His Promises

By Rheiple

6.5K 395 49

She always wanted to have a simple life yet ended up marrying a wealthy engineer. She fell in love and her dr... More

PROLOGUE:
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
PROLOGUE
Hilton's POV

CHAPTER 1

339 26 2
By Rheiple

Engineer

"Good morning, wife" his husky voice filled the room. Nakapamewang ako sa harap niya. Samantalang siya ay nakahiga pa rin sa kama naming dalawa.

"Morning. Bakit wala kang muta? Lagi mo talagang pinapa mukha sakin kung gaano ka unfair si lord" nakanguso kong sabi habang pinagmamasdan ang kaguwapuhan niya sa umaga.

"What are you talking about? You look beautiful in the morning"

"Malamang. Naghilamos na ako, nag toothbrush, lahat lahat bago ka pa magising. Kasi ikaw kahit makita kitang bagong gising, fresh na fresh pa din. Ako naman parang sinapian"

"You always look beautiful in my eyes. Come here"

Bago pa man ako maka takbo ay hinila na niya ako pabalik sa kama. Tawa ako ng tawa habang hinahalikan niya ang leeg ko.

"You smells good, babe"

"Bumangon ka na diyan. May pupuntahan pa ako"

"Where?" Natigil siya sa panghaharot sakin. At tumingin sakin kaya nakatakas ako at tumayo ulit. Ako naman ang nanghila sakaniya. Binalewala ang tanong niya.

"Halika na. Mag almusal na tayo"

"You said you're not gonna work today" nakakunot noo niyang sabi. Nasa magkabilang gilid niya ang braso and I could see his biceps flexing while he's doing that.

"Nagyaya si Madilyn at Lexy na pumunta ng  Batangas kaming buong team. Pa-vacation daw ng boss namin tsaka doon na din namin pag uusapan yung presentation"

"Can I go?" Tiningnan ko siya at nagpapa awa ang mukha. Gagamitan niya na naman ako ng magic charm niya.

"Eh akala ko ba may meeting kayo ngayon"

"Pwede ko yun ipagpa bukas. It's not that important. Please"

"Si Rupert sakin nagsabi na importante yung pag uusapan sa meeting tungkol sa panibagong proyekto ng kompanya ninyo."

"Rupert can handle that."

"Tsaka mabo-boring ka lang dun sa Batangas"

"Kailan ba ako naboring na kasama ka?" Tumayo siya para yakapin ako. At kailan din ba ako hindi naging marupok pagdating sa lalaking ito? Simula ata ng makilala ko siya, wala na. Taling tali na ako sa kaniya. Pakiramdam ko naangkin niya ako ng walang kahirap hirap. Nakuha niya ako effortlessly kahit na lumaki ako sa old-fashioned na pamilya. Pero pagdating sakaniya bigla akong naging malandi. Wala eh, ang guwapo niyang foreman.

I remember my fourth year in college. The moment I met him. Who's gonna tell that 20 year old Rheiniel Cordova, that in the future she's gonna change her last name that she's ever dreamt of. Well I was fantasizing him every day and dreaming about him every night but I never thought that I would be so blessed like this. I really do believe that love will truly start in the eye and end with the heart, with a deeply sensation.

Five years ago. I was just a girl with a dream. Just an innocent bicolana girl dreaming to finish college, to wander outside Bicol and explore the environment of Manila. Not until he came and enter my life. Suddenly he was added to the line up of my dreams.

I remember how he slowly got me through the texts we exchanged before. It all started in the bar where we were sitting in the dark area and talking like we knew our lives for a long time. How I was so impressed by his cute dimples that he doesn't wanna show often.

He kept on telling me before that I was weird or unique whenever he saw something that's new to his eyes. Little did he know that I also find him weird. He hates it when I was staring at him especially at his dimples. Also that moment that I figured out from our prof in research that he wasn't a foreman.

Bumalik siya nun ng Bicol para sa continuation ng project nila. Pero lagi siyang bumibisita sa university na pinapasukan ko.

"Bakit ka nagsinungaling? Hindi ka naman talaga foreman. Civil Engineer ka daw sabi ni sir Malate"

Hindi siya nakapagsalita. Nagpipigil siya ng tawa. Hindi na siya nagtangkang tumawa ng lalo pa akong sumimangot.

"I'm sorry. I forgot about that. You really thought that I'm a foreman?"

"Oo kasi yun yung sinabi mo. Tsaka kahit na sinabi mo pa sakin na engineer ka wala naman akong pakialam" pabagsak ang boses ko. Para malaman niyang inis ako at hindi natutuwa.

"Hey. I'm really sorry. It wasn't really my intention" naging seryoso din siya.

Hindi na ako nagsalita pa. Tumayo na ako para umalis. Siguro kaya niya yun nagawa kasi baka isipin niyang katulad ako ng ibang babae na kakagat kaagad sakaniya kasi engineer siya. Okay na sana. Kaso na hurt lang ako ng konti. Kasi bicolana ako. Ganun yung tingin niya kahit sakin.

"Rhein. Don't be mad at me please."

"Hindi ako galit" patuloy lang akong naglakad  kahit hindi ko alam kung saan ako pupunta.

"Then stop walking. Let's talk" hinawakan niya ang kamay ko na kaagad kong binawi. Ayokong lumingon sakaniya kasi namumuo na ang luha sa mga mata ko. Ito na naman ako. Napaka iyaking babae. Siguro masiyado akong naging assumera sa part na magugustuhan niya ako. Hindi kami magka level. Tsaka bakit nga naman ako magtitiwala sa isang lalaking, laking Maynila? We're not the same. We have different insights. Sobrang layo ng mga buhay namin pati edad.

"H-huwag mo na akong kakausapin. I-i delete mo na nga yung number ko." Suminok ako at tumakbo na ako para hindi na niya ako mahabol pero nahawakan niya kaagad ako. Mas lalo akong naiiyak pag nag o-over think ako. Lalo na kapag nag se-self-pity.

"Are you crying?" Dahan dahan niyang hinawakan ang mukha ko para lumingon sa kaniya pero hindi ko siya tiningnan.

Mabilis kong hinawi ang luha sa pisngi ko. Pesteng luha.

"I didn't have bad intentions. I just said that without a reason. I was about to tell you the truth that night but you got all of my attention."

"Pwede ba. Layuan mo nga ako. Hindi ko alam kung bakit hinahayaan ko ang sarili kong mapalapit sayo"

That was the first time that I got so angry at him. Hindi ko lang talaga matanggap na nagsinungaling siya sakin. Nag o-overthink ako sa kung ano kaya yung iniisip niya sa katulad ko kung bakit kailangan niya pang mag sinungaling.

Sunod sunod ang text niya sakin at tawag pero wala akong sinagot ni isa. In-off ko na lang ang cellphone ko para makapag focus sa mga activities ko na tambak. Mabuti na lang at wala kaming pasok ng dalawang araw kaya dalawang araw din akong nagkulong sa kuwarto at inabala ang sarili sa mga gawain.

Lumalabas lang ako kapag tinatawag ako ni mama o inuutusan. Minsan lalabas din ako para sawayin si Jino, Ang bunso kong kapatid at si Mica, yung sumunod sakin. Naglalaro kasi, tapos maya maya maririnig kong nag aaway na. Sobrang ingay pa kaya wala ng pumapasok sa utak ko. Lalo pa akong na i-stress kapag dumadating pa si ate Cherry dala ang dalawa niyang anak at dagdag pa sa ingay.

Minsan gusto ko na lang sumigaw pero pinipigilan ko ang sarili ko kasi ayaw kong ibuhos ang inis ko sa kanila. Wala silang alam sa kung ano mang nangyayari saakin.

"Rene. May bisita ka. Lumabas ka naman diyan sa hawla mo" rinig kong sigaw ni mama mula sa labas. It was gloomy saturday and i just want to lay all day and all night. I'm mentally exhausted.

Kaya ako napagkakamalang lalaki dahil sa tawag sakin ni mama. Rene. Hirap daw kasi siyang I pronounce ang pangalan ko na si lola ang nagbigay. It's Rheiniel actually.

Wearing my pajamas with my hair's on messy bun. Lumabas ako ng kuwarto at baka si Ricci lang yan at nag aalala na naman sa paglaho ko. Pero nagulat ako ng matanaw ko si sir Malate na umiinom ng kape. Natakot ako. May problema ba ako sa subject niya? Bakit dito kaagad siya dumeretso? Mabilis akong bumaba ng hagdan para harapin siya. Doon ko lang napansin ang isa pang lalaki na kasama niya. Nakaupo kasi ito sa may kabilang sofa kaya hindi ko napansin.

"Anak. May manliligaw ka pala, hindi mo sinasabi samin" si mama. Nanlalaki ang mga mata ko. Kalmado lang si mama at may dala dalang cookies. Nilapag niya iyon sa harap nina sir Malate.

"Salamat po"

"Ano ba yang itsura mo, Rene. Hindi ka man lang nagbihis at nanuklay. Baka matakot yang bisita mo"

"No it's fine. She looks pretty" nahiya ako bigla. Gusto kong samaan ng tingin ang lalaking kasama ni sir pero baka mas mag mukha akong mangkukulam.

"Maupo ka na, Rheiniel. Pasensya na sa abala. Talagang pinilit ako nito ni Saavedra na samahan siya dito sa inyo" pilit akong ngumiti kay sir Malate. Gusto ko sanang sabihan na okey lang pero hindi okey. Ayokong magsinungaling sa kanila.

"Ano hong ginagawa niyo rito? Wala akong maalala na may naging atraso ako"

Narinig kong tumawa si sir. Buti na lang hindi niya naibuga yung iniinom niyang kape. "Wala ka ngang atraso. Pero itong si Hilton mukhang meron. Alam mo bang tanong siya ng tanong kung ano bang pwedeng dalhin. Hindi ko naman sinuggest yung bulaklak kasi masiyadong cliche"

"Tsk. Baka mabulok lang yang bulaklak dito"

"Oo nga. Tsaka naalala ko nung nasa second or third year ka pa lang kapag may nagbibigay sayo ng bulaklak, pinapatapon mo kay Ricci. Hindi ka ata mahilig sa bulaklak" natatawang sabi ni sir. Nakikinig lang samin si Hilton at nakatitig siya sa mga kamay niyang nakapatong sa hita niya.

"Rene. Ano pang ginagawa mo diyan? Aba maupo ka naman at kausapin ang manliligaw mo." Si mama talaga kahit kailan.

"Mama, wala nga po akong manliligaw"

"Oh eh boypren mo na pala? Wala ka man lang naikuwento samin"

"Mamaa"

Yung tawa ni sir Malate ang nangibabaw pati tawa ni ate Cherry at ni Mica. Sinamaan ko ng tingin ang dalawa kong kapatid. Tumayo si sir at nagpagpag ng sarili.

"Ano hong niluluto ninyo dyan? Tulungan ko na nga kayo. Magaling akong magluto." Pumunta ng kusina si sir at doon na siya nakipagdaldalan kina mama.

"Mukhang hindi ka naman nagluluto"

"Aba'y oo syempre. Paborito ng asawa ko ang lahat ng luto ko" rinig na rinig dito ang mga boses nila. Samantalang ako hindi ko alam kung aalis na lang ba ako o haharapin ko siya. Nakapag decide na nga sana akong huwag na siyang kausapin kaso ito na naman siya. Kumakatok na naman sa pintuan.

Pabagsak akong naupo sa harapan niya at pailalim ko siyang tiningnan. Binaling niya ang tingin niya sakin at napangisi siya at umiling ng makita ang itsura ko.

"Anong nakakatawa?" Umiling ulit siya at nagseryoso ng mukha.

"Galit ka pa rin ba?" Nagulat ako nang marinig siyang managalog.

"Ano ba sa tingin mo? Hmp. Akala mo naman maiimpress ako sayo kasi engineer ka. Neknek mo. Kaya ko ngang jowain ang isang construction worker basta honest lang sakin"

Seryoso niya akong tinitigan. And I even saw how his jaw tightens. Hindi siya nakapagsalita. Mukhang nagalit siya sa sinabi ko. Gusto kong bawiin yung sinabi ko pero dapat mataas lang yung pride ko. Magalit siya kung gusto niya.

"I-I'll just go. You're still mad" matapos ang ilang minutong pananahimik ay yun na lang ang sinabi niya. Gusto kong batukan ang sarili ko sa sobrang taas ng pride ko. Ang liit na bagay masiyado kong pinalaki. Alam ko naman na sinsero siya pero nag iinarte lang ako.

"Uuwi kana?" Yun lang yung lumabas sa bibig ko. Nakatayo na siya at nakatingala ako sa kaniya.

Tumango siya. "I'll text when you're not mad anymore. It's hard to talk when you're mad. Your words hurting me" mahina ang boses niya at husky. Yung ako lang talaga ang makakarinig. Napanguso ako.

Pinulot niya yung paper bag na naiwan niya sa sofa. Inilahad niya iyon saakin at napanganga ako. Gusto ko na namang maiyak. Doon ko lalo na realize na hindi ko siya deserve. Ang kapal ng mukha kong paratangan siya ng masama. Lalo niya lang akong kino konsensya.

"That's for you." Tumayo ako bago pa man siya makaalis.

"Bakit ka ba aalis? Hindi naman kita pinapaalis ah" habol ko sa kaniya. Para talaga akong tanga. Aarte arte hindi naman pala kayang paalisin.

"You're mad"

"Hindi nga ako galit"

"Really?"

Ngumiti ako at tumango kahit mukha na akong tanga. Kanina pa. Hindi ko naman pala talaga siya kayang tiisin kahit na anong inarte ko. Pero yung totoo natatakot akong kapag hinayaan ko siyang umalis ay baka hindi ko na siya makita pa o makausap kahit sa text. Na pagsisisihan ko hanggang tumanda ako. Mukha lang akong malakas ang loob pero wala talaga ako pagdating sa kaniya.

"Kino konsensya mo ako eh. May puso pa rin ako"

"So? We're okey?"

"Ano pa ba?"

Napangiti na din siya at siya na ang lumapit para yakapin at halikan ako sa tuktok ng ulo ko. Akala ko magtatapos na naman ang araw na yun ng luhaan ako. Kahit ano naman talaga kasing pakipot ko, bibigay at bibigay pa rin talaga ako sa kaniya.

"Yieeh. Okey na silaa" sabay kaming lumingon sa may kusina at lahat sila ay samin nakatingin. Tsk.

Kinagabihan ay binuksan ko ang maliit na paper bag na binigay niya. Isang maliit na kahon ang laman nito. Napanganga pa ako sa pagkamangha ng makita kong isang silver necklace ito. Nakakasilaw sa liwanag ang silver na ito.

Ang pendant nito ay bold letters na nakaukit ang last name niyang 'SAAVEDRA'. Bakit niya ba ito binibigay sakin eh mukhang sakaniya ito. Hindi naman ito ang last name ko. Pero sa likod ng apelyido niya ay nakaukit din doon ang pangalan ko. Mukhang pinasadya nya pang ipagawa ito. At kailan pa ako naging si Rheiniel Saavedra.

And now I'm Rheiniel Cordova-Saavedra. He already planned it before. I never even thought before that he's going to be my husband. I know that nobody can predict the future but he just did. He said that even before he already saw his self with me as his... wife.

Continue Reading

You'll Also Like

1.7K 49 9
Synosis Maria Anna was totally broken sa sobrang panget ng karanasan niya sa pag ibig nawalan na siya ng tiwala rito at naging mailap siya sa lalaki...
36.9K 1K 24
Book 1 A woman named Heather Lautman was taking a vacation for a months in Montelust Island near in Palawan, Philippines. She met a man named Cohen R...
169K 3K 36
WARNING: SPG| R-18| CONTAINS MATURE CONTENT Si Lufian Hades Vasquez ay isang sikat na business man sa loob o sa labas man ng bansa. Tinagurian siyang...
263K 369 150
I don't own this story credits to the rightful owner 🔞