CHAPTER 15

131 3 1
                                    

To leave

He didn't answer the call. Probably he's busy. I just decided to cook his favorite dish which is adobo. I'm not that good at cooking but manang sabel guided me in the kitchen. Inilagay ko ito sa may maliit na tupperware at inihanda para kay Hilton. Kung gaano ko kagusto na pinag luluto niya ako ay lalong lalo na siya. Tuwang tuwa siya kapag nakahain sa harapan niya ang kahit anong luto ko. Masarap man ito o hindi.

Inayos ni manang sabel ang dadalhin ko sa office ng asawa ko. Nakakatuwa dahil suportado nila akong lahat. Si Teddy naman ang tumawag kay kuya rod para maihatid ako sa opisina.

Excited akong kinakabahan. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ni Hilton. Kani kanina lang ay hindi ko siya pinapansin tapos ngayon ako naman itong magpapapansin. Nagsisisi akong binalewala ko siya kaninang umaga.

Sumakay na ako sa kotse para magpahatid ng kompanyang pinagtatrabahuhan ng asawa ko. Dapat ay maihatid ko na ito bago pa magtanghali. Baka kasi kumain na siya at masayang lang ang effort ko.

Hindi ako masiyadong bumibisita sa opisina niya. Busy din kasi ako noon madalas sa trabaho ko. Sa pagkakaalala ko ay dalawang beses pa lang ako nakakabisita sa kaniya doon. Una nung isama niya ako at ipakilala bilang asawa. Pangalawa nung sumama ako kasi na-boring ako sa bahay. Pero nung nagkaroon na din ako ng pinagkakaabalahan ay hindi na ako nakabalik pa.

Inihanda ko na ang dala dala kong pagkain para kay Hilton nang iparada na ni kuya rod ang sasakyan. Malaking gusali ang nasa harapan namin. Tumingala pa ako nang makalabas ako ng kotse. Sobrang taas at sa pagkakatanda ko ay nasa ika sampung palapag ang opisina ng asawa ko.

Nagpaalam na ako kay kuya Rodolfo na paalis na. May kukunin daw muna siya ng mabilis at babalik na lang. Pumayag naman ako at baka matagalan din ako sa loob. Hinarang ako ng security guard ngunit nang magpakilala ako na asawa ni Saavedra ay kaagad naman akong pinapasok.

Binati ako ng mga nakakakilala pa saakin. Matagal tagal na din yung huli kong punta ko dito kaya yung ibang workers ay nagtataka kung sino ako.

Pumasok ako sa elevator at pinindot ang tamang floor kung saan ang opisina ni Hilton. Pamilyar pa rin saakin ang lugar kahit papaano. Humihinto ito minsan at may nakakasabay ako at bumabati kapag nakikilala ako. Some of them, seemed nice but some were never really cared whoever the hell I am.

Minsan ako yung ngumingiting una at napapatikom na lang ng bibig kapag naii-snob. Masaya pa rin akong lumabas ng elevator nang makarating ako at nilakad ang distansya patungo sa opisina ng asawa ko.

Sarado ang pintuan ng opisina ni Hilton. Bago pa man ako kumatok at mabuksan ito ay hinarangan na ako ni Cora, ang secretary niya. Nagtaka ako kasi kilala naman na niya ako bilang asawa ng boss niya tapos kung harangin ako parang kung sino lang ako na manggugulo sa loob ng kuwarto.

"Alam po ba ni Mr. Saavedra na pupunta kayo ngayon?" Paunang tanong nito saakin. Nakaharang ito sa may pintuan na para bang naniniguro na hindi ako makakapasok. Ilang sandali akong natigilan sa pagkagulat sa kilos nito.

"Ah-eh hindi. Isu surpresa ko sana ang asawa ko" bahagya akong ngumiti at marahang inangat ang dala dala kong tupperware para ipakita sakaniya. Tinaasan niya lang ako ng kilay na binalewala ko na lang. Mukhang may problema siya saakin.

"Wala hong time si sir para sa surpresa niyo. Masiyadong busy ang asawa niyo sa trabaho. Madami po kaming tinatapos na project so pwede po huwag ka ng mang istorbo?" Lalo pa nitong pinataas ang kilay. Napalunok ako at tumango tango na lang.

"G-ganun ba?"

"Hindi ba ho pwede na hintayin niyo na lang siya sa bahay niyo? Talagang susundan niyo pa dito" nasaktan ako ng konti sa sinabi ng sekretarya. Binulong niya pa ang huling sinabi pero narinig ko din naman. This is why I barely visit this place. No one likes me here and sometimes it hits me, the fact that I'm trying to fit in myself in Hilton's world.

His PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon