Started with a Fake Relations...

By EightFinityAndBeyond

211K 7.2K 485

They start as a fake couple.. What will be the end of their story? -- (COMPLETED) This story is not yet fully... More

Started with a Fake Relationship <3
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
AUTHORS NOTE
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23: Luke and Melissa Side.
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Not an Update.
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 46.2
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 52.2
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 54.2
Last Chapter ♥
SWAFR: EPILOGUE ♥

Chapter 39

2.6K 78 6
By EightFinityAndBeyond

SHAIRA's POV

"Amusement Park?!" gulat kong tanong sa kanya pagkababa namin nang sasakyan niya. Tumango-tango naman siya at ngumiti. Bigla akong nakaramdam nang takot, hindi naman sa Hindi pa ako nakakapunta dito natatakot lang ako sa mga Rides dahil masyadong matataas ang mga yon' sabi sakin ni Mama, bata palang daw ako nakitaan na nila ako nang Fear of Heights.

"Bakit? May problema ba Baby?" nag-aalalang tanong niya. Umiling iling ako pero hindi siya nakumbinsi.

"I know there's a problem, c'mon tell me." pagpupumilit niya pa. Wala na akong nagawa kundi ang sabihin sa kanya.

"I'm scared. Natatakot ako Ethan." sabi ko sabay takip sa mga mata ko. Hindi ko Alam pero naiiyak ako.

"You don't have to be scared Sweetheart, im here to protect you, You'll safe with me." Ani niya sabay yakap sa akin, bigla ko nanamang naramdaman yung kalampag nang puso ko, siguro nararamdaman niya na yun dahil sa higpit nang yakap niya. Sa tuwing yayakapin niya ako, pakiramdam ko ligtas ako, na walang makakasakit sa akin kahit na sino. Kusang nawala yung takot na nararamdaman ko dahil sa yakap niya. Bumitaw na siya sa yakap at hinawakan ang magkabila kong braso.

"Patingin nga nang ngiti mo baby!" hiling niya kaya naman ngumiti ako, isang magandang ngiti din ang ginawa niya at nagsimula na kaming pumasok sa loob.

"Wag ka nang matakot baby ha? Let's enjoy this day together okay?" malambing niyang sabi at tumango naman ako.

--

Walang bahid nang takot akong naramdaman nang sumakay kami sa mga Rides, buong magdamag kasing hawak ni Ethan ang kamay ko at ni hindi niya iyon binitawan, medyo namamawis na nga yung kamay ko at nahihiya ako dahil alam kong dama niya yun pero hindi niya pa rin ako pinakawalan, para bang takot siyang mawala ako sa tabi niya, at lalong sa paningin niya.

Pero kahit bali-baliktarin ang mundo, ito na ang huling araw na magsasama kaming dalawa nang masaya.

Matapos naming mag-enjoy sa amusement park ay napagpasyahan ni Ethan na pumunta kami sa Batangas kung saan kami nagswimming noon nila Kaira, at kung saan naganap ang unang halik naming dalawa.

Kahit hanggang sa byahe ay hindi pa rin binitawan ni Ethan ang kamay ko, dahil sa mahaba pa naman ang byahe ay ipinikit ko muna ang mata ko para magpahinga.

--

ETHAN's POV

Hindi ko kayang bitawan ang kamay niya, mula kanina nung nasa amusement park palang kami ay hawak ko na ang kamay niya, hanggang ngayong nandito na kami sa Batangas ay ayaw ko pa rin yun bitawan. Ilang minuto na ang nakakalipas simula nang makarating kami dito pero hanggang ngayon ay mahimbing pa rin ang tulog niya.

Tinitigan ko ang maamo niyang mukha na nagpabaliw sa akin, natatakot akong mawala siya sa tabi ko, pero ano pang magagawa ko kung siya na din mismo ang sumuko? Kayang-kaya ko siyang ipaglaban sa pamilya ko maging kay Venus at sa tatay niya pero gaya nang hiling niya at nang pangako ko sa kanya magpaparaya ako, hindi ko na sya guguluhin pa ito na ang huli. Kahit pa sobrang sakit sakin, That is almost like physical pain, titiisin ko para sa kanya, para sa kanila.

Naramdaman kong tumulo sa mga mata ko ang luha, hinayaan ko lang na tumulo yon.

Bigla naman akong nagulat nang gumalaw si Shaira at nang dahan dahan niyang imulat ang mga mata niya.

"Ethan? U-umiiyak ka ba?" bigla siyang napaayos nang upo at tumingin sa akin.

"Hindi, Napuwing lang." pagrarason ko, alam kong hindi siya maniniwala sa dahilan ko kaya naman inaya ko na siyang lumabas sa kotse.

"Let's go Sweetheart," ani ko at dali-daling bumaba para pagbuksan siya sa nang pinto.

"Waaaaah! Ethan! Tama na! Basa na ako oh!!" sigaw niya na lalong nagpatawa sa akin, winisikan ko siya nang tubig na galing sa dagat.

"Ayaw ko na talo na ako!!" dagdag niya, siya kasi ang nagsimula nang laro sabi niya kung sino daw ang makapulot nang maraming sea shells siya ang panalo, at kapag natalo naman ay babasain. Kaya eto binabasa ko siya dahil talo siya.

"Talo ka diba? Tsaka into yung consequence mo hahaha!" Ani ko. Napasimangot naman siya pero bigla ding ngumiti nang kakaiba, halos mapuwing ako nang tubig dahil bigla niya akong winisikan sa mukha! Nang makabawi ako ay hinabol ko siya nang magsimula na siyang tumakbo.

"Hahaha! Look at your face! hahaha!" pang-aasar pa niya.

"Pag ikaw nahabol ko, may nakaatang na kapalit!" Bulyaw ko sabay tawa.

"Ewan ko sayo! Hahaha!" Tumakbo pa siya nang mabilis pero hindi ako nagpatalo at binilisan ko yung takbo ko hanggang sa..

"Kyaaaaah! Ang daya mo! Kainis kaaaaa!" Inis niyang saad samantalang ako naman ay tawa ako nang tawa, nakorner na kasi siya nang malalaking bato dito sa isla at wala na siyang madaanan.

Hingal na hingal siyang napasandal sa bato, samantalang ako naman ay tinitigan siya nang kakaiba na nagpakaba sa kanya.

"U-uy E-ethan! W-wag ka ngang tumingin nang ganyan!" Mautal utal niyang sabi, tinitigan ko lang siya na parang nilalamon ko yung pagkatao niya kinorner ko siya gamit ang dalawa kong kamay at inilapit ko yung mukha ko sa kanya, kita ko ang paglunok niya at panlalaki nang mga mata niya.

"Diba sabi ko pag nahabol kita, may kapalit?" seryoso kong saad.

Lumunok siya ulit bago nagsalita.

"A-ano naman yun?"

Hindi ako sumagot bagkus inilapit ko pa ang mukha ko sa kanya.

"Isang halik, matagal na halik." nang-aakit kong sabi,

"E-ethan---" hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya at hinalikan ko na lang siya, naramdaman kong nanghihina ang tuhod niya at parang tutumba na siya kaya naman hinawakan ko siya sa braso at ipinatong ko ang kamay niya sa balikat ko.

Matapos ang ilang minuto ay pinaghiwalay ko din ang mga labi namin at halos habulin namin ang hininga dahil doon.

Tinitigan ko siya sa mga mata, maraming sinasabi ang mga tingin ko sa kanya pero hindi ko kayang sabihin iyon sa kanya, wala akong lakas nang loob dahil katulad nga nang sabi ko, sumuko na siya.

"T-tara na Ethan, m-magdidilim na d-diba pupunta pa tayo sa Paradise?" Pag-iiwas niya, tumango ako at hinawakan ko ulit yung kamay niya na ikinabigla niya pero di ko pinansin iyon. Alam kong naiilang na siya, pero hindi naman masama kung susulitin ko ang araw na ito hindi ba?

Pagkadating namin sa Paradise ay pumwesto ulit kami sa ilalim nang puno, at katulad nang dati ay tumanaw ulit kami sa mga bituing nagniningning sa langit.

"Ilang oras nalang, matatapos na." Usal ko. Napatingin siya sa mga mata ko.

"Im sorry, h-hindi ko gustong sak--" i stop her, "You don't have to say sorry baby, nagmahal ka lang naman. Pero ang pinakamasakit doon ay sa pinsan ko pa." Mahina kong sabi pero alam kong naintindihan niya.

SHAIRA's POV

Kung alam mo lang Ethan, kung alam mo lang ang totoo na kasinungalingan lang ang lahat, ikaw. Ikaw ang mahal ko mula simula hanggang ngayon pero kailangan kong magpanggap, dahil para sayo din ito, para sa pamilya mo.

"Tsk. Wag na nga natin pag usapan yon' pasensya kana Baby, na-open ko pa tuloy." Sabi niya sa malungkot na pananalita. Inis-straight ko yung binti ko at tinapik iyon.

"Higa ka." Sabi ko habang nakangiti, ngumiti naman siya at humiga na sa mga hita ko.

Tahimik lang kaming nakatanaw sa langit, parang pareho naming inaalala ang mga nangyari dati. Hindi ko napigilan ang sarili ko at napaluha ako na naging dahilan upang maalerto si Ethan, tumulo kasi ang luha ko sa noo niya kaya naman agad siyang napatingin sakin at agad na tumayo.

"B-bakit? May problema ba baby? B-bakit ka umiiyak?" Tanong niya habang nakatingin kami sa isa't isa, hindi ko napigilan ang sarili ko at agad na yumakap na lang sa kanya at doon umiyak ako nang umiyak.

"Im sorry for hurting you Ethan, im sorry." Umiiyak kong saad, hinaplos haplos niya ang likod ko at pilit akong pinapatahan pero wala na yatang awat ang luha ko sa pagbuhos.

"Ssssh. Akala ko ba gagawin nating masaya ang buong araw na to? Don't cry baby okay? Ako dapat ang humingi nang tawad dahil inopen ko pa ang topic na yun, im sorry dahil naguilty tuloy kita." Aniya.

Inangat ko ang mukha ko mula sa pagkakatungo sa balikat niya at tinitigan ko siya sa mga mata.

Hindi ko Alam pero mukhang wala na yata ako sa sarili ko dahil bigla ko siyang hinalikan sa labi at ako pa mismo ang naunang gumalaw, he just stiffened at first pero sumabay na din siya, hanggang sa maramdaman kong itinayo niya ako at binuhat ako patungo sa kung saan. Naramdaman ko nalang na parang umakyat kami sa hagdan at sinipa niya ang pintuan kaya kami nakapasok at nakaramdam ako nang malambot sa likod ko, marahil naihiga na niya ako sa kama.

--

A/N: Patawad sa sobrang tagal na pag-update! Super busy tapos wala na akong connection nang WiFi :'( kailangan ko pang dumayo sa mall para makapag update :( So, katulad nang pangako ko, SOBRANG THANK YOU sa mga to' salamat po sa walang sawang pagvote, at pagsuporta.

@wangjacksonismine , @NoveleneUnabia , @kimiss , @georgette021999gales , @venus55 , @lovelycute_girl , @thathaggardfacetho , @yukinoshenhi , @rosaamistoso , @shushipye , @klove1 , @divinagawiran , @julieannbriones MARAMING SALAMAT PO! LOVE YOU GUYS! :*

|Eightfinity|

Continue Reading

You'll Also Like

107K 4.5K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...