CHAPTER 11

142 17 0
                                    

Jealous

Nang makita ako ni Ricci na papalabas ay umayos siya ng tayo. Bahagya siyang lumayo sa naka park niyang sasakyan sa labas ng tarangkahan namin para lumapit sa gate kung nasaan ako. Nagdadalawang isip pa ako kung pagbubuksan ko siya. Mag isa pa naman ako sa bahay. Tsaka kapag nakita siya dito ni Hilton ay baka magkagulo pa.

"Bakit ka ba nandito? Umalis ka na" sigaw ko

"Mag usap naman tayo. Promise hindi na kita guguluhin pagkatapos nito"

"Ano bang pag uusapan natin?" Inis kong tanong

"I want us to be okay. I want to explain and say sorry. Alam kong galit ka sakin pero huwag mo sanang pagsisisihan na naging kaibigan mo ako" nagmakamakaawa ang kaniyang mukha. Hays. Ang galing niya talaga magpaawa.

"Mas kinampihan mo si Lexy kesa sakin"

"What? Hindi. Nagtatampo lang ako nun kasi naiinis ako sa asawa mo. Gusto ko nga sanang magpatulong kina Rebecca para kausapin ka pero sabi nila ay mas mabuting ako ang pumunta dito. That's why I'm doing this"

Napapikit ako sa inis. Bigla ngang nag text si Rebecca at Tricia na kausapin ko na daw si Ricci dahil may pinagsamahan din naman kami. Ayoko namang magmatigas. Sino ba naman ako para humindi.

Isa nga naman siya sa mga naging matalik kong kaibigan. Isa siya sa mga nandiyan para saakin noon kapag sobrang down ako. Napabuntong hininga ako habang binubuksan ang gate. Nagbago ang expression sa kaniyang mukha. Ngumiti siya nang lumapit ako sa puwesto niya.

"Sa ibang lugar tayo mag usap. Explain yourself briefly. Baka hanapin ako." Sabi ko habang pumapasok sa loob ng kaniyang sasakyan. I just decided all of a sudden, without thinking.

"Thank you" he answered happily

Isa ito sa mga problema sakin. Nahihirapan akong tumanggi. Kahit na sinaktan na ako. Lagi pa rin akong handang magpatawad. Deretso lang ang tingin ko pero nakikita ko sa gilid ng mga mata ko ang mga sulyap ni Ricci. Nailang ako bigla at pinagsisihan kung bakit ba ako sumama dito.

Naaalala ko pa na napag usapan din namin pala siya kani kanina lang. At hindi pa rin ako naniniwala sa mga theory nila na hindi daw kaibigan ang turing saakin ni Ricci even before. I know that's impossible. We were good friends. Siya ang unang naging kaibigan ko before Rebecca and Tricia. I only see him as a friend and he is to me.

There's nothing more. Lagi siyang nag aalala sakin. Ayaw niya din kay Hilton. Just like Rebecca and Tricia, nag aalala din na masasaktan ako. So i never doubted him that he feel something more than a friend. Nainis lang talaga ako dun sa ginawa niya sa Batangas. Parang ako pa yung masama. Pinabayaan niya pang mag away si Hilton at Edward.

Tumigil ang kaniyang sasakyan sa isang coffee shop. Pumasok kami at ayoko na nga sanang mag order pero nagpumilit pa ito.

"Speak" Hindi ko ginalaw ang inilapag niyang kape at cake sa harap ko. Pinagsalikop ko ang mga kamay ko at tumingin sa kaniya. Naghihintay ng kaniyang sasabihin.

"Nami miss na kita. Sabi nga ni sir Edu kung babalik ka pa daw ng trabaho ay welcome ka pa din. Pinagalitan din si Edward sa ginawa nito" iniisip ko pa lang na makikita ko ulit ang Edward na yun ay nag iinit na ang dugo mula sa ulo ko. Hindi ko makakalimutan na talagang binalikan niya pa ako at sinamantalang mag isa lang ako sa mall. Tapos naging dahilan pa yun ng pag aaway ulit namin ni Hilton.

"Hindi na ako babalik dun" biglang sumama ang kaniyang mukha sa sinabi ko. Nakakunot ang noo niya at inis na humarap sakin.

"Did you really just let your manipulative husband win again? Ayaw ka niyang magtrabaho diba? Ayaw ka niyang lumabas ng di siya kasama. Ayaw niya sa mga kaibigan mo. Hindi ka din ba niya pinapauwi ng Bicol? I never thought you'd come this far being strangled by a man" napanganga ako sa mga sinabi niya. Nang makabawi ako ay matalim ko siyang tiningnan.

His PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon