlumpong minuto ay bumalik muli ang waiter at naiinis na akong sumagot na hihintayin ko ang kasama ko dito. Pumatak na ang alas kuwatro. He's one hour late. Hindi man lang nag text. That fucking asshole. Pinaghihintay niya ba ako sa wala?

Nag scroll muli ako at pinipilit pang libangin ang sarili kahit na alam ko na hindi na ito nakakatuwa. Nagmumukhang tanga na ako dito. Kanina pa nakabantay saakin ang mga waiter dito.

Dumaan bigla sa news feed ko ang account ni Kimberly Miras, it's a friend suggestion, I guess it's because she's following me on all my social media platforms. She has a latest post. It's her and Hilton just an hour ago. The caption says, 'i'll be here for you always'. Sitting just the two of them with an all white background. So this is it. He's late because he's with the new girl.

Ramdam ko ang init ng mukha ko. Ang panginginig ng mga kamay ko. Ang pag pintig ng bawat ugat sa ulo ko, sa sobrang inis na nararamdaman ko ngayon. Pinaghintay at pinagmukha akong tanga. Nagulat ako maya maya nang tumawag bigla ang numero niya. Pinatay ko ito kaagad. Tumawag siya muli pero pinatay ko din ito ulit. Akmang lalapit pa saakin ang waiter pero masama ko itong tiningnan. Hindi niya ba nakikita na ginawa akong tanga ng dapat ka-meet up ko ngayon?

Binitbit ko ang bag ko at nagmartsa palabas ng restaurant. Wala na akong pakialam kung pinagtitinginan nila ako. Sakto din na papasok na si Hilton. Nakita niya ako pero nilampasan ko siya at dere deretso na ako palabas. Dere deretso ang lakad ko dahil gusto ko ng makaalis doon.

"Rhein, hey wait"

"Huwag mo akong hahawakan tangina" hinampas ko siya ng bag ko at tiningnan siya ng nagbabaga kong mga mata. Gulat ang naging reaksyon niya sa tinuran ko pero lumapit pa rin ito. Does he expect me to wait more patiently there while he was flirting with that Kimberly?

"I'm sorr—" malakas ko siyang tinulak nang subukan niya muling lumapit saakin.

"Pinagmukha mo akong tanga. Sana naman sinabi mo munang mali-late ka dahil makikipagkita ka pa kay Kimberly. Hindi naman ako mahirap kausap, Hilton. Hanggang ngayon ba tanga pa rin ang tingin mo saakin?" Mabilis kong pinalis ang kumawalang luha sa mga mata ko.

"It's not like what you think"

Why the hell am I crying? Ang sakit sakit sa loob ko. Sobra sobra, pakiramdam ko naramdaman ko na ito noon.

"I rushed my mom to the hospital. Nagkasagutan sila ni Hailee. Kimberly was there and volunteered to look after my mom"

Bumuntong hininga siya at tiningnan ako ng puno ng pagmamakaawa.

"I'm so sorry. Please stop crying" pinunasan niya ang luha ko. "I hated my mom for years, for what she did to you that time when you left" he started talking. My cries turned into sobs. "You have all your right to my money, she doesn't have to do that. I also heard what happened to your father." He licked his lips and I can see his cheeks and eyes turning into red. "I should've been there for you"

"I-I hate you" for making me wait while you're with that girl. I wanted to add that.

"I hated you too. Two years ago, but it's so hard for me to hate you. I couldn't"

He thought I was cheating with sir edu so he got back to me by using Julia. I left, with his money that's given by his mother. I knew that he would hate me for that. But he thinks now that I have the right to his money. He won't call me a gold digger? A shameless or a thick-skinned wife?

"Do you really want to do the annulment?"

Hindi ako nakasagot. Nag iwas lang ako ng tingin. Habang pinapatagal ay pahirap ng pahirap ito para saakin.

Continue Reading

You'll Also Like

161K 2.7K 48
ON-GOING Hindi alam ni Kiera na dahil sa isang listahan ng utang makikilala nya ang isang lalake. Si Dwight, ang lalaking hindi niya akalaing kapatid...
169K 3K 36
WARNING: SPG| R-18| CONTAINS MATURE CONTENT Si Lufian Hades Vasquez ay isang sikat na business man sa loob o sa labas man ng bansa. Tinagurian siyang...
53K 4.3K 137
Ang pagmamahalang pilit na iniiwasan, pero sadyang pinagtatagpo ng tadhana. Nilalaro ang pag ibig, pero ngayon sila na ang paglalaruan ng pag ibig M...
4.3K 275 26
Arrow Valentin is 25 years single. No boyfriend since birth, so, she plan to find her Mr. True Love. Pero paano niya gagawin iyon kung tamad siya? A...