The Love Encounter (Varsity B...

By kotarou-

58.2K 2.8K 129

VARSITY BOYS SERIES #2: THE LOVE ENCOUNTER Content Warning: The Varsity Boys Series features a BL (Boys' Love... More

VARSITY BOYS SERIES #2: THE LOVE ENCOUNTER
Prologue
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
ARCHER ELLIS
Chapter 61
Chapter 62
Kean Anthony Leondones
Epilogue
VARSITY BOYS SERIES 3: BREAKING THROUGH THE CLOUDS

Chapter 19

870 43 2
By kotarou-

Chapter Soundtrack: The Only One cover by: Reyne Chapter 19

Let yourself



"You sure you okay?"

Muling tanong sa akin ni Keano. Naka upo kami sa isang bench.



Tumango ako. "Oo ayos lang ako, hindi naman ako natamaan e." Sagot ko. May napatid na tali pala kanina ng isang booth kaya bumagsak ang haligi nito.



Mabuti nalang ay kaaagad niya akong nahitak paalis roon kaya hindi ako natamaan. Wala rin namang natamaang ibang estudyante.

"Sa susunod kasi tumingin ka sa paligid mo. Kung saan saan ka lumilingon." Pangaral niya sa akin.



"Hinahanap kasi kita." Sagot ko. Kumunot ang kaniyang noo.



"Bakit?" tanong niya.



Iniabot ko sa kaniya iyong wallet niyang pinabibigay ni Ate Sandy.



"Wallet mo raw." Sabi ko.



Bahagyang nanlaki ang mga mata niya at kaagad hinablot iyon sa kamay ko.



"Uh, b-binuksan mo b-ba ito?" Maypagkatarantang tanong niya.



Kunot noo akong umiling.



Duon lamang tila siya nakahinga ng malalim. Kaagad niyang ibinulsa iyon.



"Uh, tara na? Baka hinahanap ka na ng mga kaibigan mo." Pag-aaya niya.



Nawi-wierduhan naman akong tumango at sumunod sa kaniya pabalik.



Ngunit sa dami ng tao sa field ay nahirapan na kaming hanapin sina Flynn o maging sina Ate Sandy. Tinext ko nalang si Flynn upang itanong kung nasaan sila.



Nasa east side daw sila ng oval kung nasaan ang soccer field, kaya duon kami nag tungo. Kahit aaming tao ay nakita rin namin ang pwesto nila. Kasama pa rin nila sina Ate Sandy.



Sa soccer game namin inubos ang oras ng hapong iyon. Nang matapos ang laro ay umuwi na rin kami. Walang training sina Keano buong Intramural week kaya sa kaniya ako sumasabay bawat araw.



"Talaga bang close kayo noong Flynn?"



Tanong sa akin ni Keano habang nasa biyahe kami pauwi.



"Madalas kami ang magkasama dahil alam mo na sina Maico at Stella, habang si Yuri naman ay kay Allen." Sagot ko.



Nakita ko siyang tumango.



"Ah, wala ba siyang girlfriend?" Tanong niyang muli.



Bigla akong napaisip. Maraming nagkakagusto kay Flynn sa mga block mate namin, at maging sa ibang year level ay may nagpapalipad hangin sa kaniya. Ngunit wala sa mga iyon ang nakakuha ng kaniyang interest o atensyon.



Wala rin siyang ipinapakilalang girlfriend sa amin, kaya sa tingin ko ay wala.

"Wala ata?" Hindi ko siguradong sagot.



Speaking of girlfriend, bigla kong naalala iyong sinabi sa akin ni Stella na may nagugustuhan na si Keano. Bigla tuloy akong na-curious tungkol roon.



"Keano," Nagaalinlangan kong tawag sa kaniya.



"Hmm?"



"Uh, may nasabi sa akin si Stella...totoo bang may nagugustuhan ka ng iba?" Tanong ko.



Hindi ko maintindihan ang sarili ko sa mga oras na iyon. Hindi ko alam ang nararamdaman ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko na hindi ko maipaliwanag.



Sumulyap siya sa akin. Hindi ko mabasa ang ekspresyon sa kaniyang mga mata dahil hindi ko siya matingnan ng diretso. Bigla ako nakaramdam ng pagkailang!



"Yeah, that's true." Diretsong sagot niya.



Bigla akong nakaramdam ng tila pagkirot ng sa aking dibdib. Parang may karayom na tumusok roon nang marinig ko iyon. Weird!



Ngumiti ako sa kaniya. "Mabuti naman kung ganon." Sabi ko.



Tumingin ako sa labas at sa mga matatayog na gusali itinuon ang aking mga mata. Hindi na muling nagtanong pa.



Nang sabihin sa akin iyon ni Stella, wala naman akong naramdaman na kakaiba. Ngunit bakit ngayon na nanggaling na mismo sa kaniya iyon, ganito ang nararamdaman ko?



I should be happy for him...tama iyon dapat ang maramdaman ko dahil saw akas nag uumpisa na siyang kumilala ng bagong tao na papasukin sa buhay niya.



But what is this strange and stingy feelings I feel inside?



Ilang gabi ako hindi pinatulog nang bagay na iyon. Minsan ay natutulala paa ko sa kakaisip nito. Hindi ko alam kung bakit naapektuhan ako gayong wala naman akong dapat kinalaman roon.



Upang mawala sa isip ko ang bagay na iyon ay inabala ko nalang ang sarili ko sa pag-aaral.



"Gosh ang gwapo talaga nito oh!"



"OMG! Akin ang isang 'to! Jasper Felix!"



"Bitch, please asa ka dika papansinin niyan!"



Kabi-kabilaang tili, daldalan at kung anu-anong usapan tungkol sa mga gawapo at magagandang varsity players ng university ang naririnig ko sa loob ng room namin.



May roon silang mga hawak na parang magazine kung saan nila tinitingnan ang mga varsity players. Maging sina Yuri at Stella ay nakita kong nagbabasa noon.



Maging sa cafeteria ay iyon ang usapan ng mga katulad kong lower year.



"Eli tingnan mo ang gwapo ko rito oh!" Pinakita sa akin ni Allen ang kaniyang larawan na nasa magazine. Kasama rin pala siya.



"Ano ba iyan?" Tamad kong tanong sa kaniya.



Kami pa lang dalawa ang magkasama sa cafeteria dahil nahuli sa lab iyong apat. Nauna kami para maka-reserved kami ng table.



"Varsity Magazine 'to ng publication org ng university." Sabi niya saka inabot sa akin iyong magazine.



"Diyan nila feani-feature ang ibat-ibang varsity players ng University." Paliwanag sa akin ni Allen binubuklat ko ang bawat pahina.



"Varsity Boys..." Basa ko sa center fold. Hati pala sa dalawang bahagi iyon, hiwalang ang female varsity sa male varsity.



Huminto ang pagbubuklat ko sa pahina kung nasaan ang larawan ni Keano. Tatlong larawan ang nanduon. May larawang sa pool siya at lumalangoy, may kaswal na istura at mayroong top less at swimming trunks lang ang suot.



Sa lahat ng larawan isa lang na-realized ko. Sobrang gwapo talaga ni Keano. Walang pintas ang kaniyang mukha maging ang kaniyang katawan....teka? Ano ba itong iniisip ko? Tsk!



Isinarado ko na iyong magazine nang dumating sina Stella at ibinalik iyon kay Allen. Ngunit sabi niya ay itago ko muna at hindi niya dala ang kaniyang bag kaya inilagay ko nalang sa bag ko.



Tapos na ang Intramurals week at balik na ulit sa normal na linggo ang mga sumunod na linggo. Naging busy ulit kami sa pag-aaral ng mga bagong lesson para sa midterm.



"Eli! Mali ka na naman!" Sita sa akin ng leader namin para sa PE dance performance namin.



"Pasenya na, Kate." Sabi ko.



Bumuga ito ng hangin at tumango. "Osige, water break muna tayo." Sabi niya.



Nakagat ko ang pangibabang labi ko at dismayadong naupo. Tumabi sa akin si Yuri at bahagyang tinabig ang aking braso. Kami lamang dalawa ang naging group mate habang yung tatlo ay nahati sa iba't ibang grupo.



"Ayos ka lang, Eli?" Tanong niya.



Tipid akong ngumiti at tumango. "Ayos lang. Hindi ko lang talaga masunda iyong steps." Sabi ko.



Ipagawa mo na sakin ang lahat ng bagay ngunit huwag lang ang pagsayaw dahil kahit anong gawin ko ay hindi koi to magawa. Kung baga sa pagkanta, wala ako sa tono sumayaw.



Naisasaulo ko ang steps, ngunit kapag isasabay na sa musika ay hindi ko na alam ilapat. Ang ending ay kung hindi ko natatapakan ang kapareha ko ay natitisod naman ako sa sarili kong paa.



"Okay, sa weekend nalang ulit tayo magpractice." Anunsiyo ni Kate bago niya kami idismissed.



Pinaghalong disappointment, pressure, frustration at inis sa sarili ang baon ko pauwi nang hapong iyon. Hindi na ako sumabay kay Kenny umuwi at nag commute nalang ako.



Marunong na ako mag commute dahil talagang sinikap kong pag-aralan iyon. Hindi naman mahirap dahil taxi naman ang sinasakyan ko at alam ko naman ang address ng condominium building ni Keano.



Pagdating ko ay nagpahinga lamang ako saglit bago nagluto ng hapunan. Late muli dumating si Keano dahil sa training. May nalalapit na sports tournament kaya puspusan ang training nila maging ang ibang varsity team.



Hindi na kami nagkasabay kumain dahil nauna na ako at may kailangan kong mag review para sa recitation at quiz namin bukas sa dalawang major subject.



Inabot ako ng halos maghahating gabi sa pag-aaral. Lumabas ako ng silid ko upang kumuha ng tubig. Napapikit ako ng mariin ng mabasa ang message ni Kate sa group chat ng aming group. Pinaalalahan niyang kabisaduhin ang bawat steps ng sayaw at hanggat maari ay aralin ito ng mabuti.



Bumuga ako ng hangin at ibinaba ang basong pinaginuman ko. Inilapag ko sa mesa ang phone ko at pinlay ang instrumental na musikang aming sasayawin.



Inimagine kong hawak ko ang kapartner ko at nagsimulang sumayaw. Ipinikit ko ang mga mata ko upang mavisualize ko ang step at makapag focus ako sa musika.



Muntik na akong matumba nang umikot ako dahil may nabangga ako. Mabilis akong napamulat ng mata dahil duon.



"You okay?" Ang nakangising mukha ni Keano ang bumungad sa akin.



Hawak niya ang isa kong kamay at nakaalalay sa aking baywang ang isa.



Mabilis akong tumayo ng tuwid at bahagyang lumayo sa kaniya.



"Ayos naman! Teka anong ginaagawa mo rito? Naistorbo ba kita?" Tanong ko.



Kaagad kong pinatay ang cellphone ko. Nakakahiya baka naistorbo ko siya sa pagpapahinga!



"Don't worry hindi pa naman ako natutulog. Lumabas lang ako dahil may narinig akong tumutugtog." Sabi niya. "Why are you dancing in the darkness? You'll hurt yourself." Dagdag pa niya.



Hindi ko kasi sinindihan ang ilaw ng kusina. Hindi naman ganon kadilim dahil sa may dim lights naman sa sala.



"Ayaw ko kasing may makakita sa akin. Hindi ako marunong sumayaw." Sagot ko.



Narinig ko ang mahina nitong pagtawa. "That's it? Let me teach you then." Sabi niya saka inabot ang kamay sa akin.





Kumunot ang noo ko. Walang tiwala sa kaniya.



"Marunong ka sumayaw?" Tanong ko.



"Woah, sa pagkanta lang ako tagilid pero may kaunti akong talento sa pagsayaw." Sabi niya.



Hindi pa rin ako naniniwala sa kaniya. Tumawa siya at umiling.



"C'mon Eli, hindi kita ipapahamak. Just hold my hand and follow my lead." Sabi niya nang nakangiti. "Gusto mo bang bumagsak sa practical exam mo?" Tanong pa nito.



Dahil duon ay natulak akong tanggapin ang offer niya. Alanganin man ay kinuha ko ang kamay niya at pinlay ang aking cellphone.



Bago kami magsimula ay binuksan muna niya ang ref na labis kong ipinagtaka. Sabi niya ay para raw may kaunting ilaw kung ayaw kong buksan ang ilaw ng kusina.



Natawa ako dahil para kaming sirang dalawa roon na nagsasayaw sa gitna ng dilim na ang ilaw lamang ay mula sa refrigerator niya.



"Just enjoy the moment Eli, huwag kang kabahan. Relaxed and let it your body move." Sabi niya sa gitna nan gaming pagsayaw.



May ilang pagkakataon na naapakan ko ang paa niya o hindi kaya'y natatalisod ako sa paa ko. Maagap naman niya akong naaalalayan para hindi ako bumagsak.



Sinunod ko ang sinabi niyang i-relaxed ko ang katawan ko at palayain ang tensyon roon. Ipinikit ko ang mata ko at inalala ang bawat steps.





"That's right Eli, just let yourself dive in." Mahina at may lambing ang boses ni Keano.





Iminulat ko ang mga mata ko at unang bumungad sa akin ang kaniyang mga mata. Diretso itong nakatitig sa akin, sobrang intensidad ang hatid ng mga matang iyon. Pakiramdam ko ay nakikita na niya ang kaluluwa ko.



Hindi ko namalayan ang pagbago ng tibok ng puso ko. Sobrang bilis nito gaya ng mga nakaraang araw.



Laking pasasalamat ko nang makayanan kong bumitaw sa kaniya at makahakbang palayo sa kaniya bago pa ako malunod sa titig na iyon.



"Uh- a-ano m-matutulog na ako! S-sige g-goodnight! Salamat rin."



Natatarantang sabi ko sa kaniya saka na kinuha ang cellphone ko at nagmamadaling nagtungo sa aking silid.





Shit! Ano ba ito? Ano ba itong nangyayari sa akin? Hindi ko naman ito nararamdaman noon ah? 

Continue Reading

You'll Also Like

347M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
52.6K 2.3K 44
VARSITY BOYS SERIES #1: THE SPARKS OF OUR STARS Content Warning: The Varsity Boys Series features a BL (Boys' Love) theme, which includes romantic r...
24.3K 1.8K 32
[Formerly 'With All My Hate and Maybes'] Puno ng poot ang puso ni Bruce Caswell. Hindi siya naging batch valedictorian. Dismayado ang mga magulang ni...