PROLOGUE:

795 25 2
                                    

Research Paper

"You're an AB English student?" He looks shocked and confused.

"Oo bakit? May problema ka sa course ko?" Pinagtaasan ko siya ng kilay habang tinu tungga yung bagong salin na juice sa baso ko.

"Nothing. I just didn't hear about that course."

"Well. Hindi lahat ng bagay alam mo.— tekaa, hooy wala na bang juice diyan?"

"Sandali lang, madam rhein. Ang dami kasing alak pa juice juice ka pa diyan" si Ricci. Kaklase ko siya at kaibigan na din. Madalas kasi siyang sumama samin at dahil mabait siya ay may tiwala ako sa kaniya. Sumasama ako sa mga ganitong pagsasaya sa bar tuwing nandiyan siya.

"You entered a bar and you're just going to drink a juice? That's absurd" nilingon ko na naman ang lalaking kanina ko pa kausap dito.

"Strict ang parents ko. Sumama lang ako kasi baka tawagin na naman nila akong KJ. Eh bakit ikaw, Hilton, tama ba ako?"

"Yeah" he smiled and his dimple on his right cheek appeared.

"Oh eh bakit hindi ka din umiinom? In-invite ka dito ni sir Malate tapos nandito ka lang din sa gilid?"

"I have work tomorrow."

"Oo nga pala. Narinig ko sabi ni sir, may project ka dito sa Bicol. Engineer ka?"

"Nope. I'm a foreman" he's hiding his smile while saying that. Tiningnan ko siya na parang hindi maka paniwala.

"Talagaa? Sa guwapo mong yan. Mas mukha kang engineer" Nang ma realize ko yung sinabi ko ay napahawak ako sa bibig ko. Shet. Dapat sa isip ko lang yun sasabihin. Baka isipin niya tuloy na nagu-guwapuhan talaga ako sa kaniya.

"I'll take that as a compliment" ngumisi siya na parang nang aasar.

"Joke lang" tumawa ako ng peke kaya mas lalo akong nagmukhang tanga.

"Seems not" nag iwas ako sa kaniya ng tingin at buti na lang dumating si Ricci.

Haay. Muntik na akong tangayin ng mga mata ni Hilton. Bakit ko nga ba siya kaagad na nakapalagayan ng loob? Basta bigla na lang niya akong nilapitan kanina. Kasama siya ni sir Malate, propesor namin sa Language Research 2.

Niyaya kaming mag night out kasi first sem pa lang namin ay stress na kaagad. Ni wala ngang kinausap o tiningnan sa mga kaklase ko itong si Hilton nung dumating siya kanina. Kaya nagulat ako nang lumapit siya dito sa pwesto ko at nakipag feeling close.

"Ito na yung juice. Baka gusto mong dun na maupo sa table namin. Tara" ani Ricci. Sumulyap pa siya kay Hilton na biglang nanahimik. Papayag sana kaagad ako kaso mukhang ang rude ko naman kung tatalikuran ko lang si Hilton dito.

"Ah-eh. Okay lang ako dito" Sabi ko at sinulyapan ng tingin ang lalaking katabi ko. Nakatitig lang siya sakin habang nakahawak sa labi niya.

Lumunok ako bago bumaling ulit kay Ricci.

"Sigurado ka? Nagpapa-bola ka na ba diyan" Pabulong niyang sinabi yung panghuli

Natawa ako ng malakas at hinampas ko siya. "Siraulo. Hindi noh" konti lang. Natawa ako sa sariling naisip.

"Okay. Tawagin mo lang ako pag may kailangan ka"

"Oo salamat"

I cleared my throat while pouring juice on my glass.

"Gusto mo?" Nakangiti kong alok sa katabi ko.

"No, thank you" he smiled. Just watching me intently

"Alam mo bang nagpa party si sir para samin tsaka may kaibigan daw siyang darating galing Maynila? Tapos nakaupo ka lang diyan?"

His PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon