Don't Play With Fire (Publish...

Bởi sweet_aria

4.6M 120K 11.9K

"She doesn't have a heart." Iyan ang pagkakakilala ng marami sa kanya. She can do everything - humiliate ever... Xem Thêm

Don't Play With Fire!
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue

Chapter 3

99.4K 2.8K 300
Bởi sweet_aria

Chapter 3

Kanina pa ako naaalibadbaran sa tinging ipinupukol sa akin ni Altamirano. Umayos ako ng upo at isinuksok sa aking tenga ang earphones.

Hindi ko mapigilan ang mairita. Kung hindi dahil sa adviser naming si Ms. Dimayugyog ay sana hindi ko kalapit ang mayabang na lalaking ito.

Napahampas ang aking kamay sa sariling desk. "Pwede bang magsitahimik kayo?!" sigaw ko nang hindi na ako makatiis.

Tumayo ako at dumiretso ng upo ang mga babaeng nag-iingay.

"Anong sabi ni Sir Hajas?" Tumaas ang kilay ko at inilibot ang tingin sa mga babaeng walang ginawa kundi ang magpa-cute kay Altamirano. Iniwanan kami ni sir ng activity pero hindi ako makapag-concentrate. How could I? Napakaingay nila! "Huwag daw maingay diba? What are you guys doing? Dakdakan kayo nang dakdakan. Tsismisan kayo nang tsismisan. Kaya walang laman 'yang mga utak ninyo!"

"Bakit ikaw?" Singit ng lalaking katabi ko.

Binalingan ko si Altamirano.

"Ikaw anong laman ng utak mo? Ang manakit? Ang mamahiya? Anong ginawa sa'yo ng mga kaklase natin at kung makasigaw ka dyan, parang may ginawa silang masama?"

Napuno ng bulungan ang classroom.

"How dare you judge me?" Mariin kong tanong. "Kung makapagsalita ka diyan kala mo kilala mo ako."

"Bakit? Hindi ba't kahusga-husga naman ang ugali mo?" Tumayo siya at tumungo sa harap ko. Hinampas niya ng kamay ang aking desk at galit ang mga matang tumitig sa akin. "You hurt Forrah." Umigting ang kanyang panga.

Iginala ko ang paningin sa mga kaklaseng muling natahimik. Dumapo ang paningin ko kay Forrah. I could see the uneasiness in her eyes.

"Ang kapal naman ng mukha mong pagbintangan ako sa nangyari sa girlfriend mong pobre." Ngumisi ako at naghalukipkip. "Ganyan ba talaga kayong mga taga-bukid ha? Mapagbintang?"

"Anong sabi mo-"

"Good morning class!"

Napaatras siya. Ngumisi ako at umupo. Kung bakit naman kasi late nang pumasok si Ms. Dimayugyog. Tuloy ay nakatikim na naman si Altamirano ng maaanghang na salita sa akin.

Nagsimula ang klase at hindi matanggal-tanggal ang ngisi sa aking labi. Muli ko siyang tinignan. Inirapan niya ako. Kinagat ko ang labi para pigilin ang pagtawa.

Alam kong galit siya sa akin dahil sa nangyari kahapon, pero hindi ko pinagsisisihan ang ginawa ko sa kanya. Ang totoo, naiisip kong siya naman kaya ang kawawain ko? Tignan lang natin kung hindi niya ako tantanan. Pinagbantaan niya ako kahapon pero hindi ako duwag para matakot.

"Good morning Dela Vegas and classmates!"

Dumako ang tingin ko sa may pintuan. Kumunot ang aking noo nang makita ang mga pinsan kong lalaki. Dire-diretso silang pumasok.

"What?" Tanong ko.

Kalalabas lang ni Ms. Dimayugyog kaya walang nakapigil sa kanila. Tumingin ako sa paligid, halata ang kilig sa mukha ng mga babae.

"Camilla texted me. Ang sabi, may lalaki raw dito na kumakalaban sa'yo? Is that true?" Tanong ni Conrad.

Sumandal ako sa kinauupuan at iritadong pinalipat-lipat ang tingin sa kanila. "Seriously? Pumunta kayo rito para alamin 'yan?"

"We just wanna know the guy." Hinaplos ni Phoenix ang kanyang buhok.

Sa mga pinsan kong lalaki ay si Phoenix ang may pinaka-maraming babae. He had the most beautiful eyes among them. Kaya siguro maraming naloloko sa kanya. Conrad had his own ways to allure girls. His voice could make girls drool. Hiro had the most fair and seamless skin. Daig pa niya ang ibang mga babae sa puti at kinis ng kutis. And Raxx, the most serious type, a taciturn guy.

"Gusto ko siyang maging kaibigan, Tami." Sumandal si Phoenix sa upuang nasa harapan ko. Naghalukipkip siya.

"Get out of this room now." Inirapan ko siya.

Humalakhak siya.

"Oh God, Phoenix!"

Napabuntong-hininga ako dahil sa narinig. Tinignan ni Phoenix ang babaeng tumili ng kanyang pangalan. Halos mangisay ang babae nang kindatan siya ng pinsan ko.

Tinignan ko si Camilla na nasa tabi na ni Conrad. May ibinulong siya dito at pasimpleng inginuso si Altamirano.

"Camilla!" Tawag ko.

Pero huli na dahil nilapitan na ni Phoenix si Altamirano. Sumunod si Conrad at Hiro at pinalibutan siya. Si Raxx ay tahimik na nakasandal sa isa sa mga upuan at pinapanuod sila Phoenix sa ginagawa.

"Dude!" Tumango si Phoenix. "Pwede kang makausap sandali?"

"Phoenix!" Sinamaan ko siya ng tingin.

Umangat ang tingin ni Altamirano kay Phoenix. "Sino ka?" Walang gana niyang tanong.

"Phoenix, pare. Phoenix Dela Vega." Inilahad niya ang kamay.

Inabot ito ni Altamirano. "Fire Altamirano." Seryoso niyang sabi. "Anong kailangan mo pare?"

"Just wanna invite you to Conrad's house later. Basketball tayo sa gym." Tugon ni Phoenix.

"Or should we have drinks?" Singit ni Conrad.

"Assholes." Gustung-gusto ko na silang murahin. Kung gusto nila ng bagong kaibigan ay puwede namang iba. Bakit si Altamirano pa? "Get out of this room or I'll kick you one by one."

Hindi nila ako pinansin. Napabuga ako ng hangin.

"Sure!" Sagot ni Altamirano.

Namilog ang aking mga mata.

"Pwede ba akong magsama?" Tanong pa niya.

Nag-apir sina Phoenix at Conrad. Tumayo ako at naglakad palapit sa kanila.

Hinigit ko ang braso ni Phoenix. "We'll go swimming later. Kami nila Jem at Camilla. Bakit mo isasama 'yang lalaking 'yan? Nahihibang ka na ba?"

"Is it bad to invite him?" Kunot-noong tanong ni Phoenix. "Magswimming kayo. Sa pool naman kayo at hindi sa basketball court magsiswimming."

"Magpapapasok ka ng isang taga bukid sa bahay nila Conrad?" Hindi ko makapaniwalang tanong.

"Relax Tami. Bakit ba ang init ng dugo mo sa bago mong kaklase? We just wanna play with him. Usapang lalaki 'to. Larong lalaki. You better stop the fuss. "

Umirap ako at bumalik sa upuan sa sobrang inis. Pagkatapos kausapin ng mga pinsan ko si Altamirano ay lumabas na rin ang mga ito.

"Forrah, sama ka sa akin mamaya. Maglalaro kami ng mga Dela Vega ng basketball."

Umangat ang ulo ko pagkarinig niyon. Nakaupo si Altamirano sa desk ni Forrah at nakaakbay siya dito.

"H-hindi ako pwede mamaya. Mag-aaral ako." Tugon ni pobre.

"Ganun ba? Pero paano naman ako? Aren't you gonna cheer your boyfriend?" May halong tampo sa kanyang boses.

Napangisi ako. Ang baduy ng dalawang 'to!

"Sandali lang ba 'yon? Baka kasi gabihin tayo. Wala pa naman akong kasama sa boarding house."

Tumingin ako sa buong room at halos mapangiwi sa nakita. Ilan sa mga babae kong kaklase ang halata ang inggit sa mukha at tila may maiiyak pa sa napapanood sa dalawa.

"Ano bang meron sa Altamirano na 'yan?" Bulong ko.

"He's obviously handsome and generous."

Napangiwi ako sa narinig kay Camilla.

"Nakakainggit si Forrah." Dagdag pa niya.

Titig na titig siya kay Altamirano. Dahil wala ang lalaking iyon sa upuan niya ay si Camilla ang nandito.

"Camilla?" Kumunot ang aking noo.

Nilingon niya ako.

"May gusto ka ba kay Altamirano?" Diretso kong tanong.

Hindi siya sumagot at tumungo. Pilit akong ngumisi dahil sa reaksyon niya.

So, this was the reason why she texted her brother and our cousins? Gusto niyang mas makilala pa si Altamirano. Ginawa niya lang rason ang alitang namamagitan sa amin kaya agad na tumakbo ang mga pinsan ko dito para kilalanin si Altamirano.

Kilala ko ang mga pinsan ko. Kapag nakakarinig ito ng tungkol sa mga lalaking nalilink o nakakaaway ko ay kinikilala nila ng husto. Ang rason nila? Hindi ko alam.

"Ilang linggo pa lang siya dito, Camilla. Isang linggo pa lang." Paalala ko.

Nilingon niya ako at kinagat ang ibabang labi. "Tamiya, he's a nice guy..." Muli siyang tumungo at pinaglaruan ang kulay pink niyang headphones.

Umigting ang panga ko.

"Kilala mo si Matthew diba? 'Yung nanliligaw sa akin from other section."

"What about him?" Tanong ko.

"M-minanyak niya ako, Tami."

Nanlaki ang aking mga mata. "What did you say?"

Muli siyang tumingin sa akin. Mabilis na pumula ang kanyang mga mata.

"I was waiting for kuya Conrad yesterday. Ala-sais ng hapon sa bench. Dumating si Matthew na may dalang bulaklak. Kahit ayaw kong tanggapin kinuha ko. Mapilit si Matthew at kapag hindi ko iyon tinanggap ay baka maabutan pa siya ni kuya. I don't want that to happen."

"Don't beat around the bush, Camilla! What did he do to you?!" Napasigaw na ako.

Naramdaman kong napatingin sa amin ang mga kaklase namin. Hinawakan ko siya sa braso at hinigit palabas ng room.

Dinala ko siya sa CR para walang makarinig sa amin. Hindi pa man niya naikekwento ang buong nangyari ay may ideya na agad ako sa ginawa ng hayop na Matthew na iyon.

Nilock ko ang pinto at hinarap ang takot na mga mata niya. Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat.

Ito ang kinaiinis ko sa kanya. Mabuti pa si Jemimah, kayang-kayang ipagtanggol ang sarili. Pero siya? Damn it. She's fragile!

"D-dinala niya ako sa rooftop kahapon. Kinaladkad niya ako papunta doon. Nilock niya 'yung pinto papasok sa r-rooftop." Nabasag ang kanyang boses.

"Damn it, Camilla! Bakit ngayon mo lang sinabi?" Napasabunot ako sa buhok at lumayo sa kanya pagkatapos niyang magkwento.

"N-natatakot ako Tami."

"Mas matakot ka sa akin! Wag kang matakot sa hayop na 'yun!" Lumapit ako at muli siyang hinawakan sa balikat. "Shit!"

"Tamiya, wag na wag mo 'tong sasabihin kila kuya."

"You think I'm gonna let this pass? I can't believe na mayroon ng highschool student na marunong gumawa ng ganoong bagay. Damn it, mananagot sa akin ang lalaking 'yun!"

"Hindi niya ako nagalaw, Tamiya. Please, wag mo nang sabihin kila kuya. Natatakot din ako para sayo."

Hindi ko pinansin ang sinabi niya. Kinuha ko ang panyo sa bulsa at pinunasan ang kanyang mga luha. Ramdam ko ang gulat niya sa ikinilos ko.

Hinigit ko siya palabas at hinatid sa room. Tinatawag niya pa nga ako pero hindi ko siya pinansin.

"Woah, may chicks!"

Nagsipulan ang mga lalaki pagpasok ko sa ibang room. Tumayo ako sa unahan at hindi pinansin ang mga kabastusan nila.

"Nasaan si Matthew?"

Tumayo ang isang lalaki. Nakangisi siya at titig na titig sa akin. Aba't proud pa!

Hindi na ako nagdalawang isip at lumapit. Kinuwelyuhan ko siya at walang sabi-sabing sinuntok sa panga. Napabaling ang kanyang ulo, halata ang gulat sa mukha.

Umingay ang room.

"Tamiya Dela Vega..." Sabi ng kung sinong lalaki.

"Hala ka Matthew, anong ginawa mo?" Tanong ng kaklase niyang babaeng nasa bandang likuran niya.

Itinulak ko siya at na out balance. Tatayo sana siya ngunit agad ko siyang sinipa sa tiyan. Muli siyang napahiga at namilipit sa sakit.

"Hindi lang 'to ang mapapala mo, Matthew. Tandaan mo, hindi pa alam ng kuya ni Camilla ang ginawa mo. Hindi pa ito alam ng mga Dela Vega."

"A-anong sinasabi mo, Tamiya? Wala akong alam sa-"

Hindi ko na siya pinatapos at muling sinipa sa tagiliran. Naaninag ko ang takot sa kanyang mukha. Tumalikod ako. Ganun na lang ang gulat ko nang biglang may sumampal sa akin. Nanlaki ang aking mga mata.

Umiiyak ang babae sa harap ko. Yumuyugyog ang kanyang balikat at nanginginig ang mga labi. "Bakit mo sinaktan ang boyfriend ko? Wala kang karapatan-"

Sinampal ko rin siya.

"Boyfriend mo si Matthew?" Tinaasan ko siya ng kilay at marahas na hinawakan ang kanyang balikat.

Natahimik ang buong room ngunit muling bumalik ang ingay dahil sa bigla kong pagtulak sa babae.

"Tignan mo nga naman may girlfriend pala ang gago. Tanong ko lang Miss? Alam mo bang nililigawan ng boyfriend mo ang pinsan ko? Isa pang tanong, alam mo bang manyak 'yang jowa mo? Isa pa ulit na tanong, namanyak ka na rin ba niya? Kasi kung hindi pa, suhestiyon ko lang, hiwalayan mo na siya. Bago pa tuluyang masira ang buhay mo!" Ngumisi ako. "Binabalaan kita, lumayo ka na sa lalaking 'yan. Sasaktan at lolokohin ka lang niyan. Mamanyakin at bubuntisin. Pagkatapos iiwanan."

Lumabas ako at hindi na nagdalawang isip na tawagan si Conrad. "Iuwi niyo na si Camilla."

Pagkatapos kausapin si Conrad ay bumalik ako sa room. Ikinagulat ko ang nadatnan.

Yakap-yakap ni Altamirano si Camilla. Si Forrah ay nakatingin lang sa dalawa at kitang-kita ang selos na isinisingaw ng kanyang mga mata.

Mabilis akong naglakad papunta sa kinauupuan ng pinsan ko. Itinulak ko si Altamirano na ikinagulat niya.

"Problema mo?" Inis niyang tanong.

Ibinaling ko ang tingin sa kanyang girlfriend. "Stop hugging other girl, Altamirano. Wag kang gago dahil may nasasaktan kang tao. Wag ka ring manhid dahil may nahuhulog sa ginagawa mo."

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

3.2M 117K 33
More Trilogy Book 2: Hold Me More (2017) Mga taon ang lumipas at kahit siya ang nang-iwan, hindi alam ni Czarina kung bakit kay Bari pa rin siya buma...
41.4K 2.4K 40
World Trip Series 4 Kiersten applied as an intern in a company based in London. She dreamed to live like how royals in the country would live like. A...
71.1K 3.1K 34
"I will always leave a trace to remember my way back to you."- Kael Valdez [ BOOK PUBLISHED UNDER B&B PRINTING SERVICE ]
19.1M 225K 36
Meg is a bitch--and she continues to be one upon knowing that Daniel only married her for his wealthy grandfather's inheritance. But when secrets fro...