Sangue Dolce ✔️

By Formidable_Writer

22.9K 2.4K 710

Ang pagibig ay walang pinipili, mortal ka man o imortal, dadating ang tamang oras para maging tayo sa huli More

Author's Note
Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Epilogue

Special Chapter

221 23 4
By Formidable_Writer

Walang book 2 kaya ito na lang dude.

______________

Abala ako sa pagkalabit ng keys sa keyboard ng grand piano na kaharap ko.

Kung anu-ano na lang ang tinutugtog ko dahil hindi ko makuha ang tamang nota sa kanta. Pakiramdam ko kase ay libangan ko ng tumugtog nito kahit hanggang ngayon ay hindi pa rin nababalik ang aking memorya.

Wala akong maalala na may pamilya ako na may apilyedong Gaviola tulad ng sabi nila Mommy, ang pamilyang Garcia na kumupkop sa akin. Nalaman daw nila iyon mula sa doktor na nagligtas daw sa akin mula sa isang car accident na naging doktor ko na rin hanggang ngayon, kahit naka discharge na ako sa ospital.

Hindi nagkulang sila Mommy at Daddy sa akin na tinuring ko ng bagong pamilya sa lumipas na tatlong taon. Binihisan, inalagaan at binilhan ng mga magagarang gamit at damit tulad na lang ng sarili ko ng grand piano.

Pinag-aral nila ako sa panibagong paaralan at ngayon ay civil engineering ang kinukuha kong kurso. Dagdag nga pala, hindi ko alam kung bakit sinasabi nila Mommy na magaling daw ako sa matematika gayong para sa akin ay madali lang naman talaga ang subject na 'yun.

Tungkol pala sa doktor na si Sir Cafaro, hindi ko alam kung bakit parang alam na alam niya pa ang buong pagkatao ko kaysa sa pamilyang nag-alaga sa akin. Ang weird ni doc minsan.

Napapansin ko na sa tindig niya pa lang ay ang cold at seryoso ng personality niya lalo na kapag nakikipag-usap sa mga foster parents ko ang pormal niya, pero kapag ako na ang kinakausap nakangiti naman siya na parang kaclose ko lang.

Kaya ang gaan na lang ng loob kong makipag-usap kahit ang tipid niyang magsalita, bilang lang sa mga daliri ang mga words, leche flan na 'yan. Minsan naman ang hirap niyang intindihin, Italyano pa yata ang lahi niya, minsan kase ibang language ang ginagamit niya sa t'wing sasagutin ako, para bang sumasagot nga siya sa tanong ko pero ayaw niyang ipaalam anong sinabi niya. Nagmumukha tuloy akong tangengot, leche flan lang.

No'ng isang araw naman ay napaginipan ko na yata siya, hindi ko alam kung panaginip lang ba 'yun para kaseng totoo. May time na napapaginipan ko siyang nakasindig sa gilid ng bintana sa madilim na kwarto ko. Nakapamulsa lang na para bang binabantayan ako sa pagtulog ko kahit aaminin kong may oras na hindi talaga ako nakakatulog.

As in, minsan nga whole week ay wala akong tulog. Minsan naman ay sinusuka ko ang mga kinakain ko, parang mas gusto ko pang kumain ng hilaw na karne kaysa sa luto. Kaya hindi maiwasan nila mom at dad na mag-alala kaya rin may doktor pa rin akong nagsusuri sa kalagayan ko.

Nakakatulog lang ako kapag wala na akong makain na hilaw na karne, iyong tipong may namumuo pang dugo. Binabawalan ako nila mom at dad na kumain niyon, baka lalong makasama sa kalusugan ko kahit natatakam ako.

Nanghihina tuloy ako kapag bagong luto ang mga pinapakain nila o kaya gulay at prutas, paano kase ay sinusuka ko ng sinusuka ang lahat no'n. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko.

May pagkakataon rin na sa t'wing maalat ang kinakain ko ay parang nasusunog ang dila ko o ang loob ng bibig ko. Pinatingin nila ako no'n kay doc Cafaro, sinabi niya na allergy lang daw ako sa mga maaalat na pagkain lalo na sa asin. Kaya an pinapakain sa akin ay mga walang lasa, hindi ko rin naman nakakain ng maayos. Nagiging dahilan 'yun ng panghihina ko at nakakatulog bigla.

May pinainom sa akin noon si doktor, lalagyanan siya na kulay puting plastik cup na may takip tapos nilagyan niya ng straw. Ang tamis ng lasa ng gamot na pinainom niya, hindi ko alam kung anong tawag doon at wala rin siyang binigay na reseta para sa gamot na 'yun, kaagad naghilom ang sugat ko wala pang isang araw.

Hindi ko alam paano nangyari 'yun, basta niya na lang pinaubos sa akin ang isang basong gamot na 'yun, nasilip ko ang kulay ng laman no'n, kulay pula. Hindi naman siguro dugo 'yun kase ang tamis ng lasa, nakakatakam.

Nagfofocus ako habang patuloy sa pagtutugtog nitong piano, maayos na sana pero hindi ko pa natatapos ang intro ay nagkakamali na naman ako. Nag-iiba tuloy ang tunog parang pang horror.

Nakasimangot akong naghanap na lang ng ibang kanta na tutugtugin, humugot ako ng malalim na hininga. Nagsimula ulit ako sa pagtugtog, nakakailang pindot pa lang ako sa key ay parang sinira ko na ang kanta. Nahampas ko tuloy ang piano, para kasing meron akong gustong tugtugin pero hindi ko lang maalala.

Tatayo na sana ako sa kinauupuan nang "Ay leche flan!" muntikan akong mahulog sa kinauupuan ko dahil sa gulat.

Paano kase nasa gilid ko lang si Sir Cafaro na nakapamulsa lang at parang kanina niya pa ako pinapanood, hindi lang ako iniisturbo. Hindi ko man naramdaman agad ang presensya niya.

Napatitig ako bigla sa kulay amber niyang mga mata. Para akong nilulunod ng tingin niya lang na iyon, hindi ko na kayang alisin ang tingin sa mga mata niya, daig pa ang may glue. Tingin niya pa lang ay parang hinihigop niya na ang hininga ko.

Pansin kong parang palaging nag-iiba ang color ng mga mata niya, may times na amber, brown, black, grey o kaya green at blue. Naiisip ko tuloy na baka hilig niya lang magsuot ng contact lenses. Isang beses ko siyang nakitaan na kulay violet na may halong red ang mga mata niya, magmula no'ng tinawag ko siyang Lovier.

"Are you alright, Ms. Eda?" aniya.

Boses niya pa lang at pagtawag ng aking pangalan ay napakislot no'n ang puso ko. Hindi na tumigil sa pagtibok ng mabilis, sa presensya at boses niya pa lang. Napapraning lang siguro ako, nagtatanong lang naman 'yung tao.

"A-ahm.. O-Oo"

Leche, bakit bigla akong na utal!?

Tumikhim ako para mabawasan ang awkward. "Ano kase.. ano, nagulat lang po ako.. bigla ka po kaseng sumulpot d'yan. Kanina ka pa po ba d'yan doc?" sinubukan kong huwag ng mautal, lalong mas nakakahiya 'yun.

"Kinda" iyon na naman ang pagiging tipid niyang magsalita.

Nanatili lang naka awang ang labi ko, bigla kong nakalimutan ang susunod na sasabihin nang mapansin kong nakahawak pa rin siya sa braso ko, sinalo niya ako kanina no'ng muntikan akong malaglag sa kinauupuan. Kahit kailan ang lampa ko.

Napatingin rin siya sa kamay niyang nakahawak sa akin bago niya unti-unting binitawan at binulsa ulit ang kamay niya.

"Pinapasok ka na po pala nila Mommy" peke akong tumawa, ang cold niya kase ngayon. Tinanguan niya lang ako.

Talagang hindi na siya kumibo at nakatayo lang sa side ko, kaya ang awkward minsan kapag kasama ko siya. Lalo na ngayon na kami lang dalawa dito sa sarili kong music room. Halos puro puti ang kulay ng mga gamit at pintura dito kaya ang payapa at linis tignan.

Wala akong ibang maisip na magpapabasag na katahimikan, ikinatigil ko nang magsalita siya ulit. Ngayon lang yata siya nanguna sa conversation.

"You can sing" tipid niyang saad sa hindi patanong na paraan. Iyon na naman siya, parang alam na alam niya ang pagkatao ko.

Kamot ulo akong tumango. "Marunong ba kayong tumugtog ng piano, doc?" doon pa lang ako nakaisip ng topic namin.

Ang imposible naman yatang ng tinatanong ko kase doktor siya————nahinto ako ulit nang magkibit-balikat siya. Hindi ko naiwasang bigla na lang ngumiti. Ang cute niya tignan no'ng nagkibit-balikat siya.

Natulala akong napanganga ng bahagya nang gantihan niya ako ng ngiti, nalaglag yata ang panty————este puso ko.

Parang kumikislap palagi ang mga mata niya sa t'wing ngingiti siya, ang sarap pagmasdan.

Leche flan, ano bang nangyayari sa akin!?

"Maganda ba ang view?" sumilay muli ang ngiti niya na labas na ang ngipin, naningkit pa ang mga mata.

Nabalik ako sa wisyo sa sinabi niya habang nilalabanan ang pagkatulala ko sa kaniya. Minsan talaga may pagkahangin si doc, buti na lang totoo ang mga sinasabi niya.

Napakurap ako ng ilang beses bago nag-iwas ng tingin. Nakalimutan ko yatang huminga kanina sa ngiti niya, pati na ngayong nagtatagalog siya. Nakakamangha pakinggan sa t'wing nagtatagalog siya.

Nakayuko ako ngayong nagkagat labi. Nilingon ko siya ulit nang para siyang batang nakikipindot sa keyboard dito sa gilid ko. Kailangan niya pang yumuko dahil sa tangkad at laki niyang lalaki.

Naghalukipkip akong pinapanood siya, para ko siyang hindi doktor. Hanggang ngayon ay tumatakbo pa rin sa isip ko noong una kong kilala sa kaniya sa ospital, sinabihan ba naman akong asawa ko raw siya.

Sinubukan ko siyang abutin saka mahinang hinila ang dulo ng mahaba niyang sleeve sa puting polo. Nilingon niya ako bago nahinto sa pagtuplok. Tinapik ko ang upuan na inuupuan ko, sinenyasang maupo.

Nagbaba siya ng tingin doon saka tinignan ako ulit. Nilipat ko agad ang tingin sa piano, hindi ko na siya kayang tignan ngayon ng diretso, ang gwapo.

Akala ko ay hindi siya tatabi ngunit napausog ako nang maupo siya sa tabi ko. Buti na lang may kahabaan itong upuan at nagkasya kami dito.

Umusog pa ako papalayo, iniiwasan kong madikit sa braso niya. Daig ko pa ang pasahero sa jeep na buo naman ang binayad, pero kalahating pwet lang ang nakaupo tig-abot pa ng bayad.

Umusog pa ako palayo ng konti, mas naaamoy ko na ngayon ang panlalaki niyang amoy. Nakakaadik sa pang-amoy ang pabango niya, parang gusto ko yatang singhutin magdamag, joke. Ang manyak ko na yata pakinggan.

Kalma Eda, doktor mo lang 'yan.

Napailing ako sa naiisip ko, parang araw-araw ko na lang yata siya naiisip bigla, mukha tuloy akong pinagnanasaan siya. Napaka bad!

Nabalik ako sa ulirat nang makarinig ng sunod-sunod na pagtugtog kahit wala siyang nota na sinusundan, mukhang sanay na siyang tugtugin ang kantang 'yun.

Meron pa ba siyang hindi kayang gawin?

Napatitig ako sa side profile niya. Gilid pa lang niya ang lakas na ng appeal, lalo na kaya kapag humarap at tignan ka niya, plus points pa ang ngiti.

Leche flan naman Eda! Umayos ka nga!

Pamilyar na pamilyar sa akin ang tinutugtog niya, nakahiligan ko na kaseng makinig ng music lalo na kapag nagkakasakit ako na bigla na lang nanghihina.

Can't Help Falling in Love [Song by Elvis Presle]


Wise men say..

Hindi siya huminto sa pagtugtog nang malingon ako sa pagkanta ko. Akala ko dapat akong huminto pero tinanguan niya ako, sumenyas na magpatuloy at sumali sa pagpi-piano.

Only fools rush in..

But I can't help falling in love...

with you..

Pagbirit ko habang sinasabayan namin ng pagtipa sa tiklado ng piyano. Kasabay rin sa pagbigkas ng huling linya ay ang paglingon namin sa isa't-isa.

Shall I stay?

Would it be a sin

Walang tigil sa paghaharumintado sa pagtibok ang puso ko habang nakatingin sa mga mata niyang parang nagningning na pinagmamasdan ako.

If I can't help falling in love with you?...

Ako na ang umiwas ng tingin, mukhang wala siyang balak magpatalo sa titigan.

Like a river flows..

Surely to the sea

Darling, so it goes

Some things are meant to be..

Kung kanina lang ay puro ako mali-mali at parang wala sa mood kung tumugtog, ngayon naman ay sunod-sunod na habang kasabay ko siya sa pagpindot.

Take my hand...

Take my whole life too..

For I can't help falling in love with you..

Pagtatapos ko na sa pagkanta, unti-unti ng huminto ang mga daliri naming naglalaro sa pagtipa sa keyboard.

Napangiti akong nilingon siy ulit at mapapalakpak na sana dahil ang perfect ng pagkakatugtog nang aksidente kong mahawakan ang gilid ng kamay niya, aalisin niya na sana iyon sa pagkakapatong sa tiklado.

Nagbaling siya ng tingin sa akin matapos tignan ang mga kamay namin. Kaagad ko ng aalisin iyon nang huliin niya ang kamay kong iyon. Ikinagulat ko ang ginawa niya.

"Eda" nakakatunaw na naman sa puso sa t'wing tinatawag niya ang pangalan ko, pero iba ngayon. Walang Miss.

"Po?" pigil hininga kong sabi, sinubukang 'wag mautal.

"Tomorrow is your birthday" sabi niya, napaawang ng konti ang labi ko. Mas alam niya pa kung kailan ang birthday ko kaysa ako na may amnesia dahil daw sa car accident.

Paano niya nalaman? Oo nga pala doctor ko siya, natural may mga papeles ako bilang pasyente niya kahit sarili kong birthday hindi ko alam kailan.

"What birthday gift do you want?"

Reregaluhan niya ako? Hindi niya naman ako kaanu-ano para pag-abalahan niyang regaluhan.

Hindi ako makasagot agad, hanggang ngayon ay hawak niya pa rin ang kamay ko. Mahina niya pang pinisil iyon para sa pagsenyas na kumibo ako. Nakakailang bigla, bukod sa hindi niya inaalis ang pagkakahawak sa akin ay maski ang tingin niya nakatutok lang sa akin. Lunok.

Leche flan ang awkward na, magsalita ka, Eda!

Nagwagi akong alisin ang tingin sa kaniya, nalipat naman ang tingin ko sa malaki niyang kamay na binabalutan ang kamay ko.

"W-wala naman..." nahawaan na yata ako ng pagkatipid sa pagsasalita niya.

Nakakahiya naman kase kahit may kakapalan ang mukha ko, kung magre-request pa ako ng birthday gift mula kay doc.

"Are you sure?" paninigurado niya, animo'y wala siyang balak bitiwan ako hangga't wala akong sinasabing gusto kong pang birthday gift.

Mahinahon naman ang boses niya kahit malalim at brusko pakinggan, ngunit nakakakaba lang ang pagkaseryoso niya kahit may lambing sa tono niya.

Lunok ulit.

"Mabalik lang siguro ang ala-ala ko.. buo na ang birthday ko" 'yun na lang ang sinagot ko.

Alam ko namang hindi niya na kailangang gumastos para sa regalo na 'yun, ang alagaan at gamutin niya lang ako bilang doktor ay sapat na 'yun para sa akin. Binibigay naman na kase nila Mommy at Daddy ang mga gusto ko kahit hindi ko naman hinihinga, ano pa bang gusto ko.

Kahit hindi sila nagkulang sa pagmamahal sa akin kahit hindi kami magkadugo ay pakiramdam ko pa rin may kulang sa akin. Kahit malapit ay hindi ko makuha o makita, iyan ang nararamdaman ko lalo na sa mga oras na ito.

"Paano kung... may masalimuot kang ala-ala? Nais mo pa bang.. mabalik ang iyong ala-ala?" tanong niya.

Bigla akong nakuryoso. Nasa mukha niyang may iba siyang alamin o sabihin pero hindi niya magawa. Kung magsalita siya ay parang alam niya ng may masama akong ala-ala na dapat na talagang kalimutan.

"Hindi bale na... tuturuan ko na lang ang sarili na kalimutan 'yun, ang mahalaga kahit papaano ay maalala ko kung sino o saan ako nagmula.. pati na.." pambibitin ko.

"ang mga taong naging parte na ng buhay ko" nag-angat ulit ako ng tingin sa kaniya, mukhang seryosong usapan 'to.

"Silly" tipid niyang wika.

Imbes na bitawan na ako ay humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko na para bang nasa bangin ako at ayaw niya akong mahulog. Pinasiklop niya pa ang mga daliri namin. Namawis tuloy bigla ang kamay ko.

Ano bang binabalak ni doc? Ganito na ba ang makabagong paraan ng pagchi-check up sa pasyente? Hindi ako na inform.

Unti-unting nanlaki ang mga mata ko nang masubaybayan ko ang biglaang pagbago ng kulay ng mga mata niya. Kitang-kita ko kung paano naging kulay violet na may red ang kulay amber niyang mga mata kanina. Kasabay niyon ang pag-angat ng sulok ng labi niya, parang natatawa siya sa hindi malamang dahilan.

Nanlamig ako bigla sa kinauupuan ko, para akong maiihi bigla sa takot sa pagbabago ng kulay sa mga mata niyang nakatingin sa akin. Nanginginig ang mga kamay kong balak ko pang ituro sana na nag-iba ang kulay ng mga eyes niya.

"S-Sir————" nanginginig sa takot kong magsasalita pa sana nang matigalgal ako sa sunod niyang ginawa.

Laking gulat ko nang maramdaman ang kulay rosas niyang mga labi na siyang nakadampi rin sa aking labi. Hinalikan ako ng doktor! Leche flan!!

Nahigit ko ang hininga ko. Halos lumuwa ang mga mata ko sa gulat habang tulalang nakatingin sa kawalan. Humigpit ang kapit ko sa kinauupuan na para bang 'di oras akong malalaglag.

Tanging bawat pagpintig ng puso ko ang naririnig ko sa mga oras na ito, nakalimutan ko na yatang huminga. Nakaanggulo pa ang mukha niya sa pagnanakaw ng halik sa akin. Siya ay nakapikit, ako ay dilat na dilat sa gulat.

Ramdam ko ang biglaan niyang pagkauhaw sa simpleng dampi, sipsip at kagat niya sa ibaba kong labi. Ilang segundo lang iyon at saglit lang, ngunit pakiramdam ko ay matagal na iyon. Parang kinuha niya ang kaluluwa ko.

Humiwalay na siya agad sa ginawa niya bago pinagmasdan ang bawat parte ng mukha ko. Tatlong beses akong napakurap, naistatwa sa kinauupuan. Umurong ang aking dila at hindi na makapagsalita, kahit nakaalis na ang kaniyang labi sa pagkakadampi sa akin, pakiramdam ko nakadikit pa rin ito sa labi ko.

"mi sei mancato tanto" (I missed you so much) mahina niyang sabi na halos ibulong niya na habang titig na titig sa akin, may emosyon na akong nakikita sa mga mata niya.

Iyon na naman ang lengwahe niyang nagpapataas ng balahibo ko.
.
.
.

Nagugutom ako at hindi makatulog ngayong malalim ng gabi.

Sinuka ko na naman ang niluto ni Mommy na pagkain para sa akin. Nagi-guilty ako dahil pakiramdam ko hindi ko na appreciate ang luto niya kahit todo pigil ako sa pagsuka kanina. Masarap naman kase ang niluto niya sadyang bigla na lang ako nasusuka kapag normal na pagkain lang.

Gusto ko muling matikman ang pinainom sa akin ni Sir Cafaro, hindi ko na lang ginawa nang maalala ang nangyari kanina. Isa pa 'yun, 'yun rin yata ang dahilan kung bakit hindi ako makatulog.

Kahit putla na daw ang kulay ko pero mapupula pa rin naman daw ang labi ko ay napaka energetic ko sa t'wing gabi. Kanina nga ay nagzumba pa ako habang pilit binubura sa isip ang ginawa ng doktor na 'yun kanina. Kahit siguro ilang beses kong sampalin ang sarili ko, naaalala ko parati ang pakiramdam ng labi niya sa akin.

Ano ba Eda! Maharot! Kase naman, bakit niya ginawa 'yun!?

Bumangon na ako sa pagkakababad dito sa bathtub na may mabangong sabon at maligamgam na tubig.

Umahon na ako at sinuot ang nakasabit ko na bathrobe. Tinali 'yun sa likod. Naglakad ako paharap sa malaking salamin dito sa malawak kong banyo. Kinuha ko ang gamit ko, naglagay ng iba't-ibang products sa mukha, kasama na doon ang moisturizer sa mukha, labi at balat sa katawan. Skin care ang peg, pati ngipin ay inaalagaan ko.

May mga araw na sumasakit ang ngipin ko sa harapang itaas. Apektado ang gums ko, daig ko pa ang sanggol na nagngingipin kahit may ngipin naman ako

Para naman kahit may sakit ako hindi naman ako mukhang patay, fresh pa rin tignan. Mamamatay na maganda.

Nang matapos ako ay lumabas na ako bago pinatay ang ilaw sa banyo. Sinarado ko na ang pinto, nag stretching pa ako at tamad na tamad papuntang higaan ko.

"Ay kabayo!"

Hindi pa man ako nakakabagsak ng higa sa malambot na kama ay sa sahig ang nabagsakan ko. Hindi ko agad ramdam ang sakit ng pwet dahil sa gulat ko.

Ang pangit ng posing ko sa pagkakabagsak. Naka bukaka pa, buti na lang mahaba itong suot kong bathrobe kung hindi makikita ang kayamanan ko.

Gulat na gulat ako nang may rebulto na namang nakatayo sa may bintana ko. Nakasandig siya sa gilid nito habang sinasayaw ng pumapasok na hangin dito sa kwarto ang kurtina at buhok niya.

Lampshade lang ang gamit kong ilaw dito kaya hindi ko agad nakita ang mukha niya. Bilog na bilog pa ang buwan sa labas kaya kumikitang ang buhok niya.

Kabado kong kinuha ang unan sa gilid ko saka umayos ng upo. Ginawa ko pang panangga ang unan. Nanginginig ang buong katawan ko habang sinusundan siya ng tingin. Naglakad siya papalapit sa akin, malaki siyang lalaki at maganda ang tindig ng katawan. Parang babaon ang mga kuko ko sa unan na hawak.

"S-sino————"

Hindi ko na natapos ang sasabihin nang pumantay siya sa akin, natanaw ko na sa malapitan ang mukha niya.

Lovier.

Kaagad akong pumikit habang nanginginig sa takot, nakakatakot ang awra niya. Iba na naman kase ang kulay ng mga mata niya. Nagliliwanag sa dilim ang magkahalong kulay green, blue at grey niyang mga mata.

Panaginip lang 'to, panaginip lang! Calm down! Kalma! Sa sobra mo yatang kakaisip ito kanina sa nangyari kaya ito at napaginipan mo pa! Sana lang hindi 'to bangungot.

"Shh" naimulat ko ang mga mata ko sa narinig. Nakatapat ang hintuturo niya sa labi niya.

Nagmistula siyang magulang na binabawalan akong 'wag mag-ingay kahit hindi naman ako nagsasalita, para namang naririnig niya ang sinasabi ko sa isip.

"Are you afraid of me?" sinusubukan ko siyang tignan pero hindi ko magawa dahil sa mga mata niya.

Lunok.

Ano bang ginagawa niya dito?

Sinong hindi matatakot kung bigla-bigla na lang siyang susulpot tapos naalala ko pang nag-iba ang kulay ng mga mata niya. Napapaisip tuloy ako na baka panaginip lang 'yung nangyari kanina sa music room.

Nilahad niya ang kamay sa harap ko. Naibaba ko ang unan sabay abot sa kaniya. Hinagis niya 'yun pabalik sa kama saka nilahad muli ang isa niyang kamay sa harap ko. Hinihingi ang kamay ko.

"I won't hurt you..." mahinahon siyang ngumiti sa akin na nagpagaan ng loob ko.

"I'm your doctor not a serial killer" hindi ko alam nagbibiro siya o lalo akong tinatakot.

Ngumiti siya sa paraang may kaunting tawa, mukha namang nagbibiro. Ninenerbyos ako sa isang 'to matapos makita ang mga mata niyang nag-iba ng kulay kanina.

Kahit kailan talaga, ang weird niya. Buti na lang gwapo ka.

"Really? Thank you" umangat ang sulok ng labi niya na ipinagtaka ko.

Nababasa niya ba ang isip ko?

Isinawalang bahala ko na lang ang sinabi niya at tinanggap ang kamay niya. Inalalayan niya akong tumayo kahit kaya ko naman mag-isa.

"Sa'n po tayo?" taka kong tanong.

Hindi niya ako sinagot, sa halip ay binuksan niya ang sliding door dito sa balcony. Sumalubong sa amin ang samyo ng hangin at nililipad niyon ang aking buhok.

Nag-angat ako sa ng tingin sa buligang buwan na nagbibigay liwanag dito sa buong mansion ng pamilyang Garcia.

"Sir Cafaro! Huy! Bumaba ka d'yan magpapakamatay ka ba!? Leche flan 'wag niyo po akong idadamay!" madiin kong malakas na bulong, baka kase magising ang mga kasambahay namin at magising ang parents ko.

Paano kase pumatong siya sa pasimano ng balkonahe, nataranta ako bigla na hinihila siya pabalik pero parang mas malakas pa siya kahit nakapatong siya. Kung ano 'yan malamang nakafocus ako sa pagbalanse, hindi ko akalaing gamit lang ang isang kamay niyang hinihila ko paibaba ay siyang paghila niya sa akin paitaas na parang may magnet ang mga sapatos niya. Ni hindi siya na out of balance.

Napatili ako sa pagkakahila sabay buhat niya sa akin. Hinapit niya pa ako sa bewang papalapit sa kaniya na naging dahilan ng pagkakadikit ko sa may dibdib niya. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya saglit bago nagbaba ng tingin sa napakataas na 4th floor nitong mansion.

Hindi naman ako takot sa matataas na lugar, ang ikinakatakot ko kung ano mang binabalak niya.

"You're afraid of heights" aniya na ikinakunot ng nuo ko.

"H-hindi noh! Natatakot lang ako kase baka mamaya itulak mo ko! Leche flan naman kase, doc aatakehin ako ng 'di oras nito sa puso!"

Sa sobrang kaba ko ay wala sa sarili akong parang unggoy kung makakapit sa ng yakap sa kaniya. Nagmamakaawa na bumaba na kami.

"I told you, I won't hurt you" kalmado niya lang na sabi.

Napatitig ako sa kaniya. Kumikislap ang mga mata niyang natatamaan ng liwanag ng buwan. Patuloy na sinasayaw ng hangin ang kaniyang buhok.

"Do you trust me?" pagtatanong niya.

Bigla na lang akong napalunok ng halos pabulong niya iyong sabihin dahilan para lalong lumalim ang boses niya at may pagkapaos pakinggan.

"Saan? B-bakit ano bang gagawin mo?" nauutal na naman ako, iniiwasang tignan ang labi niya, naaalala ko na naman ang ginawa niya kanina.

Kung umasta siya ngayon ay parang wala lang, ang touchy pa niya, sa bagay kung hindi niya ako hahawakan sa bewang baka kanina pa nabagok ang ulo ko. Isa pa, ako pa yata ang mas nagmumukhang nananyansing dahil sa pagkakayakap ko na halos magusot ko na ang mamahalin niyang suot.

Nalanghap ko ang sariling hininga nang ilapit niya ang mukha sa akin, akala ko ano na namang gagawin niyang kababalaghan. Nilapit niya lang ang labi niya sa may tainga ko.

"Riporterò la tua memoria e celebrerò il tuo giorno, amore mio" (I'll bring back your memory and celebrate your day, my love) bulong niya, nanindig ang balahibo ko kahit wala akong naintindihan.

Tumatama ang mabango niyang hininga sa tainga at pisngi ko. Lunok. Halos matuyuan na ako ng lalamunan, lagi na lang akong nakakaramdam ng kakaibang kaba sa t'wing makikita ko siya.

Ngayon pa kaya sa pagkakadikit ng katawan namin ngayon na ramdam namin ang temperatura ng isa't-isa. May kalamigan ang temperature niya na gano'n rin ang sinasabi nila Mom at Dad sa t'wing mahahawakan ako, malamig daw ako, mas malamig nga lang siguro si doc. Sa dugo niya siguro 'yun kaya gano'n ang temperatura.

"S-Sir————"

"Lovier" pagpuputol niya sa pagpalag ko nang parang akma siyang tatalon. Parang kinokoreksyunan niya na ako sa kung anong dapat itawag ko sa kaniya.

"Okay, L-Lovier... pero anong gagawin mo!? 'wag kang tatalon please, hindi ko pa nga naaalala kung sino ako e." nagmakaawa pa ako, gusto ko ng bumalik sa room ko at magtawag ng pulis kung tatalon man siya.

"Please doc, kung may problems ka, pwede nating pag-usapan! Huwag kang magpapakamatay please! 'Wag mo rin akong idamay. P-papayagan kita! Ahm.. Ano.. ano. ahm... y-you can kiss me anytime!" pag-offer ko pa na hindi ko na namamalayan ang pinagsasabi ko.

Nanlaki ang mga mata ko sa huli kong sinabi, na pa-english pa. Leche flan na kiss na 'yan! Parang napahiya pa ako sa mga oras na 'to.

Kaagad akong nagbaba ng tingin at mariin na napakagad labi, gusto kong iumpog ang sarili sa pader kung bakit ko nasabi 'yun.

"Sono grato per quello che ho sentito." (I am grateful for what I have heard.)

Muli niya akon nilapitan at binulungan, hindi ko na naman naintindihan pero parang sasabog ang puso ko matapos niyang mahinang kagatin ang tainga ko, tulad ng ginawa niya no'ng kami lang dalawa sa room ng ospital.

Nalamukos ko ang damit niya sa gulat, sa isip ko ay ilang beses na akong napatili "hang on"

Hindi na ako nakapalag nang buhatin niya ako habang nakabalanse siya sa pasimano. "LOVIER! SIR! SIR! HUWAAAAGGGGGG!!!!" mahaba akong napasigaw, wala ng pakialam kahit magising ang mga kasama ko dito sa mansyon.

Tumalon siya!

Para akong mahihimatay sa takot sabay pikit ng todo at kapyot sa batok niya, nagsisisigaw.

"Do you trust me?" inulit niya na naman ang tanong niya kanina, sa pagkakaalam ko sa t'wing kakausapin ko siya ay ayaw niyang inuulit ang sinasabi niya kaya nagmumukha siyang may pagkasuplado.

Dahan-dahan kong inimulat ang aking mga mata saka napagmasdan ang mukha niya, unang sumalubong sa akin ang panga niyang maganda ang pagkakaukit. Nailipat ko ang paningin sa paligid, parang nalaglag ang panga ko sa nakikita.

Tatapak siya sa kahit saang puno, kabahayan o kung ano pa bago siya malakas na tatalon na animo'y lumilipad kami sa madilim na kalangitan, napagmamasdan namin ang bilugan na buwan sa malapitan at ang mga nagniningning na naggagandahang mga bituin.

Wala siyang tunog na tatapak sa mga bubong ng mga bahay dito saka mabilis na tatakbo at tatalon ulit. Para akong nasa roller coaster at para na rin akong masusuka sa taas namin ngayon, ni hindi na ako makasigaw. Hindi ako makapaniwala sa nangyayari, lalo yata akong namutla.

Hindi nagtagal ay tumigil na rin siya kakatakbo, talon at lipad. Nagmistulang segundo lang ang nagdaan sa sobrang bilis ng kilos niya nang marahan niya na akong ibaba. Umikot yata ang sikmura ko sa taas ng inakyat namin, siguro nga takot ako sa heights.

Bakit ba parang mas may alam pa siya tungkol sa sarili ko? Napaka imposible na kung ang bawat parte ng katawan ko rin ay memoryado niya. Ang weird!

Napatukod ako sa kung saan, akala ko pader ang tinukudan ko kase ang tigas, dibdib niya pala. Mukha namang wala lang sa kaniya, inalalayan pa ako. Ako yata ang hinihingal sa ginawa niya kanina kahit buhat-buhat niya lang ako. Nakakahilo.

Tao pa ba 'to?

Ang dilim dito pero nangingibabaw ang puting pintura sa malaking bahay na ito. Mukha siyang white house sa mga horror movie.

"Saan mo ako dinala? Kini-kidnap mo po ba ako!?"

"Silly"

Spicy? Kalamansi?
.
.
.

Naririto kami ngayon sa isang kwarto kung saan niya ako dinala. Mukhang kwarto niya, sumalubong kase sa akin ang panlalaking pabango niya sa loob kanina.

Hindi pa rin ako makalimut sa nangyari kanina lalo na 'yung pagnanakaw niya ng halik. Nakakaloka.

Medyo kabado ako sa kung anong binabalak ng doktor na 'to at dinala pa ako dito sa tahanan niya daw na mukhang siya lang naman ang mag-isa sa malapalasyong laki nito. Gabing-gabi na at dinala ako dito. Kung anu-ano na lang tuloy ang tumatakbo sa naiisip ko.

Sa kwartong ito, may ilang mga gamit tulad ng kama na parang hindi palaging ginagamit. Napakaayos ngunit may kaunting alikabok.

May pinagmamasdan siya sa kung saan. Isang hamster na nakakulong sa maliit na kulungan. Mukhang naglalaro pa yata sa loob, pero parang biglang nagtago nang lumapit si Lovier sa kaniya. Maski hamster ay natatakot sa lalaking 'to.

Namalayan ko na lang na lumapit na pala ako sa tabi ni Lovier at nakisilip sa alaga niya. Ang cute.

Nagbaba siya ng tingin sa akin nang ipasok ko ang isang daliri sa loob ng maliit na kulungan ng hamster saka hinihimas ang makapal na balahibo nito, maamo naman ito at hindi nangangagat.

"You like it?" tanong niya, nag-angat ako saglit ng tingin saka tumango ng ilang ulit.

"Are you hungry?" hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan sa tanong niya, tumango na lang ulit ako.

Ilang araw na kase akong walang maayos na pagkain, tanging pinapainom niya lang ang nagbibigay lakas sa akin. Iyon nga lang ay napaka hyper ko sa t'wing iinom ako no'n 'yung tipong kaya kong hindi matulog magdamag. Kaya minsan nagpapanggap na lang akong natutulog sa t'wing kukumustahin ako ng parents ko.

Pakiramdam ko nauubusan na ako ng dugo kaya siguro ang putla ko, laging kulang sa tulog.

Pinanood ko siyang may kinuha na walang laman'g puting plastic cup tulad ng itsura sa pinapainom niya sa akin.

Nilabas niya sa maliit na hawla ang hamster at pinagmasdan 'yun. Pansin kong nagpupumiglas ang alaga niya at parang gustong lumayo sa kaniya. Kinakagat na siya nito na parang humihigpit ang pagkakahawak sa kaniya. Para ngang umiiyak na ang hamster at animo'y nanghihingi ng tulong sa akin.

"Ang cute, anong name niya———" isasawalang bahala ko na sana ang kinikilos ng hamster pero nanigas ako sa kinatatayuan ang ginawa niya.

Natigalgal ako sa gulat at parang maiihi sa takot nang mapanood kong binalian niya ng leeg ang inosenteng hamster. Pinangilabutan ako matapos niyang pigain iyon at isalin ang dugo nito sa plastic cup.

Napahakbang ako paatras. Nanlalamig ako, nakadagdag pa sa panlalamig ang malamig na lugar dito ngunit nakakaya ko naman ang lamig.

"L-Lovier" pigil hininga kong saad, ang bilis ng tibok ng puso ko. Patuloy sa paglayo.

Hindi niya ako nilingon. Namimilog ang mga mata ko nang mapagmasdan ko kung paano humaba at tumulis ang mga kuko niya. Nandidilim ang mukha niya, naging kulay pula ang kaninang kulay ng mga mata niya.

Isinilid niya sa plastic ang wala ng buhay na hamster. Kumuha pa siya ng tissue saka pinunasan ang kamay niyang nababalutan ng dugo.

Tinapat niya ang isa niyang kamay sa baso, gamit ang matulis niyang kuko ay sinugatan niya ang sariling palad. Hinayaan niyang pumatak ang sariling dugo sa cup.

Wala na akong naatrasan. Nanlambot ang mga tuhod ko dahil nag-iba ang anyo niya. Naging mabalahibo rin ang balat niya. Napasalampak ako sa sahig, hindi ako makatakbo. Naduduwag ako, baka kapag ginawa ko 'yun ay atakihin niya ako patalikod.

Kitang kita ko rin kung paano mabilis na naghilom ang sugat niya sa palad. Mabigat ang paghinga ko sa sandaling nasalubong ko ng tuluyan ang kaniyang tingin, animo'y unti-unti niya akong binabaon sa tubig sa tingin niya lang na iyon.

Panay ang pag-atras ko nang maglakad siya papalapit sa akin hanggang sa pumantay siya sa pagkakaupo ko dito at iniabot ang baso. Sumenyas pa siyang inumin ko na parang juice lang ang pinapainom niya.

Sa tagal ko ng iniinom ang bagay na 'yan, pinaghalong dugo ng hayop at dugo niya pala ang iniinom ko. Ang ipinagtataka kung bakit hindi malansaang amoy nito. Ang tamis at nakakaadik ang amoy.

Napatitig ako sa baso, may kung anong tumutukso sa akin na sundin siya para inumin 'yun at hindi na ako magutom o mauhaw.

Hindi ko namamalayan na ang kilos ko nakita ko na lang na hawak ko na ang baso at natauhan nang akma kong iinumin 'yun. Naibatawan ko ang baso pero walang kasing bilis niyang sinalo.

Anong nangyayari!? Anong nangyayari sa akin!?

Bumibilis at mabigat ang paghinga ko, nagpapanik ako bigla. Nagpatay sindi ang ilaw dito at lumalakas ang hangin na pumapasok sa loob. Napagmamasdan ko ang sariling mga kuko, halos lumuwa ang mga mata ko kung paano tumubo ito ng mahaba at matulis gaya ng kay Sir Cafaro.

Nanginginig ang buo kong katawan, malakas ang lakabog ng bawat pintig ng puso ko. Hindi ko naman nainom na ang inialok niya pero hindi ko alam kung bakit nagkakaganito ako.

"Eda" boses niya ang nagpahinto sa akin, mahinahon niyang tinawag ako.

"Calm down" kaagad akong umatras nang lalapit pa siya sa akin.

Sinong kayang maghinahon kung kakaiba ang mga nangyayari simula kanina, ngayon naman ay nalaman kong dugo pala ang pinapainom sa akin. Kapareho ko rin siya ng kulay ng balat, maputi na maputla lalo na ang mga kuko.

Kapareho ko ba siya?... pero bakit.. may tumubong balahibo sa braso at dibdib niya sa akin ay wala?

"You need to drink.. manghihina ka" inalok niya muli ang pinapainom niya sa akin, para bang 'yun lang ang maikukumpara sa pagkain upang hindi manghina.

Paulit-ulit akong umiling.

"please" may lambing sa tono niyang sabi.

Boses niya pa lang ay napapakalma na ako, huminto ang pagpatay sindi ng ilaw dito at mahinahon na muli sa pagsasayaw ng hangin sa kurtina.

"Do you trust me————"

"Hindi kita kilala para pagkatiwalaan ko! Lumayo ka!" pagtataboy ko sa kaniya, kita ko ang pagkatigil niya.

Nangibabaw lalo ang kulay pula niyang mga mata, nagtiim ang panga niya na parang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko sa kaniya.

Hindi na siya nag-alok pa ulit sa halip ay siya na lang ang uminom, napamaang akong pinanood siya bago inilapag sa tabi ang baso na konti lang ang ininom niya. Akala ko kung ano ang gagawin niya.

Sa isang kurap ay ganon kabilis niyang hinawakan ang dalawa kong palapulsuhan saka iniangat ang mga kamay ko sa may uluhan ko. Nakasandal ako ngayon dito sa drawer na nakaharang kanina. Hinawakan niya ang panga ko sa paraang hindi ako masasaktan. Napigilan ko ang aking hininga sa sandaling pinagdikit niya ang aming mga labi.

Bakit niya ba ito ginagawa sa akin!? Porke ba sinabi kong pwede niya akong halikan anytime!? Abusado!

Iyon na naman ang pakiramdam na parang nawawalan ako ng kaluluwa at hindi makakilos agad. Saka lamang ako nagpapapadyak nang maramdaman kong may ipinasa siya sa akin, nalasahan ko agad ang matamis na bagay na 'yun at nakakaadik.

Iniangat niya ang mukha ko na naging dahilan para malunok ko ang pinapasa niya sa pagitan ng magkadikit naming labi. Patuloy ako sa pagpumiglas ngunit lubhang napakalakas niya, muling nagpatay-sindi ang ilaw dito at lumakas ang pagpasok ng hangin sa bintana.

Tumagal pa ang ginagawa niya dahil panay ang paglalaban ko hanggang sa namalayan kong napapikit na ako at ninanamnam ang lasa ng pinapainom niya, namalayan ko na lang na parang sinisimot ko ang loob ng bibig niya. Animo'y ayaw ko ng huminto.

Ramdam ko ang kamay niyang kaninang hawak ang panga ko ay marahang hinawakan ang pisngi ko. Mahina niyang pinisil 'yun at sa isang pagsiil niya ng halik ay natigilan ako nang may sunod-sunod na ala-ala akong nakikita.

Mula pagkabata, naaalala ko ang itsura ng sarili kong mga magulang. Natandaan ko na kung kailan kami unang nagkita ni Lovier, hanggang sa magdalaga na ako ay nakikita ko sa ala-alang sumasagi sa isip ko kung paano ako bantayan at protektahan niya.

Nagkaroon ako ng mga part-time jobs at suma-sideline pa. May mga nakilala akong mga tao kabilang na si Rax, Jeffrey, Lola Anita, Madam Kilay, Maya at iba pa.

Ang lahat ay naalala ko, pati na rin kung kailan kami iniwan ng sarili kong Ama at nagkasakit si Mama.

Naging adviser at mentor ko rin siya sa paaralan, may mga naging kaibigan ako na grupo ng bandang kalalakihan. Sumagi ang isa-isa nilang mukha ang ilan sa mga myembro kasama doon sina Patrick, Aaron, Vien, Vion at si.. Blake.

Pati ang stepsister ko na si Claire ay naalala ko, tandang-tanda ko kung paano rin ako nawalan ng sariling ina, kung paano ako pagtraydoran ng sariling ama at inilayo si Lovier sa akin saka niya pinahirapan at balak ibenta.

Nagkagulo ang lahi nila Lovier pati ang mga tao, kasama doon si Mr. Amato. Parang pinipiga ang puso ko sa mga oras na ito kung paano nagparaya si Blake para lang maligtas kaming dalawa ni Lovier, inialay niya ang buhay niya matapos umamin ng nararamdaman niya para sa akin.

Naimulat ko ang mga mata ko at malakas na naitulak si Lovier. May kalayuan siya ngayon, hindi ko sinasadyang mapalakas ng ganoon. Naputol ang lalim ng halikang iyon na para bang wala siyang balak huminto kahit pareho kaming hinihingal at uhaw na uhaw.

Napansin ko pang wala na sa ayos ang suot kong bathrobe, maluwag na ang pagkakatali sa walang saplot kong katawan, mukhang siya amg may gawa. Maliban doon ay wala na akong ibang suot.

Bumangon siya at naglakad muli papalapit sa akin. Muli siyang pumantay sa akin at tinitigan ang mga mata ko, kaagad akong nagbaba ng tingin saka inayos ang suot na bathrobe. Parang luluwa na ang dibdib ko kanina.

Ni-request ko pala sa kaniya noon na alisin ang aking memorya para makalimutan ang masasamang ala-ala, ngayon naman ay ni-request ko naman na ibalik ang aking ala-ala. Pinanganak nga siguro akong may sayad. 

Isa pa, wala akong sakit, kabilang lang ako sa uri nila. 

"Welcome back, amore mio " (my love)

Tigalgal akong pinagmamasdan siya, hindi ko pa kayang iproseso ang mga memoryang nagbalik, biglaan pati na ang kilos niya na muntikang may mangyari.

Hindi nawala ang mabilis at mabigat kong paghinga at biglang nanlambot, ilang segundo lang ay dumilim ang aking paningin.
.
.
.

Katatapos lang naming mag celebrate sa kaarawan ko, inimbitahan nila Mom at Dad sina Lovier na kasama ang kapatid at pinsan na sina Dewei at Jeralene. Panay ang pagsulyap sa akin ng tatlo mukhang alam na nilang nagbalik na ang ala-ala ko.

Pati ang mga masasamang ala-ala ay natatandaan ko pa pero nakatulong ang pansamantalang pagkabura ng ala-ala ko para hindi na ako magkaroon ng trauma sa nakaraan ko.

Mga kamag-anak ng parents ko lang ang inimbitahan nila, wala naman akong ibang kaibigan maliban kay Rax at sa mga banda na paniguradong may sarili na silang pinagkakaabalahan.

Dalawang araw na ang lumipas at patuloy pa rin sa pagpapanggap si Lovier na doktor ko, para hatiran ako ng dugo na maiinom ko. Patuloy rin kami sa pagpapanggap na mga normal lang na tao.

Magmula nang mabalik ang ala-ala ko ay panay na ang pangungulit niya kapag kami lang dalawa magkasama. Minsan nga ay bigla na lang mangyayakap o kaya ay sisiksik sa akin. Kahit gumagawa ako ng task sa school ay nakahiga siya sa hita ko, naging clingy ang kilala kong may cold na personality.

Minsan naman ay magpupumilit na siya na lang daw gagawa ng mga assignments at projects ko, hindi naman pwede 'yun kase para saan pa ang pag-aaral ko kung ipapagawa ko sa kaniya ang mga school works ko. Edi wala akong matututunan.

Maski ang paglalaba ko o paghuhugas ng plato ay bigla na lang siyang susulpot para mangyakap sabay nakaw ng halik. Mabuti na lang hindi siya biglaang papasok sa banyo kapag wala akong sinabi kaya may privacy pa rin ako. Kapag naman ayaw ko ay binibigyan niya naman ako ng kalayaan, hindi siya mahigpit sa akin kahit mukha siyang istrikto.

Ngayong araw ay sinamahan niya akong bisitahin ang puntod ni Blake. Nandon lang siya sa malayo at naghihintay sa akin, hinayaan niya akong mag-isang kausapin si Blake. Nag-alay ako ng kumpol ng bulaklak at nagtirik ng kandila.

Nagtagal ako doon. Nang maupos na ang kandila ay pinagmasdan ko pa ang mapayapang kapaligiran at dinadama ang preskong hangin bago ko naisipang tumayo na at pagpagan ang sarili.

Hindi pa man ako nakakaayos ng tayo ay nakalapit na siya agad sa akin sabay kaway. Natawa na lang ako sa iniasta niya, ang cute niya kapag nagpapapansin. Nakahalik pa sa pisngi ko.

"Eda?" nalingon namin ang tumawag sa akin.

Pareho kaming nagkagulatan, si Vion kasama ang grupo.

"Eda!" masiglang ani Vien

"Tsk, 'wag kang sumigaw! Akala mo naman nasa malayo!" reklamo ni Patrick.

"E ano bang ginagawa mo rin ngayon!?"

Natawa ako at biglang namiss ang kulitan namin noon. Ngayon ay mukhang bibisita rin sila sa yumao ng vocalist nila kahit masakit pakinggan.

"pre" aniko, nilingon nila ako "mga leche flan kayo" napailing kong sabi.

"Eda" tawag ni Aaron, nginitian ako. Ginantihan ko naman ikinatigil ko nang lumapit siya at mahigpit akong niyakap.

Pasimple kong nilingon ang gawi ni Lovier, blanko ang mukha na nakatingin sa pagkakayakap sa akin ni Aaron.

"Group hug!" anunsyo ni Patrick bago sabay-sabay na lumapit sa akin at sinalubong ako ng yakap ng mga kapre, ang tatangkad kase lalo na ang height ni Lovier. 5'3 lang ako, siya naman ay 6'2.

Natawa kami nang hilain ni Aaron si Lovier at siya naman ang niyakap ng solo, nangunot ang nuo ng isa "Hey, Daddy" maharot pang sabi ni Aaron at nag beautiful eyes sabay kapyot sa braso ni Lovier.

Hindi na maipinta ang mukha ng isa at gusto kong humalakhak ng tawa pero todo pigil ako baka lalong sumama ang awra.

"Aray!" reklamo ni Aaron ng hampasin ko siya sa braso. Hinarangan ko si Lovier. Nangasim ang mukha ni Aaron na nagpalitan ng tingin sa aming dalawa.

"Wokey, edi sayo na" napasuko siya ng mga kamay bago kami nagtawanan, maliban sa isa na ang sama pa rin ng mukha. Minsan ang hirap niyang patawanin, lambingin ko na lang mamaya.

.
.
.

Nasa palasyo niya ako at dito ko lang naisipang gumagawa ng projects ko, dinahilan ko na lang na may group project kami ng classmates ko kahit dito naman talaga ang punta ko.

Abala ako sa pagtutuplok sa laptop ko at naka upo sa higaan nang may mga brasong yumapos sa tiyan ko mula sa likod. Ayan na naman siya.

Hindi ko na muna pinansin, kailangan kong matapos ang ginagawa ko ngayon. Inalis niya ang hibla ng buhok kong tumatakip sa leeg ko saka niya inumpisahang dampian ng magagaan na halik.

Nahinto ako bigla sa ginawa, palihim akong nagkagat labi dahil sa ginagawa niya.

"Lovier"

"Hmm?"

"I-I'm busy"

"Me too" aniya, mukhang ayaw magpaawat.

Malalim ang paghinga ko, napapikit ako at dinadama ang bawat dampi ng labi niya saka niya paglalaruan ng dila niya. Naglilikot ang isa niyang kamay papasok sa loob ng damit ko hanggang sa matunton niya ang nais niyang mahawakan sa hinaharap ko.

Umawang ang labi ko, nadadala sa ginagawa niya. Ganito na yata kalakas ang epekto niya sa akin, bawat dampi ng balat niya ay parang may kuryenteng dumadaloy sa dugo ko at kinikiliti ako.

"Lovier" may lambing sa tono kong sabi habang pinaglalaruan na ngayon ang buhok niya at tinagilid ang ulo para bigyan pa siya ng espasyo na magpatuloy.

"Hmm?"

"I'm... thirsty"

Mabilis siyang huminto sa ginagawa niya bago mapupungay ang mga matang tinignan ako.

"You wanna have a bite?" anyaya niya saka hinawi ng kaunti ang kwelyo niya upang mapagmasdan ko lalo ang leeg niya.

Napaayos ako agad ng upo at harap sa kaniya sabay sabit ng mga braso sa batok niya habang nakatingin pa rin sa leeg niya. Parang bigla akong naparning sa pagkauhaw, nadilaan ko ang ibabang labi. Matunog siyang napangisi.

Nagsilabasan na ang mga pangil ko, hindi ko na pinansin ang pang-aasar niya at kaagad ng sinunggaban ng kagat ang leeg niya. Napahawak niya ng mahigpit sa kung saan.

"Slow down, amore mio. Hindi ka mauubusan... It's all yours" brusko ang boses niyang pagkakasabi habang nakahawak sa ulo ko at ginagabayan ako sa bawat sipsip ko ng dugo niya.

Hindi kami nga tao para mabilis maubusan ng dugo kaya normal na lang sa amin ang gawaing ito sa t'wing kailangan namin ang isa't-isa.

Ngayon na pareho na tayong imortal, lumalakas pa lalo ang ating pag-iibigan. Ipapangako kong kahit anong mangyari, tayo pa rin'g dalawa sa huli, mahal ko.

_________

Continue Reading

You'll Also Like

13.4M 641K 49
"She's my best friend, and she's the thirteenth victim." Nangako si Althea Denise Limerick at ang best friend nitong si Elyse na hindi sila magiging...
2M 68.9K 51
A school where different kinds of vampires such as pure bloods, noble vampires and hybrids study and train to be a true vampire. It all started with...
11.4M 570K 53
Kallaine Seraphina Verlas is a vampire with a white curse-a curse that every creature feared the most. She already accepted her existence alone, trap...
8.7M 320K 57
12:00 A.M. Every breath you take Every move you make Every bond you break Every step you take "I'll be watching y...