CHAPTER 16

110 3 1
                                    

Bicol

"Rene?" Gulat na gulat kina mama nang makita ako sa harap ng pintuan. Gusto kong umiyak at yakapin silang lahat pero pinigilan ko ang sarili ko. Ayokong malaman nila na nasasaktan ako ngayon. Paniguradong magagalit sila kay Hilton.

"Atee" ngumiti ako nang sinalubong ako ng yakap ni Mica at Jino. Ginulo ko ang buhok nilang pareho.

"Ang la-laki niyo na ah" nagni-ningning ang mga mata nilang nakatingin saakin. "Wala akong pasalubong. Mamamasyal na lang tayo mamaya" napatalon sila sa tuwa at halos higpitan pa ang yakap saakin bago ako pinakawalan.

"Bakit ka napauwi? Di mo kasama ang asawa mo?" Usisang tanong ni mama. Nilapitan ko sila ni papa sa inuupuan nilang sofa para magmano. Kakauwi lang ni papa galing ibang bansa. I hope I can convince him to stop working. He's getting old.

The reason why I was so eager to work even if I'm already married was to give them the life that they deserve, so they don't have to keep working to provide their needs. Ayokong nakikitang nahihirapan ang mga magulang ko.

"Gusto ko lang po sanang bumisita. Ilang taon akong nanatili sa Maynila" bumuntong hininga ako at naupo din. Pinanood ko ang mga kapatid ko na kunin ang dala dala kong mga bag para ilagay sa dati kong kwarto.

"Mabuti at pinayagan ka din ni Hilton. Kamusta naman ba ang buhay mo doon?" I took a deep breathe and control myself not to break down infront of them. Gusto kong magsumbong. Gusto kong sabihin sa kanila kung ano yung nararamdaman ko habang nananatili ako sa bahay namin ni Hilton. Gusto kong umiyak sa harapan nila at sabihin ang kung ano mang nasa loob ko ngayon.

Pero alam kong kapag ginawa ko iyon ay magagalit sila kay Hilton at babawiin nila ako. Sa dalawang taon naming pagsasama ay naramdaman ko din kung gaano ako minahal ng asawa ko.

"A-ayos naman po. Masaya pa rin kahit minsan may konting hindi pagkakaintindihan kami"

"Nakoo. Hindi na yan maaalis sa mag asawa. Mas marami pa ang pagdadaanan niyo sa mga susunod na taon niyong pagsasama" paalala pa ni mama at tumango tango ako. As if I didn't brace myself for this. I knew it from the first place that this would happen, but the love that I got for him pushed me to stay with him.

I helped my mom when she's preparing some food for me. Gusto niya nga akong pagpahingahin muna dahil galing pa lang ako sa biyahe, kaso mag-o-overthink lang ako ng kung anu-ano kapag napag isa ako. I need distraction.

"Huwag na kayong, mag emote diyan. Pupunta tayo ng mall, bibilhin natin ang gusto niyo" napalitan ng nakakahawang ngiti ang mga labi nina Jino at Mica. Nagtatampo kasi sila kasi ngayon na nga lang ako umuwi wala daw pasalubong. Kung alam lang nila ang nangyari saakin sa Manila bago bumiyahe papunta dito.

I miss this feeling. Being with my family and laughing with them again. Hanggang ngayon hindi ko pa rin maiwasan na magtaka kung, ano kaya ang naging buhay ko kung hindi ko tinanggap ang alok ni Hilton na magpakasal? Ano kaya yung buhay ko ngayon kung pinili ko muna ang pamilya ko?

Ang bata ko pa nung mag settle down ako. Dapat sa edad kong yun ay career ko ang iniisip ko at suportahan ang pamilya ko. Siguro kahit na walang sinabi noon si mama at papa sa naging desisyon ko ay na-disappoint ko sila. Wala rin akong pagkakaiba kay ate Cherry. Inuna ang lalaki bago pamilya.

Masaya kaming kumain ng sabay sabay nang matapos kaming magluto ni mama. Just like before, laging sabay sabay kumain at kung saan-saan napupunta ang usapan. Hindi kagaya sa bahay namin ni Hilton, laging mga kasambahay ang kasama ko kumain. Bihira lang makasabay ang asawa.

Alas tres ng hapon ay nagpaalam kami na lalabas muna. Tinawagan ko muna kina Rebecca at tinanong kung may gagawin, kahit meron ay go na go yung dalawa. I just wore a casual black spaghetti strap dress with my high heels on.

His PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon