CHAPTER 30

142 3 0
                                    

Miss u

"Please get your notebooks and answer this" sinulat ko sa whiteboard ang pinag uusapan namin kanina na topic. Ang iba kong estudyante ay napapakamot dahil hindi ata na-gets yung tinuro ko kanina. "If you have questions, you can raise it now"

Tumingin kami ng sabay sabay sa labas nang biglang umugong ang ingay. Nagsisilabasan na ang mga estudyante sa bawat room nila. Oo nga pala, i-cu-cut lang ngayong araw ang discussion ng grade school levels.

"Paki copy na lang nito dahil homework niyo na lang. We will check this tommorow" pag iiba ko sa gagawin nila. Sumilip ulit ako sa labas at halos lahat ng grade level ay pinapauwi na.

"Yehey. Papaturo ako kay ate"

"Ako din kay mama"

Sumulyap ako sa orasan at alas dies pa lang ng umaga. May event kasi ngayon sa commencement ground ang mga college students at malapit ito sa building ng elementary kaya ni-excuse kami dahil sa ingay nito. Nasa mood pa naman ako ngayon magturo dahil gusto ko ulit i-distract ang utak ko.

Pagkatapos ng nangyari saamin kahapon ni Hilton, hindi ko na alam kung paano ko pa siya haharapin o pakikitunguhan. Nakapag explain na kami pareho ng kaniya kaniyang side. Tsaka isa pa, umagang umaga kanina nasira pa yung araw ko. Pagkababa ko sa jeep sa may first gate ng BU ay natanaw ko sila ni Kim sa may gilid ng kalsada na magkasama. Magkatabi ba sila matulog kagabi? Pagkatapos akong halikan ng lintik na Hilton na yun? Pinanood niya pa ako ng porn. Para-paraan niya din yun eh.

Tinuloy ba nila ni Kim yung naudlot namin kagabi sa bahay nina sir Malate? Nakakainis. Pinipigilan ko lang ang sarili ko na magpaapekto sa mga naiisip ko dahil kaharap ko ang mga bata ngayon.

Natanaw ko sa labas kina Becca na niyayaya na ako. Nginuso ko ang mga estudyante ko na komokopya pa at sumenyas ako na hintayin ako. May sinasabi sila na kung ano at tinuturo pero hindi ko maintindihan.

"Ma'am. Uwian na po ba?" Tanong ng isa kong estudyante na lalaki.

"Oo, Ethan. After niyo maisulat yang lahat na nasa whiteboard at Manila paper, you can go home na. Nagchat na ako sa GC natin na sunduin na kayo ng guardians niyo. May tapos na ba?" Walang sumagot. Lahat pa sila sumusulat. Nakalimutan ko na ang babagal pala talaga nila magsulat.

May kumatok bigla sa may pintuan at nagulat ako. Akala ko yung principal na dahil hindi ko pa pinapauwi ang mga estudyante ko. Ngunit nang makita ko si Hilton na nakasandal sa hamba ng pintuan ay napairap ako. But I'm not going to deny how gorgeous he is today. He's wearing a black long sleeve, rolled to his elbow, a beige chinos and a grey suede shoes, with his hard hat protection. Tangina nito, nakakainis. Wala siyang ginagawa pero ang guwapo pa rin sa paningin ko.

"I thought we both agreed to meet this 10 AM?" Nilingon niya ang mga estudyante ko na ngayon ay curious din na tinitingnan siya. Mas lalo niya tuloy pinapatagal ang pagsusulat ng mga bata dahil hindi ito maka focus sa ginagawa. "May klase ka pa?" Umayos siya ng tayo

"Ano sa tingin mo? And what makes you think na makikipag usap talaga ako sayo?" inirapan ko siya. I motioned my students to keep writing. Masiyado naman silang na-amaze sa lalaking ito na bigla na lang sumusulpot kung saan.

"What did I do again?" Pagod niyang sabi at naglakad palapit saakin. Inalis niya ang hard hat sa ulo niya.

"Wala. Naiinis lang ako sayo" lumayo ako sakaniya at naupo sa may upuan ko dahil masiyadong malapit ito saakin. Tiningnan ko siya ng masama nang hindi pa ito umaalis kahit na iniiwasan ko na. "Umalis ka na nga. Pag ako nakita dito ng principal at nasesante, masusuntok kita" hininaan ko lang ang boses ko, yung siya lang makakarinig.

"Uh.. scary. You are so violent now" natatawa niyang sabi. Akala ko aalis na siya dahil lumingon siya sa labas ngunit may tinawag lang pala. Nakaka irita din ang sarili ko na medyo nalungkot ako nang akala ko aalis na siya.

His PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon