CHAPTER 33

154 2 4
                                    

Fine

Nanlaki ang mga mata ko at gusto kong maiyak sa narinig. This is unbelievable. How the hell did that happen? Sinadya ba ito ni Hilton na mabuntis ako? I didn't expect this to happen. Ilang beses akong uminom, inabuso ang katawan sa pagsusulat at hindi kumakain ng maayos. Tangina, ano na lang mangyayari sa bata na nasa sinapupunan ko? Hindi niya deserve ang nanay na kagaya ko. This is not the way how I planned it when I'm gonna have my own baby.

Sabi ko noon, aalagaan ko ang katawan ko kapag dumating yung time na buntis na ako sa first child ko. Not like this. Masiyado kong inabuso ang sarili ko. I hate myself for doing this to my own kid. Nakaka-konsensya.

Hanggang sa makauwi kami ay panay ang iyak ko. Tinanong ako nina mama at papa kung ayaw ko daw ba sa bata dahil sa kaiiyak ko pero sinabi kong gusto ko at masaya ako. Naaawa lang ako dahil hindi pa siya tao ay nasasaktan ko na. Do I really deserve this angel inside my tummy? Because I don't think so.

Nalaman ko na kina Becca ang sumugod saakin kanina sa hospital at tinawagan na lang kina mama. Kaya alam na din nila na buntis ako. Sila nga ata ang unang nasabihan ng doctor. Bibisita daw sila sa bahay kapag tapos na ang pasok nila ngayong araw. Sinabi ko na hindi na kailangan dahil kailangan din nilang magpahinga after class. Yung dalhin nila ako sa hospital kahit na mga busy silang dalawa ay sobrang na-appreciate ko na. Tsaka isa pa, magtatanong lang sila tungkol saamin ni Hilton.

Maski ako ay hindi ko alam kung ano kami. Kung mag asawa pa rin ba o magpa-process pa rin ng annulment. He's always kind and sweet to me but I don't know if there's anything going on between him and Kim. Because I don't want to oblige him to accept and support me on this. I've been away from him for far too long, and it's not new to me to stand again on my own. We both wanted whatever happened between us, I don't want to put the blame on him.

My mother told me earlier the reason why I fainted, it's because of exhaustion and starvation. I abused my body too much and the baby got affected by it. If only I can turn back the time and tell myself to figure out way earlier that I'm gonna get pregnant for having sex with Hilton twice. He didn't control his self every damn rounds. Since i can't change anything from what already happened, all I need to do is to do something good for my baby. I should get some good sleep and eat something healthy.

Hindi ako pinalabas ni mama at hinahatidan niya lang ako ng pagkain sa kuwarto. Paulit ulit kong sinasabi na ayos lang ang pakiramdam ko lalo pa't nilutuan ako ni mama ng masasarap at masustansiyang pagkain kaya bumalik na yung lakas ko. Buong araw pa rin akong pinagpahinga at hindi hinayaang umalis. Humingi ako ng tawad sa mga magulang ng klase ko at pinangako na papasok ako bukas. Hindi pa naman ako magfa-file ng leave dahil hindi pa malaki ang tiyan ko. Tsaka sabi ng doctor ay makapit daw ang baby at normal ang pagbubuntis ko. And I'm thankful for that.

Maaga akong nagising kinabukasan para kumain sa may fastfood malapit lang sa BU. Kagabi ko pa itong cravings at ngayon ko lang nasunod, hindi din naman kasi ako papayagan ni mama kahit na magpaalam ako kahapon. One more thing about why am I drowning myself in foods early in the morning is that, I just received a facebook chat from Kimberly and she's asking me about the process of my annulment with Hilton. I mean I knew that I asked for that, but who the hell does she think she is to ask me that question?

Sabi pa niya na she's aware daw na nakikipag annul na saakin ang asawa ko. Oo asawa ko pa rin yun. So all this time alam niya na ako ang babae sa buhay ng nilalandi niya ngayon tapos lapit siya ng lapit saakin. Imbis na hindi ko din alam ang tungkol sa gala nila ngayon ay sinabi niya din saakin kahit na hindi ako nagtatanong. At si Hilton Alexander daw ang date niya. Eh di sila na.

Habang pinapapak ko ang manok at nakakunot noong naga-scroll sa social media ko ay dumaan nga ang isang post ng Facebook page kung saan yung nangyayari ngayon sa gala sa Maynila, mga model ang mga naroon at may kaniya kaniyang partner or date. Nahagip ng camera kina Kim at si Hilton. May isang clip pa na tinatanong siya kung boyfriend niya daw ba ang kasama niya tapos para siyang tanga na pangiti ngiti lang sa camera, napaka feeling, akala mo sikat na celebrity. Bida-bida ang lintik kahit kailan. Oo o hindi lang naman ang isasagot, dami pang pa keme at pasikot sikot na sinasabi.

His PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon