The Love Encounter (Varsity B...

By kotarou-

57.3K 2.8K 129

VARSITY BOYS SERIES #2: THE LOVE ENCOUNTER Content Warning: The Varsity Boys Series features a BL (Boys' Love... More

VARSITY BOYS SERIES #2: THE LOVE ENCOUNTER
Prologue
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
ARCHER ELLIS
Chapter 61
Chapter 62
Kean Anthony Leondones
Epilogue
VARSITY BOYS SERIES 3: BREAKING THROUGH THE CLOUDS

Chapter 47

580 32 0
By kotarou-

Chapter 47

Ganon ba talaga kapag mahal mo yung tao? Nagiging mababaw ka para sa kanila? Sa kabila ng lahat ng frustrations, alinlangan at pagdududa sa isang yakap at salita lang nila nawawala lahat?

Kanina punong-puno ng maraming tanong at pagdududa ang isipan ko para kay Keano. Ngayon na nasa harapan ko na siya at yakap-yakap lahat ng iyon ay tila tinangay ng hangin sa kawalan.

All I could think right now is he's here. He's already here and everything is fine.

Mababaw ba ako? O sadyang mahal na mahal ko lang ang taong ito?

Hinawakan niya ang mukha ko at pinahid ang luhang lumandas roon.

"Hey, stop crying. I'm already here." Masuyo niyang sabi.

Tumango ako at tipid na ngumiti. "Welcome home."

He smiled and lean on me to me kiss on the lips.

"Yeah. I'm home." Sabi tapos ay muli niya akong nilapatan ng halik sa noo.

After ng mahabang yakapan na iyon ay hinatak niya ako sa kusina dahil nag luto raw siya ng hapunan kanina. Kanina niya pa raw ako hinihintay at lumamig na ang sinigang na niluto niya.

Pinaupo niya ako sa upuan habang iniinit niya ang sabaw. Pinanood ko lamang siya roon. Sa sobrang occupied ko sa presenya ni Keano ay muntik ko nang makalimutan si Flynn na naghihintay sa baba.

Kaagad kong kinuha ang phone ko sa aking bag upang i-text si Flynn. Nakakahiya baka isipin niyang nakalimutan ko na siya!

[To: Flynn

Hey, Keano is already here. You can go home, drive safely.]

Ilang segundo lamang ang inintay ko bago nakatanggap ng reply sa kaniya.

[From: Flynn

Just what I presumed. Now I can be at peace knowing you'll be fine now. Good night Eli.]

Hindi ko maiwasang mapangiti nang mabasa ko iyon. I am so lucky to have a friend like him. Ever since I was a kid, I never been so comfortable sharing my personal issues to my friends even to my closest ones. Feeling ko kasi, magiging dagdag burden pa iyon sa kanila.

But with Flynn, I don't know why I feel so comfortable. Maybe dahil siya rin 'yung kasama ko noong panahong pilit kong tinatakasan ang nararamdaman ko kay Keano. I hope na makabawi rin ako sa kaniya sa susunod.

"Who are you texting?"

Sumulyap ako kay Keano nang magtanong siya. Salubong ang kaniyang mga kilay habang ang mga mata ay naniningkit.

"Uh, si Flynn." Sagot ko.

Inilapag niya ang isang mangkok ng sinigang sa mesa. Pinag-krus niya ang kaniyang mga braso. "Flynn? Siya ba ang kasama mo kanina?" Nawala ang lambing ng kaniyang boses.

Tumango ako. "Oo, nasa bahay nila ako."

Tumaas ang isang iyang kilay. Ang kaniyang mga naninigkit na mga mata ay biglang tumapang.

"So the whole time that I've been trying to call you, you're with him? What the hell are you doing in his house?"

Nag-iba na ang tono ng boses niya. Tumaas ito at galit. Bigla akong nataranta dahil mukhang alam ko na ang kapupuntahan nito.

"Because my father is there." I answered.

Kumunot ang noo niya, tila naguguluhan sa aking sagot. Bumuga ako ng hangin at inumpisahan ang pagpapaliwanag sa kaniya.

Unti-unti ay nawala ang galit sa kaniyang mga mata at muling lumambot ang ekspresyon ng mga iyon.

"Sorry, I didn't know. Bakit ngayon mo lang sinabi?" Tanong niya nang matapos kong magpaliwanag.

Tipid akong ngumiti. "Uh, sasabihin ko dapat sayo kanina nung hinihintay kita sa University dumating. Pero h-hindi ka nila kasama umuwi." Pahina ng pahina ang aking boses.

Nakita ako ang bahagyang paglaki ng kaniyang mata at pagbabago ng ekspresyon nito. I saw a guilt flashed on his eyes.

"Ah...sorry...uhm... pinaasikaso si Coach kaya nahuli ako ng uwi." Sagot niya. Kita ko ang alinlangan sa kaniyang mga mata at tono ng kaniyang boses.

Muling bumalik sa isipan ko ang sinabi ni Allen kanina sa cafeteria. Nanumbalik sa aking isipan ang maraming katanungan ngunit pinilit kong iwinaksi iyon. Iintayin kong siya mismo ang magsabi sa akin ng mga bagay na dapat kong malaman.

Umiling ako. "I-it's okay. Naiintindihan ko."

Hinawakan niya ang kamay kong nasa mesa. "Thanks. Anyways, when will I meet your father?"

"I'll talk to him." Sagot ko.

"Okay..." Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan ang likod ng palad ko. "Let's eat." Sabi niya.

Pinilit kong tinanggal sa aking isipan ang lahat ng bagay na gumugulo sa akin nang gabing iyon. Kahit na gustong-gusto ko na magtanong sa kaniya ay pinigilan ko ang sarili ko. Nagtitiwala ako kay Keano. Mahal ko siya, at alam kong wala siyang gagawing bagay na makakasakit sa akin.

Gaya ng pangako niya noon bago siya umalis ay bumawi nga siya sa akin. Since weekend kinabukasan ay nagmasyal kaming dalawa. Na-meet na rin niya si Dad. Wala namang naging problema dahil hindi rin naman humadlang si Daddy sa kung anong meron sa amin.

He's actually happy for us. Isang bagay na ipinagpapasalamat ko.

Sa dalawang araw na magkasama kami ni Keano, mas lalong nadagdagan ang mga tanong sa isipan ko lalo na sa tuwing may tumatawag sa kaniya.

Hindi naman iyon ang kakaiba. Ang kakaiba ay ang kaniyang paglayo pa sa akin bago sagutin ang tawag. Para bang ingat na ingat pa siya sa pakikipag-usap na baka may makarinig.

Hindi naman siya ganito noon. Dati ay sinasagot niya ang mga tawag sa kaniyang cellphone kahit nasa harapan ko. Ayoko namang i-big deal ang simpleng bagay na iyon, dahil ayokong maging toxic. Ayokong isipin niyang pinaghihinalaan ko siya at baka pagmulan pa ng away naming dalawa ngunit hindi ko mapigilan.

Bumalik ang dati naming routine nang sumunod na linggo. Balik regular training sila kaya, sa umaga at gabi nalang ulit kami nagkikita pag-uwi sa condo. Minsan ay late ako umuuwi dahil bumibista ako kay Daddy kina Flynn. Ilang buwan nalang kasi siya mananatili rito at babalik na ulit siya ng Canada.

Pinapayagan naman ako ni Keano dahil sobrang late na rin sila natatapos na magtraining kaya mas mabuti raw kung duon muna ako at wala akong kasama sa condo.

"What do you think about it son?"

Tanong sa akin ni Daddy matapos niyang sabihin sa akin na nais niyang papalitan ang apelido ko ng kaniyang apelido. Para raw hindi siya mahirapang ikuha ko ng citizenship sa Canada kung nanaisin ko roon tumira sa hinaharap.

Hindi ako kaagad nakasagot. Hindi naman sa ayokong dalhin ang kaniyang apelido. Actually, it's one of my dream ever since. Pero kailangan ko muna kausapin sina Lolo tungkol dito. Ayokong ma-offend sila kung basta nalang ako papayag nang hindi sinasabi sa kanila.

Sinabi ko sa kaniya na sasabihin ko muna kina Lolo. Hindi naman sya kumontra at sinabing mas mabuti nga iyon. Pinaplano rin niya pala na pumunta sa probinsya bago siya umuwi ng Canada para rin makadalaw kay Mama at makausap sina Lolo.

Kaya naman pinlano namin na umuwi after midterm exam since long weekend iyon. Plano ko rin na isama si Keano umuwi gaya ng bilin ni Lolo at sigurado akong gusto rin niya iyon.

"Keano," pagtawag ko sa atensyon niya habang nagmamaneho siya. Papasok kami ngayon.

"Hmm?"

"Uh, uuwi kami ni Daddy sa probinsya dahil gusto niya makabisita sa puntod ni Mama at maka-usap sina Lolo. Gusto mong sumama?" Tanong ko.

Saglit niya akong sinulyapan. "Really? Kailan?"

"After midterm. Long weekend kasi iyon."

Tiningnan ko siya. Kumunot ang kaniyang noo. "Uh- I-I don't know Eli, medyo strict si Coach ngayon sa practice e. I don't think papayag siyang mawala ako ng ilang araw." Sagot niya na ikinabagsak ng balikat ko.

Sumulyap siya sa akin kaya mabilis kong binago ang ekspresyon ng aking mukha. Pinilit kong ngumiti upang itago ang lungkot na aking naramdaman.

"Ah- Okay...okay lang. Naiintindihan ko. Oo nga, sayang rin ilang araw na wala ka sa training." Tumawa ako ngunit parang naging hilaw lamang iyon.

"I'm really sorry Love."

Umiling ako tsaka muling tumawa. "Hindi okay lang. N-next time nalang siguro."

"Sure, next time." Ngumiti siya. Tumango nalamang ako.

Medyo na disappoint ako sa sinagot ni Keano pero kailangan kong intindihin iyon.

After class ay muli akong sumama kay Flynn pauwi sa bahay nila upang bumista kay Daddy.

Alas-dies na nang gabi nang ihatid ako ni Flynn pauwi. Sobrang nahihiya na ako kay Flynn dahil pakiramdam ko ay sobrang abala ko na sa kaniya. Lagi nalang niya ako hinahatid ng ganitong oras.

"Pasenya na Flynn ah." Sabi ko sa kaniya nang huminto ang kotse sa harap ng building.

"Huh? Pasenya para saan?"

"Uh...sa pagiging abala ko. Dapat ay nagpapahinga kana nito e. Pero hinahatid mo pa ako." I scratched the side of my left eye brow.

I heard him chuckle. "I'm doing this because I want to. You don't have to say sorry, its fine." Sabi niya.

Ngumiti ako at tumango. "Okay, thank you nalang." Sagot ko.

Marahan lamang siyang tumango.

Nagpaalam na ako sa kaniya saka na umakyat. Pagdating ko unit ay wala pa si Keano. Sobrang late na pero bakit wala pa siya? I tried to call him pero hindi ko siya ma-contact. Muli sumiklab nama ang pagalala sa akin nang naka-ilang dial na ako pero hindi siya sumagot.

I dialed Allen's phone number, but it also cannot be reached. Lumabas kaya sila ng team niya? Ilang beses ko pa sinubukang tawagan si Keano at Allen ngunit parehong walang sagot hanggang sa nakatulugan ko na.

Nalimpungatan ako at nagising dahil sa masamang panaginip. Nanuyo ang aking lalamunan at nakaramdam ako ng uhaw kaya napagdesisyonan kong lumabas at kumuha ng tubig. I-check ko na rin si Keano sa kwarto niya.

Paglabas ko sa sala ay medyo nagulat pa ako nang makita si Keano roon sa sofa at natutulog. Lasing kaya ito at dito nalang inabutan ng antok?

Lumapit ako sa kaniya. Payapa ang kaniyang mukha habang natutulog. Naririnig ko pa ang mumunting hilik niya. Tila pagod na pagod siya.

Lumuhod ako sa harap niya at tinitagan ang kaniyang mukha. Gigisingin ko sana siya para sana palipatin sa kwarto ngunit napatigil ako nang may marealized ako.

Inamoy ko siya. Kumunot ang noo ko dahil hindi siya amoy alak. Hindi siya amoy alak! Walang kahit anong ibang amoy sa kaniya. Teka- kung hindi siya amoy alak, hindi siya galing sa pakikipag-inuman sa teammate niya. Kung ganon- saan siya galing?

Bahagya akong napapitlag nang marinig ko ang malakas na pag-vibrate ng isang cellphone. Lumingon ako sa glass table na nasa gilid ko kung nasaan iyon.

Sumulyap muna ako sa natutulog na si Keano bago kuhanin iyon. Nanlaki ang aking mga mata ko nang mabasa ko ang pangalang naka rehistro sa numerong tumatawag.

[Sofia is calling....]

Naramdaman ko ang panginginig ng aking kamay. Muntik ko pang mabitawan ang phone niya nang mabasa ko ang pangalang iyon. Biglang bumilis ang tibok ng aking puso dahil sa kaba.

Muli ko siyang sinulyapan. Tulog na tulog pa rin siya. Namatay ang tawag ngunit muli iyon nagvibrate.

Hindi ko alam kung sasagutin ko ba iyon o hindi. Nanginginig ang aking kamay at parang naglo-lose ang aking isip bigla.

Sa huli ay ibinalik ko iyon sa mesa at dahan-dahang bumalik sa aking kwarto. Nakalimutan ko na ang aking pagkauhaw.

Pagkasarado ng aking pintuan ay tuloy-tuloy na umagos ang luha sa aking mga mata. Ang maraming tanong at puzzle na nabuo sa aking isipan sa mga nakalipas na linggo at araw ay parang biglang nabigyan ng sagot. Isang sagot na hindi ko inaasahan.

Wala akong ibang nagawa kundi ang umiyak ng umiyak sa aking kama. I am not yet sure sa mga nabuo kong konklusiyon sa aking isipan but I can't help but to get hurt already!

Hindi ko kilala kung sinong Sofia iyon, pero isang tao lamang ang pumasok sa isipan ko nang makita ko ang pangalang iyon.

Si Sofia ang babaeng mahal na mahal ni Keano.

Hindi na ako nakatulog nang madaling araw na iyon. 4AM palang ay umalis na ako ng condo ni Keano dahil hindi ko alam kung paano siya haharapin. Maga ang mga mata ko at siguradong hindi niya ako tatantanan kaka tanong kung anong nangyari kapag nakita niya iyon.

Natatakot akong baka masabi ko sa kaniya ang totong dahilan ng pamamaga ng mata ko. Baka hindi ko mapigilan ang sobra-sobrang emosyon ko at bumigay ako.

Gusto kong magtanong sa kaniya. Sobrang dami kong gustong malaman at malinawan ngunit natatakot ako. Natatakot ako sa maaring maging sagot niya. Natatakot ako makumpirma ang lahat ng hinala ko.

Natatakot akong sabihin niya sa akin na hanggang ngayon ay si Sofia pa rin ang kaniyang mahal.

Hindi ko kakayanin iyon. Iniisip ko pa lang ay sobrang nadudurog na ako. Kaya mas pinili kong iwasan siya. Hindi ko pa kaya siyang harapin. Natatakot akong sa oras na makaharap ko siya iyon na rin ang huli at katapusan ng lahat sa amin.

"Flynn..." Naiiyak kong tawag kay Flynn nang makita ko siyang nakatayo labas ng condominium building.

Naglakad siya palapit sa akin. Hinubad niya ang kaniyang suot na jacket tsaka isinuot sa akin.

"Let's go." Kinuha niya ang aking kamay at dinala sa kaniyang kotse.

Nahihiya man ay wala na akong matawagan pa bukod sa kaniya. Kaya siya ang tinawagan ko upang magpasundo sa kaniya ngayong umaga.

"Where do you want to go?" He asked.

"Kahit saan. Kahit saan, basta malayo rito." Humihikbi kong tugon.

Hindi na siya nagtanong pa at pinaandar na niya ang kaniyang kotse. Hindi ko pa nasasabi sa kaniya ang lahat pero hindi naman siya nagtanong at hinayaan niya lamang ako.

Iiyak lamang ako ng iyak habang nasa biyahe. Sinubukan kong pigilan ang mga luhang masaganang tumu-tulo sa aking mga mata ngunit hindi ko magawa.

Akala ko ay ubos na ang mga luha ko dahil sa pag-iyak ko buhat kaninang hating gabi ngunit tila walang katapusan iyon sa pag-alpas sa aking mga mata.

Naiinis nalang ako sa sarili ko. Pagod na pagod na ako. Gusto ko nang tumigil ngunit, hindi ko magawa. Nahihiya narin ako kay Flynn dahil lagi nalang siya ang nakakakita sa akin tuwing umiiyak ako.

"Sorry Flynn..." Sabi ko sa kalagitnaan ng paghikbi.

"For what?" Malumanay niyang tanong.

"Sa pang-abala ko sayo. Sa pag-iyak ko. Sorry, wala lang akong ibang matawagan. I'm really sorry." Isinubsob ko ang aking mukha sa aking mga palad.

"Tawagan mo ako kahit kailan mo gusto. Sa gitna ng gabi, madaling araw, umaga, tanghali, hapon. Kahit anong oras Eli, tawagan mo ako at pupuntahan kita. Umiyak ka kung hanggang kailan mo gusto, I'm always willing to be your shoulder to cry on."

Humarap ako kay Flynn na seryosong naka-focus sa kalsada ang mga mata.

"Kung hindi ko man kayang matanggal 'yan sakit na nararamdaman mo, sasamahan nalang kita. Sa'kin mo ibuhos ang lahat at..." Humarap siya sa akin. Malungkot siyang ngumiti, bago muling ibinalik ang mga mata sa kalsada.

"...sabay tayong masaktan."

Continue Reading

You'll Also Like

314K 11.5K 76
Kung may isang pangako si Leon Eleazar sa sarili, iyon ang hindi tumulad sa mga kaibigan niyang nagpakasal sa kapwa nila lalaki! Bukod kasi sa napaka...
1.4K 73 21
ArcoΓ­ris Series 4: A Blissful Climax β€’ BxB He has been in love with a straight man all of his life, including today. Even though he knew that his new...
9.7K 655 37
"Don't forget me, please. I will always love you and support you. Remember me. I love you." *** Gabbie, a 3rd year Tourism student from UP Diliman ha...
226K 12.6K 26
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.