Dalaga na si Remison

By AnakniRizal

1.5M 155K 332K

"Paglaki ko pakakasalan kita." Iyon ang pangakong narinig ni Remison sa kanyang kababata. This is the story... More

**✿❀ #DNSR ❀✿**
✿SEASON ONE✿
DALAGA 1❀
DALAGA 2❀
DALAGA 3❀
DALAGA 4❀
DALAGA 5❀
DALAGA 6❀
DALAGA 7❀
DALAGA 8❀
DALAGA 9❀
DALAGA 10❀
DALAGA 11❀
DALAGA 12❀
✿SEASON TWO✿
DALAGA 13❀
DALAGA 14❀
DALAGA 15❀
DALAGA 16❀
DALAGA 17❀
DALAGA 18❀
DALAGA 19❀
DALAGA 20❀
DALAGA 21❀
DALAGA 22❀
DALAGA 23❀
DALAGA 24❀
DALAGA 25❀
DALAGA 26❀
DALAGA 27❀
DALAGA 28❀
DALAGA 29❀
DALAGA 30❀
DALAGA 31❀
DALAGA 32❀
DALAGA 33❀
DALAGA 34❀
DALAGA 35❀
DALAGA 36❀
DALAGA 37❀
DALAGA 38❀
DALAGA 39❀
DALAGA 40❀
DALAGA 41❀
✿SEASON THREE✿
DALAGA 42❀
DALAGA 43❀
DALAGA 44❀
DALAGA 45❀
DALAGA 46❀
DALAGA 47❀
DALAGA 48❀
DALAGA 49❀
DALAGA 50❀
DALAGA 51❀
DALAGA 52❀
DALAGA 53❀
DALAGA 54❀
DALAGA 55❀
DALAGA 56❀
DALAGA 57❀
DALAGA 58❀
DALAGA 59❀
DALAGA 60❀
DALAGA 61❀
DALAGA 62❀
DALAGA 63❀
DALAGA 64❀
DALAGA 65❀
DALAGA 66❀
DALAGA 67❀
DALAGA 68 ❀
DALAGA 69❀
DALAGA 70❀
DALAGA 71❀
DALAGA 72❀
DALAGA 73❀
DALAGA 74❀
DALAGA 75❀
DALAGA 76❀
DALAGA 77❀
DALAGA 78❀
DALAGA 79❀
DALAGA 80❀
✿SEASON FOUR✿
DALAGA 81❀
DALAGA 82❀
DALAGA 83❀
DALAGA 84❀
DALAGA 85❀
DALAGA 86❀
DALAGA 87❀
DALAGA 88❀
DALAGA 89❀
DALAGA 90❀
DALAGA 91❀
DALAGA 92❀
DALAGA 93❀
DALAGA 94❀
DALAGA 95❀
DALAGA 96❀
DALAGA 97❀
DALAGA 98❀
DALAGA 100❀
INTERLUDE CHAPTER: BINATA NA SI POKNAT
DALAGA 101❀

DALAGA 99❀

6.6K 811 2.8K
By AnakniRizal

For everything you have missed, you have gained something else, and for everything you gain, you lose something else.
-Ralph Waldo Emerson


NAGDALAWANG isip ako noong una na buksan ang pinto nang marinig ko ang tatlong katok. Sa huli nanaig ang pagnanais na buksan 'yon pero hindi ko matago ang pinaghalong dismaya at gulat nang hindi si Poknat ang makita ko.

"Hi, Remi, sorry to bother you." Noong una'y hindi ko namukhaan ang lalaki pero nang titigan ko siyang maigi'y naalala ko kung sino siya.

"Leighton?" Anong ginagawa niya rito?

"I know you're wondering why I'm here." Napahawak ito sa batok. "The truth is, nagpasama sa'kin si Zarah nang malaman niyang nandito si Zeke."

"Gano'n ba. Anong... kailangan mo sa akin?"

"Nakita kasi kita kanina kaya sinundan kita rito. If you have some time, I'd like to talk with you. Hindi ka pa nagdidinner, right?"

"Tungkol naman saan... 'yung pag-uusapan natin?"

Napahinga nang malalim si Leighton bago sumagot. "About the things that Kiel didn't tell you."

Sa huli, dala na rin siguro nang pagkulo ng tiyan ko'y sumama ako kay Leighton. Nagpunta kami sa isang café na malapit sa beach. Habang kumakain kami'y pahapyaw siyang nagkwento tungkol sa kanya. Napag-alaman ko na sound engineer pala siya ng recording studio ng management ni Poknat.

Pagkatapos naming kumain ng dinner ay umorder kami ng kape. Tumikhim si Leighton matapos huminga nang malalim.

"Sa lahat ng mga kabanda ni Kiel noon, ako lang ang natirang kasama niya hanggang ngayon, kasama si Jared na manager niya. Ever since he became Zeke Gotzon, Kiel pa rin ang tawag ko sa kanya," panimula niya. "Alam ko na hindi ako ang dapat magsabi nito sa'yo. Pero kilala ko si Kiel, tiyak ko na hanggang ngayon wala pa rin siyang kinukwento sa'yo."

Tumango lang ako kahit na hindi niya pa sabihin kung ano 'yung tinutukoy niya dahil totoo naman, magkasama kami ni Poknat dito pero sa dami ng pagkakataon para magpaliwanag ay wala siyang naikwentong kahit ano sa akin.

"I was there during those times, nasaksihan ko kung gaano ka-devastated si Kiel sa nangyari sa'yo. I witnessed his suffering; I know he would never leave your side until they told him that you died. At first, akala ko hindi na siya makakabangon pero isang araw bigla na lang ulit siyang nagkaroon ng lakas. I was also there to witness his struggle to move forward. Kahit hindi man niya sabihin sa'kin alam kong inspirasyon ka niya para magpatuloy.

"His success came, I was there too noong mga panahong natamasa niya ang lahat. Nasa kanya na halos lahat. But I know, as his friend, I can feel that he's not truly happy. Until one time, niyaya niya kong mag-skip ng rehearsal para mag-inuman, pagkatapos bigla siyang nagkwento. For the first time, he broke down and opened up to me. I don't know kung dahil ba lasing siya but he told me everything.

"Kahit ang daming taon na 'yung lumipas, hindi pa rin siya nakamoved on. Pinagsisisihan niya pa rin araw-araw 'yung nangyari sa inyo—sa'yo. Sinisi ni Kiel 'yung sarili niya kung bakit kayo naaksidente. Kung hindi lang daw niya tinakasan 'yung sitwasyon ng pamilya niya, hindi niya ipipilit makipagtanan sa'yo. After that night, we never talked about it again.

"Kiel was running away from his past, he was obsessed with success, with his work, his music, his career. I know that. And recently, na-fed up na siya sa lahat ng meron siya, sa demands ng management at ng trabaho niya. That's why he—"

"Proposed to Zarah." Pagtutuloy ko sa sasabihihn niya. Natigilan saglit si Leighton bago dahan-dahang tumango at nagaptulyo sa pagkukwento.

"Before he went to Indonesia for his concert, Kiel mentioned to me that he wants to retire early, I guess he's implying to move on finally. After that kumalat na ang engagement news nila Zarah. And then you... you suddenly showed up. I can't imagine Kiel's surprise, but I'm sure of one thing, Remi." Tumitig siya saglit sa'kin bago ulit magsalita. "I'm certain that he'll drop everything he got right now just to be with you. And I was right when he suddenly disappeared from the management's sight."

Napayuko ako at natahimik kami saglit.

"Tinanggihan ko siya," sabi ko nang tumingin ako ulit sa kanya. "Ang totoo niyan... Sumama ako sa kanya rito para tantiyahin 'yung nararamdaman ko." Tumanaw ako sa dagat. "Salamat sa pagsabi sa'kin, Leighton." Nakumpirma ang sinasabi ng puso ko na tumatakas lang si Poknat. "Salamat din sa hindi pag-iwan kay Poknat at sa pag-alalay sa kanya."

Biglang napabuntong-hininga at napayuko si Leigton. "Sorry, Remi... Ang totoo talaga niyan... Ako at si Jeremy lang ang nakakaalam ng secret vacation spot na 'to. But still, I helped Zarah na dalhin siya rito—"

"Ginawa mo lang ang tama, Leighton, wala kang dapat ihingi ng sorry."

Sang-ayon ako sa gusto niyang iparating sa'kin, kailangang harapin ni Poknat ang realidad. Hindi man patas ang nangyari sa'ming dalawa... Wala kaming magagawa kundi tanggapin ang katotohanan at umusad

"May pabor lang sana akong hihingin sa'yo."

"Ano 'yon?" tanong niya.

"Pwede bang... tulungan mo akong makauwi ngayon?"

"Hindi mo na ba muna ulit kakausapin si Kiel? Kahit bukas?" parang bigla siyang nagsisi nang itanong 'yon matapos makita ang reaksyon ko.

Matipid akong ngumiti at umiling. "Mas may karapatan si Zarah na makasama at makausap ngayon ang fiancé niya."

*****

HINDI ako lumaking relihiyosa dahil hindi naman iba ang nakalakihan ko kina Mamang at Papang. Ang paniniwala kasi nila, hindi mo naman kailangang maging relihiyosa para masabing mabuti kang tao. Ang pananampalataya raw ay hindi lang naipapakita sa pagdadasal at pagsisimba, maaaring sa ibang mabuting paraan kagaya ng pagtulong.

Pero kung hindi mo na alam ang mga kasagutan, kung tila naliligaw ka ng landas, at kung narating mo na ang dead end, wala kang ibang magagawa kundi sumuko sa nakatataas at manalig.

At sa panalangin nakuha ko ang kasagutan na hinahanap ko. Masyadong malaki ang mundo para sumiksik ako sa isang lugar at para magmukmok. Tila sinasabi sa'kin ng Diyos na lumayo muna ako pansamantala.

Kaya naman nang malaman ni Auntie ang balak ko'y alam kong nalungkot siya.

"Sigurado ka bang gusto mong bumalik sa Canada?" iyon ang tanong niya sa'kin. Hindi man niya direktang sabihin pero alam kong gusto niya akong pigilang umalis.

"Kailangan ko lang po muna magpakalayo-layo." Sa huli, alam kong matatanggap din naman ni Auntie ang desisyon ko.

Hanggang sa isang araw bigla na lang dumating si Corra at sinundo kami ni Auntie. Iyon pala'y naghanda sila sa bahay nila Burma, nag-organize sila ng simpleng despidida party para sa'kin. Si Aiza nag-leave, si Honey at Corra ay naka-day off.

Kainan, kwentuhan, kantahan, at tawanan. Hindi ko maiwasang mapangiti pag naririnig ko 'yung hagikgikan ng mga bata na naglalaro. Pagkatapos no'n ay madaling araw ng Linggo ay hinatid din nila ako sa airport.

"Hays, girl, kakauwi mo lang 'tapos ito aalis ka na naman," nakangusong sabi ni Aiza.

"Malungkot ka ba talaga sa pag-alis ko o dahil hindi ka na nirereplyan ni Jeremy?" panunukso ko para naman gumaan ang atmosphere.

"Pinaalala pa talaga!" Natawa kami.

"We can always video call naman, thank goodness talaga at very high-tech na ngayon," sabi ni Honey. "We'll keep in touch with us, ha."

"Oo naman," sagot ko.

"Sayang lang at 'di ka makakaabot sa binyag ng baby ko, ninang ka pa naman!" sabi naman ni Burma. "Pero sa first birthday niya next year kailangan umuwi ka, ha."

"Promise, Burma, uuwi pa rin ako."

"Remi," sunod na lumapit si Corra, "I'm so sorry for the inconvenience that my colleague caused."

Umiling ako. "Ako ang nang-abala, Corra. Pasensiya na kung na-stress ka dahil sa'kin."

"No, what happened is my responsibility. I promise, I won't stop looking for that jerk and I'll make sure na magbabayad siya."

"Corra, mas mainam siguro kung ituon mo na lang 'yung sobra mong oras para kay Conor."

"Pero—"

"Don't worry about it," biglang sumingit si Miggy.

Napabuntong-hininga na lang si Corra at saka ako niyakap. Pagkatapos ay sumunod din sina Honey, Burma, at Aiza.

Alam kong nalulungkot sila sa pag-alis ko pero iba ang pakiramdam ko. Imbis na malungkot, masaya at kampante ako na kahit magpunta ako sa malayong lugar ay hindi na ako nag-iisa. Kahit na magiging busy sila sa kanya-kanya nilang buhay, sa career at pamilya, napatunayan ko na may mga bagay pa ring hindi nagbabago sa mundo—pagkakaibigan. Napakaswerte ko na sila ang mga naging kaibigan ko, kasama na sina Quentin at Deanna.

Nang bumitaw sila'y sunod na lumapit sa'kin si Auntie, katulad ko'y walang lungkot ang kanyang itsura.

"Auntie, hindi ka man lang ba malulungkot na aalis ako?" kunwa'y nagtatampo kong sabi. Hinawakan niya ako at hinawi ang hibla ng buhok ko sa gilid.

"Hindi ako nalulungkot kasi proud ako para sa'yo... Proud ako sa pagiging matatag at malakas mo, Ming." Napangiti ako. "Alam kong alam mo na hindi ka na ulit nag-iisa. Nandito lang kami parati para sa'yo kahit na nasa malayo ka." Niyakap ko siya nang mahigpit at bumulong ng pasasalamat.

Bago pa sumapit ang oras ng boarding ay muli kaming nagyakapan at nagpaalam sa isa't isa. Pagkatapos ay magkasama kami ni Miggy na pumasok sa eroplano. Habang hindi pa 'yon umaandar ay tinawag ko siya.

"Gusto ko lang pala humingi ng sorry sa ginawa ko," sabi ko nang tumingin siya. "Alam kong mali 'yung ginawa ko pero... naging desperada ako. Sorry, Miggy."

Tumitig lang sa'kin si Miggy, pagkaraan ay napahinga nang malalim. "Well, I admit it hurts."

"S-sorry."

"So, what are your plans now? Hindi pa 'ata kita natatanong kung bakit mo naisipang bumalik sa Canada."

Saglit akong natulala sa kawalan. "Siguro dahil doon ako nagising pagkatapos ng sampung taon. Gusto ko lang din muna talaga makalayo."

"Are you running away?"

Nakita ko 'yung repleksyon ko sa bintana nang tila umalingawngaw 'yung dalawang salitang 'yon. Running away.

"Hindi naman masama siguro na magnilay-nilay muna bago ko harapin ang realidad," sagot ko. "Naiintindihan ko na kung bakit gusto ni Doña Alba na magpahinga muna ako ng isang taon bago bumalik sa mundo." Tumingin ako sa kanya. "Ang akala ko kasi sa lahat ng pagkakataon hindi magandang sumunod sa mga gusto ng mga nakatatanda."

Medyo nag-iwas ng tingin si Miggy, tiyak kong naalala rin niya ang naging engagement naming dalawa noon na dahil sa kagustuhan ng ama niya (o ng totoo kong ama).

"But if you did follow your grandmother, hindi mo na siya maaabutan."

Mapait akong napangiti nang marinig 'yon, noon ko lang napagtanto 'yung sinabi niya. Kung nahuli lang pala ako ng ilang segundo ay maaaring iba ang mga nangyari.

"I guess sabi nga nila lahat ng bagay may dahilan," wala sa loob kong sagot.

"I'm sorry too, Remi." Tumitig lang ako sa mukha niyang bakas ang hapo. "I'm sorry kung sinusubukan kong ipilit ang sarili ko sa'yo kahit na hindi naman dapat."

"Quits na tayo." Ngumiti na rin siya sawakas. "Sana palagi kang ngumiti ng ganyan, Miggy."

"You too."

*****

MATAPOS ang halos buong araw na biyahe'y nakarating din kami sa manor. Sa labas palang ay sumalubong na ang mga kasambahay, may bakas ng pag-aalala at saya sa mga mukha nila nang makita nila kami ni Miggy na lumabas ng sasakyan.

Nilabas ng driver 'yung isang maleta na puno ng mga pabaon sa'kin nila Auntie, wala rin naman akong ibang dalang gamit nang umalis ako rito.

"Welcome back, senyorita and attorney," bati sa'min ng mayordoma at tumango lang ako. Kinuha nila 'yung maleta.

"I'll go ahead, Remi," paalam ni Miggy.

"Hindi ka na muna ba magpapahinga sa loob?" tanong ko. Nakakapagod 'yung haba ng biyahe namin, kahit man lang magkape muna siya.

Umiling siya. "I'll be fine. Mas kailangan mong magpahinga."

"Salamat, Miggy. Pasensiya na—" hindi ko na natapos 'yung sasabihin ko nang bigla niya akong yakapin.

Wala siyang inusal na kahit ano pero naramdaman ko 'yung gusto niyang ipahiwatig. Niyakap ko lang din siya pabalik. Kung pwede lang na turuan ang puso ng gano'n kadali, Miggy. Pero para sa'ting dalawa... Mukhang hanggang dito na lang din talaga.

Nang magwakas ang yakap at paalam ay umalis na si Miggy, pumasok na rin ako sa loob. Nakaalalay ang mga kasambahay sa'kin, may pagkain silang nakahanda pero sinabi kong mamaya na lang at matutulog na muna ako.

Kinabukasan ay maganda ang sikat ng araw nang magising ako. Para bang isang pabuya sa akin sa kabila lahat ng mga pinagdaanan ko. Gising na, maganda ang umaga, isang panibagong araw para magsimula.

Nakasanayan na rin ng katawan ko na may mga taong nagsisilbi sa'kin, ilang buwan din akong nanatili rito noon kaya masasabi kong komportable na ako sa gawi at kilos dito sa loob ng malaking bahay. Pagkatapos kong kumain ay naglakad ako sa labas, papunta sa kakahuyan kung saan tumakbo ako noong nagbalik ang lahat ng alaala ko.

Tinatanaw ko 'yung lawa habang nakatayo mismo sa pwesto kung saan ko nalaman na sampung taon na ang lumipas simula nang magising ako. Pumikit ako saglit at kinapa ang nararamdaman ko. Kasabay nang paghinga nang malalim ay unti-unting humupa ang natitirang bigat sa aking kalooban.

Dumilat ako nang may maramdaman akong presensiya sa likuran ko.

"Ms. Adel?" tawag ko sa kanya nang makita ko siya. Alanganin siyang ngumiti, nanatiling nakatayo, tatlong metro ang layo sa'kin.

"P-pasensiya ka na kung hindi kita nagawang sundan sa Pilipinas." Mas lalo akong nagluhan sa sinabi niya nang walang ano-ano'y bigla siyang lumuhod. Nang akma ko siyang lalapitan dahil baka kung napaano siya'y natigilan ako nang magsalita ulit siya. "P-patawarin mo ako, Remison."

Hindi ko alam kung bakit biglang kumabog 'yung dibdib ko nang sabihin niya 'yon at nang sundan pa ng pagpatak ng mga luha niya.

Wala siyang ibang inusal kundi 'yon habang patuloy na lumuluha. Dahan-dahang kumilos ang mga paa ko papunta sa kinaroroonan niya hanggang sa kusang gumalaw ang mga kamay ko para yakapin siya.

Ewan ko kung bakit kahit hindi niya sabihin ay para bang nabasa ko bigla kung anong nasa isip niya. Mas lalong lumakas ang paghikbi niya nang yakapin ako pabalik.

"I-I'm sorry, Remi... I-I'm sorry, anak." Sunod-sunod na ring pumatak ang luha mula sa'king mga mata nang marinig ang huli niyang sinabi.

Imbis na hinanakit, parang panandaliang naglaho lahat ng mga sakit na nandito sa puso ko. Kahit na hindi ko maintindihan kung bakit parang sawakas... sawakas iyon na lang ang hinihintay kong marinig.

"Patawad kung... kung ngayon ko lang... Kung ngayon ko lang nagawang sabihin, Remi."

"Sa loob ng sampung taon na comatose ako," sabi ko habang nakayakap pa rin sa kanya. "Kahit na wala akong malay—parang may mga alaalang nakaimbak sa isip ko na hindi ko maalala ng malinaw. May tao na palaging nasa tabi ko, bukod sa pagbabantay, naramdaman ko ang yakap niya, 'yung paghawak, paghilot, pagbabatak at pagkarga sa mabigat kong katawan habang mahimbing akong natutulog.

"Kung gano'n... Hindi pala 'yon panaginip. Hindi lang pala basta kung sinong nurse ang gumawa no'n sa'kin... I-inalagaan mo po ako hanggang sa magising ako, tinulungan mo akong makalakad ulit. Nang wala akong maalala at hindi ako makapagsalita, tinayaga mo lahat para makabalik ako sa normal."

"Remi... Sobrang laki ng pagkukulang ko sa'yo kaya kahit na sinabi nila sa'kin na wala ka nang pag-asa—hindi kita sinukuan. Kahit na gaano katagal ay kaya kong tiisin, kahit na hanggang sa dulo ng aking hininga—hindi ako magsisisi sa sampung taon o higit na pag-alay ng buhay ko para sa'yo."

Pumikit ako at dinama lang ang mga sandaling 'yon. Hindi 'to panaginip.

"I'm so sorry... I'm so sorry kung huli akong dumating. Sana mapatawad mo ako kung ngayon ko lang nagawang ipagtapat. Simula nang magising ka, pinaghahandaan ko na kung paano ko sasabihin sa'yo pero naduwag ako, alam ko kamumuwian mo ako."

Bumitaw ako sa kanya para tingnan siya. Kitang-kita ko ang pagsisisi sa mga mata niya kaya nang ngumiti ako ay para bang hindi siya makapaniwala.

"Isang kasalanan po kung makukuha ko pa po kayong kasuklaman. Buong buhay ko ang alam ko wala akong magulang pero... pero... hindi ko sukat akalain na darating 'yung araw na... 'yung araw na makikilala ko po kayo... M-mama."

Sinunggaban niya ako ng yakap at nanatili kami sa gano'n, kung gaano katagal ay ayaw kong bilangin pa.

Totoo nga... Totoo nga 'yung narinig kong kasabihan noon na kapag may nawala sa buhay mo ay mas may mga darating.

Nang parehas kaming mahimasmasan ay magka-akay kaming bumalik pabalik ng mansion, hindi na ako makapaghintay marinig 'yung ikukwento niya. Akala ko hindi na ulit makukuhang ngumiti ng ganito. Akala ko hindi na ulit ako makaka-usad dahil hindi ko alam kung saan ako papunta.

Pero kung dahan-dahan... Kung dahan-dahan kong tatahakin ang bagong daan sa harapan ko.

Kahit na sinubukang durugin ng mundo ang puso ko. Hindi pa tapos ang laban kasi... kasi nandito pa ako. At lalong hindi na nag-iisa. 

-xxx-

Pakinggan n'yo 'yung song sa chapter na 'to, Ako na Muna by Angela Ken, sobrang sakto para kay Ming huhu

THANK YOU :)

Continue Reading

You'll Also Like

437K 21.9K 22
Get to know Orion aka Lucifer who got bored on hell so he decided to take a vacation in the human realm. (Image used for the cover is not mine. Credi...
7th Unit By Ann Lee

Teen Fiction

6.4M 142K 42
Standalone novel || Lyka thought she'd have a better school life in college, but it was way too different from what she had imagined. She already got...
1.9K 166 9
PAHINUMDOM: Bisaya ray makasabot ani nga tula. Kung dili ka bisaya, palihog pahawa. Basig masunggo lang ka sa mga storya nga hastang laloma. Lawom pa...
5.8M 230K 63
Standalone novel || All her life, Chloe felt abandoned by her parents. She lived with their house helpers while her parents would only come home once...