Steffano Brothers' Obsession...

Av Ajai_Kim

2.2M 65.9K 34.4K

Si Yareli Tamayo ay isang maganda at mabait na dalagang nakatira sa probinsya ng San Felicidad. Kuntento na s... Mer

Steffano Brothers' Obsession
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
SBO Note
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue
Author's Note

Chapter 25

39.1K 1.2K 392
Av Ajai_Kim

YARELI'S POV

Dinaig ko pa ang baldado sa kalagayan ko ngayon. Halos hindi ko na maigalaw ang binti ko at pakiramdam ko ay para na rin akong nastroke. Medyo masakit pa ang binti ko na may tama ng bala at ang kanang paa ko naman na napilayan.

Dalawang araw na rin ang nakakalipas nang mangyari ang tangka kong pagtakas sa isla na ito. Kahit galit na galit ako sa Steffano Brothers ay hinayaan ko na silang mag-alaga sa akin dahil kasalanan rin naman nila kung bakit ko tinangkang tumakas sa kanila.

Hindi nila ako tinatabihan sa pagtulog ngayon at salamat na rin na kahit papaano ay marunong silang makiramdam. Sa ibang kwarto ng bahay na ito sila natutulog sa ngayon.

At sa lalakeng dahilan kung bakit hindi ako makalakad ngayon ng maayos, ni hindi na ito nagpapakita sa akin. Nagkukulong lang raw ito sa loob ng kwarto niya sabi ni Grant at kung minsan ay umaalis lang ito nang walang pasabi sa mga kapatid niya.

Nahihiya o nakokonsensya na ba siya sa ginawa niyang kasalanan sa akin? Pero imposible iyon dahil ang mga katulad niya ay isang demonyo at hindi makakaramdam ng awa sa isang katulad ko.

"Do you feel well now?" tanong ni Efraim pagkapasok niya sa loob ng kwarto.

May dala itong isang plato ng mga prutas at orange juice. Inilapag niya naman ito sa lamesa saka ito lumapit sa akin at tinitigan ako.

May galit ako sa Steffano Brothers pero hindi ko tuluyang magawang magalit kay Efraim. Siguro dahil wala itong sinasabing kung anong masama sa akin at wala rin akong ideya sa mga iniisip niya patungkol sa akin. Kumbaga parang go with the flow lang siya sa plano ng mga kapatid niya pero mali pa rin na makipagsabwatan siya sa mga ito.

"Kahit kailan ay hindi na ako magiging okay dito." mapait ko namang sabi.

Wala namang reaksyon si Efraim sa sinabi ko at humalukipkip lang ito habang nakatitig pa rin sa akin.

Naiintimidate naman ako sa kanya. Gwapo siya at kahit sinong babae ay maiintimidate kung tititigan ka ng ganito kagwapong lalake. Siya rin 'yung tipo ng lalake na may pagka misteryoso at mahirap basahin. Bukod sa tahimik siya ay kalmado lang ito at hindi mababakasan nang kahit anong emosyon sa mukha niya.

Kung ang apat niyang mga kapatid ay maingay, palasalita at nagbabait-baitan sa harapan ko, si Efraim naman ay nananatili lang na tahimik, totoo at walang kibo.

Mas lalo pang lumapit sa akin si Efraim at umupo ito sa tabi ko. Napagitla nalang ako nang bigla niyang hinawakan ang kanang paa ko na may benda pa rin at mahina niya itong hinihilot.

Kumabog bigla ang dibdib ko sa ginagawa niya at napatitig nalang sa kanya.

"I think your feet are doing fine. Iniinom mo naman ang mga gamot mo araw-araw and I'm also treating this to lessen the wound. Maybe next week ay gagaling ka na rin." sabi niya habang pinaikot-ikot nito ang kanang paa ko nang dahan-dahan.

Sa paraan ng paghawak niya sa paa ko ay para akong nakukuryente. Pilit ko namang pinipigilan itong kakaibang nararamdaman ko ngayon.

Nang matapos na si Efraim sa paghilot sa paa ko ay sunod naman niyang inobserbahan ang kaliwang binti ko na may cast at maraming benda.

"Tsk! That crazy moron, how can he did this to you?" huminga siya ng malalim pagkatapos niyang sabihin iyon at napailing ito.

Hindi ko maiwasang makaramdam ng kaunting tuwa dahil sa sinabi ni Efraim. Ang ibig sabihin lang nun ay nag-aalala siya sa kalagayan ko at hindi rin nito nagustuhan ang ginawa ni River sa binti ko.

Pero ano ba ang pinagkaiba niya kay River? Itinago niya rin ako at inilayo sa pamilya ko nang dahil sa makasarili nilang paghahangad sa akin.

"Masaya ba kayo ngayon sa akin, Efraim?" mahina kong banggit.

Tinignan naman niya ako ng seryoso at sumandal ito sa headboard ng kamang hinihigaan ko.

"Of course, we're happy because you're here with us." sabi niya.

"Kailangan niyo ba talagang gawin sa akin 'to para hindi na ako makawala pa sa inyo? Magiging masaya rin ba kayo na habang kasama niyo ako ay mas lalo lang nadadagdagan ang galit at pagkamuhi ko sa inyo?" tanong ko.

Tumiim-bagang si Efraim sa tanong ko at muli niya akong tinitigan.

"You tried to escape, Yareli. We trusted you but you broke it. Masakit para sa amin 'yung ginawa mo dahil pinamukha mo lang sa amin na hinding-hindi mo kami magugustuhan. River trusted you that much and he went insane nang makita ka naming tumatakbo papalayo sa lugar na 'to para lang matakasan mo kami. Umasa siya sa'yo, Yareli pero binigo mo siya sa huli." mariing sabi ni Efraim.

Alam kong may kasalanan rin ako sa kanila. Umasa sila sa aking bibigyan ko sila ng tsansa para makilala ko sila at mahalin ko pero nagpadalos-dalos ako sa desisyon ko at tinakasan ko pa sila makalayo lang sa kanila.

Hindi sila mga normal na lalake lang, iba ang pag-iisip nila lalo na si River dahil walang matinong lalake ang kayang barilin sa binti ang babaeng mahal niya. Dapat inintindi ko muna ang sitwasyon ngayon.

Gusto kong makaalis na sa lugar na ito para makasama ko na ang pamilya at mga kaibigan ko pero sa tingin ko ay hindi kaagad iyon mangyayari dahil sa saradong pag-iisip ng Steffano Brothers. Ang alam lang nila ay mahal nila ako at gusto nila akong makuha kay Juancho.

"May sakit ba kayo sa pag-iisip, Efraim?" mariin kong tanong kay Efraim na mukhang nabigla sa sinabi ko.

Tinuloy ko pa ang sasabihin ko. "Efraim, alam kong may mali sa inyong magkakapatid. Walang normal na tao ang mag-iisip na dukutin at barilin ang babaeng mahal nila at ilayo sa pamilya nila para lang makuha niyo ito kaya sabihin mo na sa akin ang totoo. May sakit ba kayo?" Nagdududa kong tanong.

Tumitig pa ng ilang segundo si Efraim sa akin bago ito tumango.

"What if I say yes? What if we are sick? Mababago ba nun ang pananaw mo sa amin? Hindi mo na ba ulit kami tatakasan pa? Pagbibigyan mo na ba kami diyan sa puso mo?" tanong niya na ikinagulat ko.

"We have a Mental Obsessive Disorder, Yareli. We got it from our rapist father and River is the one who triggered it the most. You're right, may sakit kami sa pag-iisip. We can control this sickness but sometimes, we can't. Are you already scared with us when you already found out the truth about our condition?" tanong niya at mas lalo pang tumiin ang tingin niya sa akin.

Gulat na gulat ako sa mga sinabi niya. Tama pala ang iniisip ko na may sakit sila sa pag-iisip. Kaya pala ganito sila kung umakto, ang akala nila ay mahal nila ako ngunit hindi iyon purong pagmamahal kundi may halo iyong obsesyon.

Nabago nga ba nun ang tingin ko sa Steffano Brothers? Sa tingin ko ay oo, hindi naman nila kasalanan na nagkasakit sila at nagagawa nila ang bagay na ito sa akin. Ngayon ay malinaw na sa akin ang lahat.

Kaya pala nagawa sa akin ni River iyon ngunit mali pa rin.

Hindi ko magawang makapagsalita sa mga sinabi sa akin ni Efraim. Nakaramdam ako ng awa para sa kanila. Pinasakitan man nila ako at halos patayin na ay lumalambot pa rin ang puso ko nang dahil sa nararamdaman ko para sa kanila.

"All we want from you is to love us. Mahal ka namin, Yareli at sa sobrang pagmamahal namin sa'yo ay nagagawa na namin ang mga bagay na 'to 'wag ka lang mapunta kay Juancho." bigla ay tumayo na si Efraim mula sa kama.

"I hope that someday you will appreciate us. This is the first time that we went crazy for a girl. Kahit ako hindi ko na rin makilala ang sarili ko dahil sa ginagawa namin sa'yo. 'Yung pagmamahal mo lang, Yareli. That's the only thing we want from you right now." sabi niya hanggang sa naglakad na siya papaalis at sinarado ang pintuan ng kwarto na kinalalagyan ko. Narinig ko pa ang tunog ng paglock ng doorknob.

Napayuko nalang ako at nagpakawala ng malalim na pagbuntong-hininga na kanina ko pa pinipigilan.

Nalilito ako sa nararamdaman ko ngayon. Maling-mali ang nangyayaring ito lalo na sa ginawa nila sa akin pero nagtatalo pa rin ang puso't-isip ko.

Hindi ko na alam ang iisipin at gagawin ko sa mga nalaman ko kay Efraim. Pare-pareho lang kaming biktima dito.

Marahil sa sobrang pag-iisip ay hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako.

Nang magising ako ay tinignan ko ang orasan na nakadikit sa pader ng kwarto at alas onse na pala ng gabi. Nakita ko naman na nadagdagan ang pagkain na nakalagay sa lamesa. Bigla nalang kumalam ang sikmura ko dahil hindi pa pala ako kumakain magmula kaninang alas sais ng gabi.

Pinilit kong makatayo sa kama at nagpunta sa lamesa kahit iika-ika pa akong maglakad. Mabuti nalang talaga at hindi malalim ang pagbaon ng bala sa binti ko kaya hindi gaanong naimpeksyon ito. Ang problema lang talaga ang pilay ko sa paa na medyo makirot at masakit pa.

Nang maupo ako sa lamesa ay inumpisahan ko nang galawin ang pagkain na nakalagay sa isang tray. Alam ko na kung sino ang nagluto ng mga pagkain na ito dahil siya lang naman ang marunong magluto sa kanilang magkakapatid.

Tahimik akong kumain at nang dahil sa gutom na gutom na ako ay naubos ko kaagad ang kinakain ko. Pagkatapos kong kumain ay nagpunta na ako sa banyo para maghilamos at mag toothbrush.

Dahil hindi ko pa kayang maligo sa kalagayan ko ay nagpunas nalang ako ng katawan ko gamit ang sabon at bimpo na binasa ko sa maligamgam na tubig. Nang matapos na akong makapaglinis ng sarili ko at magpalit ng damit ay naupo ulit ako sa kama ko at tumitig sa kawalan.

Narinig ko ang pagbukas ng doorknob kaya napaayos ako sa pagkakaupo. Biglang pumasok sa loob ng kwarto ang lalakeng kinamumuhian at kinasusuklaman ko ngayon.

Hindi ko naman maiwasang maawa sa itsura niya ngayon. Nangingitim ang ilalim ng kanyang mga mata na para bang ilang araw na siyang hindi nakakatulog. Magulo rin ang buhok niya maging pati na rin ang suot niyang puting t-shirt at maong pants. Namumula naman ang mga mata niya at hindi ko alam kung bakit parang namamasa iyon.

Kaagad lumapit sa akin si River at nagulat ako nang bigla siyang lumuhod sa harapan ko at iniabot nito mula sa bulsa ng pantalon niya ang baril na ginamit niya noon para barilin ang binti ko.

"Yareli, I'm sorry if I hurted you. Sobrang pinagsisihan ko na ang ginawa ko sa'yo. My conscience are eating me right now because I hurted the girl that I love the most..." sabi niya at hindi na nito napigilang umiyak na ikinabigla ko.

Sumisikip ang dibdib ko habang nakaluhod at nakikitang umiiyak si River sa harapan ko. Maging pati ako ay hindi ko na rin napigilan ang emosyon ko kaya napaluha na rin ako. Sobrang lambot lang talaga ng puso ko. Madali akong masaktan.

Bigla nitong itinapat sa dibdib niya ang baril na hawak ko na inabot niya sa akin.

"Shoot me, please.. Kill me now, Yareli. This is the only way para hindi na ulit kita masaktan pa. I'm not deserving for your love, anymore. Isa akong malaking gago para saktan at pahirapan ang babaeng mahal ko." umiiyak niyang sabi na tila'y hinang-hina na ito.

"River..." tangi kong nasabi habang umiiyak.

"I'm a monster inside. I can't control myself when I got mad and feel betrayed. I'm the worst person in the world, Yareli. I'm worse!" nagpahid siya ng luha sa mga mata niya pero patuloy pa rin ang pagtulo nun.

Ang sabi nga nila, minsan ang pagmamahal ay nakakabaliw at nakakamatay rin. Sa oras na magmahal ka ay may magagawa kang bagay na hindi mo aasahan na magagawa mo sa tanang buhay mo mahalin ka lang rin ng taong mahal mo, mabuti man ito o masama.

Iba't-iba ang pag-iisip ng isang tao at may mga tao ring hindi kayang pigilan ang emosyon nila at nagiging bayolente na sila kung minsan. Nagmamahal lang naman tayo sa mundong ito pero hindi pa rin maiiwasan na may masasaktan ka kung hindi mo kayang suklian ang pagmamahal na iyon kagaya nalang ni River at ng Steffano Brothers.

May maling kondisyon sa kanilang pag-iisip pero kahit papaano ay naramdaman ko rin ang pagmamahal at pag-aalala nila para sa akin bukod sa obsesyon na kumakain sa sistema nila.

Sa ganitong sitwasyon, kailangan nila ng taong iintindi at magpapahalaga sa kalagayan nila. Hindi nila ginustong magkasakit, hindi nila kasalanang mabaliw ng ganito nang dahil sa akin dahil kusang nagti-triger ang sakit nila dahil sa pagmamatigas ko at paglayo ko sa kanila.

Kailangan ko silang intindihin, kailangan ko silang pahalagahan at pwede naman sigurong pakawalan rin nila ako balang araw sa lugar na ito kung makikita nilang hindi sagot ang pagdukot at paglayo sa akin mula sa pamilya at mga kaibigan ko para lang makasama nila ako, mahalin ko sila at makilala nang lubos.

May mabuting puso si River o ang Steffano Brothers at nararamdaman iyon ng puso ko.

Tinapon ko sa sahig ang baril na iniabot sa akin ni River at niyakap ko siya nang mahigpit. Tila natigilan naman si River sa ginawa ko at hindi ito makapaniwala na niyakap ko siya.

"Patawad, patawad kung hindi ko inintindi ang nararamdaman niyo. Patawad kung sinira ko ang tiwala niyo sa akin at tinakasan ko kayo. Alam ko na ang lahat maging pati na rin ang kondisyon niyong magkakapatid." sabi ko habang umiiyak sa mga balikat niya.

Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap sa akin ni River at mahina itong napahikbi. Nasasaktan rin siya katulad ko.

Pareho-pareho naming nasasaktan ang isa't-isa dahil sa pag-ibig na masyadong mabilis at komplikado.

"Mahal na mahal kita, Yareli. Mahal na mahal..." buong puso niyang sabi sa akin.

Napangiti ako sa sinabi ni River.

Mahal ko rin siya pero hindi ko pa kayang sabihin sa kanya iyon sa ngayon.

Fortsett å les

You'll Also Like

8.8K 20 1
LOVER BOY SERIES: 2 Objection your honor, and pogi ng lawyer. Date Started: Date Finish:
472K 11.2K 21
Tristan Gabriel Salvador suddenly becomes Ashley Emma Gracia's teacher for a semester. They both didn't expect that after this they will love each ot...
129K 8.3K 25
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...
5.7K 150 5
Krypton Colossus Deathrone , ang pahabol pang anak ng mag asawang Deathrone na sina Zerred at Heva. Pinakacold sa magkakapatid, walang pakialam kahi...