The Love Encounter (Varsity B...

By kotarou-

58.3K 2.8K 129

VARSITY BOYS SERIES #2: THE LOVE ENCOUNTER Content Warning: The Varsity Boys Series features a BL (Boys' Love... More

VARSITY BOYS SERIES #2: THE LOVE ENCOUNTER
Prologue
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
ARCHER ELLIS
Chapter 61
Chapter 62
Kean Anthony Leondones
Epilogue
VARSITY BOYS SERIES 3: BREAKING THROUGH THE CLOUDS

Chapter 54

649 45 7
By kotarou-

Chapter 54



Naramdaman ko ang mainit na likidong lumandas sa aking pinsgi habang naglalakad ako palayo sa flower shop ni Ma'am Cassandra. Mapait akong ngumiti habang inaalala ang nangyari sa araw na iyon.


Ngayon kahit paano ay gumaan ang pakiramdam ko. May kirot pa rin ngunit hindi na gaanong masakit gaya noon.


Gabi na nang makauwi ako. Naabutan ko si Flynn sa harap ng bahay na tila may inaantay. Nang makita niya akong bumaba ng taxi ay kaagad niya akong nilapitan.


"Ayos ka lang? Nag-alala ako." Sabi niya.


Nginitian ko siya at niyakap. Pakiramadam ko ay nagulat siya sa ginawa ko ngunit hindi naman siya umangal o kumawala bagkus ay hinayaan niya lamang akong yakapin siya.


"Thank you, Flynn. Maraming salamat sa lahat." Bulong ko sa kaniya.


Hindi ko pa nga pala siya napapasalamatan sa lahat ng ginawa niya para sa akin simula noon hanggang ngayon.


"You don't have to thank me. Ginawa ko 'yon lahat dahil gusto ko." Sabi niya.


Tumango ako.


"Kahit na gusto ko pa rin pasalamatan ka." Sabi ko.


Ngumiti lamang siya tsaka tumango.

Nanatili pa kami sa labas ng ilang sandali. Naupo kami sa gutter ng daan at duon nagusap. Ikinuwento ko sa kaniya ang nangyaring pagkikita namin ni Keano sa huling pagkakataon bago siya ikasal. Hindi katulad noon na sa tuwing mag-uusap kami tungkol kay Keano ay umiiyak ako, ngayon ay hindi na.

"I'm glad you two have the closure."

Lumingon ako sa kaniya.

"Masaya rin ako. It all thanks to Tita Cassandra." Sagot ko.

Pagkatapos naming mag-usap ay pumasok na rin kami. After dinner ay tinawagan ko si Daddy katulad ng bilin niya sa akin kanina. Pinag-usapan namin ang nalalapit kong pagpunta roon. Nakilala ko na rin ang kaniyang asawa at ang dalawa nilang anak. Excited na raw silang personal akong makilala.

Ilang araw lang ang dumaan ay nakuha ko na rin kaagad ang passport at visa ko. Salamat sa connection ni Tito Francisco at naging madali ang proseso ng mga dokumento ko.


Nakapagbook na rin ako ng flight. Sa mismong araw ng kasal nina Keano at Sofia ang alis ko. Si Flynn ang nagbook ng ticket, hindi ko alam kung sinasadya niya iyon o nagkataon lang ngunit wala namang issue sa akin iyon. Actually, sa tingin ko ay mas maganda iyon.


Nag-paalam na rin ako kina Tita Cassandra at Doc Carlos. Dumalaw ako sa ospital nung nakaraang araw upang pormal na magpaalam at humingi na rin ng tawad sa pag-alis ko. Maging kay Doc Caspian ay nag-paalam ako.


Hindi ko na nagawang umuwi ng probinsya pa upang personal na magpaalam kina Lolo kaya naman tumawag nalang ako sa kanila. Nagpaalam rin ako kina Stella nang minsang magpunta sila sa bahay nila Flynn. Si Allen ay ilang beses pa ako tinanong kung totoong okay lang daw ba talaga ko. Hanggang ngayon ay nag-aalala pa rin siya sa akin.


"Are you ready?"


Salubong sa akin ni Flynn nang makababa ako. Nasa sala ito kasama sina Tita Karen at Tito Francisco.


"Uhm, ready na ako....teka bakit may maleta ka rin?" Tanong ko sa kaniya tsaka tinuro ang maletang nasa tabi niya.


"I ask him to come with you, Eli. Ito ang una mong bibiyahe, hindi ba? Mabuti nang kasama mo si Flynn upang hindi ka kabahan masyado." Si Tito Francisco ang sumagot.


"Salamat po Tito." Sabi ko tsaka bumaling kay Tita Karen. "Thank you rin po Tita." Niyakap ko si Tita Karen.


"Walang anuman. O siya, umalis nakayo at baka mahuli pa kayo sa flight niyo...Flyn anak, take care of Eli okay?" Bilin ni Tita Karen kay Flynn.


"Of course ma. Alis na kami."


Hinatid kami ng driver nina Flynn sa airport. Habang nasa sasakyan ay hindi ko maiwasang isipin ang kasalukuyang nagaganap na kasal nina Keano at Sofia sa mga oras na iyon.


Nasa kasal ang mga kaibigan namin at kanina ay sinendan pa ako ng picture ni Stella na magkakasama sila. May parte sa akin na gustong makita si Keano sa araw na iyon, gusto kong makita ang kaniyang mukha ang kaniyang suot na damit. Panigurado ay siya ang pinaka gwapo roon.


"Gusto mo bang makita siya?"


Sumulyap ako kay Flynn na nasa tabi ko. Ang kaniyang mga mata ay diretsong nakatingin sa akin.


Tipid akong ngumiti. "Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi..." Bumunga ako ng hangin tsaka muling sumulyap sa labas. "....ngunit alam kong masasaktan lang ako kung pupuntahan ko pa siya. Ayos na ito, huwag kang mag-alala sa akin." Sabi ko sa kaniya.


Naramdaman ko ang pag-dampi ng likod ng kaniyang palad sa aking pisngi. Hidni ko namalayang may luha na palang tumulo sa aking mga mata.


"You'll be okay." Marahan niyang sabi sa akin.


Ngumiti lamang ako at tumango.


Ang araw na iyon ang simula ng pagtahak namin ni Keano sa magkaibang direksiyon ng aming mga buhay. Sa Canada, kung saan malayo kay Keano ay inumpisahan ko muli ang buhay ko.


Baon ang masasaya at maging malulungkot at masasakit na alala namin ni Keano ay tinahak ko ang panibagong daan sa aking buhay.


Buong puso akong tinanggap ng pamilya ni Daddy. Maging sa mga grandparents ko ay ipinakilala niya ako. Mabilis kong nakapalagayan ng loo bang dalawa nilang anak ni Tita Oliva.


After ng bakasyon ko roon ay inalok ako ni Daddy at Tita Olivia na duon tumira at magpatuloy ng pag-aaral. Nang payagan ako ni Lolo ay kaagad rin ako bumalik roon.


Hindi naging madali ang mga unang buwan ko roon dahil sa paninibago ngunit hindi naman ako pinabayaan nina Daddy.


Nang magumpisa akong pumasok sa University, ay si tinulungan ako ni Eron. Half-brother ko na halos kasing edad ko lang. Medyo mahirap makibagay nung una sa mga classmate ko ngunit kalaunan ay nasanay rin ako.


Hindi naman lumilipas ang araw ay tumatawag ako kina Lolo sa Pilipinas. Tinulungan pala sila ni Tito Francisco. Nasa Manila na sila ngayon at nagta-trabaho sina Uncle at Kuya Leo kay Tito Francisco.


Hindi rin naputol ang koneksyon ko kina Stella. Lagi nila ako kinakamusta at sinasabing miss na miss na nila ako.


Halos mag-iisang taon na rin nang umalis ako. Mula noon ay laging sa video call nalang kami lahat nagkikita-kita. Miss na miss ko na rin sila pati sila Lolo ngunit mas minabuti kong huwag na munang bumalik gusto kong buoin muna ang sarili ko ng mag-isa.


Sa bawat araw, buwan at taon na lumipas wala akong ibang pinagtuonan ng pansin kundi ang pag-aaral ko. Iyon ang ginawa kong daan upang kahit paano ay maibsan ang sakit na aking nakuha sa pagkabigo sa una kong pag-ibig.


Tagumpay naman akong nagawa iyon. Marami akong natutunan at narealize sa mga nagdaang taon. At wala akong pinagsisihan kahit isa sa mga ginawa kong desisyon noon.


"Congratulations..." Bati sa akin ni Flynn. Inabot niya sa akin ang isang bouquet ng bulaklak na kaniyang dala.


"Thanks..." Ngumiti ako sa kaniya at niyakap siya.


Ngayong araw ang graduation ko, at narito si Flynn sa Canada upang dumalo.


Sumalubong rin ng yakap sa akin sina Mama Olivia, Emma at Eron. Hindi ko man kasama sina Lolo sa araw ng pagtatapos ko sa kolehiyo, masaya ako na kasama ko ang bago kong pamliya sa isa sa importanteng araw na ito. Maging si Flynn, na importante na rin sa buhay ko. Masaya akong kasama sila.


Umamin na sa akin si Flynn na gusto niya ako, two years ago and he asked me if I could give him a chance. Hindi ko pa siya binibigyan ng sagot until now. Dati kasi, hindi pa ako sigurado sa lahat. Natatakot pa ako noon, na sumubok ulit magmahal at buksan ang puso ko.


Ngunit sa mga nakalipas pang taon, pinatunayan sa akin ni Flynn kung gaano niya ako kamahal. Hindi siya napagod magintay sa akin at mahalin ako. Hindi siya nagal


"Flynn..." Tawag ko sa kaniya.


Palabas na siya ng bahay at pauwi na sa kanilang bahay rito sa Canada.


"Hmm?"


Humakbang ako palapit sa kaniya. Kinagat ko ang pangibabang labi ko at bumuga ng hangin.


"You know, I am so thankful to you for everything you have done for me ever since then. Hindi mo ako pinabayaan at iniwan kahit kailan. Nanatili ka sa tabi ko mula noon hanggang ngayon. You've already have a special place in my heart..."


Nanatili lamang siyang nakatingin sa akin. Kinuha ko ang kaniyang isang kamay at marahan iyong pinisil.


"Pinag-isipan koi to ng mabuti. Flynn, I think I'm ready...I'm ready to love again... and I want to do it with you." Saad ko.


Kita ko ang pagkagulat na rumihistro sa kaniyang mukha. Halatang hindi niya ine-expect ang aking sinabi. Kalaunan ay unti-unting gumuhit sa kaniyang labi ang isang ngiti.


"A-are you sure?" Nahimigan ko ang panginginig sa kaniyang boses.


Tumango ako. "Oo...o baka nagbago na ang isip mo? May iba kana bang gusto?" Tanong ko. Dalawang taon na rin kasi nung umamin siya sa akin at hindi ko siya binigyan ng sagot. Maiintindihan ko kung may iba na siyang nagugustuhan ngayon.


"No...wala akong ibang nagugustuhan o nagustuhan kundi ikaw lang Eli. Ikaw lang ang gusto ko noon hanggang ngayon..." Pinisil niya ang kamay kong kanina ay nakahawak sa kamay niya. Dinala niya iyon sa kaniyang labi at saka hinalikan.


"Salamat Eli. I swear hindi mo pagsisihan ito..." Sabi niya tsaka niya ako mahigpit na niyakap.


Niyakap ko rin siya. "Ako ang dapat magpasalamat sa'yo Flynn. Hindi mo ako iniwan at matyaga kang nanatili sa aking tabi. Salamat Flynn...salamat sa paghihintay."


Hinawakan niya ang aking baba at marahan iyong itinaas. Kita ko sa kaniyang mga mata ang labis na saya sa mga sandaling iyon.


"Hindi ako mapapagod hintayin ka..."


Isang masuyong halik ang iginawad niya sa akin. Ipinikit ko ang aking mata.


Ang pagkakataong ito ay hindi lamang para kay Flynn, kundi maging para sa akin. Gusto kong bigyan ang sarili ko ng panibagong pagkakataon na magmahal ulit.

Continue Reading

You'll Also Like

3.7K 252 17
In the heart of a close-knit town, where love and support flowed like a gentle river, lived a transwoman named Asia. She was a beacon of warmth and k...
2K 237 11
Arcoíris Series 2: Still Into You • BxB Wala naman talaga siyang pakielam sa pisteng pag-ibig na yan. Gusto niya lang mag-aral ng mabuti para sa kina...
52.7K 2.3K 44
VARSITY BOYS SERIES #1: THE SPARKS OF OUR STARS Content Warning: The Varsity Boys Series features a BL (Boys' Love) theme, which includes romantic r...
4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...