The Love Encounter (Varsity B...

By kotarou-

60.2K 2.8K 129

VARSITY BOYS SERIES #2: THE LOVE ENCOUNTER Content Warning: The Varsity Boys Series features a BL (Boys' Love... More

VARSITY BOYS SERIES #2: THE LOVE ENCOUNTER
Prologue
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
ARCHER ELLIS
Chapter 61
Chapter 62
Kean Anthony Leondones
Epilogue
VARSITY BOYS SERIES 3: BREAKING THROUGH THE CLOUDS

Chapter 28

745 37 0
By kotarou-

Chapter 28

Kina Allen na ako kumain ng hapunan dahil gabi na rin nang makarating kami ng Manila. Pagkatapos naming kumain ng hapunan ay sa mansiyon nina Doc Carlos na lang ako nagpahatid.

Wala pa namang pasok bukas, kaya duon na muna ako. Para na rin makaiwas kay Keano. Nag text ako kay Manang na pauwi na ako, para hindi rin sila magulat kapag dumating na ako.

Dahil exclusive village iyon ay hindi pinayagang makapasok ang kotse ni Allen. Kaya duon nalang ako bumaba at sinabi sa kaniyang maglalakad nalang ako.

Gusto niya pa sana akong samahang maglakad ngunit tumanggi ako. Pagod na siya sa biyahe mula sa probinsya tapos ay nagpahatid pa ako rito, masyado na akong nakaka-abala sa kaniya.

"Ayos na ako rito. Umuwi kana para makapag pahinga ka-"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang may humitak sa braso ko. Nang lingunin ko ay ang seryosong mukha ni Keano ang aking nakita.

Bahagyang nanlaki ang aking mga mata dahil sa gulat. Hindi ko siya inaasahang makita ngayon!

Walang sabi niyang isinara ang pinto ng kotse ni Allen saka ako hinitak. Wala akong nagawa sa kaniyang paghatak sa akin dahil sa gulat ng biglaan niyang pagsulpot.

Halos mapasigaw ako sa sakit nang may humitak rin sa kabila kong braso dahilan upang mapahinto kami sa paglalakad.

"Shit! Sorry Eli!" Aligagang sabi ni Allen nang makita ang pagngiwi ko dahil sa kaniyang ginawa. Siya pala ang humitak sa akin.

"What the hell is your problem?!" Galit na bulyaw ni Keano kay Allen. Nagtangis ang kaniyang mga panga. Ang kaniyang mga kilay ay salubong at madilim ang mga mata.

Kapwa pareho kaming nagulat ni Allen sa pagsigaw ni Keano. Hindi ko inaasahan iyon, lalo na ang galit sa kaniyang boses at mga nagbabagang mga mata.

"T..teka K-keano ano bang problema mo? Tsaka pwede mo ba akong bitawan?" Pumiglas ako ng kaunti dahil humihigpit ang pagkakahawak niya sa akin.

Sa halip na tumugon sa pakiusap ko ay marahas lamang niya akong tiningnan tapos ay muling ibinaling kay Allen ang mata.

"Let go off his hand, Vasquez." Mariin nitong utos kay Allen.

Nakita ko ang pagtangis ng bangang ni Allen tila nagtitimpi. Nakikipag sukatan siya ng tingin kay Keano. Nakadama ako ng tensiyon sa hanging umiikot sa amin. Kinabahan ako sa pwedeng mangyari kaya nang sumulyap siya sa akin ay tumango ako upang sabihing sundin nalang niya si Keano.

Suminghap siya saka binitawan ang kamay ko. Magsasalita pa sana siya nang kaladkarin na naman ako ni Keano papasok na sa gate ng village. Hindi naman na ako sinundan ni Allen, dahil hindi rin naman siya makakapasok.

Padabog na binuksan ni Keano ang kaniyang kotse na nakaparada pala roon. Tapos ay binitawan niya ako.

"Pumasok kana." Mababa ang kaniyang boses. Tila nag pipigil ng inis.

Lumunok ako at walang sabing pumasok sa kotse niya. Sumunod rin siyang pumasok sa driver seat tapos ay pinaandar niya ang kaniyang kotse.

Wala kaming imikan sa loob. Ang tensiyon sa pagitan namin ay hindi humupa. Rinig ko ang malalalim niyang paghinga, tila pinapakalma ang sarili.

Ang puso ko ay ayaw rin magpaawat sa pagkabog. Ngunit hindi gaya noong mga nakaraan, ang pagkabog nito ay dahil sa kaba. Ngayon ko lang nakita ang ganitong side ni Keano, nakaramdam ako ng takot.

Kanina ay parang kaunting pitik nalang ay sasapakin na niya si Allen. Kaya nanatili akong tahimik at iniintay nalang na makarating kami sa bahay nila.

Wala pa kami sa bahay nila ng huminto siya. Hindi ko alam kung bakit...ayokong magtanong at hinintay nalang siyang magsalita.

"Bakit hindi ka sumasagot sa mga text at tawag ko?" Iyon ang tanong na bumasag sa katahimikang bumabalot sa amin.

Hindi ko siya nilingon at nanatiling nasa labas ang aking mga mata. Lumunok ako upang tanggalin ang bara sa lalamunan ko.

"Uh...m-mahina ang s-signal roon." Maikling tugon ko. Pinilit kong huwag mautal ngunit hindi ako nagtagumpay.

"You should have sent me at least one fucking text message! Dammit Eli!"

Napapikit ako sa kaniyang iritadong pagsasalita.

"Bakit si Vasquez ang kasama mo? Bakit siya ang naghatid sa iyo rito? Dapat tinawagan mo 'ko nang nasundo kita sa terminal."

Suminghap ako at inis na humarap sa kaniya. Nakatitig rin siya sa akin.

"Umuwi silang probinsya ng pamilya niya, kaya sa kanila na ako sumabay bumalik. Hindi ko na sinabi sa iyon dahil naisip kong hindi naman mahalaga iyon. Keano hindi mo ako responsibilidad, wala kang pananagutan sa'kin. Hindi mo kailangang mag-alala sa'kin." Inis ko ring sabi sa kaniya.

Nakita ko ang pag-igting ng kaniyang. Ang kaniyang mga mata ay hindi nagbago ang intensidad. Nakakapanlambot iyon ng tubod, pasalamat nalang ako at nakaupo ako ngayon dahil baka natumba na ako kung nakatayo ako sa mga oras na ito.

"You're right, hindi kita responsibilidad at wala akong pananagutan sa'yo. Pero...mahalaga ka sa akin at kahit pigilan mo 'ko mag-aalala at mag-aalala pa rin ako sa'yo." Sagot niya na ikinatulala ko.

Gusto ko pa sanang magsalita ngunit natuyo ang aking lalamunan at wala akong salitang mabuo sa aking isipan upang sabihin sa kaniya.

Napaiwas nalang ako ng tingin. Ilang beses akong lumunok at pilit kinakalma ang puso kong gusto na yatang lumabas sa kulungan nito.

Pinaandar na niya ang kaniyang kotse at ilang sandali pa ay nakarating na kami sa kanilang bahay.

Mabilis akong lumabas sa kaniyang kotse at walang lingon akong naglakad papasok. Nakasalubong ko pa sina Ate Aila at Manang na inaabangan ang aking pagdating.

Tinanong ako ni Manang kung kumain na ako at kumusta ang biyahe ko. Sinubukan kong maging masigla gaya ng dati. Kahit na nagkaroon kami ng pagtatalo ni Keano kani-kanina lang.

Nagpaalam rin ako kaagad sa kanila at sinabing magpapahinga na ako. Hindi naman na nila ako pinigilan at hinayaan lang.

Dumaan muna ako sa library ng bahay kung nasaan raw sina Ma'am Cassandra at Doc Carlos upang ipaalam ang pagdating ko. Matapos iyon ay dumiretso na ako sa silid ko. Hindi ko na muli pang kinausap si Keano dahil ayoko ng mas lalo pang gumulo ang isip ko.

Kinabukasan rin nang araw na iyon ay umuwi kami ni Keano sa condo niya dahil may pasok sa sa susunod na araw. Wala pa ring imikan sa pagitan naming dalawa.

Hindi naman niya ako kinakausap kaya hindi rin ako nag-initiate ng usapan.

Biglang parang ang bigat sa kalooban na biglang naging ganito ang ambiance sa pagitan naming dalawa. Noon sa tuwing magkasama kami sa kotse ay walang patid ang pag-uusap naming dalawa ng kung anu-ano.

Ngayon ay parang hindi namin kilala ang isat-isa sa paraan ng pakikitungo namin. Nalulungkot ako pero naisip kong ayos na ito, para naman kahit papaano ay hindi na ako mahirapang ilayo ang sarili ko sa kaniya.

Kailangan ko na siyang iwasan...hindi na magandan ang mga nangyayari sa akin...natatakot na ako baka mahuli na akong isalba ang sarili ko sa tuluyang pagkahulog sa kaniya.

Umalis rin siya nang araw na iyon dahil may training sila sa university. Ako ay maghapong naiwan sa condo. Kinamusta rin pala ako ni Allen at tinanong kung may ginawa ba sa akin si Keano, dahil nag-aalala daw siya.

Sinabi kong wala naman at maayos ako.

Dumating ang sumunod nalinggo at balik ulit kami sa dating routine. Hindi pa rin kami nag-uusap pero naghanda pa rin ako ng almusal at sabay pa rin kami pumasok.

Isang araw ay nakarecieve ako ng text message mula kay Manang, ipinapaalala niya na birthday na ni Keano sa susunod na araw. Ayaw man nito sa selebrasyon, hindi ibig sabihin ay kakalimutan na ang espesiyal na araw sa kaniyang buhay.

Bigla kong naalala ang dahilan kung bakit ayaw niya ng birthday celebration, iyon ay dahil kay Sofia. Sa babaeng mahal na mahal niya.

Bigla ako nakaramdam ng kirot sa isiping iyon. Iniling ko nalang ang ulo ko upang iwaksi sa isipan iyon. Marahil ay ibibili ko nalang ng cake si Keano. Iniiwasan ko man siya, hindi ko naman maatim na balewalain ang kaniyang kaarawan.

Umorder ako ng cake sa isang pastry shop sa mall sa malapit sa university.

Kinabukasan nagluto ako ng masarap na pagkain. Sinadya kong hindi siya batiin para hindi ipaalam sa kaniya na alam kong birthday niya ngayon.

Pansin kong parang may hinihintay siyang sabihin ko. Ngunit pinigilan ko ang aking sarili. Damang-dama ko ang kaniyang mga matang nakasunod sa bawat galaw ko. Hindi ko tuloy maiwasang ma-conscious at kabahan.

Halos nag-aagaw na ang liwanag at dilim sa kalangitan nang matapos ang lab class namin. May training naman si Keano ngayon kaya alam kong late siya uuwi.

Nang makarating ako sa mall ay nakahanda na ang order ko. Binayaran ko iyon saka na umalis. Nag taxi nalang ako.

Habang nasa taxi ay kausap ko si Flynn sa text kaya hindi ko napansin ang daang tinatahak namin. Namalayan ko lamang dahil parang ang tagal nan g biyahe.

Kumunot ang noo ko nang sumulyap ako sa labas at makitang hindi na pamilyar ang daang aming tinatahak.

"Manong asan na ho tayo?" Hindi ko maiwasang kabahan dahil gabi na at wala na kami sa highway. Madilim na ang daang binabagtas namin!

Inumpisahan akong kainin ng kaba lalo na nang nakakalokong ngisi nung driver. Huminto ang sasakyan sa isang dalim na lugar.

"M-manong?"

"Holdap 'to bata. Ibigay mo wallet at cellphone mo!" Nanlaki ang mga mata ko sa kaniyang sinabi.

Binalak ko sanang buksan ang pintuan sa gilid ko ngunit naka lock ito. Naramdaman ko ang panginginig ng aking katawan dahil sa kaba.

"M...manong wala po akong pera." Sinubukan kong huwag matakot pero gumaralgal na ang aking boses.

"Sumunod ka nalang bata kung ayaw mong laslasin ko ang tagiliran mo! Wallet at cellphone!" Napapikit ako sa sigaw niya. Iwinagayway pa nito ang patalim na hawak.

Natataranta naman akong kinuha ang wallet ko at cellphone saka inabot iyon sa kaniya. Ngumisi naman siya.

"Masunurin ka naman pala. Ngayon labas na nang mabuhay ka pa!"

Aligaga akong lumabas bitbit ang bag at box ng cake. Paglabas ko ay kaagad namang humarurot paalis ang taxi.

Sunod-sunod ang ginawa kong paghinga at pagkabog sa dibdib ko upang pahupain ang kabang kumain sa akin kanina.

Inikot ko ng tingin ang paligid. Hindi ko alam ito, madilim ang lugar at tanging ang mga dilaw na ilaw lamang sa mga poste na may malalayong agwat sa isat-isa ang nagbibigay liwanag sa lugar.

"Asan na ako?"

Muli akong ginapangan ng kaba. Ang mga luha sa aking mata na kanina ko pa pinipigilan ay unti-unti nang tumulo sa aking mukha.

Sa mga oras na iyon, isang tao lamang ang nasa isip ko...si Keano. 

Continue Reading

You'll Also Like

986K 33.8K 76
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
1.7K 76 21
Arcoíris Series 4: A Blissful Climax • BxB He has been in love with a straight man all of his life, including today. Even though he knew that his new...
13.8K 266 32
A KOREAN HISTORIC ROMANTIC-FANTASY Ang kwento ni Taejo Eun, isang Chun-Hye University student na galing sa panahong 2017 na magbabalik sa nakaraan bi...
25.4K 1.8K 32
[Formerly 'With All My Hate and Maybes'] Puno ng poot ang puso ni Bruce Caswell. Hindi siya naging batch valedictorian. Dismayado ang mga magulang ni...