CHAPTER 3

206 25 1
                                    

Ex

Napangiti ako sa tuwing naaalala ko na naman lahat ng yun. Pumikit ako para hilutin ang sentido ko. Sumasakit na ang mga mata ko. Kanina pa ako nakaharap sa laptop. Matatapos ko na pala at hindi ko na namamalayan ang oras.

"You're not yet done?" Naupo sa tabi ko ang lalaking pinakamamahal ko at kinabig ako palapit sa sa kaniya. Hinahaplos niya ang tiyan ko kaya nawala na yung mga idea na pumapasok sa utak ko. Shems. Dito siya magaling. Ang mang akit. Alam niya talaga kung paano kunin ang atensyon ko.

"Patapos na ako"

"Mamaya na niyan." Dahan dahan niyang hinalikan ang leeg ko habang ang haplos niya sa tiyan ko ay unti unti ng bumababa patungo sa mga hita ko. Nadadala na din ako kaya ni hindi ko naisip na nasa open space kami.

"Hilt—" he didn't let me speak when he covered my lips with his lips. He's so good at making me crazy to the point that I can't even think straight. I could feel his tongue inside my mouth. Roaming and owning it so ravishing. I'm holding tight into his arms and catching my breathe cause I'm getting weak. So fragile when it comes to him.

I saw in my peripheral vision that Ricci is watching us. Pakiramdam ko ay bumalik ako sa tamang pag iisip. Dahan dahan kong tinulak ang asawa ko. At mabilis na inayos ang damit ko pati ang buhok ko.

"We're in an open space" natatawa kong sabi sakaniya.

"Oh. I forgot" he chuckled as he runs his fingers through his hair. He bite his lips and smiles at me with his naughtiness. Damn those dimples. Doon ako unang na inlove sa kaniya.

Tsaka pa lang lumapit samin si Ricci. He cleared his throat before he sat down infront of us. He's avoiding my gaze. Siguro iniisip niyang sobrang wild ko ng babae. Pagdating lang naman kay Hilton. Sino bang hindi magiging wild sa lalaking ito.

"Ako na ng iba niyan, Rhein. Kanina ka pa siguro diyan" hindi makatingin samin si Ricci.

"Ito" inusog ko palapit sa kaniya ang laptop ni Madilyn. "Malapit naman na iyang matapos"

"Oo nga. Matatapos mo na ah."

"Can we go to our room?" Bulong sakin ni Hilton at mukhang narinig na naman ni Ricci. Nakatingin na siya saamin at masama ang tingin sa asawa ko. Gusto ko siyang sawayin kaso baka magalit, kanina pa siya ganyan makatingin.

Bago pa nga ako makasagot ay naunahan na ako ni Ricci.

"Darating na si sir Edu. Kakausapin nila tayong apat. Kasama niya pa ang ibang ka trabaho natin kaya hindi ka pa pwedeng umalis Rhein"

"Ah baka mamaya pa naman yun darating. Aakyat muna kami—" malumanay kong sagot pero kaagad niyang pinutol ang sasabihin ko.

"Malapit na daw sila. Mauupo ka lang diyan ng ilang minuto maya maya ay nandiyan na yun" Tiningnan ko si Ricci ngunit nasa laptop siya nakatingin. Bakas sa kaniyang mukha ang inis na hindi ko mahulaan kung saan nanggagaling.

"Ricci magpapahinga lang ako. Sumakit yung mga mata ko" malumanay pa rin ang boses ko. Bakit ba ayaw niyang intindihin yun?

"Pwede ka naman ditong magpahinga—"

"Which part of 'my wife wants to take a rest' you can't understand, Rivera?" Tumayo na si Hilton at ang galit at pagka pikon ay kitang kita sa kaniyang mukha. Napatayo na din ako para pumagitna sa sama nila ng tingin sa isa't isa.

Nang makita kong tumayo na din si Ricci ay sinubukan kong hilahin si Hilton palayo pero ni hindi ito nagpapatinag. Kung tutuusin sa laki ng katawan niya ay kayang kaya niya lang bitbitin si Ricci ngunit ayoko namang hintayin pang magkagulo sila dito.

His PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon