Maybe It's Not Ours

By thelonewriter_

6.8K 165 29

Agatha is madly in love with Damon. She acts like an agent, following him around wherever he goes and even sn... More

Prologue
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
Epilogue

01

270 7 1
By thelonewriter_

"Agatha! Faster! Baka ma-late tayo sa first showing nung movie!" Sigaw ni Naomi sa akin kahit nakalabas na nga ako ngayon galing sa bank.

Umirap ako sa kanya. "Nandito na nga ako, okay?" I answered.

Natawa naman siya, silang tatlo ni Elisse at Dahlia. Sumakay na kami sa car ni Elisse, siya mismo ang nagda-drive. Nandito ako sa backseat katabi si Naomi. At habang nasa byahe kami, bigla ko namang namalayang hawak ko pa pala ang money na ni-withdraw ko kani-kanina lang. It's 20,000 cash. Nilagay ko ito sa sling bag na dala ko ngayon, nang makarinig ako ng pagtawa mula sa mga kasama ko.

"Nakakatawa lang, bakit check ang binibigay sa'yo ng Kuya mo? Wala ka bang credit or debit card, o kahit ATM man lang, Agatha? Check talaga ang inaabot sa'yo?" Biglang tanong ni Dahlia sa akin.

"Totoo! I mean, kung sino pa ang pinakamayaman at pinaka-galante rito sa atin, siya pa ang walang cards or bank! Tingnan ninyo itong si Agatha, pang-shopping lang 'yang 20,000 na 'yan." Pagdaldal naman ni Naomi.

Napaisip ako sa mga sinabi nila, though totoo naman. No, hindi pala. Hindi totoo 'yong sinasabi nilang galante at mayaman ako. Ang totoo, wala pa ring binibigay na any cards related sa bank si Daddy sa akin. I'm already 19 years old pero wala pa? Kumpara naman sa mga kasama ko.

Oo nga, 'no? Bakit kaya? At sa pagkakaalam ko, hindi namin napag-uusapan ni Daddy ito. Or even siya na tinatanong ako or nababanggit ang tungkol dito. Am I too young for that? O baka naman sa tingin ni Daddy ay gastador talaga ako at hindi pa pwede. Well, mukhang oo naman talaga na galante ako. Kaya nga palagi akong pinapagalitan ni Kuya Gavin!

He always make asar about me at sinasabihan ng spoiled brat! Kahit totoo naman talaga!

"Wala pa rin. I don't know nga kay Daddy or Kuya kung bakit hindi pa rin ako ginagawan. Or kung naiisip man niya." Mga sagot ko at napanguso. "But there's nothing to worry naman. May pera pa rin ako!" Natawa silang muli at nakitawa na rin ako.

Nakarating kami sa mall at agad na kaming bumili ng makakain. Chips, popcorns and sodas, ayan lang muna dahil after panoorin ang movie, kakain naman kami sa KFC, the fastfood chain we've been craving for.

"Walang magkukwento ah! No spoilers and daldalan! Makakasapak ako." Banta ni Naomi at natawa kaming apat.

Nagkukwentuhan pa kaming apat habang nakaupo na rito sa loob ng sinehan! Mabuti at nakaabot kami and we have the perfect spot here sa cinema! Today is holiday and hindi na rin ako magtataka bakit puno ang sinehan ngayon. Dahil bukod sa holiday nga, the movie we are about to watch is a great one kahit hindi pa man namin napapanood! It's a Hollywood romantic movie lang naman. Well, we are fans of this kind of genre, by the way.

Nang mag-umpisa nang mag-flash ang sinehan ay tumahimik na ang apat sa amin. Nag-concentrate na rin ako, hanggang sa mag-umpisa at kumahalati na ang movie. Nakakagat ko ang ibabang labi ko nang walang kamalay-malay, whenever the scene gives me chills and kilig. Lalo na nang, uhm, love scene ito. Though hindi naman siya detailed, it's more like kissing.

I bit my lips while watching the two characters still kissing. Napalunok ako, hanggang sa bigla kong ma-imagine na.. na ako 'yong girl at si.. si Damon 'yong guy. I blushed because of that imagination! Sinubukan kong mag-concentrate na lang ulit pero no, dahil bigla na ulit tumatak sa isip ko si Damon! Gosh, is it legal?

Hindi naman siguro masamang isipin ang dream guy mo na kahalikan mo? Because I always think of that. I admit it! Darn it!

Kumusta naman si Damon ngayon? Nakagat niya na naman ba ang dila niya? O kumusta kaya siya today? Ano ang ginagawa niya?

Sa kakaisip ko na si Damon 'yong guy, masyado akong nag-enjoy kaya nabitin ako nang tapos na pala. Hindi pa ako tumayo agad nang bumukas na ang ilaw dito sa cinema.

"Oh, ano mayroon, Agatha? Ayaw mo pang tumayo riyan?" Tanong ni Naomi sa akin at umiling lang ako at tumayo na rin.

"Aha! Alam ko na, hindi maka-get over sa movie. Ang iniisip ay silang dalawa ni Damon 'yong lovers doon." Sabi naman ni Elisse and I was amazed kung paano niya nahulaan!

Namumula man ako, ramdam ko, pero umiling ako. "Hindi ah." Sagot ko sa kanila at nagsimula nang maglakad palabas ng cinema.

Nakarating kami sa KFC, si Naomi at Elisse ang nag-order ng kanya-kanya naming makakain. Pero dahil galante raw ako, nag-treat ako ng tig-isang sundae for all of us! Tuwang-tuwa naman sila, hindi naman na siguro nila aasarin ngayon?

"Ang sweet talaga ng Daddy mo sa'yo, 'no?" Biglang tanong ni Dahlia sa akin na siyang kasama ko ngayon dito sa dining table.

Nagtataka man ako sa topic na binuksan niya. Mukhang nakita na naman nila ako kanina nang sunduin nipa ako na sobrang sweet kay Daddy, at ganoon din si Daddy sa akin. I'm a Daddy's girl kaya!

Tumango ako. "Of course! I'm the bunso, 'no." Natawa ako.

"Eh, bakit ako, bunso, kaso hindi naman ganoon ka-sweet si Daddy sa akin. Like 'yong hahalikan ako sa forehead bago umalis, magkukwentuhan, at bibigyan ng pera kung gusto ko."

Natawa ako sa huli niyang sinabi. Now, ewan ko kung seryoso ba siya sa sinasabi niya ngayon o hindi. Pero sa sinabi niya, yes, my Daddy's so sweet and caring! Bukod sa babae ako, bunso ako kaya ganoon. He cooks for me, madalas niya akong tanungin kung how's my day, how's my studies. And kahit ngayong college na ako, madalas pa rin niya akong hinahatid-sundo, at inilalabas para kumain kami roon sa ice cream house na favorite ko!

At pagdating naman sa mga gusto kong gawin o puntahan, hindi naman siya ganoon kahigpit. Madalas niya akong pinagbibigyan. Spoiled? Parang oo, dahil lahat ng gusto ko na isang pamimilit ko lang kay Daddy at umo-oo na siya! Unlike sa tatlong Kuya ko na mas strict pa kaysa kay Daddy. Hmp.

Sasabihin ko sana ngayong ganoon naman talaga kung bunso. But based sa pagmamaktol ni Dahlia ngayon, parang hindi lahat ng Daddy ay ganoon sa Daddy ko. Maybe ganoon naman talaga, hindi lahat ng Daddy ay pare-pareho. They are different from each other the way they are. And I believe, may something sa Daddy ni Dahlia na minamahal niya pero hindi niya lang pinapansin.

"Dahlia, are you upset?" Tanong ko sa kanya at umiling siya.

"Hindi naman. Naisip ko lang 'yon. Hindi sweet si Daddy, at madalas naman akong pagalitan kung nata-topic ni Mommy si Q habang kumakain kami!" Pagtukoy niya kay Q na boyfriend niya at natawa ako.

Sa aming apat, kaming dalawa lang ni Naomi ang wala pang boyfriend. Si Dahlia at Elisse, mayroon, at parehong ligal sa parents nila. Taga-sana all lang kaming dalawa ni Naomi.

"I bet, ayan 'yong isang bagay na kinaiinisan mo na hahanap-hanapin mo naman kung hindi gagawin ng Daddy mo. Ayang pagsisita sa iyo tungkol sa inyo ni Q." Sinabi ko sa kanya at natawa na rin siya.

Nakabalik na sina Naomi at Elisse dito dala-dala ang pagkain namin. May nakasunod na crew sa kanila dahil hindi kasya sa dalawang tray ang orders namin. Nagsimula na kaming kumain at habang kumakain kami, nagkukwentuhan kami tungkol sa research na ginagawa namin.

Second year college na kami, and all of us are taking up Tourism Management. Future flight attendants kaming apat, inspired and determined. Noong bata pa man ako, ayun na ang dream to. To become a flight attendant, and to travel around the world!

"Grabe, ang hirap nung pinapagawa ni Ms. Lenny. Memorized na ba ninyo 'yong slogan ng buong countries sa Europe?" Tanong ni Naomi at humindi ang dalawa.

Ako rin naman, medyo. What I mean, yes, may mga alam na ako, I kinda memorized naman na lahat. Medyo nalilito lang ako at nakakalimot. Kailangan pa ng aral.

"Enough nga muna sa school. Holiday ngayon, girls." Natawa si Elisse, at ganoon din kami.

Hindi na nga tungkol sa school ang topic namin, pero tungkol naman sa boyfriends ng dalawang may boyfriend sa aming apat. Mao-OP na sana kami ni Naomi pero gustong-gusto rin namin makinig sa sinasabi ni Elisse at Dahlia tungkol sa relationship nila with their boyfriends.

"Agatha, mag-entertain ka na kasi ng suitors!" Biglang sabi ni Dahlia sa akin. "Bawal pa rin ba? I mean, ang dami nang nakapila para ligawan ka, girl!"

"True!"

Nag-make face lang ako at nagpatuloy sa pagkain ng fries at ice cream. Sinasawsaw ko sa ice cream ang fries na kinakain ko, ang weird pero this combination is my ultimate favorite. Kaya kapag nagpupunta kami ni Daddy sa ice cream house, dapat may fries din kaming bibilhin.

But wait, about naman sa sinasabi ng mga kasama ko, suitor? Suitors? Kasasabi nga ni Daddy sa akin kanina bago ako sumama sa kanila na huwag muna akong mag-entertain ng manliligaw. Daddy said, it will break his heart. And if that's gonna happen, then mine too.

"Bawal pa. Ayaw ni Daddy, at mas lalong ayaw ng tatlo kong kuya!" Sagot ko sa kanila at natawa sila. Well, alam nila kung gaano ako pinagpala sa tatlong kuya ko.

"OMG, kumusta si Kuya Sandro?"

"Really, Elisse? May boyfriend ka na! At may girlfriend na 'yon!" Diretsa kong sagot kay Elisse, crush kasi niya si Kuya Sandro.

"Ang popogi ng Kuya mo, Agatha. Pero lahat ay taken na. Wala man lang natira para kay Naomi." Pagbibiro ni Dahlia at nag-apir sila ni Elisse, habang si Naomi ay napairap at sinabing masarap naman maging single, hindi napapagalitan. So true naman!

"Try mo nang mag-entertain ng suitor, Agatha. Pwede namang patago eh. Kung sagutin mo na, itago mo na rin. Sabihin mo na lang kung graduate na tayo."

"Dahlia, para kang diyablo na tinuturuan si Agatha!"

Nakitawa na lang din ako sa kanila. Malabo, dahil malalaman at malalaman ni Daddy kung may manliligaw man sa akin. Lalo na ng mga kuya ko. Paano ko iyon maitatago? Paano iyon maitatago ng tulad kong hindi marunong magsekreto? Pagpapawisan ang ako.

"Wala pa sa isip ko ang mag-boyfriend, girls.. Wala pa.."

Lumakas ang tawa nila kaya medyo nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Napatingin ako sa paligid, may ilang napatingin sa amin, kaya sinaway ko sila.

"Wala pa raw sa isip, hindi ako maniwala. Sige nga, paano kung si Damon ang manligaw sa'yo? Ha? Agatha Gabrielle?"

Kumunot ang noo ko sa tanong ni Elisse at kinuha na lang ang soda ko at ininom. "Hmm, no.. No dahil hindi naman mangyayari iyon."

Muli silang natawa at sunod na nagtanong ay si Naomi.

"Paano nga kasi, 'di ba? Oh, kung manligaw sa'yo. One day, mauntog siya. Tapos ligawan ka."

"Grabe ka naman, Naomi! Agatha is gorgeous naman, may chance na ma-head turn si Damon. Pero ang kaso, iba naman ang tipo ni Damon, 'no."

Alam nilang apat na crush na crush ko si Damon. Since first year college kami. Mas ahead siya ng isang year sa akin, at dalawang taon ang tanda niya sa akin. At ang course niya ay civil engineering. Crush ko siya dahil nasa kanya 'yong looks na gusto ko. Ang gwapo niya, ang lalim niya tumingin, ang tangos ng ilong, moreno at ang tangkad! At swimmer pa siya, oh my..

"Ang daming nagkakandarapa kay Damon, pero si Agatha 'yong pinakaalam ng lahat na nagkakagusto sa lalaking iyon!"

Yeah, you're right, Elisse. Ako ang pinakaalam ng lahat na crush na crush si Damon. Baliw na baliw pa nga kung sabihin, dahil bakit? Sino ba 'yong kayang mag-skip ng class para lang panoorin siyang mag-swim sa pool kung may practice sila? Alam na alam ng lahat, pero parang hindi naman pansin ni Damon..

No, parang halata rin naman niya na crush ko siya. Hindi man niya ako kilala na kilala talaga, imposible namang hindi niya pa ako iisipin dahil tinutukso na nga ako sa kanya kapag may times na nagkakasalubong kami. Pero hindi ako pinapansin ni Damon, ang sungit niya pero crush ko pa rin siya!

Maybe Dahlia's right, hindi ako 'yong type ni Damon. Hindi tulad kong type niya.. Dahil 'yong mga type niya, malayong-malayo sa tulad ko..

"Agatha, I want you to be happy pero kung dahil kay Damon kaya ayaw mong magpaligaw, huwag ka nang umasa. Oo, gwapo si Damon pero, babe, ibang klase 'yon. Alam mo na! Gusto niya laging satisfied, ganoon ang tipo niya." Dahlia said.

Kanina, iba ang tono ng usapan. Biro-biruan, pero ngayon, naging seryoso. At parang sinisiraan nila si Damon sa akin! Pero teka, hindi naman ako nakailag doon dahil totoo naman. Umaasa akong mapapansin ako ni Damon, at 'yong tungkol naman sa "satisfied" na sinabi ni Dahlia, nakuha ko rin.

"Matino ang bagay for you, Agatha, at 'yong hindi babaero. Dahil kung tulad ni Damon ang maging boyfriend mo, mukhang walang araw na walang galos sa mukha 'yon kakabugbog ng mga kuya mo." Sabi naman ni Naomi.

"Grabe kayo mag-judge kay Damon. Malay ninyo, hindi naman talaga, 'di ba? At baka magbago siya." Pagtanggol ko pero tumawa si Naomi at Elisse.

"Anong hindi? Kita na nga at alam ng lahat iyan, Agatha. Kahit ikaw, don't deny it. Oo, sikat siya at gwapo siya. Pero may dark side siya, kaya iniiwasan siya.. Marami nang kwento tungkol sa kanya.. Anyways, okay lang naman iyang happy crush, Agatha." Wika pa ni Elisse at nanahimik na lang ako.

Hindi na ako nagsalita, hindi na ako nakaimik. Pagtulungan ba naman nila akong tatlo, pero ano pa nga ba ang masasabi ko?

***

Nandito ako sa sala, nakaupo rito sa sofa, habang nagbabasa ng lesson namin. Katabi ko si Cleo, my pussy cat! Behave naman siya na pinapanood ang Mom niyang nag-aaral. Pero napatigil ako nang may tumakip na mga kamay sa aking mga mata. Hinulaan ko ito at nakuha ko, si Kuya Sandro.

"Himala, you're maaga today, Kuya! Where's my pasalubong?"

Pinisil niya ang ilong ko at dahil hindi niya ako pwedeng kalimutan, inabot niya sa akin ang isang box na may lamang donuts. Tumabi siya sa akin, sa spot ni Cleo. Binuhat niya si Cleo at sa lap niya pinaupo.

"Bigay ng Ate Seline mo. Ubusin mo 'yan at nang tumaba ka." Sabi niya sa akin at natawa ako.

Si Ate Seline pala ang nagbigay, 'yong girlfriend niya. Ah, mukhang nag-date na naman sila.

"Where's Kuya Gus? Hindi siya uuwi rito?"

"Nope, naiwan doon sa condo. Maraming papers na tinatapos." Sagot ni Kuya sa akin. "Akala ko ba, ako ang favorite Kuya mo? Bakit mo siya hinahanap?"

Umiling ako sa kanya habang punong-puno na ng chocolate fillings ang bibig ko dahil sa kinakain kong donut. Nagulat ako nang kuha siya sa daliri niya at ikalat sa pisngi ko.

"Kuya!"

Favorite ko siya? Si Kuya Sandro? No! Sobrang istrikto niya kaya, at maraming bawal! Pero parang lahat naman sila. Siya, si Kuya Augustus at si Kuya Gavin! Mga istrikto! Si Ate Gabriela lang ang kakampi ko rito pero wala naman siya rito sa Philippines. Kaya medyo si Daddy ang kakampi ko. Medyo. Natawa ako.

Nakita ko si Daddy na papalapit na rin sa amin, agad kong inabot ang box sa kanya, inaalok siyang kumain din ng donut pero umayaw siya. Naupo siya sa kabilang side ko.

"Hi, Dad." Bati ni Kuya kay Daddy.

Habang kumakain ako, sumandal ako sa balikat ni Daddy. Kinuha naman ni Kuya ang binder ko na kanina lang ay binabasa ko. And as usual, nilalait niya ang pinagsususulat ko kahit wala namang kalait-lait. Maghahanap at maghahanap ng dahilan para asarin ako. Hanggang sa tanungin siya ni Daddy tungkol kay Kuya Gus.

"Alam mo naman na 'yon, Daddy, mas busy kaysa akin. Clerkship at madugong lab research, magsabay ba naman." Wika pa ni Kuya Sandro sa pagkukwento niya tungkol sa ginagawa nila ni Kuya Gus.

Parehong medical course ang kinukuha ni Kuya Augustus at Kuya Sandro. Parehong dinudugo sa pag-aaral nilang iyan para talaga maging licensed medical doctors. Kaya maraming lab research, clerkship at exams na ginagawa. Kung iisa-isahin ko pa, baka sumakit lang din ang ulo ko. Si Kuya Gus nga yata, nagpe-prepare na for licensure examination eh.

Anyways, 29 years old na si Kuya Gus at si Kuya Sandro naman ay 28. While si Kuya Gavin ay 37 years old naman, 35 naman si Ate Gabriela. At ako, 19 years old. Ako ang bunso at baby dito sa amin.

At si Daddy naman, 61 years old na. Lolo na siya, senior citizen na ang Daddy ko. Natawa ako sa isipan ko.

Nag-stay lang kaming tatlo rito sa sala, nagkukwentuhan. 5 o'clock pa lang naman, at dito ang madalas na tambayan namin kapag free kami. Sayang nga lang, hindi uuwi si Kuya Gus ngayon. Nandoon sa condo nila Kuya Sandro.

Kaming apat ang madalas na naririto sa bahay. Ako, si Daddy, Kuya Gus at Kuya Sandro, dito nakatira. Si Kuya Gavin, may family na at may sariling bahay. Si Ate Gabriela naman, nasa California siya at may family na rin siya. Bigla ko naman na-miss ang pamangkin ko sa kanya, at pati siya na kakwentuhan ko. Hmm, ano na bang oras sa kanila ngayon?

"Children, before I forgot, bukas ay may family dinner tayo kay Gavin." Daddy said at tumingin sa akin, napaisip ako kung anong mayroon.

"Hmm, parang alam ko na 'yan ah."

Bigla akong na-curious lalo sa sinabi ni Kuya Sandro kaya lumingon ako sa kanya at tinanong kung ano ang alam niya. Pero ang sagot niya, secret. Sumimangot ako.

"Ano nga? You tell me now, Kuya!" Pamimilit ko sa kanya habang niyuyugyog ang braso niya pero umiling-iling lang siya.

"Secret!" Bumelat siya kaya I crossed my arms, kay Daddy na lang ulit ako tumingin at siya ang kinulit ko.

"Daddy, ikaw po, may alam?"

Para siyang napaisip hanggang sa nagkibit-balikat siya, at nagsalita. "Bukas, we'll see."

Hindi naman na bago itong family dinner sa aming family, dahil madalas mangyari kapag may celebrations. Pero sa pagkakaalam ko, parang wala namang dapat i-celebrate bukas, wala namang may birthday or what. Hmm, siguro tungkol sa company ito. Well.

Pagsapit ng dinner, akala ko ngayong wala rito si Kuya Augustus ngayon ay hindi ako maaasar nang bongga ni Kuya Sandro. But no! Inaasar na naman niya ako tungkol sa "imaginary" boyfriend na alam nilang mayroon ako. Imaginary, dahil sila lang ang nakakaalam at nakakakita. Kanina nga, naasar na ako ni Kuya Gavin, tapos ngayon na naman?

But I admit it, hindi buo ang araw ko kung hindi ako naaasar ng kahit sino sa big brothers ko.

Nang mag-8 o'clock, nag-good night na 'ko kina Daddy at Kuya Sandro bago magpunta sa room ko. Nang makahiga na ako, agad kong kinuha ang phone ko na narito sa kama, at nagbabad. Agad akong nagpunta sa profile ni Damon para i-check kung may update sa kanya today.

Hindi na ako nagulat nang wala akong nakikitang bagong tagged posts sa kanya today. Mukhang hindi siya lumabas ngayon, nag-bar. All I can see sa kanyang profile ay 'yong mga taong nagta-tag ng posts sa kanya. Yeah, we are not friends here on Facebook. Nasa friend request pa rin ako, hindi pa niya 'ko ina-accept!

Noong first year ko pa siya in-add, pero hanggang ngayon, hindi pa rin niya ako ina-accept. Kaya hindi ko alam kung active ba siya rito sa FB, hindi rin naman siya friends nina Dahlia, Elisse at Naomi, kaya I can't check it out. At wala nang ibang social media account si Damon kundi itong FB. Yeah, inalam ko rin iyon.

May mutuals ako na friends si Damon, pero nakakahiya naman kung maglalakas-loob talaga ako na tingnan kung ano ang laman ng profile ni Damon. Ngayon, literal na profile ang nakikita ko. 'Yung profile picture niyang simula nang maging crush ko siya ay ayun pa rin. Active ba ito rito?

Kailan ba niya ako iko-confirm? Kainis, naiinip na 'ko! Sana naman ay pansinin niya 'ko kahit dito lang. Nang tuluyan nga akong mainip, sa pagpili na lang ng picture sa gallery ko idinaan ang inip ko. Nang makapili ako nang matinong selfie, I posted it on my account. And with the caption: Someday 🙃

Hindi na ako nagulat nang unang nag-comment si Dahlia, at sumunod ang dalawa pa. Puro puri ang comment, pero humabol pa si Naomi ng isa at mukhang nakuha niya ang gusto kong sabihin sa caption ko.

"Ehem. Para kanino kaya?"

Nag-react lang ako ng "haha" sa sinabi niya, hanggang sa sumunod na nag-comment si Kuya Sandro. Aba!

"Someday? Someday ano?"

Napairap na lang ako at in-off na lang ang phone ko. Bago pa ako umayos ng higa, sinilip ko pa si Cleo sa couch niya, she's now asleep! Nang umayos ang higa ko, napatitig ako sa ceiling.

"Single pa rin ako.." Bigla kong naibulong sa sarili ko. At kung marinig lang ito ni Daddy at ng mga kuya ko, sesermunan ulit ako.

***

"Maaga ako uuwi. Cut na ako ng 3 PM, may family dinner kami." Bigla kong pagsingit sa kwentuhan namin ni Naomi at Dahlia habang naglalakad kaming tatlo papunta sa next class namin. Si Elisse, nasa room na, nauna na.

"Family dinner? Dinner? Gabi pa 'yon ah! Pero bakit alas 3 ay aalis ka na, babe?" Tanong ni Dahlia sa akin at nag-sip muna ako sa milk tea na inuubos ko bago sumagot.

"Kasi sisilipin ko pa si Damon sa pool, may training sila today!" Sagot ko sa kanila and as usual, tinawanan na naman nila ako.

"Baliw na baliw talaga, Agatha? Sinasabi ko sa'yo, Agatha, wala kang mapapala riyan."

Napasimangot ako sa sinabi ni Naomi. Anong wala? Mayroon kaya! Nai-inspired akong pumasok dahil kay Damon! At saka nakaka-perfect ako ng quizzes sa tuwing nakikita ko siya. And.. And he makes me happy. Kahit wala naman siyang ginagawa for me para mapasaya. Sabihin nila ngayong wala?!

"Eh, bakit ba?" Tila reklamo ko pa.

"Naomi, hayaan na lang natin si Agatha. Look at our baby girl, ang cheerful niya kaya lalo na sa tuwing nakikita si Damon." Wika ni Dahlia, siya kasi ang kunsintidor sa akin. Pero I love her! No, I love all my friends.

Habang naglalakad kami, nagulat ako nang bigla akong kinurot ni Naomi. Hindi naman masakit pero sa gulat ko ay umaray ako.

"OMG, Agatha, makakasalubong natin si Damon!" Sabi naman ni Dahlia kaya nanlaki ang mga mata ko.

Tumingin ako sa dinadaanan namin and few meters away ay makakasalubong nga namin siya! He's wearing a gray polo and black pants, at may black backpack siyang dala. Agad kong pinaayos kay Dahlia ang scarf ng uniform ko, at agad kong tinanong kung maayos ba ang buhok kong naka-bun. Pinahawak ko naman muna kay Naomi ang milk tea ko. Lumipat ako sa pwesto kung saan ay mas malapit ang distance namin ni Damon kung magkalapit na kami! At ang isa pa, may chance na magkatinginan kami. I should now prepare my sweetest smile!

Kunwari pa akong nakikipagkwentuhan kay Naomi na siyang nasa gitna kahit weirdo na ako sa mga mata nila. At bago pa man ako malampasan ni Damon, tiningnan ko siya sa kanyang mga mata and I gave him my sweetest smile. At.. at tiningnan niya ako nang one second, hindi nakangiti, and he looked away.

Napatigil ako nang tuluyan na niya akong nalampasan at sinundan pa siya ng tingin kahit likod na lang niya ang nakikita ko. At nang hindi ko mapigilan ay impit akong napatili.

"OMG! He looked at me, girls!" Balita ko sa kanila at pilit lang silang nakangiti. "Tiningnan niya ako! Napatingin siya sa akin."

"We are so happy for you, Agatha! Congrats! Ayan ba ang gusto mong marinig? Malamang! Titingin sa'yo 'yon, dahil sa pagiging weirdo mo ba naman." Sabi ni Naomi sa akin pero hindi na natanggal ang ngiti ko habang nakatingin pa rin sa direksyon na pinuntahan ni Damon.

Kailangan kong isulat ito sa diary ko. Ilang months na ang lumipas noong huling tiningnan niya ako! Madalas kasi, hindi. Hindi dahil alam niyang crush ko siya. Weirdo man ako sa kanyang paningin, pero bakit pa rin niya ako tiningnan?

3 PM, nagpaalam na ako sa kanila na aalis na. Pero hindi pa ako nag-text sa driver namin na siyang susundo sa akin today dahil may pupuntahan pa ako. 'Yung talagang plano ko, panonoorin saglit si Damon mag-swim sa pool mayroon dito sa campus. May training sila ngayong araw, ayun ang alam ko.

"Take care, babe!" Pagpaalam ni Elisse at Dahlia sa akin.

"Mag-ingat ka ah! Lalo na kay Damon, sinasabi ko sa'yo." Ang pagpapaalam naman ni Naomi sa akin, tinawanan ko lang ang sinabi niya.

Nakarating ako sa pool area ng campus, pasimple pa akong pumapasok dahil baka sitain ako ng kahit sinong nandito kung bakit ay nandito ako at ano ang gagawin ko rito. Titingnan ko ang crush ko, bawal ba?

Hindi pa man ako tuluyang nakakapasok, naririnig ko na ang boses ng captain nila Damon.

"40 laps! Go!"

Walang ibang tao rito sa buong pool area na ito bukod sa swimmers at sa coach nila. At dahil hindi naman ako pwedeng magpakita, nandito lang ako sa medyo tagong part na nanonood. Agad kong hinanap si Damon kung nasaan siya at sino siya sa six boys na lumalangoy sa pool.

Basta ang alam ko, 'yong isa rin dito ay ka-course ko, Tourism din. Naging classmate ko iyon last year.

After how many minutes, hindi ko pa rin ma-distinguish kung sino si Damon sa mga lumalangoy. Hanggang sa matapos ang paglalangoy nila na umabot ata ng 30 minutes, hindi ko pa rin nalaman. Sumasakit na ang pwet ko ritong nakaupo sa bleachers. Nang isa-isa nilang tanggalin ang suot nilang swimming goggles at halos mainis ako nang wala pala si Damon dito!

Luminga-linga pa ako at talagang tinititigan isa-isa ang mga lalaking nandito kung nasaan at sino si Damon. Pero wala! What the hell?! Nanood ako para sa wala?!

I stomped my feet dahil sa inis, at nagulat ako nang may isang tumawag sa akin na swimmer. Kilala nila ako, well, bakit nga ba hindi? Ako lang pala 'yong malakas ang loob na nagkaka-crush sa team captain nila! Now, nakita na kita ako, napansin na. Tumingin ako sa kanila at imbes na mahiya ay naiinis talaga ako. At bago ko pa tanungin kung nasaan si Damon ay sinagot na ako ng isa.

"Wala rito sa Damon, Agatha. Exempted si captain ngayong training. Pero thanks sa support."

Tinawanan nila ako pero nakasimangot lang ako hanggang sa sabihin ng coach nila na balik na lang ako sa susunod. Akala ko pa ba naman, sa class ako pinapabalik. I think kailangan kong kaibiganin ang coach nilang ito para alam ko kung kailan ang training nila na kasama si Damon at payagan akong manood nang malapitan.

Sounds great!

Tumayo na ako. "Okay, coach! Sabi mo po iyan ah! Babalik ako here pero riyan na sa malapit ako uupo, ha!" Kinailangan kung ilakas ang boses ko para marinig nila iyon at tumawa ulit sila.

Nang makalabas ako sa natatorium, agad kong kinuha ang phone ko at tinext ang driver. Sinabing sunduin na ako, na dapat ay kanina pa sana! Nag-cut pa 'ko ng class para kay Damon, pero wala pala siya?

--

Hi!!! :)

Continue Reading

You'll Also Like

8.2K 245 32
Heartbeat so fast... Senior high student fell inlove into a college student... They don't know each other.... And they are on the same village.... No...
7.7M 228K 55
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
38.1K 545 65
This is a work of fiction. A Fan Fiction of Ricci Rivero and everything on this story are solely based on my imagination and none of these happened i...
971K 33.4K 76
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.