Don't Play With Fire (Publish...

By sweet_aria

4.6M 120K 11.9K

"She doesn't have a heart." Iyan ang pagkakakilala ng marami sa kanya. She can do everything - humiliate ever... More

Don't Play With Fire!
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue

Chapter 5

93.5K 2.5K 150
By sweet_aria

Chapter 5

"Good morning, Dela Vega."

Awtomatikong umikot ang mga mata ko nang marinig ang boses na iyon. Umupo siya sa kanyang upuan.

Isinubsob ko ang sarili sa ginagawang reaction paper sa English na ipapasa mamaya.

"Ang sungit naman. Gusto mo... turuan kitang magconstruct ng sentence? Magaling ako sa grammar."

Pabagsak kong inilapag ang hawak na ballpen at binalingan siya. He was staring and smiling sweetly at me. It wasn't real though. He just wanted to piss me off.

"I don't need anyone's help." Bumagsak ang tingin ko sa aking papel. "I'm an honor student if you do not know. So can you please stop bugging me? Bago pa 'ko makagawa ng bagay na hindi mo magugustuhan."

"Lahat naman ng bagay na ginagawa mo hindi ko gusto. Pero alam mo kung anong gusto ko sa'yo na ngayon ko lang nalaman sa sarili ko?" saglit siyang tumigil. "It's your way of valuing education. Pala-aral ka pala. Hindi kasi halata."

Sinamaan ko siya ng tingin. Binasa niya ang ibabang labi at ngumisi. Napatingin ako doon.

"Nakatingin ka sa labi ko Dela Vega? Naaakit ba kita? Oh sorry, I didn't mean to seduce you-"

"Asa!" Sabi ko bago pa niya matapos ang sasabihin.

Malakas siyang tumawa at nangalumbaba paharap sa akin.

"You've said that word again." Ngumisi siya. "Sasabihin ko rin ba ulit na hindi ko kailangang umasa?" His eyes showed a glint of seriousness. "Ang pag-ibig hindi mo alam kung kailan dadating. Isang araw mararamdaman mo na lang ang kakaibang kaba na idudulot sa'yo ng taong hindi mo inaasahang makakapagparamdam sa iyo nang ganoon. You cannot stop inescapable realities, Dela Vega. And... falling in love, falling in love with me is what I'm seeing in those beautiful eyes yet full of unshed emotions, that await to be shed, await to be shown."

Kinagat ko ang labi ngunit hindi rin napigilan ang pagkawala ng tawa dito. Ang baduy niya!

"Ngayon ko lang din napansin na mas lalo kang gumaganda pag tumatawa. Maybe I should always make you smile. Nakakagaan ng pakiramdam."

Napawi ang tawa ko at napalitan ito ng pagkainis. Dinampot ko na ang ballpen at sinimulang magsulat muli.

Isang linggo na ang lumipas simula nang naging engkwentro namin sa bahay nila Conrad. Sa totoo lang ay hindi ko siya maintindihan. Wala ba siyang pakialam sa mararamdaman ng girlfriend niya oras na malaman nito ang ginagawa niya sa akin?

"Natigil ka sa pagsusulat? Iniisip mo na naman ako. 'Wag ganyan, Dela Vega. Nandito lang ako sa tabi oh."

Tinignan ko siya. "Stop irritating me, Altamirano."

"Alam mo bang gustung-gusto ko ang mga babaeng naiinis sa akin?"

Umirap ako. "F uck you."

"Pero mas gusto ko ang babaeng nagmumura."

Nanlaki ang mga mata ko. Nakarinig pa ako ng tawa kaya mas lalong kumulo ang aking dugo. Pagtingin ko sa pintuan ay nandoon si Phoenix. Nakatingin siya sa amin at nakahalukikip. Anong ginagawa niya dito?

"Nice one Fire! Ikaw lang ang may kakayahang inisin ang pinsan ko nang ganyan." Kinindatan niya ako.

"Ang sungit-sungit kasi Phoenix. Mas lalo ko tuloy siyang nagugustuhan. You know we're compatible. Gwapo ako maganda siya. Mayaman siya, mayaman din ako."

Inilibot ko ang tingin sa buong room. Lahat ng mga kaklase namin ay nakatingin sa amin. Tumigil ang mga mata ko kay Forrah, nag-iwas siya ng tingin.

"You're an asshole. Don't you care for Forrah?"

Tumayo si Forrah at lumabas ng room. Binalingan ko siya at ipinagtaka ang kawalan ng emosyon ng kanyang mukha. He didn't even follow her.

Napailing ako. Kelan lang sinabihan niya ako tungkol sa pag-uugaling meron ako. Pero tignan mo nga naman, parehas lang pala kami. Mas walang puso pa nga siya kung tutuusin.

"Lunch na tayo, Tami." Aya ni Jemimah nang dumating ang lunch break.

Inangat ko ang tingin sa kanila. Kumunot ang aking noo nang mapansin ang namumulang mga mata ni Camilla. Tumayo ako at hinawakan ang kanyang baba. Hinuli ko ang kanyang mga mata.

"Why are you crying?" Batid kong hindi ito dahil kay Matthew dahil ilang linggo ng suspended ang lalaking iyon.

Tinanggal niya ang kamay ko at tumungo. "Wala... sige, kumain na kayo. Hindi pa ako gutom."

Nagkibit-balikat ako at tinalikuran sila. Tumungo ako sa canteen at padabog na umupo sa madalas naming pwesto.

May naglapag ng chocolate shake sa mesa na ipinagtaka ko.

"Hotheaded Dela Vega."

Umangat ang tingin ko sa may-ari ng boses. Nakapaskil sa labi niya ang nakakainis na ngisi. Umupo siya sa tapat ko at iniusod ang shake palapit sa akin.

"Gagawin ko diyan?" Mataray kong tanong.

"Ipapaligo."

Kumulo ang dugo ko. Binasa niya ang ibabang labi at katulad nang madalas gawin ay nangalumbaba sa harap ko.

"I have no time for jokes, Altamirano." Itinulak ko ang shake pabalik sa kanya. "You don't even need to give me that. I can buy for myself."

Pinagpatuloy niya ang pagtitig sa akin. Patayo na ako nang bigla niyang hawakan ang aking braso.

"Saan ka pupunta? Hindi ka pa kumakain!" Seryoso niyang sabi.

Kumawala ako sa kanya ngunit hindi niya iyon hinayaan. Tumayo siya at umupo sa aking tabi.

"What the hell?" Inis kong usal. "Can you please let go of me-"

"'Pag di ka tumahimik... ako na mismo ang magpapatahimik sa bibig na 'yan Dela Vega." Gumapang ang kamay niya sa kamay ko.

I was astounded for he captured mine.

"D-damn it! Sabi't bitawan mo ko-"

Hindi ko na naituloy ang sinasabi nang bigla niyang isinalpak sa bibig ko ang malaking straw ng shake. Agad ko itong tinanggal sa bibig at binatukan siya.

"Kainis ka! Why did you do that?"

"Para matigil ka. Pasalamat ka hindi kita hinalikan." Hinaplos niya ang kanyang batok.

Marahas kong binawi ang kamay kong hindi niya binitawan. Walang salita siyang tumayo at iniwan ako. Taimtim akong nagpasalamat dahil doon.

"O... ibinili na kita ng food. Ayokong magutom ka."

Shit. Akala ko'y umalis na siya?

Ibinaba niya ang tray sa table na may dalawang plato ng kanin at ulam na chicken curry. Mayroon ding dalawang tubig.

Ibinigay niya sa akin ang isa pati na rin ang isang bote ng mogu-mogu. "Napansin kong ang hilig mo dyan. Binilhan kita, baka sakaling mabawasan ang init ng ulo mo sa akin."

Inilayo ko ang mga binili niya. "How many times do I need to tell you that I can buy for myself?"

"I'm aware of that. But I'm concerned... okay? Isa pa gentleman ako. Hayaan mong pagsilbihan ko ang babaeng nagpapasa ng araw ko."

Umigting ang panga ko at binalewala ang sinabi niya. Kinuha ko ang pagkain para matigil na siya.

Ngumisi siya, umirap ako. Magana siyang sumubo. Pinanuod ko siya at napailing dahil sa bilis ng bawat pagsubo niya ng pagkain.

"Patay-gutom ka talaga ano? Magdahan-dahan ka naman. Hindi ka tatakbuhan ng pagkain mo."

Tumigil siya at tinignan ako. "Kung alam ko lang na pagmamasdan mo ako sa pagkain ko, di sana ay nagdahan-dahan nga ako. Dagdag pogi points ba 'pag kumain ako sa paraan na katulad sa inyong mayayaman?"

"Hindi. Kasi pangit ka. Hindi ka na popogi pa." Walang emosyon kong sabi.

"Ouch. That hurts!" Humawak siya sa kaliwang dibdib.

"Sige umarte ka pa diyan. Baka mahampas kita ng mogu-mogu, makita mo."

"Sinasaktan mo na nga ang puso ko... sasaktan mo pa ako physically?"

"Pwede ba tumigil ka na?!" Sinamaan ko siya ng tingin.

Naglaban kami ng titig. Nagbawi siya at may ngiti sa labi na ipinagpatuloy ang pagkain.

Wala na akong nagawa kundi kainin ang binili niya. Bigla akong dinatnan ng gutom.

Mabilis siyang natapos pagkain. Hindi ko na lang siya pinansin kahit na ramdam na ramdam ko ang nanunusok niyang titig sa akin.

Uminom ako ng tubig at walang sabi-sabing tumayo. Ni hindi ako nagpasalamat sa kanya at kinuha ang mogu-mogu. Lumabas ako ng canteen.

"Dela Vega!" Tawag niya.

Bumalik ako sa room.

"Hay, nakakapagod ano?"

Ipinagpatuloy ko ang pagtatabi ng mga gamit sa aking bag. Katatapos lang ng klase at nagmamadali nang lumabas ang iba.

"Bakit hindi mo ako pinapansin-"

"Sasabay ka sa amin, Tami?"

Nilingon ko si Jemimah na nakasukbit na ang bag. Tumingin siya kay Altamirano at sinunod ng tingin si Camilla.

"No... Boyd's waiting." Isinukbit ko na rin ang bag sa aking balikat.

"Okay. Take care!"

Lumabas sila ni Camilla na hindi man lang nagpaalam sa akin. Napairap ako. Lumabas na rin ako ngunit ramdam ko ang pagsunod niya sa akin.

Dumiretso ako sa parking lot at pasakay na nang may humawak sa braso ko. Mula sa kanyang kamay ay umangat ang paningin ko sa mukha niya.

"What do you want?" Seryoso kong tanong.

Hinablot ko ang braso mula sa kanya. Naghalukipkip ako at isinara muna ang pinto ng kotse.

"Sinundan mo ba ako para inisin ulit bago matapos ang araw na 'to?"

Ngumisi siya. "Sinundan kita para bago matapos ang araw ay masilayan kong muli ang maganda mong mukha." Tinitigan niya ako at itinuon ang magkabilang kamay sa tagiliran ko, cornering me. "I wanna have a wonderful dream as I get into a deep slumber later, Dela Vega."

Dinala ko ang kamay sa kanyang dibdib at itinulak siya. Hinawakan niya ang kamay ko at kinulong ito. Pumiglas ako.

Nang hindi niya ako pakawalan ay inihanda ko ang aking tuhod. Tinuhuran ko siya sa pagitan ng mga hita.

"Ouch! What the f uck?" Sigaw niya at hinawakan iyong pagitan ng kanyang mga hita.

Kinagat ko ang labi at mariing pumikit.

"Miss anong nangyari-oh!" Si Boyd iyon na lumabas ng kotse.

Hindi ko na napigilan ang aking tawa. Sumandal ako sa kotse at pinanood ang pagdilim ng kanyang mukha.

He looked at me with anger.

"Masakit?" I queried and walked toward him. "Kanina mo pa kasi ako iniinis. At sa totoo lang hindi gumagana ang plano mo na pagpapaibig sa akin. You're just wasting your time."

Umigting ang kanyang panga at hindi nagsalita. Binuksan ko ang bag at naglabas ng pera.

"O ayan, bayad ko sa ipinambili mo ng pagkain ko kanina sa canteen. Patingin ka na rin sa pinaka malapit na hospital. Kawawa ka naman, 'di ka na makabago diyan."

"I don't need your money." Matigas niyang sabi.

Lumapit pa ako at inilagay sa palad niya ang pera. Ibinalik niya ito sa akin at tinapik ang kamay ko.

"Ganyan ka ba talaga ha?! Lahat na lang dinadaan mo sa pera?! Sa pananakit?!" Sigaw niya. "Humanda ka Dela Vega. Hindi man kita makuha nang madalian, pero sisiguraduhin kong mahuhulog ka rin. Kahit gaano katagal, kahit gaano kahirap dahil sa ugaling meron ka. Magsisikap ako para sa huli, sa akin ka bumagsak. Handa rin akong umasta na katulad mo mapasaakin ka lang."

Continue Reading

You'll Also Like

71.1K 3.1K 34
"I will always leave a trace to remember my way back to you."- Kael Valdez [ BOOK PUBLISHED UNDER B&B PRINTING SERVICE ]
241K 5.2K 45
Natuto si Benjamin Franco Salazar na ipaglaban kung ano ang dapat sa kanya. He learned to sacrifice and commit a mistake for this tireless love. Kaya...
3.2M 117K 33
More Trilogy Book 2: Hold Me More (2017) Mga taon ang lumipas at kahit siya ang nang-iwan, hindi alam ni Czarina kung bakit kay Bari pa rin siya buma...
4.6M 190K 39
Cecelib x Race Darwin x Makiwander Temptation Island's Monasterio Legacy