Mafia's Doctor

By miraculousleigh_

19K 534 82

"This is what I want, love. Your attention." - Jake Alvin Montero is the Chief Executive Officer of JAM Corpo... More

Prologue
Mafia's Doctor: Kidnapped
Mafia's Doctor: Calm
Mafia's Doctor: Painting
Mafia's Doctor: A Beautiful Nightmare
Mafia's Doctor: Resignation
Mafia's Doctor: Ambushed
Mafia's Doctor: Clue
Mafia's Doctor: Another Clue
Mafia's Doctor: Dinner
Mafia's Doctor: Riana
Mafia's Doctor: Meeting his family
Mafia's Doctor: Dinner (2)
Mafia's Doctor: Jade was kidnapped
Mafia's Doctor: Jade's Kidnapper
Mafia's Doctor: Flashback
Mafia's Doctor: Flashback (2)
Mafia's Doctor: Reckless move
Mafia's Doctor: Eagledo
Mafia's Doctor: Confrontation
Mafia's Doctor: Last Clue
Mafia's Doctor: Rage
Mafia's Doctor: Jera
Mafia's Doctor: Deja Vu
Mafia's Doctor: Attacked
Mafia's Doctor: Revealed I
Mafia's Doctor: Revealed II
Mafia's Doctor: Report
Mafia's Doctor; Jealous who?
Mafia's Doctor: An Angel and A Sinner
Mafia's Doctor: Moments
Mafia's Doctor; Moments II
Mafia's Doctor: Inadvertently
Mafia's Doctor: Aftercare
Mafia's Doctor: Headquarters
Mafia's Doctor: Before New Year

Mafia's Doctor: Avow

319 9 14
By miraculousleigh_

Nadia's POV;

Puro kahihiyan na lang talaga ang nangyare sa akin buong araw! Baka mamaya may magawa na naman akong ikakahiya ko kaya nag-iingat ako ngayon. Sa tuwing lumalapit sa akin si Jake ay lumalayo ako sa kanya ng kaunti at napapansin ko din ang pagdilim ng mukha nito na para bang ayaw nito ang ginawa ko.

Tino-tour ako ngayon ni Cads. Yep, si Cads. His full name is Caden Fernandez, one of Mafia's distributor. Nagulat nga ako kanina nang makita ko siya sa labas ng office ni Jake since doon siya dumeretso kanina para pag-meeting-an ang hindi pag-sipot ng Chinese dealer. Papasok na din sana ako dahil sabi ni Jake sumunod ako pero hindi natuloy dahil nakita ko itong palabas ng kwarto.

Kasalukuyan kaming naglakakad dito sa balak kong puntahan nang ayain ko si Jake dito sa headquarter niya. Ang computer room.

Nilibot ang tingin ko sa kabuohan ng kwarto at halos kuminang ang mga mata ko dahil sa nakikita kong technologies. Major ko ang ICT noong nag-aaral pa lamang ako ng High School kaya alam ko ang pasikot sikot nito. Lihim naman akong napangisi habang pinagmamasdan ang mga taong naka-upo at nakaharap sa kaniya-kaniyang computer.

“What are you planning to, darling?” isang baritonong boses ang narinig ko mula sa likuran ko at sabay ang pag-hawak nito sa bewang ko. Hinapit nito ako palapit sa kaniya at naiwan si Cads na nakatulala sa aming dalawa.

“Let's start with hacking their systems, what do you think?” tiningala ako nito at nakitang nakayuko ito para tingnan ako, nakakunot ang noo nito.

“Why hack if we can destroy?” he impatiently said. I smirked.

“Bago natin sirain, bakit hindi muna tayo makipaglaro?” tumango nito at hinalikaan ang sentido ko.

“Do what you want, darling.” masuyo nitong saad. Ngumisi na naman ako at nilibot ang tingin sa paligid. Mas lalong lumawak ang ngisi ko habang iniisip ko na ang pag-bagsak nila Astra. Sisiguraduhin ko ’yon.

“Everyone!” tumigil ang lahat sa kani-kanilang ginawa dahil sa sigaw ni Jake. Tumayo naman ang mga ito at nagbigay galang sa pamamagitan ng pag-lagay ng kanilang kamao sa kanilang dibdib at marahang lumuhod. Tumayo naman sila agad para makinig sa utos ni Jake.

“MF1, Hack Theo Rodriguez's company's system. MF2, Hack Astra's organization's system. Report as soon as possible.” ma-otoridad na sigaw ni Jake. Seryoso namang tumango ang mga tauhan nito at mabilis na ginawa ang utos ng amo.

“Uh— Boss, aalis na po ako.” pag-paalam ni Cads na hindi ko namamalayang nandito pa pala sa tabi namin ni Jake. Hindi siya pinansin ng huli kaya naman ngumiti ako dito at tumango. Tumango naman ito pabalik sa akin na nakangiti pero mabilis na nawala nang samaan siya ng tingin ni Jake. Humigpit din ang kapit nito sa bewang ko.

Umikot ang mata ko dahil doon. Possessive. Ilang minuto naming pinagmamasdan ni Jake ang bawat galaw  ng kanyang tauhan habang nakatayo at nakayakap pa din ito sa bewang ko.

May lumapit na isang tauhan sa gawi namin na sa tingin ko ay isang lider dahil nag-mula pa ito sa unahang upuan.

“Boss, baka abutin ng isa o dalawang araw ang pag-pasok sa system nila Mr. Astra and Theo Rodriguez.” tumango naman si Jake at tumingin sa akin. Tumango naman ako sa kaniya at tumingin sa tauhan niya.

“Sabihan mo agad kami kapag tapos na.” sinulyapan lang ako nito at binalik ang tingin kay Jake. Automatikong tumaas ang kilay ko dahil sa ginawa nyang ’yon.

“Boss?” sumama ang timpla ni Jake marahil nakita nito ang ginawa nito sa akin.

“Darling, let's go?” kinagat ko naman ang pang-ibabang labi ko dahil sa lambing ng boses nito. Tumango naman ako at iniwan ang tauhan nitong binalewala lang ni Jake.

Habang naglalakad sa kung saan man ako dadalhin ni Jake ay nilibot ko ng tingin ang bawat pasilyong nadadaanan namin. Nangunot naman ang noo ko dahil palabas na ng underground headquarter ang pupuntahan namin.

“Saan ba tayo pupunta, Alvin?” hindi ko alam pero ang cute lang ng Alvin.

“Banaue Rice Terraces.” nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa sagot nya.

“Sige sige! Tara! Matagal ko ng gustong pumunta doon!” excited kong sigaw. Ako na mismo ang humila sa kaniya palabas ng underground headquarter at sumalubong sa amin ang isang helicopter.

“If we use a car, 2 - 3 hours pa ang ride but if we use a helicopter, 30 - 45 minutes lang ang byahe.” bago pa man ako mag-tanong ay nag-explain na ito. Tumango na lang ako dito at nanatiling nakatingin sa helicopter.

Excited na may halong kaba akong nararamdaman. Paanong walang kaba kung may fear of height ako? Wala pa man kami sa himpapawid ay nanginginig na ang kamay ko sa kaba.

Naglakad na kami papalapit sa helicopter at hindi maiwasang liparin ang buhok ko kaya pinagsama ko ito at nilagay sa loob ng likuran kong damit. Nang makapasok na kami sa loob ni Jake ay mas dumoble ang kaba ko lalo na't naghahanda na ang piloto paalis. Hinawakan naman ni Jake ang kamay ko. He caresses my hand with his thumb while smiling gently at me.

I looked into his eyes. He gently looked back at me and kissed my temple. Sa hindi malamang dahilan ay hindi ko naramdaman ang kaba at nakatitig lang ako sa kaniya. Hindi ko man lang napansin na kanina pa kaming nasa himpapawid.

I unconsciously looked outside. Wala akong naramdamang kaba dahil ramdam ko ang init ng kamay ni Jake sa kamay ko. Nilagay ni Jake ang kanang braso nito sa bewang ko habang nakahawak naman sa kamay ko ang kaliwang kamay. Wala sa oras na napangiti ako dahil doon.

Humigpit ang hawak ko sa kamay niya nang tangkain kong tingnan ang baba. May kaunting kaba pero gusto ko talagang makita. Hinaplos pa din ni Jake ang kamay ko na para bang sinasabi na nasa tabi ko lang ito.

Nakita ko ang mga matatayog na bundok, puro puno, bulaklak, mga kabahayan na nasa gilid lang ng bundok. Namangha naman ako sa nakikita ko na parang sa Baguio, ’yung sa pelikula ni Erich Gonzales na si Agatha? ’yung bahay na patong patong sa gilid.

Nakalimutan ko ang kabang naramdaman ko at namangha na lamang sa mga nakikita ko sa baba. Hindi ko namalayan na nasa Banaue Rice Terraces na kami kung hindi lang ako tinawag ni Jake.

Nangunot ang noo ko nang hindi bumaba ang helicopter at nanatiling nasa himpapawid lamang dahil hindi enough ang space para makababa. May bumabang hagdan para makarating kami sa baba.

Bumalik na naman ang kaba ko nang titigan ako ni Jake at sa titig palang niya ay alam ko na ang ipinaparating nito.

“Hush, darling. Walang mangyayare, hmm? I need to make sure your safety. Baka mamali ka ng bagsak mamaya.” imbes na makatulong ang sinabi niya ay mas lalo akong kinabahan. What if mali talaga ang bagsak ko? Hinalikan ni Jake ang sentido ko.

“At nandoon ako para saluhin ka.” hindi na ako nabigyan pa ng pagkakataon na mag-salita dahil umalis na ito sa tabi ko at nagsimulang bumaba.

Dumoble ang kaba ko sa isiping ako lang mag-isa dito sa himpapawid. Kung ano ano na ang naiisip ko na hindi nararapat at pilit sinisiksik na meron si Jake. Bumuga ako ng hangin para kahit papaano ay mabawasan ang kaba ko ngunit hindi ’yon nangyare.

“Love!” may narinig akong sigaw mula sa baba. Gustuhin ko mang sumilip pero nanatili ako sa kinauupuan ko. Takot na mahulog.

“Ma'am?” tila nabingi na ako dahil hindi ko narinig ang pagtawag sa akin ng piloto at nanginig na lang sa kaba.

Hindi ko na din napansin na tumaas pala ulit si Jake para tingnan ang nangyare sa akin.

“Do you have a rope?” tanong ni Jake sa piloto. May tinuro namang lalagyan ang piloto kay Jake at hinalungkat ito. Hinapit ako ni Jake palapit sa kaniya at tinali ang bewang ko kasama ang bewang niya. Pagkatapos nito ay dahan-dahan itong bumaba ng helicopter. Nasa magkabilang gilid ko ang braso niya para humawak sa tali ng hagdan pababa.

Jusmeyo!

Aksidente akong napatingin sa baba at napakurap naman ako dahil hindi ganoon kataas ang babagsakan namin kung sakali. Dahan-dahan lamang ang pagbaba ni Jake na para bang nagi-ingat.

Sinubukan ko namang hindi magpabigat at nang makababa na kami ay dali-daling tinanggal ni Jake ang tali sa bewang namin at hinarap ako para yakapin.

“I'm sorry. I'm sorry if I left you there. Hindi sana ako umalis, I'm sorry.” he sincerely said. Humigpit naman ang yakap nito sa akin. Dahan dahan naman akong tumango at niyakap siya pabalik. Hinahangin ang buhok namin dahil nasa taas pa namin ang helicopter at paalis pa lang.

Wala naman siyang kasalanan. Sadyang takot lang ako. Naalala ko naman na binalikan ako nito kanina kaya mas hinigpitan ko ang yakap dito. He caresses my back and it brings comfort to me.

Palubog na ang araw. Sumandal ako kay Jake habang nakayakap pa din sa isa't isa.

“You know what? I love sunsets.” napatingin ako kay Jake nang mag-salita ito. Nakatingin ito sa sunset kaya pinagmasdan ko ulit ito. Ang gandang tanawin lalo na't nandito kami sa taas ng bundok. Maganda din sa pakiramdam ang hangin.

Nang hindi ako nagsalita ay pinagpatuloy ni Jake ang sinabi niya, “It's because I've managed another day walking towards a new day despite of this war.”

Ngumiti naman ako sa sinabi niya.

“May sabi sabi na kung sino ang kasama mong manood ng sunset ay siya ang makakasama mo forever.” humagikhik naman ako dahil sa sinabi ko. Pumapasimple ka, Nadia! Ngumisi naman ito at hinalikan ang noo ko.

“Sana nga.”

Nanatili kaming ganon ang posisyon habang magkayakap. Lumubog na ang araw at ngayon ay tinatangka naming umakyat sa isang malaking bato.

Nauna ito umakyat at hinahawakan ang kamay ko para hindi mahulog. Pinaupo ako nito sa harap niya habang siya ay nasa likuran ko at nakabuka ang mga binti nito.

Nakatingin na lang kami sa kalangitan na puno ng kumikinang na bituin at ngayon ko lang napansin na full moon ngayon. Ang ganda.

“Ay ayaten ka.” nangunot ang noo ko sa sinabi nito. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil dito. Hindi ako sigurado sa narinig ko. Humigpit ang yakap nito sa bewang ko at sinubsob ang mukha sa leeg ko.

“Ay ayaten ka, mahal ko.” napasinghap naman ako dahil tama nga ang pandinig ko. Ramdam ko ang hininga nito sa leeg ko. Hindi ko alam ang sasabihin ko dahil napapangunahan ako ng hindi maipaliwanag na pakiramdam.

Alam ko ang ibig sabihin non. Napahawak ako sa braso nitong nasa bewang ko. Inalis ko ang pagkaka-subsob nito sa leeg ko at nilingon ito. Na-itanong ko sa kaniya ang madalas na tinatanong kapag may umaamin.

“Why?” tinitigan ko ito sa mga mata nitong sinserong nakatingin sa akin. Ngumiti naman ito at pinag-patong ang noo namin.

“No reason.” napasinghap na naman ako dahil sa sagot niya. Ang simple pero hindi na ako makahinga dahil sa puso kong hindi maayos ang pagtibok.

Pinikit ko ang mga mata ko dahil nag-uumpisa na naman ako mag-isip isip ng hindi dapat. Paano kung sinasabi niya lang ito dahil nakuha niya ako? Paano kung hindi ako ang para sa kaniya? Paano kung traydorin niya ako?

Isang halik sa noo ko ang nagpabalik sa akin sa wisyo. Napamulat ako ng mga mata at pinagmasdan si Jake. Ngumiti naman ito sa akin.

“It's okay if we are not on the same page. I'll wait.” he softly said.

Marami na kaming pinag-daanan. Why not take a risk for this we called love? Hinawakan ko ang pisngi niya at ngumiti. Umamin siya sa ilalim ng buwan at bituin. Umamin siya ng kanyang nararamdaman sa ilalim ng kalawakan.

“Ay ayaten ka met lang, lakay ko. Haan ka ag uray ket nasa iisa lang tayong pahina.”

Nanatili siyang nakatitig sa akin na para bang pinoproseso pa ang sinabi ko. Ang kaniyang naka-awang na labi ay dahan-dahang ngumiti.

“Really?” bakas sa mukha at boses nito ang kasiyahan sa sinabi ko. Malaki din ang ngiti nito kaya tumango ako.

“Yes! Yes! Yes!” sigaw ni Jake. Hinarap ako ni Jake sa kaniya at niyakap ako ng mahigpit. Natawa naman ako ng mahina at niyakap siya pabalik.

“I love you, darling.” he sweetly said while kissing my temple.

“I love you, love.” I replied while smiling.

With the war we have, we pick this time to fall in love.

Continue Reading

You'll Also Like

56.6M 1.2M 127
Mikazuki convinces Bullet to meet his birth parents after being taken away by the former leader of the most powerful mafia group, Black Organization...
7M 236K 50
Erityian Tribes Series, Book #4 || Taking spying to an extraordinary level.
14.3M 435K 67
Highest Rank Reached in Action Category: Rank #1 Her innocence. Their violence. How come a weak and innocent girl manage to enter the academy. Except...
6.5M 330K 99
Carnelia Manelli, isang anak ng Major General ng military at sikat na Fashion Designer na sina Jared at Kacey Manelli. Dahil dito, hindi naging madal...