Mafia's Doctor

By miraculousleigh_

21.6K 600 85

"This is what I want, love. Your attention." - Jake Alvin Montero is the Chief Executive Officer of JAM Corpo... More

Prologue
Mafia's Doctor: Kidnapped
Mafia's Doctor: Calm
Mafia's Doctor: Painting
Mafia's Doctor: A Beautiful Nightmare
Mafia's Doctor: Resignation
Mafia's Doctor: Ambushed
Mafia's Doctor: Clue
Mafia's Doctor: Another Clue
Mafia's Doctor: Dinner
Mafia's Doctor: Riana
Mafia's Doctor: Meeting his family
Mafia's Doctor: Dinner (2)
Mafia's Doctor: Jade was kidnapped
Mafia's Doctor: Jade's Kidnapper
Mafia's Doctor: Flashback
Mafia's Doctor: Flashback (2)
Mafia's Doctor: Reckless move
Mafia's Doctor: Eagledo
Mafia's Doctor: Confrontation
Mafia's Doctor: Last Clue
Mafia's Doctor: Rage
Mafia's Doctor: Jera
Mafia's Doctor: Attacked
Mafia's Doctor: Revealed I
Mafia's Doctor: Revealed II
Mafia's Doctor: Report
Mafia's Doctor; Jealous who?
Mafia's Doctor: An Angel and A Sinner
Mafia's Doctor: Moments
Mafia's Doctor; Moments II
Mafia's Doctor: Inadvertently
Mafia's Doctor: Aftercare
Mafia's Doctor: Headquarters
Mafia's Doctor: Avow
Mafia's Doctor: Before New Year

Mafia's Doctor: Deja Vu

424 12 6
By miraculousleigh_

Nadia's POV;

Pagkababa ni Jake sa akin sa kaniyang kama ay saktong may tumawag sa kaniya kaya nag-paalam muna ito sa akin na aalis muna at sinagot ka na lang ito ng tango. Kalalabas ko lang hospital at nanatili kami doon ng halos dalawang linggo.

Kung hindi ko lang kinulit si Jake na ayos na ang pakiramdam ko ay malamang naroroon pa din ako. Sa ngayon ay iniisip ko pa din ang narinig ko kay Jake kanina habang may kausap sa cellphone.

Tatawagin ko sana ito dahil gusto kong magpatulong na ipunta ako sa comfort room na nasa gilid lang ng kwarto ko nang mapalakas ang boses ni Jake na nang-gagaling sa labas.

“Find him!” nangunot ang noo ko dahil doon. Halata sa boses nito ang galit kaya naman hindi na ako nag-abalang tawagin siya baka sa akin mabaling ang galit nito.

Sino ba ang pinapahanap nito? Bakit ganon na lang ang galit niya? Napa-iling na lang ako dahil wala ako sa pwesto para makialam pa.

Napahawak ako sa mukha ko na wala ng benda. Inalis ito kahapon pero may visible pa din na sugat sugat sa mukha ko at  hindi pa inaalis ang benda sa leeg ko. Naka-cast pa din ang paa ko. Hindi na din gaano kasakit kapag nagsasalita ako dahil medyo gumaling na ang sugat ko sa leeg pero kailangang limitahan dahil posibleng bumukas ito.

Napabuga na lang ako ng hangin dahil sa hindi malamang dahilan ay bumigat ang pakiramdam ko. Bumukas ang pinto at niluwa nito si Jake na katulad dati ay may galit na namang ekspresyon sa mukha nito.

Lumambot lamang ito nang makita akong nakatingin sa kaniya kaya naman ngumiti ako dito. Naglakad naman ito palapit sa akin at padapang humiga sa tabi ko, nag-landing naman ang kamay nito sa bewang ko na hinayaan ko naman.

Mukhang pagod si Jake simula pa nong nagising ako pero ngayon fresh na ulit.

“What's bothering you, darling?” his voice sounds concerned.

“Sino pinapahanap mo?” direct to the point kong tanong. Curious talaga ako. Sinabi ko kanina na wala ako sa pwesto para makialam pero nilalamon ng kuryosidad ang isip ko.

“The taxi driver.” maikling saad nito.

“By the way, someone's here, downstairs and she's claiming that she's your friend.” pag-bubukas nito ng ibang topic. Nangunot ang noo ko sa sinabi nito.

“Name?” he licked his bottom lip and looked at me, intently.

“Marian and Nihan.” mas lalong nangunot ang noo ko dahil sa binanggit nitong pangalan.

“I know them.” simpleng saad ko. Tumango naman ito at tumayo. Tinapat nito ang bibig sa may intercom bago nag-salita.

“Let them in.” malamig nitong saad. Umupo na lang ito sa gilid ko at namayani sa amin ang katahimikan. Hindi tumagal ay bumukas ang pinto at niluwa sila Marian at Nihan kasama ang dalawang katulong na mukhang ginabayan sila papunta dito sa silid.

Narinig ko namang nagpasalamat si Marian sa katulong na tumango lamang bago umalis.

Nakita ko namang nakatingin sila kay Jake na walang pake sa pagilid at pinag-lalaruan na naman ang kamay ko. Nakuha ko naman agad ang ibig nilang ipahiwatig kaya naman binawi ko kay Jake ang kamay ko na ikina-tingin nito sa akin habang nakakunot ang noo.

“Mag-uusap lang kami.” mahinhin kong pagkasabi. Nakita ko namang kinagat nito ang pang-ibabang labi at iniiwasang ngumuso sa harap ko na ikinangiti ko.

“Sige na. Saglit lang naman.” he nodded like a kid, throwing glares to my friends.

“I'll wait.” hanggang sa pag-labas nito ay sinamaan nito ng tingin sila Nihan kaya pagsara ng pinto ay humalakhak ako dahil kahit anong pag-sama ng tingin ni Jake ay mukhang walang pake sila Nihan at tinarayan din ito.

“Gaga, tawa tawa ka diyan.” ani ni Nihan na umupo sa kaliwa ko at si Marian naman ay humiga sa kanang bahagi ng kama ko.

I chuckled and looks at Marian, “Ano pinunta niyo?”

“We know na.” sumeryoso ang mukha ko dahil sa narinig.

“Gusto niyang ma-aksidente ka para makagalaw ng malaya.” sabi ni Nihan na seryosong nakatitig sa leeg ko.

“May chip din na nilagay ang doctor sa'yo habang tulog ka.” dugtong nito habang hindi inaalis ang tingin sa leeg ko.

“What chip?” napahawak ako sa leeg ko na may malaking hiwa.

“Gusto nilang i-monitor ang bawat galaw mo but no worries, tinanggal na ni Marian.” napakagat ako sa labi ko at napabuga ng hangin. Masyado na akong napapabaya at namumuhay ng normal.

“Ayon lang ang pinunta namin dito, aalis na kami.” tumayo na silang dalawa at nag-ayos.

“Sige, mag-iingat kayo.” tumango lamang sila at lumabas na. I carefully caressed my neck. Kailangan ko na talaga mag-ingat lalo na't may iba atang nakikisawsaw sa laban ng iba.

“So… are they a member of your organization or should I say…  assassination?” napabaling ang tingin ko sa may pinto ng marinig na baritonong tinig.

Nakita ko si Jake na papalapit sa akin at umupo sa bandang gilid ko.

Tumango naman ako, “Yes, they are.” Alam naman na nito kung sino ako kaya wala na akong is-sikreto pa sa kaniya bukod sa isa.

He nodded and caresses my hair, “It's time to sleep, darling.”

Napatingin ako sa orasan sa gilid ng kama at nakitang magna-nine o'clock na. Ngumiti naman ako dito at tumango.

“Ikaw din.” tinulungan naman ako nitong i-higa at nilagyan nito ang unang ang magkabilang gilid ko pati na din sa paa-nan ko. Siya na din ang nag-kumot sa akin.

“Babantayan muna kita.” natigilan naman ako sa sinabi nito. Ganito ’yon… ganitong ganito ’yon kapag pinapatulog na ako noong bata pa ako.

“Papa, I'm sleepy.” ani ko habang kinakamot ang mata ko. I looked up at him with a sleepy eyes when he looked at me with a glass of wine on his hand. Binaba nito ang baso at binuhat ako.

“My princess is sleepy, hmm?” sabi ni Papa na ikinatango ko na lang habang nakahiga sa balikat nito at nakayakap sa leeg ang braso ko.

Naramdaman ko naman ang paglakad ni Papa na parang hinehele ako. Maya-maya din ay naramdaman ko din ang lambot ng kama ko nang ibaba ako ni Papa mula sa pagkakabuhat.

Nilagyan nito ng unan ang magkabilang gilid ko pati na din ang paa-nan ko. Si Papa na din ang nag-lagay ng kumot sa akin.

Tumagilid naman ako paharap sa kaniya at pinilit na buksan ang mga mata ko.

“Sleep ka na din, Papa.” mahinang pagsaad ko. Ngumiti naman ito at hinalikan ang noo ko.

“Babantayan muna kita.”

“Papa…” nangunot na naman ang noo ni Jake ng marinig ang binulong ko.

“Do I look like your father?” masungit nitong pagkaka-sabi. Kiming ngiti na lang ang isinukli ko dito.

“Matulog ka na.” umiling ulit ito at ngumiti.

“Babantayan kita.” I just rolled my eyes and closed it, hugging a pillow. Maya maya ay may naramdaman akong malambot na bagay sa noo ko.

“Sweet dreams, darling.” mahinang ani nito. Parang ayon ang hinihintay ko na marinig dahil bigla ko na lang naramdaman ang antok. Nag-hum na lang ako bilang sagot bago tuluyang natulog.

---

Nagising ako sa sikat ng araw na tumapat mismo sa mukha ko. Kinapa ko naman ang yakap kong unan pero nang maramdaman kong hindi malambot kundi parang nipple ay agad kong minulat ang mga mata ko na sana hindi ko na lang ginawa.

Nakita ko si Jake na natutulog ng mahimbing sa tabi ko at nakayakap sa bewang ko. Hindi ito nakapantay sa akin at sa mismong tyan ko din ito nakapatong ang ulo nito. Nasa bandang kaliwa at nakaupo.

Nag-init ang pisngi ko ng makita na nipple talaga ni Jake ang nahawakan ko. Hiniwalay ko doon ang kamay ko at hinaplos na lang ang buhok nito. Ang payapa niyang tingnan o ngayon ko lang talaga napansin?

Nakita ko namang gumagalaw galaw na ang eyelids niya pero hindi ko pa din inaalis ang tingin sa kaniya.

Makapal na kilay, maha-haba ang kaniyang mga pilik mata, matangos na ilong na akala mo naman ay may lahi, at ang kaniyang mapupulang labi. Binalik ko naman ang tingin sa kaniyang mga mata na ngayon ay nakamulat at pinagmamasdan ako.

Mula sa buhok ay hinaplos ko ang pisngi nito na ikinangiti nito. Pumikit muli ito at hinigpitan ang pagkakayakap sa bewang ko.

Nakagat ko ang labi ko ng bigla kong nakita ang sarili ko na nakayakap kay Jake habang magkatabi kami sa kama. Hindi ko din alam kung bakit bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko sa isiping ’yon.

“Breakfast?” napasinghap naman ako ng marinig ang boses ni Jake. Mas lalong nagwala ang puso ko dahil don. His morning voice is hot. Dang it.

Umayos naman ito ng upo at nag-inat. Siguradong sasakit ang likod at leeg nito mamaya.  Bumaba ang tingin ko sa kaniyang katawan na nakabalandra sa harapan ko.

Wala itong damit pang-itaas at naka shorts lamang sa ibaba. Napalunok naman ako ng madaanan ng mata ko ang umbok sa gitnang bahagi ng kaniyang hita. Lumingon na lang ako sa kabilang direkyon dahil ramdam ko ang paunti-unting pamumula ng pisngi ko.

I heard him slightly chuckled. Maybe, he knows na kung bakit ganon na lang ang reaction ko.

“Wait me here.” he huskily said. Tumango na lang ako, nanatili ang tingin sa ibang direksyon.

Dumaan ang ilang minuto, nagulat na lang ako nang may bumuhat sa akin at inupo ako sa kama. Paglingon ko ay si Jake na halos isang pulgada na lang ang layo ng mukha namin.

“I said, wait me here.” he said in a soothing tone. Tumango na lang ulit ako dahil hindi ko mahanap ang boses ko habang nakatingin sa kaniyang malumanay na mata.

“Speak, darling.” he gently caressed my cheeks and looks into my eyes.

“O-okay.” ang tanging nasabi ko na lang.

He smiles softly and inayos ang pagkaka-upo ko bago ako iniwang tulala doon.

Continue Reading

You'll Also Like

1.7M 48.1K 56
She is Akane Rei Lee Yamazaki--A certified childish. She was also a Yakuza Princess. She forced her family to let her experienced how to lived NORMAL...
14.8M 328K 48
Her name is Monique Lee Gomez Samonte, a rich girl who was sent back by her parents to the Philippines because of her bad attitude. She's a war freak...
30.4K 672 30
In the eyes of everyone, Arzi has the perfect family that everyone dreamed of. Despite the wealth and power that her Family has, she never feels so h...
20.9M 709K 28
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as self-harm, physical violence, emotiona...