CHAPTER 20

122 3 1
                                    


Stock room

"Next day na yung meeting natin, Rheiniel" tumango ako kahit na abala sa pagche-check ng mga makakapal na documents sa mesa. Nakatayo si sir edu sa labas ng cubicle ko para i-inform ako about sa meeting. "It's lunch time"

"Oo nga po, nakalimutan ko na"

Nagpaalam ako na kakain muna sa baba ng building. Mag isa lang akong pumunta sa cafeteria habang ang ibang empleyado ay masasaya at maiingay na nag uusap usap. Nag order ako ng madalas kong i-order at naghanap ng mesang walang tao. Tahimik na kumakain kahit na natatanaw ko sa di kalayuan si Lexy at Madilyn. May pinag uusapan sila habang nakasunod ang tingin saakin. They're talking about me obviously.

I sighed and ignore them. We're too old to act like a child. Besides I'm here to make money not to waste my time to them.

Gustuhin ko mang umuwi ng Bicol matapos kong malaman ang kalagayan ng aking ama ay mas pinili kong lunukin ang pride ko at bumalik sa dating pinagtatrabahuhang kompanya ng mga Garcia, kung saan mataas ang pasahod saamin. I took it for granted cause I knew that sir edu will still accept me if I come back. I also got the news that Ricci already resigned after he got out from the hospital. Siguro that was the time nung suntukin siya ni Hilton dahil sa kakasigaw niya ng kung anu ano sa labas ng bahay namin.

Hindi ko na siya nakita after nun. Gusto ko sanang humingi ng paumanhin dahil sa ginawa ng asawa ko kahit na may kasalanan din siya at naiinis din ako sa kaniya ng mga oras na iyon dahil pinag awayan namin yun ni Hilton.

Ngayong bumalik ako sa trabaho dahil kailangang kailangang maoperahan si papa sa lalong madaling panahon. Kung sosobra nga sana ang pera ko ay dito ko siya nais dalhin sa Maynila para advance na ang mga teknolohiya. Sa Bicol kasi ay medyo kulang kulang pa sa mga kagamitan.

Mabuti na lang at madalas na wala sa bahay si Hilton para tapusin ang proyekto nila kasama si Julia. Kaya nakabalik kaagad ako sa kompanyang ito ng walang kahirap-hirap. Hindi din naman ako papayagan ni hilton kapag sinabi ko ito. Hindi ko din kaya sabihin ang lagay ng aking ama dahil paniguradong magvo-volunteer siya na magbibigay ng pera. Ayokong mangyari iyon. Malalaman at malalaman yun ng mama niya para tawagin akong nampepera sa anak niya.

Kaya ko pa naman kaya hindi na ako aasa sa asawa ko. Hindi ko na siya iistorbohin dahil may mas marami siyang iniisip at pinagkakaabalahan sa mga oras na ito. Hindi na ako hinahatid-sundo ni kuya rod dahil binilinan ito ni hilton na ihatid lang ako kung gusto ko. Since ayoko naman talagang laging may nakabuntot dahil magsusumbong ito kay Hilton ay pinili kong mag commute araw araw para pumunta ng trabaho.

Dinadahilan ko lang sa tuwing nagtatanong sila kung saan ako pumupunta ay may nahanap akong mapagkakaabalahan araw araw. Siguro iniisip na rin  nila na may trabaho ako at ayaw ko lang sabihin sa asawa ko. Naghahanap lang ako ng magandang tiyempo na sabihin din ito kay Hilton. Siguro kapag hindi na siya masiyadong busy, kapag tapos na nila ang ongoing project nila ngayon. Ayokong may tinatago ako sa kaniya. O kaya basta makapag padala na ako sa Bicol ay sasabihin ko kaagad sakaniya.

Ayoko lang din talaga kasing magpilit pa siyang i-offer ang pera niya. Pinangako ko sa sarili ko noon na ang huling bagay na gagawin ko kapag naging mag asawa kami ay ang manghingi sakaniya ng pera. Mukhang pera kasi ang tingin saakin ni tita Rosanna kaya ko daw pinakasalan kaagad ang anak niya. Siguro naman ngayon nabalitaan na niya na hindi ko kinukuha ang pera ng anak niya kahit na may karapatan na ako. Yung mga pinapadala ko noon kina mama ay galing pa sa pagtatrabaho ko bago at pagkatapos naming ikasal.

Sa sobrang pagod ko ay nag taxi na ako pauwi ng subdivision para deretso na ang biyahe. Dapat nga nagtitipid ako pero di ko na kaya. Pang ilang araw pa lang mula nung bumalik ako sa pagtatrabaho pero ramdam ko na ang pagod ng katawan ko.

His PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon