The UnWanted Billionaire

Bởi iampurplelynxx

21.4K 402 32

Ikakasal na sana si Louisse sa kan'yang soon-to-be husband pero nang dahil sa malagim na trahedya, ang inaasa... Xem Thêm

THE UNWANTED BILLIONAIRE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 8.1
CHAPTER 8.2
CHAPTER 9
CHAPTER 9.1
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 11.1
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 14.1
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 17.1
CHAPTER 17.2
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 21.1
CHAPTER 22
CHAPTER 22.1
CHAPTER 22.2
CHAPTER 23
CHAPTER 23.1
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 25.1
CHAPTER 26
CHAPTER 26.1
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 33.1
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 48.1

CHAPTER 38

309 7 7
Bởi iampurplelynxx

ARAW ng sabado at ang pag-deliver ng mga bulaklak ang gawain ni Louisse sa shop. Pagkarating niya sa Daily Flower Shop ay nakaayos na sa truck ang mga bulaklak at siya na lang ang hinihintay ng driver. Matapos siyang kausapin ni Mrs. Oswald ay tumuloy na rin silang dalawa ni Tonyo, na siyang inarkila ng amo para maghatid sa kan'ya at sa bulaklak.

Mahaba-haba rin ang naging byahe nila kaya medyo nakaidlip si Louisse. Kulang din kasi siya sa tulog kagabi dahil na rin halos ayaw nang ibaba ni Alexandros ang tawag at gusto yata siyang kausapin magdamag. Bago pa niya  namalayan ay alas-tres na ng madaling araw kaya napilitan ang anak na matulog na.

After a few hours of driving ay narating din nila ang isang spanish-modern house. Ibinaba ni Tonyo ang passenger glass door kaya siya ang nakipag-usap sa isang seryosong security guard.

"Good morning. I'm Loui. We are from Daily Shop and we will be delivering flowers for Mrs. Olivia."

Sandaling umalis ang security guard. Sa tantiya ni Louisse ay in-inspection pa nito ang mga bulaklak sa likod bago bumalik sa gilid niya at tumango. "Puwede na kayong pumasok."

Bago pa tuluyang maialis ni Louisse ang tingin sa guard ay nakita niya pang nagsalita ito habang hawak ang walkie talkie. Tuluyang inihinto ni Tonyo ang truck nang mamataan nila ang isang ginang, suot ang isang eleganteng dress, nakatunghay sa paparating nilang truck. Naunang bumaba si Louisse at sinalubong naman siya ng ginang.

"Good morning Mrs. Olivia."

"Good morning," nakangiting bati nito pabalik. Halata ang british accent. "Where's my flowers?"

Iginaya niya ang kamay papunta sa likuran ng truck, sumunod naman ito sa kan'ya. Nakita ni Louisse kung paano nagliwanag ang mukha ni Mrs. Olivia nang makita nito ang nagagandahang carnation flowers.

An exited voice of Mrs. Olivia echoed in the silent village that made Louisse jumped from where she was standing. Nawala na ang tila gitla sa noo ng ginang. Akala niya ay katulad ng ibang mayayaman ay matapobre rin ito pero ngayong pinagmamasdan niya ang ginang ay masasabi niyang iba ito kumpara sa mga napapanuod niya sa mga movies.

"Sigurado akong magugustuhan ito ni Sachza," komento nito.

Na-tense ang katawan ni Louisse. Ilang Sachza ba ang may ganoong pangalan sa mundo? Imposible naman sigurong doon pa talaga sila magkikitang dalawa?

Bago pa niya maitanong sa ginang kung sinong Sachza ang binanggit nito ay may narinig na siyang pamilyar na tinig mula sa kan'yang likuran.

"Mom, why are you so loud? Even the deaf can hear you now."

Tila nabuhusan ng malamig na tubig si Louisse habang dinig niyang papalapit na ang yabag nito sa kanilang gawi. Hindi pa niya napaghahandaan kung paano harapin ang iba pang taong konektado kay Zairus. Ni maski nga ang lalaki ang dahilan ng pagpunta niya sa Manila ay wala pa siya konkretong plano kung paano ipapakilala ang anak nila rito.

Nakahinga lang siya ng maluwag nang may isang boses pa siyang narinig. "Ma'am Sachza, may tawag po kayo galing kay sir Ezekhiel."

Ilang minuto pa ang lumipas bago niya naikalma ang sarili. Muntik na siya roon...

"At dahil natuwa ako sa mga bulaklak." Nakuha ng ginang ang atensyon ni Louisse. Nang dahil doon ay nanumbalik na sa reyalidad ang isip niya. "I want to give you something. Wait me here."

Walang nagawa si Louisse kung hindi maghintay sa pagbabalik ng ginang habang isa-isang ibinababa na ni Tonyo ang mga bulaklak.

"I'm back!" anito nang makabalik. "This is for you." Sabay bigay nito sa kan'ya ng isang white and gold na sobre.

"P-para saan po ito Mrs. Olivia?"

"Balak kasi ulit pakasalan ng son-in-law ko ang anak ko and this time ay sa New York naman. Kaya ang balak ko ay magpa-party bago ang flight nilang dalawa. And you're invited."

Mula sa ginang ay napatingin siya sa hawak na sobre. "P-pero baka hindi po ako maka-attend, ma'am."

Nakagat ni Louisse ang pang-ibabang labi nang muling maging seryoso ang bakas ng mukha ni Mrs. Olivia, nagawa pa nitong ngumuso. "Magagalit ako kapag hindi. Saka isa pa, take this as opportunity. Kasi bibigyan kita ng chance na i-advertise ang shop niyo sa party. Tutulungan pa kita."

Napaisip siya sa sinabi nito. That would be a great help. Kumpara sa sales nila ay sigurado siyang mas lalaki pa iyon kapag na-advertise sa mga mayayaman ang shop nila.

Isang linggo na ang nakararaan mula nang mag-apply siya sa Daily. Wala naman sigurong masama kung mas lalo pang makilala ang shop ni Mrs. Oswald? After all, kung hindi dahil sa tulong ng pamangkin nito ay tiyak hindi niya alam kung saan kukuha ng perang panggastos niya sa araw-araw.

"Pag-iisipan ko po, ma'am."

Tumango naman ito, saka muling may inabot sa kan'ya. Isa iyong maliit na card. "Tawagan mo ako kapag decided ka na. At itatawag ko mula sa kilala kong botique shop ang isusuot mo."

Mabilis naman niyang iniling ang ulo at iwinagayway pa ang kamay. "Ay naku, ma'am! Hindi na po. Ako na po ang bahala roon."

Umiling din naman ito. "Ako ang nag-imbita kaya sagot kita."

Kalaunan ay napabuntong-hininga na lamang si Louisse. Matapos maibaba ni Tonyo ang lahat ng bulaklak na order ni Mrs. Olivia ay lumarga na silang muli pabalik sa Daily. Mabilis niyang sinabi ang magandang balita kay Mrs. Oswald.

"Hindi naman sa pinipilit kitang magpunta sa party na iyon, Louisse. But can't you realize? It's just happen once in a lifetime. Sino ba namang dating Miss Universe 2013 ang mag-i-imbenta pa sa'yo para dumalo roon, hindi ba?"

Napatango siya at naisip na baka opportunity na rin iyon para magkrus ang landas nila ni Zairus. Baka iyon na ang tamang panahon. Kaya nang gabing iyon, nang umuwi siya ay humarap siya sa salamin, ilang beses na nag-practice sa maaaring sabihin kay Zairus.

"Zai, nabuntis mo ako."

Mabilis na napailing si Louisse. "Ang pangit namang pakinggan. As if I'm telling him that I'm also impregnate by other man."

Huminga siya ng malalim saka inayos ang buhok at muling tiningnan ang sarili sa salamin. "Hindi ko ginustong itago sa'yo ang totoo. Pero Zai, may anak na tayo."

Mas lalo lamang na-frustrate si Louisse dahil sa naging linyahan. Napahiga siya sa kama at napatingin sa hawak na calling card. Muli siyang umayos ng upo at kinuha ang cellphone. Mabilis niyang tinipa ang numerong nakasaad doon bago pa man magbago ang isip niya.

[Who's this?] sagot ni Mrs. Olivia mula sa kabilang linya.

"Good evening, ma'am. This is Loui. Nakapagdesisyon na po ako..." sinadya niyang bitinin ang sasabihin. Huminga muna siya ng malalim saka nagpatuloy. "Pupunta po ako sa party.

[Perfect!] masiglang komento nito. [That's a good decision. By the way, meet me at the Sweet Taste tomorrow.]

Bago pa siya makahuma ay mabilis na nitong ibinaba ang tawag. Muli siyang napahiga at nakangiting ipinikit ang mga mata.



MULING iling ang ibinigay sa kan'ya ni Mrs. Olivia kaya walang nagawa si Louisse kung hindi muling bumalik sa fitting room at muling sukatin ang isang cocktail dress na ibinigay ng staff.

Pakiramdam niya ay nangangalay na ang kan'yang paa. Nag-day-off siya sa araw na iyon sa Daily para makipagkita kay Mrs. Olivia, pinayagan naman siya ng amo. Pero hindi niya alam kung mag-uumpisa na ba siyang pagsisihan ang naging desisyon. May pagka-maselan pala kasi sa damit ang ginang. Pang-sampu na yata niya iyong palit.

"That's perfect!"

Iyon na ang komento nitong hinihintay niya. Noon pa lang nagawang tingnan ni Louisse ang suot dahil masyado siyang okupado ng ibang bagay kanina. It was a black with gold tube cocktail dress that is above the knee. The color is based from the theme of the party.

"I'll pay it now," dugtong pa nito saka na tumayo.

Akmang pipigilan pa niya ito nang maalalang suot pa rin ang damit. Kaya walang nagawa si Louisse kung hindi ang muling bumalik sa fitting room at magpalit ng damit. Paglabas niya ay kinuha iyon mula sa kan'ya ng isang staff saka maayos na inilagay sa isang shopping bag.

"Thank you for shopping in Meiji Boutique Shop, madame," sabay-sabay na ani ng mga staffs saka yumukod.

Tumango lang si Mrs. Olivia, muling isinuot ang shades at naglakad na. Nang iabot kay Louisse ang shopping bag ay mabilis siyang sumunod kay Mrs. Olivia.

"Ma'am, tapos na po ba tayo?"

Inangat naman nito ang kamay at iginalaw ang isang daliri. "Not yet, dear. That dress needs a beautiful pair of shoes."

"Pero ma'am, ayos lang po talaga. Okay na po ito sa akin."

"I don't take a no for an answer, dear."

Napahugot na lang ng buntong-hininga si Louisse nang muli itong pumasok sa isang shop. Isang oras din ang ginugol nila sa pagbili ng sapatos, mga alahas at kung ano-ano pang abubot na binili ni Mrs. Olivia para sa kan'ya. Sa huli ay napadpad naman sila sa isang exclusive coffee shop, sa tapat ng mall na kanilang pinasukan.

"Did you enjoy shopping with me?" Bungad na tanong nito sa kan'ya matapos sabihin sa waiter ang order nila.

"Yes, ma'am," magalang niyang pagsagot.

"You seems so formal, Louisse. You can call me Tita. After all, you're Zairus' fiancèe."

Nanlaki ang mga mata niya dahil sa narinig. Kaagad naman nitong tinakpan ang bibig. "Opsie! My bad. It slipped."

"H-hindi niya po ako fiancèe." Mabilis niyang pagtanggi.

Paano nalaman iyon ni Mrs. Olivia? Hindi kaya may nabanggit dito si Sachza? Pero bilang Lena ang pagkakakilala niya sa babae. Imposible namang na-i-kwento na siya rito ni Ezekhiel.

"Alam mo kasi ay matagal ka ng hinahanap ni Zairus, hija." Tila nabasa nito ang tumatakbo sa kan'yang isipan. "Mula nang umalis ka ng Pinas, naging bukas na siya sa harap ng media, mahanap ka lang. But after hearing the news that you're already married with Aiden, he got devastated."

Naikuyom niya ang kamao. Naging successful ang plano ni Tonyo nang pagpapakalat ng fake news. Pati kaya si Zairus ay pinaniwalaan din iyon?

"Alam niyo na rin po ba ang tungkol sa pagpapanggap ko?"

Tumango naman ang ginang, habang nakagat niya na lang ang pang-ibabang labi. Maya-maya lang ay inabot nito ang isa niyang kamay na nakapatong sa mesa. "But you don't have to worry, I'm not here to judge you. Minsan na rin naman akong nagsinungaling sa asawa ko, pero syempre ay hindi iyon ang totoong dahilan. Alam mo bang nakikita ko si Zairus sa asawa ko? Kasi handa siyang maghintay sa'yo sa kabila ng nagawa mo. Kaya naman, hija, stop hiding from him. Si Sachza kasi ang nagkumbinse sa akin na gawin ang bagay na ito. Alam niyang tinataguan mo silang lahat. Kaya nga kahit alam niyang ikaw ang nasa bahay kahapon ay hindi ka niya kinompronta."

Bigla ay naiyuko ni Louisse ang kan'yang ulo.

"This party is your chance to finally meet him. Sana this time ay magkaayos na kayo. After all, I want that man to end up with someone like you. Because just looking at you, I know you're a good person."

Muli niyang itinaas ang ulo at sinalubong ang tingin ni Mrs. Olivia. "Thank you so much, Tita," nakangiti niyang sambit.

"No." pag-iling nito. "Ako ang dapat magpasalamat. Thank you for accepting my invitation. I'm hoping that I'd clear your mind."

Naputol ang pag-uusap nila nang dumating na ang kanilang order. Naging magana naman ang k'wentuhan nila at naging magaan ang atmosphere sa pagitan nila nang inumin ang kani-kanilang mga kape.

Sa araw na iyon ay nakapagpasya na si Louisse. Without running and without turning back, she's now ready to face him again.

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

6.8M 179K 61
Elliana Brielle Delafuente, "the innocent girl" of the Delafuente clan with a plastic attitude will do anything just to fit in with the standard of b...
372M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
9.8M 293K 37
OLD SUMMER TRILOGY #1 Estella and Yori have always been rivals ever since high school because of debate competitions. They would always switch places...