CHAPTER 34

117 4 4
                                    


Jollibee

Kinabukasan pumasok ako kahit sobrang antok ko pa. Sinabi nina mama kanina na umalis daw si Hilton kagabi pagkapasok ko sa kuwarto. Akala ko nga doon siya matutulog saamin. Ayos lang naman dahil baka mas hindi naging mapayapa ang tulog ko kung kinausap niya pa ako kagabi. I was so drained and exhausted yesterday. Nakakapagod magbiyahe ng malayo. After that ay hindi na muna ako magba-biyahe kung saan-saan dahil kawawa naman ang baby sa tummy ko.

Dumaan muna ako sa kusina at kumuha ng mga pagkain na pwedeng ibaon. Mabilis akong magutom kaya mas mabuting parati akong may baon kahit saan pumunta. Pumasok ng kusina si mama at nakita ako na namimili ng mga pagkain na kakalagay niya lang ata.

"Gusto mong lutuan kita?"

"Huwag na po mama. Snacks lang ibabaon ko. Doon na ako kakain ng tanghalian"

"Mag iingat ka" paalala pa ni mama nang magpaalam ako na aalis na.

"Opo" ngumiti ako at nagba-bye ulit sakaniya.

Mabuti naman at hindi masama ang araw ko ngayon. Hindi mabilis uminit ang ulo ko kahit na ang iingay ng mga bata sa room. Good mood siguro si baby. I'm just patiently explaining the English subject, the parts of speech so that we can proceed to making a sentence. Like on our previous discussion, some students find this easy but some are still struggling on.

I gave them activity, to label which parts of speech was used in the sentences. Habang naghihintay ay kumakain ako. Nagugutom na naman ako kahit nasa kalagitnaan ng pagtuturo.

Natanaw ko sa labas si Hilton na mukhang busy sa pagtatrabaho. Pabalik na ata siya ng site. He's wearing his usual head protection and he has a pen on his right hand. Not until there's a girl blocked his way and started making papansin. Bahagya akong lumapit sa pinto para sumilip ng maayos. Since I can't hear what they're talking about I have no choice but to just watch their body movement. Gusto kong lumapit at magpapansin din kaso may pasok pa ako. Baka pag may makakita saakin diyan ay napatawag pa ako sa principal's office.

"Are you done kids?"

"Yes ma'am"

"Who can write their answer on the board?" I waited someone to raise their hand until Ethan volunteered so I called him.

Sinulat niya ang kung anong sagot niya sa kaniyang notebook. He's just grade three but the cleanliness of his penmanship is unbelievable. When I was his age, I couldn't even read my own notes in my notebook.

"Very good, Ethan. Let's clap our hands for him"

Since may ibang nahihirapan ay nagbigay pa rin ako ng assignment para pag aralan nila sa bahay at mas maintindihan.

Break time na at alam kong may pagkain na akong dala pero ayokong manatili lang dito sa classroom. Gusto kong magpapansin ngayon. Kumuha muna ako ng orange at pinapak iyon bago lumabas ng room. Kumaway ako sa ibang estudyante from lower grades na nakakakilala saakin. They are all smiling and greeting me.

Naglakad ako papunta sa tinatayong building malapit sa CN. Abala ang mga construction workers sa pagpukpok at paghalo ng semento. Maingay sa part na ito at medyo mainit. Nasaan kaya yung engineer?

"Good morning, ma'am. Mainit diyan, baka mangitim ka" sabay kindat nung isang naghahalo ng semento. Ngumiti lang ako

"Hindi naman ako takot mangitim" sagot ko at sumilip ulit sa may kabilang side. Nasa akin na tuloy lahat ng atensyon ng mga manggagawa. Di ko pa rin nakikita yung pakay ko dito.

"Ang ganda talaga ni ma'am. Pahingi number mo"

"Sorry. I don't do text" I rejected them politely.

"Eh di fb mo na lang"

His PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon