CHAPTER 9

154 24 1
                                    

The graduation

Malapit na ang graduation day namin pero hindi pa rin bumabalik ng Bicol si Hilton o kung may balak pa kaya siyang balikan ako. Hindi naman nga siya taga rito kaya bakit pa siya babalik kung tapos na ata yung project na ginagawa nila.

Sa bawat pagpatak ng oras ay hindi ko maiwasang mapatingin ng paulit ulit sa cellphone ko. Ilang araw na rin siyang walang paramdam sa text o tawag. Inihahanda ko na lamang ang sarili ko kung sasaktan niya na naman ako.

Kasalanan ko din naman ito. Alam kong walang kasiguruhan pero sumugal ako. Alam kong masasaktan lang ako pero sinubukan ko pa rin.

Ang assumera ko din kasi. Akala ko nasa loob ako ng mundo ng mga nababasa ko sa libro. Na may happy ending. Na ako din yung pipiliin. Maybe I just forgot that this isn't a fairytale.

Naging abala kami sa practice ng aming graduation at pag saulo ng kanta. Nililibang ko na lang ang sarili ko sa lahat ng mga ginagawa naming paghahanda. Mabuti na rin at nandiyan ang maiingay kong kaibigan. Hindi sila napapagod sa kakadakdak ng mga salita. Kahit na napapansin nila ang madalas kong pananahimik.

I am trying my best to enjoy the moment. I should be happy. This is my graduation day. This is what I've ever dreamed of. Makakapagtrabaho na ako. Makakatulong na ako sa mga magulang ko. Makakaluwas na rin ako ng Bicol. I wonder how would it feel like experiencing a new environment.

Lumipas pa ang mga araw ay lalo lang nito pinapaalala kung gaano ako kalungkot. Naiinggit na ako kina Tricia. They look so happy. Ang dami na nilang plano pagka graduate namin. Tapos ako eto, inaabala ang sarili sa pagmumukmok sa isang lalaki.

"If he really loves you, he'll comeback for your graduation. Pero dahil wala talagang pakialam ang lalaking yun, aba mag move on ka na. You're ruining the moment of your life"

"Kaya nga, Rhein. Ano ka ba huwag mong sayangin ang ganda mo sa lalaking yun. Marami ka pang makikilala after this. We're still young"

And as I expected ganito ang sasabihin ng mga kaibigan ko. Hindi naman talaga nila gusto para sakin si Hilton kasi alam nilang sasaktan lang nito ako.

In the middle of our conversation ay tumunog yung cellphone ko. Sabay sabay kaming napatingin doon dahil nasa ibabaw lang ito ng lamesa. Hilton's name flashed on my phone's screen.

"Huwag mong sasagutin"

"P-pero Rebecca, baka babalik na siya"

"Ganiyan ka ba talaga katanga sa kaniya? Kung babalik yan ay dapat nandito na siya sa Bicol. Pero hindi, ayan tumatawag. Para sabihing he can't make it. Gusto mo pa bang madagdagan yang sakit na nararamdaman mo? My god, Rheiniel"

Kaagad na pumatak ang isang butil ng luha ko. Pinunasan ko iyon. Si Rebecca ang masama ang tingin sakin samantalang si Tricia ay awa naman ang nakikita ko sa kaniyang mga mata.

Tumigil ang pag ring nito. Pero tumawag pa itong muli. Gustong gusto ko nang sagutin. Miss na miss ko na siya. "Will you stop crying? Hindi mo deserve ito. Hindi dapat ikaw ang nasasaktan. Eh tangina, siya unang lumapit sayo."

Lumapit si Tricia sa kinauupuan ko para haplusin ang likuran ko. Pinilit kong itigil na ang pagtulo ng mga luha pero peste, nakakainis. Napakahina ko talagang tao.

Tumigil ulit ang pagtawag. Akala ko ay titigil na pero maya maya ay tumunog ulit ito. It must be so important to tell me that he's not coming. Or should I say, he'll never comeback again.

"Ang kulit din naman ng isang ito. Ako na nito" gusto kong umalma nang damputin ni Rebecca ang cellphone ko at sinagot niya ito. Ni loud speaker niya yun para marinig namin.

His PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon