CHAPTER 12

151 15 0
                                    

No matter..

Kinusot ko ang mga mata ko nang may tumama ng liwanag sa aking mukha. Napatingin ako labas at umaga na pala. Medyo masakit pa ang buong katawan ko pero kinailangan kong bumangon para maglinis ng katawan.

Sa sobrang pagod ko na kagabi ay nakalimutan ko ng maglinis bago matulog. Bakit naman kasi ako bumigay bigla sa Hilton Alexander na yun. Dapat galit ako at hindi ko dapat siya papansinin dahil sa mga sinabi niya saakin kahapon.

Masiyado ko atang na miss ang mga kamay niya. O sadyang magaling lang talaga siya dahil isang haplos niya lang ay limot ko kaagad na nagtatampo ako. Sabagay may kasalanan din naman ako. Pwede naman akong humindi kahapon kay Ricci. At pwedeng pwede ko naman siyang iignora na lang at huwag ng pansinin pero pinili ko pa rin na lumabas at sumama sa kaniya. Dininig ko lang naman kina Rebecca. Tama sila, may pinagsamahan din naman kami at marunong akong magpatawad. Hindi ako bato.

Pero dahil naging dahilan na naman yun ng pagtatampuhan namin ng asawa ko ay nagsisisi na tuloy ako. Sana hindi na lang ako sumama para hindi siya nagalit saakin.

Habang nagbibihis ako ay may biglang kumatok sa pintuan ng kuwarto. Naaalala kong nasa guestroom pala ako ngayon.

"Ma'am Rhein? Nandito ka po ba?" Si teddy. Binilisan ko ang pagbihis para makalabas ako kaagad.

Pinagbuksan ko siya ng pintuan habang nanunuklay ako. Nagtataka akong tiningnan ang taranta sa kaniyang mukha.

"Oh bakit?"

"Si Ricci po kasi nasa labas. Di ba ho yun yung ex niyo? Si sir naman ay umalis kanina pa papunta sa gym. Pero babalik na po yun kasi mag aalas otso na" natataranta niyang sabi. Siguro ay alam din nila kung ano ang ikinagalit kahapon ni Hilton.

"Sinong nagsabing ex ko yun? Wala akong ex"

"Siya po. Sabi niya palabasin daw kita kasi ex boyfriend mo siya"

Sa gulat ko sa sinabi niya ay dali dali akong bumaba para paalisin ang lintik na Ricci na yun. Nakakainis talaga. Sabi niya hindi na siya manggugulo dito kapag kinausap ko na. Heto na naman at kung anu ano ang sinasabi. Sumunod saakin si Teddy at inalalayan pa ako nang muntik na akong matapilok sa hagdan.

Kahit iika ika pa ako ay pinilit kong makarating sa may gate. Natanaw ko na doon ang nababaliw ng si Ricci. Wala pa naman si kuya Rodolfo ngayon kaya buwelo ito na manggulo sa labas. Nabuhayan ito nang makita akong palabas na

"Rhein. Sabi ko na hindi mo ako matitiis"

Saktong pagkalabas ko ay siyang pagdating naman ng kotse ni Hilton. Natigilan ako sa paglalakad. Lumabas ito ng kotse kahit hindi pa naipa park ng maayos ang sasakyan.

"What the hell are you doing here, Rivera?" He's wearing a sunglasses but he put it on top of his head so he could see Ricci properly. Kunot ang kaniyang noo na hinarap ang lalaking kanina pa sumisigaw dito sa harap ng gate namin. He glanced at me when he notice I'm standing near by the gate.

"Oh. Nandito na naman ang bossy mong asawa. Alam ba niyang nagkita tayo kahapon? Well hindi na ako magtataka kung nagalit na naman ito"

"Ricci. Lasing ka ba? Umuwi ka na nga" sigaw ko. Lumapit ako sa may gate pero senenyesan ako ni Hilton na huwag akong lalabas

"Stay there wife"

"No. Rhein, lumabas ka dito. I want to talk about us. Hindi na ba talaga natin maaayos ang tungkol satin? Are you going to choose your manipulative husband? Sakin hindi kita mamanipulahin. You're free to do what you want"

"Are you crazy Ricci?" Singhal ko. Gusto ko siyang malapitan para masampal at magising sa mga pinagsasabi niya. I don't know what is he up to. But if he only want to annoy my husband, well it's working. Hilton's annoyed face is visible right now. His jaw clenched and I just wish that his temper won't hurt this crazy guy.

His PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon