Don't Play With Fire (Publish...

By sweet_aria

4.6M 120K 11.9K

"She doesn't have a heart." Iyan ang pagkakakilala ng marami sa kanya. She can do everything - humiliate ever... More

Don't Play With Fire!
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue

Chapter 8

76.4K 2.1K 334
By sweet_aria

Chapter 8

Umupo ako sa upuan sa tapat ng kanyang table at kinalma ang sarili.

"Is it about science quiz bee again, sir?" Panimula ko. "Kasi-"

"It's not." Umupo siya sa swivel chair.

Kumunot ang aking noo.

Ibubuka ko pa lang ang bibig para magtanong muli ngunit naunahan niya ako. "Why are you with Altamirano? Is he courting you?" Diretso niyang tanong.

"No." Pagtanggi ko, nagtataka sa kanyang tanong. "We're just partners... in English."

Unti-unting sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi. Kumabog ang aking dibdib. Lumunok ako at kinuyom ang palad. Tumikhim siya at umikot.

Ngayong nasa likod ko na siya ay mas lumala ang halu-halong emosyon na naglalaro sa aking sistema.

"Have you eaten your breakfast?" Tanong niya.

"Yes, sir. Kumain na kami ni Altamirano-"

"Altamirano again." Pumunta siya sa aking harapan at kumunot ang noo. "Ano bang meron sa batang 'yun at laging bukambibig ng mga babae dito? At ... bakit pati ikaw?"

"Huh?"

Muli siyang tumalikod at hinaplos ang buhok.

"Goodness... I know it's wrong... it's wrong." Paulit-ulit niyang sabi.

"Sir, are you okay?"

Humarap siya sa akin. "No! Ang tagal na kitang binabantayan at ngayon lang ako kinabahan nang ganito!"

Bumilis ang tibok ng aking puso. Tama ba ang narinig ko?

Lumunok siya. Bumaba ang tingin ko sa kinuyom niyang mga palad. Hindi ako makagalaw sa kinauupuan.

"I'm scared, Tamiya. I'm scared to tell you my real feelings." Kinagat niya ang ibabang labi. "But... I can't hide this anymore. 1st year high school ka pa lang... gusto na kita."

Nagsquat siya sa tapat ko. Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong napalunok.

"I like you Tamiya..." He confessed.

Ibinuka ko ang bibig ngunit walang lumabas dito.

"I know that you're still young. That's why I told myself that I'll wait until you graduate." Dinala niya ang kamay sa aking pisngi. "I'm going to court you, Tamiya. Is it okay-"

"Nagbibiro ka ba?" Kinagat ko ang labi at nag-iwas ng tingin. "You're our teacher. It's unethical and unprofessional to hear something like this from you." Tinanggal ko ang kamay niya sa aking pisngi. "Sir... wag mo naman akong biruin." Nagpilit ako ng ngiti.

Tumayo ako.

Bago pa ako makahakbang ay muli siyang nagsalita. "I know it's unprofessional. It's forbidden. You are my student and I am your teacher. But it's what I feel Tamiya. I force myself to avoid you but every time you look at me, every time you smile at me, the feeling's getting worse." Hinawakan niya ang aking kamay.

Bumagsak ang tingin ko dito.

"I know how fast I am." Iniharap niya ako sa kanya. "But... I want to court you."

Ilang minuto akong hindi umimik. Nakatungo lang ako at pinakikiramdaman ang reaksyon ng aking dibdib.

Hanggang sa hindi ko na napigilan ang pagsilay ng ngiti sa aking labi. Marahan ko itong kinagat.

"Do what you want... sir." Napailing ako dahil sa salitang namutawi sa aking bibig.

Alam kong mali. Alam naming dalawa na hindi ito tama. Pero gawain ko ang gumawa nang ganito.

"See you in my class, Tamiya." Sabi niya pagkahatid sa akin sa labas ng kanyang opisina. Hindi mawala-wala ang ngiti sa kanyang labi.

Nakangisi akong pumasok sa room. Paupo na ako nang marinig ang pamilyar na pagtikhim.

"You look happy. Something happened?"

Tinaasan ko ng kilay si Altamirano. "None of your biz!"

Pumangalumbaba siya at umiling-iling. Tinitigan niya ako. Hindi ko na iyon pinag-ukulan ng pansin.

Hindi dumating ang teacher sa first subject. Isinasaksak ko sa tenga ang earphones nang biglang may sumipa sa paa ng aking upuan. Nang lingunin ko ang gumawa nito ay ang ngisi niya ang agad kong nakita.

"Let's finish our activity. Hindi ko kasi natapos kagabi." Aniya.

"Do you really have to kick my chair?" Inis kong tanong.

"Masyado kang masaya. Ayokong nakikita kang ganyan."

Uminit ang dugo ko. Tumayo siya at hinawakan ang aking braso. Hinatak niya ako palabas ng room.

"Bitawan mo nga ako!" Pilit akong kumawala sa kanya ngunit hindi niya iyon hinayaan.

Dinala niya ako sa garden ng school at hinigit ako paupo sa damuhan.

Tumayo ako. "Ano bang problema mo?! Akala ko ay natapos mo na kagabi?!" Ramdam ko ang mga nakuha kong atensyon.

"Sit, Dela Vega." Seryoso niyang utos.

"I'm not a dog!" Inirapan ko siya. "Ang kati kaya ng damo. Tapos pauupuin mo ako?"

"Hindi. Tutuwad ka dito." Humiga siya at umunan sa kanyang braso.

Padarag akong umupo. "Ouch!" Angal ko, napasama ng upo ko.

"Tanga eh." Tumawa siya at umiling. "Nag-iinarte pa, uupo rin pala."

"Anong sabi mo?" Nilingon ko siya.

"Ang tanga mo, sabi ko."

Binatukan ko siya nang malakas. Rumehistro ang inis sa mukha niya ngunit hindi na siya gumanti pa.

"Where are the materials?" Pansin ko nang hindi makita ang mga gamit. "Altamirano?"

Hindi niya ako pinansin. Pumikit siya.

"Nakakainis ka na talaga!"

"My pleasure to make you irritated." Sabi niya habang nakapikit.

Umirap ako at isinalpak muli ang earphones sa tenga. Nakinig ako ng music para na rin hindi marinig ang pagbubulungan ng mga tao tungkol sa akin.

Hinawakan niya ang aking kamay at malakas ang ginawang paghigit sa akin dahilan para mapahiga ako.

"Altamirano!"

"Shh. Kelan ka kaya tatahimik ano? Ang ingay mo... ang dami po kayang nag-aaral dito." Kinuha niya ang earphone na nasa kanang tenga ko at isinalpak sa kanya. Tumingin siya sa akin at ngumisi.

Umirap ako at ipinikit ang mga mata.

"Aayaw-ayaw pa, hihiga rin pala. Gusto rin pala akong makatabi."

"Shut up!" Angil ko.

"Shut me up using your lips..."

Napamulat ako at nilingon siya. Mas lalong lumaki ang kanyang ngisi.

"Shut up, will you?"

Hindi na siya tumugon at ipinagpasalamat ko iyon. Matagal akong nakapikit hanggang sa maramdaman ko ang kamay niya na gumapang sa akin. Pinagdaop niya ang mga ito.

"Wow... hindi inalis. You also like to hold hands with me?" Pang-aasar niya.

"Who told you that?" Tanong ko. "Gusto lang kitang pasayahin. Syempre, may gusto ka sa akin. Mga simpleng ganito ay alam kong ikatutuwa mo. Hindi mahirap na pagbigyan ang lalaking patay na patay sa akin, Altamirano."

Mahina siyang tumawa. Tumayo siya makaraan ang ilang minuto.

"Let's go. Time na para sa next subject."

"Okay."

Inalalayan niya ako at sabay kaming bumalik sa room. Pagpasok namin ay una kong napansin ang seryosong mukha ni sir.

"Where have you been... Altamirano and Dela Vega?"

"Sa heaven, sir." Nakangising tugon niya. "I always feel I'm in heaven whenever I'm with her."

"Yun oh!" Naghiyawan ang mga lalaki.

Inirapan ko sila at siniko siya.

Ngumisi siya at inakbayan ako. "'Wag kayong masyadong pahalata. You both look obvious. I'm just doing this for your own good." Bulong niya malapit sa tenga ko. Inalis niya ang braso sa akin at dumiretso sa kanyang upuan.

Bumuntong-hininga ako at tumungo na rin sa aking upuan.

"Kanina ka pa niya hinahanap."

Nilingon ko si Jemimah. Tumikhim ako at nagpilit ng ngiti. Hindi ako puwedeng magpahalata na alam ko kung sino ang tinutukoy niya.

"Who?"

"Sir Hajas." Makahulugan siyang tumitig sa akin.

"Baka may sasabihin tungkol sa quiz bee." Kibit-balikat ko at iniwas ang tingin.

Sa gilid ng aking mata ay nakita ko ang pagtango niya.

Nagsimula ang klase at hindi ko mapigil ang kilig sa tuwing tumitingin si sir sa akin. Hanggang sa matapos ang klase ay hindi mapawi ang ngiti ko.

Nagsilabasan sila. Inaayos ko ang aking gamit nang may maglagay ng malaking bote ng mogu-mogu sa aking desk. Inangat ko ang tingin at nagtama ang paningin naming dalawa.

"Wow, ang sweet naman!" Pang-aasar ko. Binuksan ko ito at uminom.

Tumalikod siya at tumungo palabas. Nilingon niya ako, seryoso pa rin ang mukha. "See you tom." Ngumisi siya. "Nandyan na si tanda. Mag-ingat kayo. Malaking eskandalo itong ginagawa ninyo."

Hindi na niya ako hinintay magsalita at umalis na. Naiwan akong mag-isa. Sila Jemimah at Camilla ay hindi ko alam kung saan pumunta. Nandito pa ang kanilang bag.

"Is someone going to take you home?"

Lumingon ako sa pintuan. Uminit ang pisngi ko nang makita si sir dito at titig na titig sa akin.

Naglakad siya palapit sa akin. Tumingin ako sa labas para siguraduhing walang iba ang makakakita sa amin.

May inilabas siya mula sa kanyang likuran. Namilog ang aking mga mata nang makita ang bouquet ng pink tulips.

"For my girl." Ngumiti siya at isinipit ang ilang hibla ng buhok na tumatakip sa aking mata.

Pinisil ko ang sariling kamay. "Sir naman..."

"Call me, Gio-"

"Ooops. SPG!"

Agad na humakbang palayo si sir. Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Altamirano sa may pinto. Muli kong binalingan si sir at nakita ang pamumutla ng kanyang mukha.

Nang ilipat kong muli ang tingin kay Altamirano ay may tinitignan siya sa labas.

"Shit!" Aniya.

Nagmamadali siyang tumakbo palapit sa akin at inagaw ang bulaklak. Tamang dating naman ng dalawang babae.

Ibinagsak niya ang bulaklak at bago pa makapasok sina Jem at Camilla ay pinag-aapakan na niya ito. Halata sa mukha niya na nag-eenjoy siya sa pagtalon-talon sa bulaklak.

Napalunok ako at bumaling kay sir.

"Tami..." Tawag ni Jemimah. "Fire?"

Umigting ang aking panga at si Altamirano ay biglang lumungkot ang mukha. Nilingon niya ang dalawa kong pinsan.

"Ganyan ba talaga ang ugali ng pinsan ninyo, Jem, Camilla? Matapos mong ibili ng bulaklak, ihahagis at tatapakan lang?" Tumungo siya at lumaylay ang balikat.

Mas lalong kumulo ang dugo ko nang mapagtanto ang ginagawa niya.

"Tamiya bakit mo naman ginawa iyon-"

"Wag kang mangialam, Camilla." Malamig kong sabi.

"O, wag na kayong mag-away." Pigil ni Jem. Lumapit siya kay Altamirano at tinapik ang balikat nito.

Napapikit ako sa inis. Hinawakan ni Jem ang braso ko at hinila ako palabas ng room.

"Sir, paano ba 'yan? Mukhang maiiwan na kayo dito."

Kumuyom ang aking kamay nang marinig ang mahinang tawa ni Altamirano. Napatigil ako sa paglalakad kaya ganoon din ang mga pinsan ko.

"Uuwi na rin ho ako." Mas lalong lumakas ang tawa niya. "Baka po gusto ninyong... ako na lang ang ihatid?"

Hinawakan ko ang braso ni Jem at ako na mismo ang humatak sa kanya paalis doon.

Shit ka, Altamirano!

Continue Reading

You'll Also Like

433K 9.8K 43
Silent Lips Series #2 ** Mula pa pagkabata ay magkaibigan na sina Natalie Marquez at Jasper Zee Valderama. Alam ni Natalie ang mga sikreto ni Jasper...
1.3M 54.7K 56
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...
2.8M 74.2K 42
AEGGIS Series #6 - August Yturralde - AEGGIS' Vocalist Perfection. Being a Montreal entails perfection. Mula sa perpektong grado hanggang sa perpek...
1.2M 25.3K 43
The Wattys 2019 Winner | Romance category Silent Lips Series #1 ** Zoey Grace Valderama is known to be the heiress of one of the richest magnates in...