Dalaga na si Remison

By AnakniRizal

1.5M 155K 332K

"Paglaki ko pakakasalan kita." Iyon ang pangakong narinig ni Remison sa kanyang kababata. This is the story... More

**✿❀ #DNSR ❀✿**
✿SEASON ONE✿
DALAGA 1❀
DALAGA 2❀
DALAGA 3❀
DALAGA 4❀
DALAGA 5❀
DALAGA 6❀
DALAGA 7❀
DALAGA 8❀
DALAGA 9❀
DALAGA 10❀
DALAGA 11❀
DALAGA 12❀
✿SEASON TWO✿
DALAGA 13❀
DALAGA 14❀
DALAGA 15❀
DALAGA 16❀
DALAGA 17❀
DALAGA 18❀
DALAGA 19❀
DALAGA 20❀
DALAGA 21❀
DALAGA 22❀
DALAGA 23❀
DALAGA 24❀
DALAGA 25❀
DALAGA 26❀
DALAGA 27❀
DALAGA 28❀
DALAGA 29❀
DALAGA 30❀
DALAGA 31❀
DALAGA 32❀
DALAGA 33❀
DALAGA 34❀
DALAGA 35❀
DALAGA 36❀
DALAGA 37❀
DALAGA 38❀
DALAGA 39❀
DALAGA 40❀
DALAGA 41❀
✿SEASON THREE✿
DALAGA 42❀
DALAGA 43❀
DALAGA 44❀
DALAGA 45❀
DALAGA 46❀
DALAGA 47❀
DALAGA 48❀
DALAGA 49❀
DALAGA 50❀
DALAGA 51❀
DALAGA 52❀
DALAGA 53❀
DALAGA 54❀
DALAGA 55❀
DALAGA 56❀
DALAGA 57❀
DALAGA 58❀
DALAGA 59❀
DALAGA 60❀
DALAGA 61❀
DALAGA 62❀
DALAGA 63❀
DALAGA 64❀
DALAGA 65❀
DALAGA 66❀
DALAGA 67❀
DALAGA 68 ❀
DALAGA 69❀
DALAGA 70❀
DALAGA 71❀
DALAGA 72❀
DALAGA 73❀
DALAGA 74❀
DALAGA 75❀
DALAGA 77❀
DALAGA 78❀
DALAGA 79❀
DALAGA 80❀
✿SEASON FOUR✿
DALAGA 81❀
DALAGA 82❀
DALAGA 83❀
DALAGA 84❀
DALAGA 85❀
DALAGA 86❀
DALAGA 87❀
DALAGA 88❀
DALAGA 89❀
DALAGA 90❀
DALAGA 91❀
DALAGA 92❀
DALAGA 93❀
DALAGA 94❀
DALAGA 95❀
DALAGA 96❀
DALAGA 97❀
DALAGA 98❀
DALAGA 99❀
DALAGA 100❀
INTERLUDE CHAPTER: BINATA NA SI POKNAT
DALAGA 101❀

DALAGA 76❀

9.2K 883 1.1K
By AnakniRizal


MINSAN ang weird talaga ng mga utak natin, 'yung tipong out of nowhere at kahit hindi angkop sa sitwasyon ay bigla kang maalala. Katulad na lang kapag nakasakay ka sa jeep at tulala, bigla kang may maalalang nakakatawang joke at matatawa kang mag-isa kaya pagtitinginan ka tuloy ng mga kasabay mo. Mayroon ding moment kapag pinagalitan ang buong klase tapos natatawa 'yung mga kaklase mo kahit na seryoso ang sitwasyon. Minsan din naman ay kahit wala namang nakakaiyak ay bigla kang may maiisip na nakakaiyak kaya naluluha ka. Ang weird, 'di ba?

Sa kasamaang palad ay bigla akong inatake ng gano'ng phenomenon. Nakakainis ka, Remi, special moment mo 'to ngayon 'tapos talagang naalala mo pa 'yon? Nagreklamo tuloy 'yung isip ko. Bigla ko kasing naalala noong bata ako kapag kasama ko si Mamang manood ng palabas sa TV at nataong may kissing scene (mas malala kapag love scene) ang mga bida ay bigla akong naiilang, 'yung parang gusto kong magtago at ako ang nahihiya kahit na hindi naman dapat, na para bang kasalanan na makita 'yung gano'ng eksena. Bakit kaya gano'n?

Remi! Hindi mo dapat iniisip 'yan ngayon! Ano ka ba? Dahil sa paghihimutok ng utak ko'y muli akong nanumbalik sa kasalukuyan, nandito kami sa entertainment room ng mansion nila Quentin, matapos ang panghaharana niya ay para kaming magnet na automatic na naglapit at heto... magkasalo kami sa isang matamis na halik.

Pero sadyang makulit at pasaway 'yung utak ko, bigla na namang lumipad patungo sa malayong alaala. Pumasok sa isip ko 'yung memorya na nanghingi siya ng kiss kapag hindi ko siya nabigyan ng ulap. Pagkatapos ay naalala ko naman 'yung tagpuan namin sa sira-sirang bahay kung saan binitawan niya ang pangako niya na may kasama ring munting halik.

Kung ikukumpara ngayon ay parehas na naming nalampasan ang mga inosenteng araw na 'yon—iba ang pakiramdam ko ngayon dahil ito ang totoong unang halik naming dalawa.

Akala ko hindi totoo at OA lang 'yung mga nababasa kong deskripsyon sa mga pocket book na nababasa ko noon tungkol sa ganitong karanasan pero hindi pala. Katulad ng mga nabasa ko noon sa mga libro ng pag-ibig—parang may mga paruparo sa aking sikmura, magical, para kang lumulutang sa langit.

Pero ang nangibabaw? Sobrang kaba. Pakiramdam ko'y para akong ice cream na unti-unting nalulusaw dahil sa init. Nang maramdaman ko ang pagkakahawak niya sa'kin, marahan, maingat na parang isang babasaging pigurin, saka ko napagtanto kung gaano kabanayad at dahan-dahan ang labi niya na parang gumagabay.

Hindi siya bumitaw sa pagkakahawak sa'kin nang maghiwalay kami, saka lang ako dumilat at sumalubong ang kumikislap niyang mga mata at ngiti.

Nang maalala ko ang mga pinag-iisip ko kanina kasabay ang halo-halong emosyon ay bigla akong natawa. Automatic humaba ang nguso niya at kumunot ang noo.

"Bakit mo na naman ako pinagtatawanan?" parang bata niyang tanong, kunwari'y napipikon.

Umiling ako. Masyadong kumplikado kung ipapaliwanag ko sa kanya, at isa pa hindi naman 'yon mahalaga. Biglang kumalam nang malakas ang sikmura ko at sa pagkakataong 'yon ay sabay kaming natawa.

"Siguro ginutom ka na ng sobrang kilig mo," nakangising sabi ni Poknat at saka ko siya siniko. Natatawang hinawakan niya ang kamay ko at sabay kaming lumabas ng silid.

Dinala kami ng mga paa namin sa buffet area kung saan maraming masasarap na pagkain ang naghihintay. Hindi na kami nagdalawang isip na sumandok ng pagkain dahil parehas pala kaming gutom na gutom.

"Nandiyan pala kayong dalawa!" biglang sumulpot si Corra mula sa kung saan at nakiupo sa may mesa namin. Gusto ko siyang pagtawanan dahil akala mo nalugi siya sa sugalan.

"Oh, nasaan si Leighton?" tanong ko.

"Don't ask me," matamlay niyang sagot. Pagkatapos ay pinandilatan niya kaming dalawa at saka sumingkit ang mata. "Oh, something's up with you, may dapat ba akong malaman, Remi?"

"W-Wala—"

"I see, I see," pang-aasar niya. "I told you sulit ang pagbili mo sa dress na 'yan."

"Teka, huwag n'yong sabihing set up 'to?" tanong ko sa kanilang dalawa. Imbis na sumagot ay ngumiti lang sila parehas.

Pagkakain namin ay muli kaming bumalik sa entertainment room, kasama si Corra, nagreklamo pa nga 'to na ginawa raw namin siyang third wheel. Naglaro kami ng arcade games ng one to sawa, maya-maya'y naisipan nilang mag-karaoke. Dumating din si Quentin at mas piniling makipagbonding sa'min kaysa bumalik sa maingay niyang party.

Hindi ko na namalayan ang oras, at natauhan lang ako nang makitang mag-aalas dose na ng gabi. Sa kalagitnaan ng paglalaro namin ng RPG game sa PlayStation nang tumayo ako bigla.

"K-Kailangan ko nang umuwi." Napahawak ako sa noo dahil naalala ko na naman na hindi nga pala ako nakapagpaalam kay Miggy!

"Oh? Is it Miggy that you're worrying about?" sabi ni Quentin. "Don't worry, nandito rin siya sa party." Hindi pa rin naibsan ang kaba ko sa sinabi niya.

"Tara, hanapin natin siya," sabi ni Poknat. Tumayo siya't hinila ako palabas.

"I'm coming with you," dinig kong sabi ni Corra. "Let's get our things first."

Pinauna namin si Corra at Quentin dahil sila ang nakakaalam kung saan ba tinabi ng mga kasambahay 'yung bag ko. Napailing na lang ako nang makababa kami dahil hindi alintana ang oras sa mga nagpaparty pa rin.

"Wala ba silang balak umuwi? Wala ba silang mga pasok?" tanong ko habang nakatingin sa labas.

Napakibit-balikat si Quentin. "I guess I'll somehow miss this kind of party. Don't worry about them, Remi." Oo nga, bakit ko ba pinoproblema kung may mga pasok sila bukas o wala.

Napalingon ako at saka napansing nawawala si Poknat, kanina lang ay nakahawak siya sa'kin.

"Si Poknat?" tanong ko sa dalawa.

"He went to the comfort room," sagot ni Corra. Bigla akong tinapik ni Quentin.

"Your dad's here," bulong ni Quentin.

Akala ko kung sino 'yung tinutukoy niya iyon pala'y si Miggy ang naglalakad palapit sa'min, hindi maipinta ang mukha, well, gano'n naman talaga palagi ang itsura niya. Pasimple ko tuloy kinurot si Quentin.

"Hey, Miggy! Glad you came," bati ni Quentin dito nang makalapit sa'min.

"Why are you not answering my calls?" tanong nito sa'kin saka tumingin sa mga kasama ko. "Kanina pa ako rito pero ngayon ko lang kayo nakita." Hindi ko alam pero tunog naiinis ang tono niya, siguro kanina pa siya rito at nagtataka kung bakit nawawala kami.

"Pinatabi kasi namin 'yung mga gamit namin, kaya naiwan ni Remi 'yung phone niya sa bag niya," si Corra ang sumagot na kaagad sinundan ni Quentin na hindi pa rin mawala-wala ang ngiti.

"Sorry, Miggy, it slipped in my mind we were busy having fun sa entertainment room."

"It's late, let's go home," sabi ni Miggy sa'kin saka hinawakan ako sa braso.

"Corra, Q—" hindi na ako nakapagpaalam sa kanila nang maayos, lalo na kay Poknat na hindi pa bumabalik. Kumaway si Q sa'kin, nawala ang ngiti. Si Corra naman ay tumango at parang nabasa ang isip ko na sabihin na lang kay Poknat na umalis ako.

Nang makalabas kami ng mansion ay inalis ko 'yung pagkakahawak niya sa'kin. Tumitig lang siya sa'kin saglit bago ulit naglakad papunta sa sasakyan.

Mukhang masyado akong natuwa kanina at nakalimutan ko ang sitwasyon. Nasa puder nga pala ako ni Miggy.

*****

PAGKALABAS ko ng subdivision kinaumagahan ay kaagad ko siyang natanaw pati ang motor niya. Kumaway ako at dali-daling lumapit sa kinaroroonan ni Poknat. Ngumuso ba naman ang loko kaya agad ko siyang hinampas.

"Aray, good morning ha," dismayado niyang sabi at natawa lang ako.

"Bakit nandito ka?" maang-maangan kong tanong.

"Siyempre, sabay tayong papasok sa school," sagot niya, nakakunot pa rin.

"Ang ibig kong sabihin, bakit dito ka naghintay?" palusot ko.

"Badtrip ako riyan kay Miggy, basta-basta ka lang inuwi nang walang paalam sa'kin," sabi niya habang kinukuha ang isa pang helmet.

"Bakit naman kailangan pang magpaalam sa'yo ni Miggy?" tanong ko ulit, pangungulit lang sa kanya.

"Siyempre, common knowledge kaya na magpaalam kapag aalis, 'di ba?" palusot niya. "At saka... at saka..."

"At saka?"

Napakamot siya sa ulo at hindi malaman kung titingin ba sa'kin o hindi. "At saka, 'di ba... Ano..."

"Ano?"

"Ano... Ano na tayo?"

"Anong ano?" humalikipkip ako.

"Ano... Gano'n," pinagdikit niya 'yung dalawang daliri niya. Tinaasan ko siya ng kilay. "Hays, pinahihirapan pa talaga ako nito. 'Di ba, tayo na? Boyfriend mo na ako."

"Tayo ba?" balik tanong ko, kunwa'y nagulat.

"H-Hindi pa ba?" gusto ko siyang pagtawanan kasi 'yung itsura niya ngayon mukhang natatae na kinakabahan. "Matapos mo akong halikan?!"

"Ako ang humalik sa'yo? Kapal mo, ah." Iiwanan ko na sana siya pero mabilis niya akong nahabol.

"Joke lang, Ming, huwag mo akong iwan dito. Ito naman, 'di mabiro. 'Di ba sabi ko sa'yo fetus palang tayo ikaw na gusto ko? Buong buhay ko na 'ata na nililigawan ka." Tinaasan ko ulit siya ng kilay. "Ming naman—" natigilan siya nang hindi ko na mapigilan 'yung tawa ko. "Pinagtitripan mo na naman ako!"

"Ang cute kasi ng itsura mo, mukha kang natatae." Mas sumimangot siya nang sabihin ko 'yon. "Hindi mo pa naman kasi ako tinatanong."

Bigla siyang napaisip at muling napakamot. "Oo nga, ano?" Tumikhim siya bigla at inayos ang tindig, pati 'yung suot niyang jacket. "Sorry kung hindi kita natanong nang maayos. Ming, will you be my girlfriend?" Pinagmasdan ko siyang maigi habang sinasabi niya ang mga salitang 'yon, malayong-malayo na siya sa gusgusin at payatot na Poknat na nakilala ko noon. Ngayon ay malalim na ang boses niya, matikas, at maporma, at umaalingasaw ang amoy panlalaking pabango sa katawan—binata na si Poknat.

Ngumiti ako sa kanya. "Mamaya ko ibibigay ang sagot."

"Ha?! Bakit mamaya pa?!" reklamo niya. Inagaw ko sa kanya 'yung hawak niyang helmet.

"Baka ma-late pa tayo, sunduin mo na lang ako mamayang uwian." At nang marinig niya ang huli kong sinabi ay hindi na siya nagreklamo pa.

*****

FIRST time naming mamasyal ng mall na kaming dalawa lang ang magkasama. Magkahawak-kamay habang naglalakad kahit na nagpapaikot-ikot lang kami sa loob. Maaga kasi ang tapos ng huling klase ko ngayong araw kaya okay lang siguro na magpa-chill-chill kahit papaano. Biniro ko nga si Poknat na baka kako nagcutting siya, sabi niya meant to be daw talaga na mag-date kami ngayong hapon.

Nang mabored kami sa pagwi-window shopping ay naisipan naming manuod ng sine. Kahit na hindi namin parehas alam kung maganda ba 'yung panonoorin naming dalawa. Sa huli ay inantok ako dahil puro bakbakan lang ang palabas.

"Hindi ka pala mahilig sa action," dinig kong bulong niya. Hinawakan niya 'yung kamay kong kanina pa nilalamig.

Hindi ko mapigilang humikab. "Mas okay na 'to kaysa sa horror at korni na comedy," sagot ko.

Imbis na sumagot ay hinilig niya ang ulo ko sa balikat niya. Sinikap ko pa ring manood at pilit na nilabanan ang antok.

"Anon ang sagot mo?" tanong niya habang nakatutok sa pinapanood.

"Hayaan mo muna akong umidlip," sagot ko sa kanya.

"Pag natulog ka hahalikan kita, sige," banta niya at umayos tuloy ako nang pagkakaupo.

"Sumosobra ka naman 'ata."

"Biro lang." Sa'kin na ngayon nakatutok ang mga mata niya. "Buong araw akong hindi mapakali, alam mo ba 'yon? Baka mamaya paasahin mo na naman ako." Hinampas ko siya bigla. Mabuti na lang ay mangilan-ngilan lang ang tao rito sa sinehan.

"Alam mo naman na ang sagot, kasi kung hindi hahayaan ba kitang halikan mo ako kagabi?"

"Gusto ko 'yung marinig din mula sa'yo."

Napabuntong-hininga ako, napapikit saglit. Alam mo ba kung anong ginagawa mo, Remison? Tanong ng isa kong kunsensya. Oo, alam ko. Pero baka nakakalimutan mo na may naghihintay sa'yo sa bahay na tinutuluyan mo—

Bago pa lumala ang pagtatalo sa isip ko'y tumango ako nang sunod-sunod. "Oo, Poknat, sinasagot na kita." Halos mapunit ang labi niya sa labis na galak, akmang dudukwang siya para halikan ako nang pigilan ko siya. "Baliw ka, nasa sinehan tayo," mahinang saway ko sa kanya, luminga-linga pa ako dahil baka mamaya may nanunuod sa'min.

"Isa lang." huli na para awatin siya dahil ninakawan niya ako ng halik sa pisngi.

"Loko-loko—"

"Ehem! Respeto naman sa single!" mula sa kawalan ay narinig namin 'yon. Halos lumubog ako sa silya sa kahihiyan pero sa huli ay naghagikgikan kami ni Poknat.

Magkahawak-kamay ulit kami habang naglalakad nang matapos kami sa panonood. Papadilim na sa labas kaya huminto muna ako.

"Bakit? Nagugutom ka ba?" tanong niya. "Tara, merienda tayo ro'n." Pagkaturo niya sa isang cake shop ay saktong may nakita ako na lumabas mula roon, may dala-dala itong isang box ng cake, makakasalubong namin siya.

"Ms. Adel?"

"Kilala mo?"

Sasagot pa lang sana ako pero natigilan na rin ito nang makita kami.

"Hi, Remi!" nakangiting bati nito. Lumapit kaming dalawa sa kanya at napansin niya agad ang magkahawak naming kamay. Nagkatinginan kami ni Ms. Adel at siguro'y naalala rin niya ang napag-usapan naming dalawa noong nakaraan.

"Hello po," bati ko rin sa kanya. Hindi pa rin bumibitaw si Poknat sa'kin kaya hinayaan ko na lang.

"Sa Pinevale po pala kayo nagtatrabaho," 'di ko mapigilang i-komento nang mapansin ko 'yung suot niyang lanyard, may pangalan kasi 'yon ng malapit na private hospital dito.

"Ah, oo," sagot niya sabay tingin sa lanyad na suot. "Hindi ko pala natanggal 'yung ID ko," bulong niya sa sarili habang nakangiti pa rin. Muli siyang tumingin sa'min ni Poknat.

"Oo nga pala, Ms. Adel. Siya po si Kiel...Boyfriend ko po..." Napatingin lang sa'kin si Poknat nang sabihin ko 'yon. Mas lumawak naman ang ngiti ng kaharap namin. "Thank you po pala noong nakaraan."

Umiling ito. "No worries, I really like your company."

"Ako rin po. Sana po makapagkwentuhan pa ulit tayo sa susunod."

"I'd love that. Oh siya, I'll be going. Mag-iingat kayo ha." Bago niya kami iwanan ay hinawakan niya ako sa bakante kong braso at tiningnan nang makahulugan sa mga mata, na para bang sinasabi niya na masaya ako na sinunod mo ang puso mo.

Nang maiwanan kami ni Poknat ay akma niya akong hihilahin papasok sa loob ng shop nang bitawan ko ang kamay niya.

"Sorry, Poknat, kailangan ko nang umuwi," nahihiya kong sabi sa kanya.

"Ihahatid na kita sa inyo," nakangiti niyang sagot.

Habang nasa biyahe kami't nakakapit ako sa kanya'y biglang lumutang ang isip ko, bumalik ang mga napakaraming tanong, pagdududa, at iba pa. Ang dami kong gustong linawin sa sarili ko pero hindi ko makuha kung anong dapat kong gawin.

Nang bumaba ako sa motor, at bago ko iabot sa kanya ang helmet ay tinitigan ko siya.

"Bakit, Ming?"

"S-Sasabihin ko kay Miggy, kung anong naging desisyon ko."

Kalmado. Ngumiti lang siya at tumango. "Basta lagi mong tatandaan na nandito lang ako para suportahan ka." Tumango lang din ako at saka namin niyakap ang isa't isa.

Umalis na si Poknat pero mga limang minuto akong nanatili sa labas ng bahay bago ako pumasok sa loob ng gate. Malakas ang pakiramdam ko na pagbukas ko ng pinto ay bubungad sa'kin sa sala si Miggy.

At hindi nga ako nagkamali, siya pa nga mismo ang nagbukas ng pinto. Kung gano'n... Nakita niya kaya kami ni Poknat?

"Miggy..."

As usual, cold, stoic, walang emosyon ang bumungad sa'kin. Pinapasok niya muna ako sa loob ng bahay, para akong bata na nakakagawa ng kasalanan. Muli akong humugot nang malalim na buntong hininga bago ko siya nilingon para sabihin...

"Remi, dad called me just now," malamig niyang sabi. Halos tumagos ang titig niya sa'kin. Naumid bigla ang dila ko. "Mom will come here tomorrow. Her flight from Singapore will land later."

"A-Ang mommy mo? Bakit?"

"She just wants to see me... And you as well. She'd like to take a short vacation while she's here." Kung kailan nakaipon ako ng lakas ng loob na magtapat sa kanya'y tila bigla akong binagsakan ng langit, naglaho lahat ng tapang ko.

"S-Sige," iyon lang ang nakuha kong sagot saka ako dali-daling nagtungo sa hagdanan.

"Remi." Bigla akong tumigil at muling lumingon sa kanya. "Dad also told me that while she's here, gusto ni Mom asikasuhin ang debut mo for May."


-xxx-


A/N: Hello, guys! Kamusta? You know how happy I am that I'm making you all kilig kilig HEHEH. But now it won't be easy for our dear dalaga! :)) I hope you'll still look forward to her pagdadalaga journey :D 

Again and again, thank you to our meme sponsors! :D (Agillo Marie, Mervin, Eggies_15)

Ito na nga sis mars hahaha

ay palag ba miggy stans dyan hahaha

ang agresibo naman ni mingming dito hahaha



See you next chap!

THANKS FOR READING! (≧◡≦) ♡

Continue Reading

You'll Also Like

2M 56K 52
Zoe Aldana cannot catch a break. In her anger and grief, she summons the man in her portraits - ang kaniyang guardian angel na si Alexus. As she trie...
131K 9.8K 36
A girl who dreams to be a painter, suffering from grief and loss due to her best friend's sudden death and unable to move on. A boy made of light and...
215K 1.1K 7
Victoria is pretty and intelligent, but a bit ignorant. Strikto kasi ang tatay niya sa kanya. So she never really experienced anything outside her co...