Letth's POV
Nagpaiwan ako sa room dahil wala din naman akong kasabay. Kumuha ako ng notebook sa bag at nagdrawing.
Naramdaman kong may pumasok sa loob, pero hindi ko nalang pinansin.
"Ano yan?" Napa-angat ako ng tingin ng marinig ko ang boses ni Dendo. Yeah, kahit mahirap tanggapin, close na kami. Hindi naman siya ganun kahirap pakisamahan. Pwede na.
"Drawing, i guess?" Narinig ko namang nag-chuckles siya. Buti pa chuckles niya ang sexy pakinggan. Wait, sinabi ko bang sexy? Nah, erase.
"Pilosopa." Umupo siya sa vacant seat sa tabi ko at pinanuod ako habang nagdadrawing.
Aish, naiilang ako. Tiniklop ko na yung notebook at tinago sa bag.
"Bakit?" Tanong niya sakin. Umiling lang ako at nagsoundtrip.
"Bat ka ba andito?"
"Kasi andito ka." Eto na naman siya, nang-aasar na naman. Tsk
"Seryoso ako. Sumagot ka nga ng maayos."
Ngumiti lang sya sakin at sumandal sa balikat ko. Sanay na ko jan, pag napagod mang-asar, bigla bigla nalang sasandal sa likod ko.
"Inaantok ako. Wag ka munang maingay." At aba? Inutusan pa ko. Tsk
"Umuwi kana kung inaantok ka." Hindi siya sumagot. Psh, famous eh.
Kinuha ko yung phone ko at pinatay ang tugtog. Pumunta ako sa camera at nagselfie.
"Aish." Paano ako makakapagselfie eh may unggoy sa balikat ko.
Tinago ko nalang yung phone ko at nag-isip nang magandang gagawin.
"Den—" Nakita ko sa may pintuan si Christina.
Ngumiti ako sa kanya at ngumiti din siya. Maya maya lang pumasok na siya sa loob.
"Bakit?" Tanong ko sa kanya. Umiling lang siya at tumingin kay Dendo.
Tama nga kaya kutob ko na may gusto siya kay Dendo? Di ko rin naman siya masisisi, gwapo at mabait din naman tong unggoy na to kahit papano.
"Kanina pa siya tulog?"
"Ngayon ngayon lang. Pagod ata. Gisingin mo nalang, wala pa sa kalahati panaginip niyan." Tumawa naman si Christina.
Hindi naman ako manhid no, nararamdaman kong nasasaktan siya pag nakikita kaming mag-kasama ni Dendo. Kahit naman gustuhin kong lumayo, etong unggoy na to susunod at susunod parin sakin.
"Dendo." Tapik ko sa mukha niya. Minulat niya naman agad mata niya.
Nakatulog nga siya, halata sa mata. Akala ko naman nagjojoke lang.
"Ah Dends, hehe naistorbo ba kita?" Umiling lang si Dendo at ngumiti. Psh, smiley face as ever. Di ko pa ata to nakitang nakasimangot.
"Bakit?" Malumanay na sagot ni Dendo habang pinipilit na idilat ng malaki yung mata niya.
"Ah kasi.." Tumingin sakin si Tinay at parang nag-eexcuse. Ah, baka private pag-uusapan nila.
"Sige, labas muna ko." Paalam ko sa kanilang dalawa. Kinuha ko na yung bag ko at lumabas.
Ayoko din namang makaistorbo, moment na nila yun.
Habang naglalakad ako sa daan nakita ko si Ralph at Kryshna sa hallway na naghaharutan. Psh, batukan ko kaya tong si Ralph nang maalala niyang may Kyna na umaasa.
Nilagpasan ko lang sila at di pinansin. Nang mapadaan naman ako sa room nila kate, napansin kong bagot na bagot na siya. Si Justin Chang ba yung katabi niya? Crush ko yan eh. Kidding tss
"Letth." Nilingon ko yung tumawag sakin at nakita ko si Kyna. So kilala niya pa pala ako?
Tumalikod lang ako at dire-diretsong naglakad. Magsama sama sila nila Jam, tutal hindi naman nila ko naiintindihan.
"Letth, wait." Hinawakan niya kamay ko pero tinitigan ko lang yun. "Sorry.." Sabay bitaw niya sa kamay ko. Tatalikod na sana ako ng magsalita na naman siya.
"Ganyan kana ba katigas Letth?" Ako? Matigas? Nagpapatawa ba siya. "Bakit ayaw mong makinig sa explanation ni Jam? Bakit sarili mo lang iniiisip mo? Paano naman si Jam na bestfriend mo?"
Humarap ako sa kanya at tinaasan siya ng kilay.
"Matigas? Ako ba o kayo? For your information Kyna, wala kang alam. Oo sige, alam mo yung side niya, eh yung side ko? Alam mo ba ha?" Lumapit siya sakin pero hinarangan ko lang siya. "Don't."
"Letth naman. Ang gusto ko lang naman maging okay na kayo." Tingin ba niya ganun lang kadali yun? Oo, sige. Alam ko namang may kasalanan ako kasi hindi ko inalam yung side niya pero masisisi niyo ba ko? Masisisi niyo ba ko kung sobrang nasasaktan ako?
Mahal ng bestfriend ko ang mahal ko, at hindi ako gago para hindi malamang mahal din ng mahal ko ang bestfriend ko! Nyeta, sino mas lugi samin? Diba ako?! Tapos lahat sila si Jam lang iniisip, paano naman ako?
"Maging okay na kami? Ha ha, hindi ganun kadali yun Kyna. Wala kang alam sa nararamdaman ko so back off. Hindi kita kailangan." Umalis na ko dun at iniwan si Kyna.
As long as kaya kong pigilan na wag umiyak gagawin ko. Hindi ko sasayangin luha ko sa kanila. Hindi ko naman sila kailangan.
Habang naglalakad ako nakita ko si Penyx at Kenny na nag-uusap sa may cafeteria. Iniwas ko agad ang tingin ko nang mapalingon sakin si Penyx.
Wala na yung pagbilis ng tibok ng puso ko, galit nalang ata meron. Alam niyang mahal ko siya pero bakit niya minahal bestfriend ko? Ay mali, si Jam pala.
Wala na nga pala akong bestfriend.
Pumunta ako sa gazebo at naupo. Gusto kong lumayo sa mga tao, ayoko ng kausap.
"Lonely girl." Sabi ko diba ayoko ng kausap? Tiningnan ko ng masama si Jm.
Natutuwa ako kasi kahit papano bumabait na siya sakin. Nakakausap ko na siya ng matino at mahaba-haba kahit na minsan di maiwasang mabara ako. Pero may times na ayoko siyang kausap, lalo na pag inatake na siya ng kamanyakan niya.
Nung mga panahong wala akong makausap at nagmumukmok ako sa bahay, siya lang talaga yung pinagtatyagaan ko kahit na puro pang-aasar lang ginagawa niya.
"Ayoko muna ng kausap."
"Sino ba nagsabing kakausapin kita?" Kita niyo na? Tss.
"Bwiset ka talaga Jm." Hulaan ko sasabihin niyan.
'Gwapo lang'
"Gwapo lang." Oh diba? Puro hangin nasa katawan niya eh, kaya pagpasensyahan niyo na.
"Ge." Nanahimik lang siya sa tabi ko. Nakakapagtaka.
Nilingon ko siya at napansin kong tinititigan niya ko. Psh
"Titig pa. Ganda ko eh." Nag-smirk naman siya tapos tumawa ng mahina.
"Ang assuming mo parin pala." Inirapan ko lang siya at hindi na nagsalita. Ayoko nga kasi ng kausap!
Humangin nang malakas kaya naamoy ko yung pabango ni Jm. Shit, bat ganun? Bat ang bango!
"Pabango mo?" Tinaasan niya lang ako ng kilay na parang nagtataka kung ano ang sinasabi ko. Slowpoke. "Sabi ko, pabango mo ba yun?"
"Linawin mo kasi. Hindi, baka sa poste." Ang sarap sarap talaga kausap ni Jm! Nakakaiyak.
"Bwiset ka talaga! Umayos ka nga, kita mong seryoso ako eh." Ngumiti lang siya sakin. Yeah, ngumingiti na siya sakin. Nakakapanibago diba? Pero ewan ko ba, ang wierd talaga ng ugali niya. Ang hirap intindihin.
Akala ko dati moody lang talaga siya. Akala ko pakitang tao lang lahat tss. Pero sabi niya mabait lang daw talaga siya sa mga may gusto sa kanya. Sabi niya pa nga sakin kung gusto ko daw maging mabait siya, dapat sabihin kong crush ko siya. Tss, asa.
Nalaman ko ding suplado pala talaga siya at mahilig mang-asar. Yeah, pervert din tss. Tama nga mga sinabi ni Kyna.
"Ano ba kasing problema mo at nag-iisa ka dito?"
"Pag mag-isa may problema agad? Di ba pwedeng nagpapahangin lang?" Ayon! Nakabawi ako! Hahaha.
"Pag nagpahangin kailangan mag-isa lang? Anong drama mo?" Sabi ko nga walang makakatalo kay Jm. Jm yan eh tss.
"Psh, wala nga. Ayoko lang ng kausap."
"Bat mo ko kinakausap?" Sinamaan ko lang siya ng tingin.
Pag ganitong seryoso ako nako. Makakasapak talaga ako.
"Isa ha. Di ako natutuwa." Inirapan ko lang siya at huminga ng malalim.
"Pasayahin kita gusto mo?" Agad naman akong kinilabutan sa sinabi niya. Kingina, yung boses niya kasi. Nakakadala, ang hot pakingg— Wala, sabi ko wala. "Ayan na naman yung utak mong green." Wow, nahiya ako sa utak niyang pink.
"Leche ka talaga, gago." Iniwan ko na siya dun at naglakad ng mabilis.
Akala ko pa naman may makakausap na kong matino pero wala pala. Nakakainis talaga tong si Jm eh. Paasa! What i mean is, paasa siya kasi akala ko makakausap ko na siya nang matino, hindi pala.
So bakit ako nag eexplain sa inyo? Duh! Bahala kayo kung anong gusto niyong isipin, basta wala akong ginagawang masama. Tss