His Promises

By Rheiple

6.7K 395 49

She always wanted to have a simple life yet ended up marrying a wealthy engineer. She fell in love and her dr... More

PROLOGUE:
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
PROLOGUE
Hilton's POV

CHAPTER 19

116 2 0
By Rheiple

Sakit

"Hilton?" Where's he?

Gumalaw ako at napa 'aww' sa hapdi na naramdaman. Nabigla ata.

Nasaan ba ang lalaking yun? Pagkatapos akong akitin at angkinin, iiwan lang ako dito?

Sinilip ko ang katawan ko sa loob ng kumot at naka underwear lang ako. Nakatulog ako kaagad na hindi ko namalayan na nalagyan niya pa ako ng undies. Bumangon na ako at inabot ang oversized shirt sa may mesa para isuot.

Mabilis akong naglakad pababa ng hagdan, hindi na alintana ang sakit. Wala naman sa sala si Hilton. Sumilip ako sa labas at natanaw ko si mama na nagdidilig ng halaman at si Mica na nagwawalis sa bakuran.

"Mama!" tawag ko.

Lumingon naman ito saakin na naniningkit ang mga mata, dahil sa araw na unti unting tumataas.

"Si Hilton po?"

"Umuwi na atee" natatawang sagot ni Mica. Napanganga ako at parang nanlumo. Umuwi lang ng walang pasabi? Ang sama ng lalaking yun ah. Natawa din si mama nang makita ang pagsimangot ko kaagad.

"Nandiyan sa loob ang asawa mo. Di mo nakita?"

Kumunot ang noo ko at bumalik sa loob. Nakita ko si Hilton na nakasandal sa hamba ng pintuan ng kusina at nakahalukipkip habang nakangisi saakin.

"Looking for me huh"

God. Did I ever say how hot he is when he's topless while in the kitchen?

Nagpipigil ako ng ngiti na lumapit sa kaniya. Wala na akong pakialam kahit na para akong tanga ngayon sa harapan niya. He pulled me for a hug and a kiss on my forehead.

"Good morning, wife."

"Ang aga mo naman magising. Akala ko umalis ka na" kumalas ako sa pagkakayakap para tingnan kung anong ginagawa niya dito. He's cooking and preparing the table. Kung hindi ko lang alam na nagluluto talaga siya kahit sa Maynila ay iisipin ko na nagpapa impress lang siya dahil nandito kami sa Bicol.

"Hindi ako aalis ng wala ka. Anyway, call your mom and your sister, let's have our breakfast first" binitiwan niya ako at naglakad ako para tawagin kina mama at Mica.

Masaya kaming nagsalu salo ng almusal sa hapag. Si papa at si Jino lang ang wala dahil may importante daw itong pinuntahan ayon kay mama. Hindi na ako nag usisa at mas tinuon ang pansin sa masayang momentum na nangyayari saamin ngayon.

Tinatanong ni mama ng tungkol sa trabaho si hilton at magalang niya naman itong sinasagot. Habang kami ni Mica ay tahimik na nakikinig lamang. Tinitingnan lang ako ng kapatid ko at inaasar na kaya daw ako na-inlove dahil sa mga sinasabi ni Hilton.

Lumipas ang ilang oras ay nagpaalam kami na babalik na ng Maynila. Sakto rin na dumating si papa at Jino kaya nakapagpaalam din kami ng maayos. Pinaalalahanan pa kami ni mama na mag uusap sa tuwing may problema kaming dalawa, hindi yung ganito na maghahabulan pa bago magkabati. Natawa na lang ako at napailing naman si Hilton, namamanghang tumingin saakin na parang kasalanan ko ang lahat ng nangyari saaming dalawa.

Kinuha ni hilton sa kamay ko ang mga bag na dala dala ko at lumabas na kami. Inihatid pa kami nina mama sa labas habang kumakaway sila saamin. Nakakalungkot. I want to stay with them. Ang bigat bigat sa loob ko na iiwan ko na naman sila.

Sa sobrang arte ng lalaking ito ay mag-aantay daw kami ng taxi. Eh hindi naman uso yan dito saamin sa Albay. Kaya hinila ko na siya pasakay sa traysikel dahil hindi kami makakaalis kung maghahanap siya ng taxi. Ayaw niya pa nga sa bus. Pumayag na lang ako na sa Bicol International Airport kami pumunta.

Ang hirap talaga pag magkalayo ang estado niyo sa buhay. Hindi kayo nagkakaintindihan sa mga ganito kasimpleng bagay. Nag pa-book kami ng ticket at mabuti naman na ay may maga-flight kaagad.

Nakatulog ako sa biyahe at dahil mabilis lang sa eroplano ay ginising kaagad ako ni Hilton at sinabing nasa Manila na kami. Ang dali lang ah, kakapikit ko pa lang kanina narito na kaagad kami sa NAIA

Kinusot ko ang mga mata ko habang tinatamad na naglalakad palabas na ng airport. Hawak hawak ni Hilton ang kamay ko at sa kabilang kamay niya ang mga bagahe namin. Nakita namin si kuya Rodolfo na pa-pasalubong samin. Nang makalapit ito ay kinuha niya ang mga gamit namin. Naramdaman ko ang pagpisil pisil ng asawa ko sa kamay ko.

"Anyway, I forgot to ask you this morning but are you still sore?" Tanong niya habang pinagbubuksan ako ng pintuan sa backseat part. Pumasok din siya kaagad sa may kabila.

"Sore?" Nag loading pa ako sa tanong niya bigla at may naalala kaya napa 'oh' ako. "Oo konti"

"How 'konti'? Like, we can do it again later night?" Nagulat ako sa sinabi niya at nakaramdam ako ng init sa leeg at pisngi ko. Siguro namumula na ako ngayon. Asawa ko naman siya pero ugh hindi namin masiyadong pinag uusapan ang bagay na ito. Ginagawa lang namin.

"Bakit? Gusto mo pa?" Gusto kong matampal ang sarili sa naging tanong. Napaka bobo naman nun, rhein. I can feel how his body's shaking while laughing at my question. Nakasandal kasi ang baba niya sa may balikat ko habang nagtatanong ng kung anu-ano.

"Ofcourse. Kailan ba ako umayaw?" Kinabig niya ako palapit at hinalikan sa leeg. Pipikit na sana ako para hayaan siya nang mapatingin ako sa unahan. Nakatingin saamin si kuya rod mula sa rearview mirror. Muntik na akong mapamura nang ma realize na may kasama pala kami ngayon sa kotse.

Marahan kong tinulak si Hilton para patigilin. Bumulong ako na may kasama kami at nakatingin saamin ang driver niya.

"Do you have a problem, Rodolfo?" Pormal niyang tanong sa lalaking nagmamaneho.

"Wala ho sir. Namamangha lang po ako. Minsan lang kita makita na ganito" seryoso namang sagot ni kuya rod. Hindi ata siya sanay na ganito pala kalandi ang amo niya. Nasanay siya na lagi itong seryoso at utos ng utos lang sakaniya. Hindi naman kasi kami masiyadong sweet kapag nasa public, minsan lang kapag nasa mood.

"Now you know how this woman light up my dark life"

Pagkarating namin sa bahay ay nakaabang na doon si manang sabel at si Teddy. Kinumusta kaagad nila ako. Natuwa ako nang may pagkain na naghihintay sa mesa. Kaya love na love ko sila eh. Nagpaalam si Hilton na may aayusin muna sa opisina niya at hinayaan muna akong kumain sa hapag. Nalungkot ako na kakarating pa lang namin busy kaagad siya sa trabaho. Pero hinayaan ko na lang.

Kailangan kong maging mas maunawain ngayon. Sabi nga nung bruhang Julia, madami pa silang gagawin.

"Kamusta ang probinsya niyo?" Tanong ni manang habang ngumunguya ako. Mukhang na-miss niya nga ako dahil pinapanood niya ang bawat subo ko sa niluto niya para saakin.

"Maganda pa rin po." Ngumiti ako at naalala ang nangyari nung nakaraan. Lumunok muna ako at uminom ng gatas bago nagsalita ulit. "Pasensya na po pala manang sa nagawa ko nung nakaraang araw. Hindi po ako nag iisip bago gumawa ng desisyon. Nasanay na ako na nagpapadala lagi sa emosyon ko"

"Nakalipas na yun tsaka ayos naman na kayo ni sir. Pero hindi ko sasabihin na ayos lang yun dahil hindi, renyel. Dapat kinokompronta mo ang asawa mo kapag may problema ka sakaniya. Hindi yung mag iisip ka ng kung anu-ano na ikakasakit at ikakagalit mo" natamaan ako dun ah. Lagi naman kasi akong ganun.

"Kaya nga po eh. Pasensya na talaga" tipid akong ngumiti at sunod sunod na ang ginawang pagsubo. Nagpaalam din si manang dahil maglilinis pa daw siya sa likod bahay.

Habang naghuhugas ng plato matapos kumain ay nag iisip na naman ako ng maaari kong gawin. Wala akong mapaglilibangan ngayon. Di ko mayaya kina Trish kasi nasa Bicol pa sila. In-inform ko lang sila kaninang umaga through text na babalik na kami ng Maynila. Si Tricia nga lang yung nag reply. Galit ata saakin si Rebecca. Nako-konsensya din naman ako, dinadamay ko sila sa mga problema ko sa buhay. Dinamay ko silang umuwi dahil hindi kami okay ni Hilton. Tapos ngayon na ayos na naman kami, iniwan ko sila sa Bicol

Kahit siguro ako kay Becca ay magtatampo din ako. Sadyang mabait lang si Trish na hindi niya kayang magtanim ng sama ng loob saakin. I don't want to take that for granted but atleast there's nothing I have to worry with Trish.

Gusto kong tawagan si Becca pero baka i-reject niya lang. I decided to just leave her some voicemail and incase she's not mad anymore, she'll answer me back. I hate losing someone who's important to me. Lalo pa at alam kong kasalanan ko din.

'Hey. Are you still mad? Alam kong ayaw mo munang patawarin ko si Hilton. Pero Becca, mahal ko yun eh. The moment I saw him crying infront of me for being ruthless and impulsive wife, I was melted and I felt bad. I know you don't understand this feeling but someday I hope you will. That no matter how hurt you are, when you love that person, you will still forgive. I love you and Trish and I'm so sorry for being weak when it comes to him'

I sent it to her and put my mobile back to the table. Just when I thought I'm not getting any reply from her this day. But just almost an hour has passed, my phone beeped and saw her name that sent a voicemail too.

'I'm no against of being inlove, rhein. FYI, I know what love is. I do have an idea what that thing is. What I don't know is the stupidity, the innocence and the vulnerability you've got when it is Hilton Saavedra. Seriously, you haven't changed at all. Just one sorry from him then you forgot all the pain and misery he caused you. How can you tied up yourself to a man who did nothing but to trap and ignore you twenty-four seven?'

'You're young, Rheiniel Cordova, you didn't even make a name yet. I know you had so many dreams before him. I thought no man can ruin that. I know you have purpose in life. Not being his slave. Not being in that damn cage you calls home. Damn girl, figure out what your purpose. Chase it. Not with him. Don't give me that line, like I don't understand what you are feeling with him. I've been there, I've been inlove but I chose myself, I chose my dreams, I chose my family. Don't get me wrong, I'm still your friend. Just think'

I realized my tears are flowing to my cheeks as I listened to her. Nakaka-offend kasi natamaan ako sa lahat ng sinabi niya. I know most of it are true but I refuse to confirm it, I refuse to believe it. Bakit ba ganun ang tingin nila kay Hilton?

And my family, they deserve to be chosen too, just like what Rebecca and Tricia did. They deserve to be spoiled too like what they are doing with theirs. Samantalang ako, inuna ko- o my God. Hinahayaan ko ang sarili ko na magpaapekto kay Rebecca. Ginulo ko ang buhok ko at naglakad paakyat sa kuwarto.

Hindi ko pagsisisihan ang desisyon na tinahak ko at buhay na pinili ko. Bata pa ako noon pero kahit ngayon ay wala akong nakikitang mali sa pagpili ko kay Hilton.

Habang lumalalim ang mga iniisip ko ay tumunog muli ang cellphone ko. Akala ko may pahabol pa si Becca pero napapunas ako ng luha sa pisngi nang makitang tumatawag si mama. Kakaalis ko lang, mangangamusta kaagad siya. Lalo ko lang sila nitong namimiss. Tumikhim ako bago nilagay sa tenga ang telepono.

"Anak? Rheiniel?" May kakaibang kaba ang bumundol sa dibdib ko nang marinig ko ang natatakot at garalgal na boses ni mama. Napalunok ako at wala pa man naririnig kung bakit ay halos hindi ko na mahanap ang sariling boses.

"M-mama. Bakit po?"

"Ayaw ko sana kayong istorbohin. Pero h-hindi ko alam kung sino pa ang pagsasabihan ko" umiiyak na niyang sabi. Hindi na niya kinayang pigilan ang iyak na lumabas sa bibig niya.

Naririnig ko sa background ang boses ni Mica na tinatawag si papa habang umiiyak din. Oh God. What on earth is happening there?

"May sakit ang papa mo sa puso. Matagal na niya itong dinadamdam. Sabi ng doctor kailangan na nitong maoperahan kaagad dahil d-delikado na ang lagay. H-hindi ko alam ang gagawin ko"

Nang marinig ko iyon ay napaupo ako sa sahig. Para akong nawalan ng lakas sa narinig. All this time, habang nagtatrabaho si papa sa halip na ako ang bumubuhay sa kanila, may dinaramdam na siya at hindi sinasabi. Napahawak ako sa bibig ko at hindi na napigilang humagulhol. Sinisisi ang sarili.

Continue Reading

You'll Also Like

1.5M 38.3K 40
SPG-R18 (Series 5) Life is struggle for Shea to go through life after the death if her grandmother. But then he came, Kiel Sebastian, an oh so good...
169K 215 108
This story is not mine credits to the real owner. 🔞
382K 559 100
This story is not mine credits to the rightful owner. 🔞
1.7M 71.5K 46
"People really do wrong decisions when it comes to love. Nagiging matapang, minsan naman ay nagiging duwag. I kept on saying that I love him but I wa...