Mafia's Doctor

By miraculousleigh_

19K 534 82

"This is what I want, love. Your attention." - Jake Alvin Montero is the Chief Executive Officer of JAM Corpo... More

Prologue
Mafia's Doctor: Calm
Mafia's Doctor: Painting
Mafia's Doctor: A Beautiful Nightmare
Mafia's Doctor: Resignation
Mafia's Doctor: Ambushed
Mafia's Doctor: Clue
Mafia's Doctor: Another Clue
Mafia's Doctor: Dinner
Mafia's Doctor: Riana
Mafia's Doctor: Meeting his family
Mafia's Doctor: Dinner (2)
Mafia's Doctor: Jade was kidnapped
Mafia's Doctor: Jade's Kidnapper
Mafia's Doctor: Flashback
Mafia's Doctor: Flashback (2)
Mafia's Doctor: Reckless move
Mafia's Doctor: Eagledo
Mafia's Doctor: Confrontation
Mafia's Doctor: Last Clue
Mafia's Doctor: Rage
Mafia's Doctor: Jera
Mafia's Doctor: Deja Vu
Mafia's Doctor: Attacked
Mafia's Doctor: Revealed I
Mafia's Doctor: Revealed II
Mafia's Doctor: Report
Mafia's Doctor; Jealous who?
Mafia's Doctor: An Angel and A Sinner
Mafia's Doctor: Moments
Mafia's Doctor; Moments II
Mafia's Doctor: Inadvertently
Mafia's Doctor: Aftercare
Mafia's Doctor: Headquarters
Mafia's Doctor: Avow
Mafia's Doctor: Before New Year

Mafia's Doctor: Kidnapped

1.1K 34 0
By miraculousleigh_

Nadia's:

“Congrats sa successful operation, Doctora!” Nagulat ako sa biglaang pagsigaw ng mga nakapalibot sa aking nurse. Napangiti naman ako ng malaki at tinapik ang mga balikat nila. Hindi lang naman ako ang nag-opera sa babae kanina dahil naroroon din naman sila para tulungan ako.

“Job well done, guys.” Nagsihiyawan naman sila kaya napatawa ako ng mahina. Iniwan ko muna sila doon at pumunta sa opisina ko para magpahinga.

Pagkarating ko sa opisina ko ay tinanggal ko muna ang coat ko at nag alcohol ng kamay. Pagkaupo na pagkaupo ko sa swivel chair ko ay napabuntong hininga na lang ako at pumikit, na sana ay hindi ko na lang ginawa.

Tatlong taon na ang nakakaraan pero bumabalik pa din at bigla bigla na lang susulpot ang imahe ng isang lalaki sa utak ko. Tatlong taon na pero hindi ko pa din siya nalilimutan. Parang tanga lang, naging customer lang sa bar tapos hindi na malimutan. Hays.

Ang bar na ’yon ay pagma may-ari naming magkakaibigan dahil noong nasa high school pa lamang kami hilig na namin pumunta sa mga bar kaya noong nakapag ipon ipon na kami at pagtuntong ng kolehiyo, nagpatayo na kami ng bar para naman may matawag kaming amin at doon na lang tatambay pero pagkatapos nong nakita ko si pogi ay hindi na ako bumalik.

Hindi namin inaasahan na lalago ang trip trip lang naming bar kaya nakapagpatayo kami sa iba't ibang sulok ng Pilipinas. Naging busy na ako sa studies ko at inalagaan ko ang ama ko na nagkaroon ng stroke tapos ang magaling kong Ina noong nalaman na may sarili akong bar, ayon lagi na akong pineperahan pero hindi man lang maalagaan ang sariling asawa at hindi nagtagal sumama sa ibang lalaki.

Napatingin naman ako sa pinto kaya inayos ko ang pagkakaupo ko pati na din ang sarili ko, “Come in!”

Bumukas ng kaunti ang pinto at sumilip ang ulo ni Nurse Jean kaya ngumiti ako at iniwestra ang upuan kaharap ko.

“Uhm Doktora, gusto ka sana namin anyayahan para mag celebrate sa successful operation kanina at para na din makapag unwind, you know? Hehe.” Ngumiti naman ako at walang pagdadalawang isip na tumango.

Kailangan ko din naman ito. Ilang buwan na akong walang maayos na pahinga dahil sa kabi-kabilang operasyon pero nagagalak akong makitang bumubuti na ang kalusugan ng mga naging pasyente ko.

“Sure. What time and where?” Isinandal ko naman ang likod ko sa swivel at hindi tinatanggal ang tingin sa kanya.

“Mamayang alas otso po at sa malapit na lang daw na kainan para kung may emergency agad daw tayong makakapunta, Doc.” Tiningnan ko ang wrist ko kung nasaan ang relo ko at nakitang pasado alas-singko na pala.

“Sige, pupunta ako.” Lumawak naman ang ngiti niya at nagpaalam ng lalabas para icheck ang pasyente kaya ngumiti naman uli ako pabalik at tumango muli.

Pagka-alis ni Nurse Jean ay nag-ayos na ako ng mga gamit kong nakakalat kanina dahil sa pagmamadali ko para maoperahan ang isang pasyente na hindi naoperahan ng kasamahan kong surgeon. May inooperahan itong ibang pasyente at ako na lang ang avail na surgeon kaya noong pumasok ang isang nurse na sa akin muna ang pasyente ay hinayaan ko ng nakakalat ito.

Nagbabasa basa din muna ako ng libro tungkol sa siyensiya. Nagulat na lang ako na may humablot sa libro ko kaya mabilis kong sinamaan ng tingin ang may gawa non.

“Woah, easy.” Natatawang ani ni Nurse Jean.

“Kailangan mo?” hindi ko mapigilang mag-taray dahil sa inakto nito kanina. Pwede namang tawagin na lang ako, bakit kailangan pang hablutin ang libro ko?

“Kanina pa kasi ako kumakatok pero walang sumasagot kaya pumasok na ako. Ayun naman pala, nakatutok ka sa libro kaya hinablot ko na lang. Pasensiya na.” tumango na lang ako at pinag-krus na lang ang braso ko habang nakatingin sa kaniya.

“Ang tanong ko, anong kailangan mo? Hindi kung bakit mo ginawa ’yon.” Nurse Jean pouted her lips and looks at the clock. Tiningnan ko ang orasan at doon ko lang napagtanto ang oras.

“Shoot! Pasensiya na. Masiyado akong nalibang sa pagbabasa.” Tumayo ako at agad agad kong niligpit ang libro't swivel chair ko at kinuha ang bag ko.

“Halika na. Baka naghihintay na sila doon.” Hinawakan ko ang kamay ni Nurse Jean at nagmamadaling lumabas. Binitawan ko ang kamay niya at sinarado ang opisina ko, sinisigurong naka lock.

“Hindi pa naman sila ganon katagal doon, Doc. Siguro mga 10 mins palang hehe.” Tiningnan ko si Nurse Jean at pinasadahan ng tingin. Maganda naman siya pero mas maganda ang dress na suot niya. Napahagikgik ako dahil doon.

“Halika na doon, Doc. Baka naka order na sila ng pagkain nila. Kanina pa kumukulo tiyan ko.” nakabusangot na ani nito kaya tumango na lang ako at nauna ng maglakad habang inaayos ang buhok ko.

“Doc, bakit wala ka pang boyfriend? I mean, daming nagkakagusto sa'yo eh.” Napalingon naman ako kay Jean na kuryosong nakatingin sa akin and out of nowhere, napangiti ako.

“May iba akong gusto at siya lang ang hinihintay kong kunin ako.” ngumisi naman si Jean at tinaas baba ang kilay kasabay ang paglingkis ng braso nito sa akin. Napailing na lang ako at naglakad muli dahil pati ako'y gutom na.

Malapit lang naman ang kainan. Sa labas lang ng hospital kaya mabilis lang kaming nakarating doon. Pagpasok namin ay agad agad na nahanap ni Jean ang pinareserve nilang table para sa amin kaya tumungo ako doon at umupo sa tabi ni Doc. Juarez, isa ding surgeon katulad ko at kaharap si Nurse Jean.

Napansin ko ang mga nakahilerang pagkain na mukhang kakalagay lang dito sa lamesa. Napansin ko din ang iba naming kasamahan na kumukuha na ng kani-kaniyang pagkain kaya kumuha na din ako ng akin.

Tahimik lamang kami ngayon at ang natatanging ingay ay ang mga tunog ng mga kubyertos pati na din ang ingay ng paligid. Nakatutok lang ako sa aking pagkain nang basagin ni Nurse Altia ang katahimikang kanina pa bumabalot sa amin.

“Mamimili pala ang hospital kung sino ang  mga nurse at doktor na ililipat sa ibang bansa. Nagkulang kasi ang mga doktor at nurses doon.” nangunot naman ang noo ko at ibinaba ang kutsara't tinidor habang seryosong nakatitig sa kaniya.

“Paano mo naman ’yan nalaman? Wala pa namang ina-announce kanina.” ani ni Doc. Juarez na nakahalukipkip at seryoso ding nakatitig kay Nurse Altia.

Lumapit naman ang ulo ni Altia at sinenyasan kaming lumapit. Sekreto ba ito? Nilagay niya ang palad niya sa magkabilang dulo ng bibig na parang bubulong.

“Narinig ko lang kasi sa kausap ni Ma'am Kristine kanina. Papunta na sana ako para i-check kung malinis ba ang room 178 dahil may gagamit na pasyente doon tapos ayun. Narinig ko.” Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.

Si Ma'am Kristine ang head nurse sa hospital. Ibig sabihin ay totoo ’yon. Pinagpatuloy ko na lang pagkain ko at nakinig na lang sa kanila. Sumasagot kapag ako na ang tinatanong.

Napalingon ako kay Jean nang bigla itong tumayo habang hawak ang telepono nito.

“Sige po, Ma'am. Papunta na po!” agad naman itong umikot ng mesa at pilit hinihila patayo si Doc. Juarez na nakatingala sa kaniya habang naka kunot ang noo pero napatayo agad dahil sa sinabi ni Nurse Jean, “Doc! Code Blue! Patient 180!”

Tumayo naman ang mga kasamahan naming nurses pati na din si Doc. Marian at dali dali silang lumabas ng kainan. Napansin kong dalawa na lang kami ni Nurse John, kapatid ni Jean.

“Bakit hindi ka sumama sa kanila?” Kunot noong tanong ko sa kaniya. Tumingin naman ito sa akin at nagkamot ng batok.

“Doc, sa room 118 ako naka assign.” Tumango na lang ako at tumayo. Nakita kong tumayo din si John at nahihiyang tumingin sa akin.

“Doc, congratulations nga po pala.” napangiti naman ako at tinapik ang balikat niya.

“Salamat, John. Punta lang ako restroom.” ani ko at binitbit ang bag ko papuntang restroom. Saktong pagsarado ko ng pintuan ay tumunog ang telepono ko na nakalagay sa loob ng bag ko. Nilagay ko muna ang bag ko sa sink at hinalughog ang bag ko. Pagkakuha ko nito ay napangiti ako ng makita kung sino ang tumatawag.

Sinagot ko ito ng nakangiti, “Hi?” Nang dahil sa sinabi niya ay lumawak ang pagkakangiti ko pero nang mapadako ang tingin ko sa salamin doon ko napagtanto na nakangisi na pala ako habang pinapakinggan ang sinasabi ng nasa kabilang linya.

Pagkaputol ng tawag ay inayos ko ang sarili ko at naghugas ng kamay. Titingnan ko sana uli ang itsura ko sa salamin nang may nagtakip ng ilong ko ng panyo at sigurado akong may halong pampatulog.

Hindi na ako nanlaban at hinayaan lamang na huminga sa panyo para makasinghot ako ng pampatulog. Bago sumara ang aking mata kita ko pa ang pagtataka nang taong tumakip sa ilong ko.

Naramdaman ko na lang umangat ako at naglalakad na ang bumuhat sa akin. Rinig ko pang may inutusan itong ihanda na ang sasakyan at nang naipasok na ako sa loob  ay doon na ako tuluyang nawalan ng malay.

Continue Reading

You'll Also Like

535K 23.5K 91
Khali Vernon took the risk and came back to Tenebrés City, will she come back as the infamous Shadow of the Gangster Society, too? The society ruled...
6.5M 330K 99
Carnelia Manelli, isang anak ng Major General ng military at sikat na Fashion Designer na sina Jared at Kacey Manelli. Dahil dito, hindi naging madal...
2.8M 104K 75
Sypnosis Andilyne Dave was just a typical senior highschool student. Lumaking mag isa at namuhay ng tahimik. Not until his father surprised him one d...
9.9M 365K 53
I was called as the hummingbird with wings that could bring gorgeous chaos, a bird with sharpest beak and a bird with deceiving voice. I have the fea...