Sangue Dolce ✔️

By Formidable_Writer

23K 2.4K 710

Ang pagibig ay walang pinipili, mortal ka man o imortal, dadating ang tamang oras para maging tayo sa huli More

Author's Note
Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 67
Epilogue
Special Chapter

Chapter 66

220 20 2
By Formidable_Writer

Natatanaw ko ang mukha ni Mama.

Napakaliwanag ng paligid kaya tanging maamong mukha lang ni Mama ang aking nakikita. Tignan lang ang mga mata niya ay ngumingiti na ang puso ko at ang gaan ng pakiramdam ko.

"Eda" mala-anghel ang boses niya nang tawagin ang pangalan ko.

"Ma... Nakikila mo na po ako?" garalgal ang boses ko na may gulat sa tinig.

Parehong nage-echo ang boses namin, umaalingawngaw sa paligid, hindi ko alam kung nasaan kami basta ang alam ko ay masaya ako na marinig ang boses niyang nakikilala ako.

"Eda... Anak"

Nanlalabo ang paningin ko at nadagdagan ang liwanag sa buong paligid nang ngayon ko lamang narinig ang boses niya habang tinatawag akong 'Anak'

Hindi ko na naririnig ang sarili, parang nakamute ako bigla at lumalabo ng lumalabo ang paningin ko. Puro sigawan ng iba't-ibang boses ang naririnig ko sa buong paligid kaya napatakip ako ng tainga. Nakakabingi.

Kung kanina ay mapayapa, ngayon ay nakakarindi ang paligid. Hanggang sa nailibot ko ang paningin nang biglang tumahimik bigla, sobrang tahimik na parang tuluyan akong nabingi. Maski ang paghinga ko ay hindi ko naririnig.

Para akong napapraning na paikot-ikot. Pilit hinahanap si Mama na kanina lang ay kausap ko pero ngayon ay napunta ako sa isang kwarto.

Walang kalaman-laman ang kwartong ito. Walang bintana, walang pintuan. Walang matatakasan. Napakatahimik. Parang biglang napakalungkot ng paligid.

Maya't-maya pa ay nakarinig na lang ako bigla ng hagulgol. Iyon pala ay naririnig ko ang sarili kong pag-iyak sa hindi malaman kung anong dahilan ng pagluha ko. Para akong nawawala sa mga oras na ito, naliligaw ng landas at hindi alam ang paroroonan.

"Putot"

Naistatwa ako sa kinatatayuan at nahinto sa paghahanap ng kay Mama pati na rin ng daan palabas sa pamilyar na boses na iyon. Nanindig bigla ang aking balahibo, nakikita ko ang sariling mga kamay na biglang nag-iiba ang hugis.

Dali-dali kong nilingon ang kung sinong nagsalita.

"B-Blake?!"

Nagulat ako sa aking nakita. Wala siyang saplot pang-itaas. Duguan ang hita, tagiliran at butas ang kaniyang dibdib malapit sa puso. May kalayuan siya sa akin.

Nakatingin lang siya sa akin at walang emosyong mababasa sa mukha niya. Nakakapanindig balahibo siyang tignan, parang gusto ko na lang takpan ang mga mata ko. Hindi ko alam kung anong nangyayari.

"Eda—————"

Akma siyang hahakbang papalapit sa akin nang kaagad akong napaatras papalayo sa takot sa itsura niyang maputla.

"Tanggapin mo na"

Naguguluhan ako sa pinagsasabi niya. Hindi ako makapagsalita para magtanong kung anong ibig niyang sabihin.

"I'm dead. Hindi ako matatahimik hangga't hindi mo tinatanggap ang lahat"

"I need to let you go.. Please be happy with the man you love"

Matapos niyang sabihin iyon ay sumilay ang marahan niyang pagngiti sa akin. Nawala ang takot ko sa itsura niya.

"I love you so much.. goodbye. Eda"

"Eda"

"Eda"

"Eda"

Huling habilin niya, umaalingawngaw ang boses niya sa bawat sulok ng kwartong ito. Isang beses niya lang binanggit ang pangalan ko pero marami ang naririnig ko.

Nagtatatakbo na lang ako bigla sa hindi malamang dahilan, parang gusto kong habulin ang paglayo ni Blake kahit hindi siya gumagalaw sa kinatatayuan niya. Bigla na lang humahaba ang kwartong ito na kung saan ay hindi ko siya malalapitan. Hindi ko na muli naririnig ang sarili, tangin boses niya lang na tinatawag ang pangalan ko.

Patuloy ako sa pagtakbo pero bigla na lang akong nadapa kahit wala namang nakaharang para maging dahilan ng pagkadapa ko. Nalingon ko ang bandang paanan ko.

"AAAHHHHHHH"

Napatili ako ng buong lakas nang matagpuan na lang ang sarili na nakakapit ako sa kung saan. Napakadilim sa baba. Sa baba, dahil nasa bangin na lang ako bigla!

Hindi ko alam kung gaano kalalim ito. Isang kamay lang ang gamit ko sa pagkakahawak upang hindi ako mahulog pero sa bawat sulyap ko sa iba-iba ay lumalayo ito ng lumalayo ang mismong lupa nito.

"Eda"

"Eda"

Patuloy ko pa ring naririnig ang boses ni Blake.

Palalim ng palalim ang bangin hanggang sa

"AAAHHHHHHH"

"Eda?"

"Hey, Eda!"

"Amore mio!"

"Eda, F*ck------"

"AAAHHH!! OMY GAS! MY GAS! I HATE DRUGS!! JUICE COLORED!"

Hinihingal akong nagsisigaw. Napapadyak ng mga paa at biglaang napabangon na parang nahulog ako sa kung saan.

Mabilis akong nakaramdam ng panghihina at pagkahilo sa biglaang pagbalikwas ng bangon, may umalalay sa akin bigla.

Nasilaw ako sa liwanag dito, naririnig ko na ang mabilis kong paghinga. Nakapa ko ang sarili na pinagpapawisan ng malamig.

Mapupungay ang mga mata kong nalingon sa kung sinong umalalay sa akin at pinahilig sa balikat niya. Inaalis niya ang ilang hibla ng buhok kong nakaharang sa mukha at pinupunasan ang pawis ko gamit ang puting bimpo.

"Lovier?" ani ko nang masilayan ko ang mukha niya.

"You're having a nightmare.. Sh*t, you scared me" napabuntong hininga niyang sabi.

Para bang mas apektado pa siya kaysa sa akin habang nakikita akong binabangungot. Biglang kumislot ang puso ko habang nakatitig sa mukha niya, nakalimutan kung anong nangyari sa akin kanina. Hindi ako makapaniwalang ngayon ko lang siya nakitaan ng takot sa mukha, kulay pula ang mga mata niya.

Patuloy siya sa pagpupunas sa mukha ko pababa sa panga ko at sa leeg kong pinagpawisan. Sa sinabi niya ay napaisip ako bigla, tanging naalala ko lang sa panaginip ay kung saan nahulog ako sa bangin. Hindi ko na alam ang ilan pang nangyari.

Hypnic jerks yata tawag doon.

"A.. anong nangyari?" iniisip ko pa kung tama ba ang itatanong ko, lutang pa rin ako.

"You had a fever last night after you drank my blood.. Nabigla yata ang katawan mo"

Natigilan ako sa sinabi niya. Umawang ang labi sa gulat. Naalalang totoo pala na ininom ko ang dugo niya kaya naguguluhan ako ngayon.

'Kung kauri na nila ako, bakit ako nagkasakit at nakatulog kung ang mga bampira ay hindi dinadapuan ng sakit, atsaka hindi rin natutulog?'

"Silly" huminto si Lovier sa pag-aasikaso sa akin saka ako inalalayang makaupo ng maayos, hindi pa rin ako binibitawan mula sa pagkakakulong ko sa bisig niya.

"You're still a human... half human.. That's why you can still see yourself in the mirror" napamaang ako sa kaniyang sinabi.

'Pero ibig din bang sabihin niyon ay bampira na rin ako kahit sabihin niya na ang kalahati sa akin ay tao pa rin?'

Nahinto ako kakatanong sa isip nang may kumatok sa pintuan.

"Come in" pagpapasok ni Lovier. Kahit may papasok na ay ganon pa rin ang posisyon namin. Parang ayaw maalis ang pagkakadikit ng balat namin kaya nasasanay na ako sa wirdong temperatura niya.

Bumukas ang pinto "Oh great" nasabi ni Dewei matapos makita ang posisyon namin ni Lovier dito sa nag-iisang kama, para na kaseng nakayakap patagilid sa akin si Lovier.

"What do you want?" tanong ni Lovier.

"Nothing, I was just wondering why I could hear Eda screaming earlier" tinignan niya kami ng may nababagot na mukha.

"Oh, so you really care about her?" may tonong pang-aasar sa tanong ni Lovier. Nagpapalitan ang tingin ko sa dalawa. Nasa pintuan pa rin si Dewei, nawalan ng ganang pumasok.

"Tch" ngiwi lang ang naisagot ni Dewei kay Lovier, hindi sinagot ang tanong nito. "By the way, about that human. Blake————" hindi na naituloy ang pag-iiba ni Dewei nang bigyan siya ng makahulugang tingin ni Lovier, parang nag-uusap sila sa tingin na iyon.

Nangunot bigla ang nuo ko sa iniasta nila. Sinusubukang magpokus para basahin ang isip nila pero hindi ko magawa, hindi ko alam kung paano.

"Bakit? Anong meron kay Blake?" pagsingit ko na, nabalingan ako ng tingin ni Dewei, naitikom niya ang bibig.

Nagkatinginan silang magkapatid, hindi alam kung sino ang sasagot sa tanong ko.
.
.
.
.

Tulala akong nakatingin ang labas sa bintana nitong sasakyan ni Lovier. Discharged na ako sa ospital kanina lang, ang bilis kaseng gumaling ng lagnat at iba pang sama ng pakiramdam ko.

Nakabihis na kami ng puro kulay puti. Pinasuot niya ako ng simpleng white dress. Hindi kami nakaabot ng lamay ni Blake kaya nagpumilit ako sa kaniya na sumama dito sa burol niya. Pakiramdam ko talaga ay napaginipan ko si Blake pero hindi ko lang matandaan. Normal naman siguro na makalimutan kaagad kung ano ang napaginipan.

Hanggang sa paglalakad namin papasok ay lumulutang pa rin ang nasa isip ko. Napapagitnaan ako sa paglalakad nila Lovier, Dewei at Nurse Jeralene na katabi ko. Mabait naman pala talaga si Nurse Jeralene, hindi lang halata sa cold niyang personality. Ganyan na siguro ang mga lahi nila.

First time ko silang makita na magsuot ng puro kulay puti, palagi kaseng itim ang suot nila at napakapormal. Hindi pa rin mawawala ang lakas ng dating nila lalo na ang magkapatid na Cafaro.

Hindi naman tirik ang araw ngayon at mahangin naman kaya siguro sumama ang dalawa na sina Nurse Jeralene at Dewei.

Nangunguna ako sa paglalakad, may kaunting tampo pa rin kase ako kay Lovier dahil sa hindi pagsabi sa akin ng totoo, hindi siya nagsinungaling. Hindi niya lang talaga sinabi.

Ang lahat ay natigil sa kan'ya-kan'yang ginagawa. Nahinto sa mahinang pag-uusap, nalingon kaming apat ng sabay. Gumuhit sa mukha nila ang pagkagulat. Naistatawa sa kani-kanilang pwesto. Natahimik.

May mga nag-asikaso sa amin at pinaupo kami. Nabalingan ko ng tingin kung nasaan ang Banda. Pinanood nila ako hanggang sa pag-upo ko saka nagtama ang mga paningin namin, napakurap pa sila ng ilang beses. Parang nakakita ng multo.

'Ba't ganyan sila magreak?'

Nagkatinginan pa sila, parang ako pa ang mas mukhang patay kaysa kay Blake base sa reaksyon nila. Nagdress lang naman ako kaya siguro ganya mga mukha nila. Tinignan nila ako mula ulo hanggang paa, napatingin rin ako sa sarili. Binigyan ko sila ng nagtatanong na tingin.

Nilingon ko si Lovier saka bahagyang hinila ang dulo ng sleeve niya. Nagbaba siya ng tingin sa akin, ang tangkad pa rin kahit nakaupo na.

"Lovier, may dumi ba sa mukha ko? " pabulong kong tanong.

Tinignan niya naman ang bawat sulok ng mukha ko. Umiling siya "Why?" tanong niya.

"ahm.. Wala naman, sige salamat" tinangaun niya ako pero hindi pa rin niya inaalis ang tingin sa akin, para bang may naoobserbahan.

Nalingon niya ang gawi ng Banda saka ulit tumingin sa akin mula ulo hanggang paa "Something has just changed in you." sinabi niya iyon habang bumababa ng bumababa ang paningin papuntang dibdib ko.

Napatingin rin ako doon. Kaninang naligo ako, nawirduhan rin ako sa sarili ko. Sobrang puti at kinis ng balat ko, parang alagang-alaga. Walang mga peklat o sugat. Naobserbahan ko rin ang katawan ko sa harap ng salamin kanina.

Nagkaroon ako bigla ng abs. Dati kase, ABSent 'yun at isa pa lumusog bigla ang hinaharap at pang-upo ko. Pati yata ako maiinlove sa sarili kong katawan.

Isa pa, ang mga mata ko hindi ko mabago ang kulay pula nitong kulay kaya pinasuot nila ako ng contact lenses na kulay dark brown, wala ng grado dahil luminaw na lang bigla ang paningin ko ng walang salaming sinusuot.

Pinagkunutan ko ng nuo si Lovier na ikinaiwas niya ng tingin sa may dibdib ko, kita ko ang paggalaw ng buto niya sa leeg. Napalunok.

"You look hot though" dagdag niyang sabi nang hindi na ako nilingon, parang hindi kayang salubungin ang nanlisik ko biglang mga mata.

May kung anong nagsisilparan sa loob ng tiyan ko dahil sa sinabi niya at pagkislot ng puso ko pero nginiwian ko ito. Kunwari hindi nagustuhan ang sinabi, baka makahalata itong marufok eke. Char.

Muling natinag ang lahat at napalingon kami sa kung saan nang may sumulpot. Hindi ko alam kung bagong dating dahil mukhang nanggagaling ito sa labas lang ng mansion kanina.

Nagsitayuan ang lahat kaya tumayo rin kaming apat. Kalmado lang sila kaya nahahawa rin ako, parang wala na talaga akong pakiramdam.

Ang ina ni Blake.

Tanging takong lang niya ang maririnig sa paglalakad. Sumisigaw ang malakas na kapit nito base sa tindig at damit pa lang. Ang pino kumilos, nagtataasan ang drawing na kilay.

Napaayos ko ng tayo nang mabaling ang tingin nito sa gawi namin hanggang sa dahan-dahan itong lumapit sa akin matapos akong tinignan mula ulo hanggang paa. Nakakainsulto ako tinignan.

"Who are you? Were you invited to my son's funeral?" tanong nito na hindi maibaba ang mga kilay. Sa tanong niya ay para bang pinapalayas niya na kami.

Hindi naman ako nakaramdam ng kung anong kaba o takot sa presensya ng Ina ni Blake kahit ngayon ko pa lang siya nakita sa personal. Ang ilan dito ay nagsibabaan ng tingin.

"Ako po si Eda. Kaibigan ko po si Blake------" pagpapakilala ko pa sana pero pinahinto niya na ako agad.

"Ah.. Eda.." aniya na parang nakikilala na ako kahit ngayon pa lang kami nagkita.

Hanggang sa biglang bumagal ang takbo ng paligid ko at kitang-kita ko kung paano malakas na dumapo ang palad niya sa pisngi ko. Hindi ako umilag sa pagkatigil, nakikita ko ang bawat galaw ng lahat ng ganon kabilis.

Ni hindi naiba ang direksyon ng mukha ko sa pagkakasampal nito sa akin, buhok lang ang nagalaw sa akin. Para akong rebulto na sinampal, hindi rin ako nakaramdam ng kirot sa pisngi ko. Animo'y mahinang hangin ang tumapik sa mukha ko.

Umugong ang bawat reaksyon ng lahat. Gulat na gulat, kita ko pang muntikang lumapit sa gawi namin si Aaron pero pinigilan siya ng Banda.

"You have no right to say my son's name." may diin sa salitang ani ng Ina ni Blake. May pumipigil na ngayon sa kaniya, mga kapamilya siguro dahil magkakamukha sila.

Tipid akong ngumiti sa babae kahit umaapoy na ang mga mata nitong nakatingin sa akin.

"You also have no right to slap the guest's face, Ma'am" magalang ko pang sabi sa paraang mapipikon siya. Si Mama nga hindi pa ako nasampal, siya pa kayang hindi ko kaanu-ano. English 'yun ah.

Umalingawngaw muli ang mga reaksyon ng mga bisita dito. Nagugulat sa pagsagot ko. Imbes na libing ang magaganap, mukhang papunta na itong wrestling. Buti na lang hindi ako pumapatol sa mas nakakatanda o bata sa akin.

"How dare you—————"

Hindi natapos ang akmang pagsugod sa akin nito nang may humarang na sa kaniyang lalaki. Iyon ata ang asawa niya base sa tawag sa kaniya. Siya na nga ang nanampal, siya pa ang may ganang magalit. Hindi ko alam kung anong alam niya para magalit siya sa akin gayong gusto ko lang namang makiramay at masulyapan si Blake sa huling pagkakataon.
.
.
.

Sa paglalakad ko papalapit sa kabaong ni Blake ay nararamdaman ko pa rin ang matalas na tingin ng Ina niya sa akin. Hindi ko na muna ito pinansin. Kahit nakatalikod ako ay parang nakikita ko ang bawat reaksyon ng mga tao dito.

Kabilang yata ito sa pagiging bampira ko. Ganito pala ang pakiramdam, ang weird. Wala pala akong maramdaman. Nabibilib tuloy ako nang maisip ko pa kung paano nalaman ni Lovier na gusto niya na ako kung hindi niya naman ito nararamdaman.

Nanigas ako sa kinatatayuan habang nakababa ang tingin kay Blake na parang mahimbing lang na natutulog. Iba ang kulay ng balat dahil sa wala na itong dugo, nag-iba ang hugis ng mukha dahil may nilagay dito. Ngunit kahit wala na siyang buhay, makikita pa rin na may kagandahan siyang lalaki. Namana yata ito sa kaniyang Ama.

Pinagmasdan ko ang salamin ng kabaong niya. Natulala na naman. Hindi ko na nararamdaman ang sarili na lumuluha, parang nakalimutan ko na kung paano umiyak kahit may kirot pa rin sa puso ko ang makitang best friend ko noon, ililibing na ngayon.

Hinawakan ko ang salamin nito na parang hinahamplos ang mukha ni Blake kasabay nang marahang paghaplos rin ni Lovier sa likod ko. Inaalo ako, katabi ko lang siya.
.
.
.

Hindi ko na namalayan ang sunod na nangyari. Natagpuan ko lang ang sarili na lumulutang ang isip na inihulog ang bulaklak sa kabaong ni Blake.

Hindi ko na nakausap pa ang Banda, gusto ko ng umalis sa lugar na iyon. Akala ko pa naman ay hindi na ako masasaktan ulit pa pero paulit-ulit kong sinisisi ang sarili sa pagkamatay niya. Naiisip na kasalanan ko ang lahat.

Hindi ko na kayang pagmasdan ang mga kamag-anak at kaibigan ni Blake na lumuluha. Lamang doon ang pag-iyak ng Ina niya at ang babaeng kapatid ni Blake na naikwento niya sa akin. Ang batang babae na tinatalian niya ng buhok.

Nanatili ako dito sa palasyo ni Lovier. Nasa sala kaming apat pero hindi rin nagtagal sila Dewei dito at umalis na kaya kaming dalawa ni Lovier ang naiwan.

"Eda" pag-agaw atensyon sa akin ni Lovier. Nahinto ako sa ginagawa ko.

Nakatameme lang akong pinapanood ang mga videos at tinitignan ang mga pictures kasama ang Banda. Mula sa mga pinagtambayan namin kung saan gusto naming mamasyal, pati na rin ang mga stolen shots na kung sinong trip magpicture, papangitan ng mukha. Hanggang sa mga pictures namin sa Isla ng mga Farnacio.

Napunta ako sa bidyu naming dalawa na pinasa sa Group chat naming magbabarkada, si Patrick ang kumukuha habang kumakain ako ng fries nung nasa garden kami. Ginamit kong lipstick ang ketchup na nilagay ko sa fries at minudmod sa labi ni Blake na natutulog sa balikat ko. Naghahabulan na kaming dalawa at nag-aasaran, nahinto lang ang video nang nabunggo ko si Lovier doon sa kuha, mukhang nagmamadali pang tinago ni Patrick ang phone.

Minsan na lang nga ako magkaroon ng totoong kaibigan, nawala pa.

Nalingon ko siya, nagtama ang aming paningin. Pula ang aking mata, kape naman ang kulay ng sa kaniya.

"Your hand looks heavy... can I hold it for you?" palusot pa nitong banat upang pagaanin ang loob ko at gusto lang hawakan ang kamay ko.

Hindi ko kase pinagbigyan na hawakan ang kamay ko o dikitan ako. Masama pa rin ang loob ko.

Napabuntong hininga akong nag-iwas ng tingin. Sinanay ko na ang sarili kong marunong na siyang manglambing sa akin. Teacher ko noon, boyfriend ko na ngayon.

Hindi na ako nagpaligaw upang pasagutin ako dahil doon rin naman kami papatungo. Isa pa, alam kong mahihirapan siyang mag-adjust kung hindi uso sa kanila ang ligawan at diretso kasalan. Nasabi niya rin na pag-aaralan niya akong ligawan araw-araw kahit magkakatampuhan.

Hindi niya kinuha ang kamay ko hanggang wala ang pahintulot ko. Nirerespeto ang desisyon ko. Napakamot siya ng ulo.

Hinawakan niya na lang ang sariling mga kamay. Nakatukod ang mga siko niya sa mga tuhod niya sa pagkakaupo.

"Bakit nga pala... Nagkaroon ka bigla ng tattoo?" pag-iiba ko saka in-off ang phone ko.

Nagbaba ang tingin niya sa dibdib at bandang leeg niya. Malaki kase ang tattoo niya.

"It's not tattoo, amore.. It's a mark" pinagtaka ko ang sagot niya. Sinulyapan ko ang natukoy na marka sa bandang leeg niya, natatakpan kase ang kabuoan nito sa kaniyang suot.

"Marka? Eh bakit maitim?" wala sa sarili kong nilapit ang mukha sa may leeg niya upang siguraduhing tama ba ang kulay na nakikita ko.

"This symbolizes that the King has been appointed."

Naiangat ko ang tingin sa kaniya, natagpuang nasobrahan yata ang lapit ko. Kaagad akong umupo ng maayos at pekeng umubo. Ito na naman ako't sumasagi sa isip ko kung paano niya ako hinahalikan at ilang besesn namin iyong ginawa.

Tinanguan ko lang siya sa kaniyang sinagot.

"Congratulations, Your Majesty" pagbati ko sa kaniya, hindi nakatingin. Hindi ko alam kung tama bang tinawag ko siyang ganon.

Sinubukan ko siyang sulyapan. Paglingon ko ay ganon na lang nangunot ang nuo niya.

"Ahm... May sinabi ba akong mali?" sinubukan kong 'wag mautal sa pagtatanong.

Inilingan niya lang akong nakatitig pa rin sa akin.

"Why did you suddenly ask?" pagbalik niya sa topic.

Napayuko ako. Humugot ng malalim na hininga "Lovier... tatanungin kita.. please, sagutin mo ng totoo"

"I never lied to you" dipensa niya agad na mahinahong tono. Naniniwala naman ako doon pero may kung ano sa akin na hindi kaagad masasagot ni Lovier ang itatanong ko.

Tinignan ko siya ng diretso sa mga mata, napaayos siya ng upo sa pagkaseryoso ko "Patay na ba ako?" diretsahan ko ng tanong. Napataas ang parehong mga kilay niya sa tanong ko.

"What?—————" naguguluhan niyang balik na tanong.

"Lovier, imposible akong mabuhay sa dami ng dugong nabawas sa akin nung time na 'yun..."

Kita ko ang paggalaw ng panga niya. Dumiin ang pagkatitig sa akin. Sa simpleng iniasta niya ay masasabi kong may tinatago pa siya sa akin.

"Sagutin mo 'ko" kalmado kong pagtatanong kahit nag-uumpisa na akong matuliro sa isasagot niya.

"Eda, I think you need to rest.. pagod ka lang sig———"

"Sagutin mo ang tanong ko————"

"Yes! Muntik ka ng mamatay.. " nagitla ako sa pagtaas ng boses niya, napaamin din. May diin sa kaniyang salita.

Nagtiim ang kaniyang panga "I don't know what I'll do when you're gone... I did everything to save you... " natameme akong napatitig sa kaniyang sinabi. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko.

Kaya pala takot na takot siya nung nagkabangungot ako.

"So I decided to put my venom on you..." parang sandali akong nabingi sa idinagdag niya.

Sandali kong naalala ang pangyayari. Paggising ko muli nun ay may pinapasa na siyang pinapainom sa akin. Sinabi niya na kung iinumin ko iyon ay mababalik ang lakas ko.

"I have no choice.." sa tono ng boses niya ngayon ay parang napakadesperado niya.

"mawawalan ka ng buhay kung hindi ko gagawin 'yun. Eda. I'm sorry... I'm so sorry kung naging katulad ka sa lahi namin.. " ikinalaki ng mga mata ko nang tumayo siya at lumuhod sa harap ko. Nagbago ang kulay ng mga mata niya, itim na itim na ngayon at malambot ang kaniyang mukha.

Sino ng hindi magugulat kung ang isang Hari ng iba't ibang lahi ng mga Bampira at Lobo ay nakaluhod sa harap ko.

"Lovier t-tumayo ka————"

"Amore" may lambing sa tono niyang pagtawag. Tulad kanina ay hindi niya ako hinahawakan hangga't hindi ko pinapayagan. "I know I did something wrong but————"

"L-Lovier, tumayo ka na" hindi ko na maiwasang mautal. Hindi niya ginawa.

"Eda please————"

"Buhayin mo rin si Blake kung ganon" kaagad kong pagsabi kung anong sadya ko sa usapan naming ito.

Natigilan siya. Ilang beses na kumuparap "What?" hindi makapaniwala niyang sabi.

"Malinaw ang pagkakasabi ko" matigas kong ani.

Natahimik kami. Naglalabanan ng pagtitig.

"I... I can't" napailing siya. Nagsalubong ang mga kilay ko, paniguradong pulang pula ang mga mata ko ngayon.

Sa tingin niya ay parang lumalim bigla ang naiisip niya.

"Buhayin mo siya.. parang awa mo na.." pagsusumamo ko pa. Muli siyang umiling dahilan para may mamuo ng inis sa akin.

"Amore mio... I can't do that.. that's a sin... isang krimen para sa amin ang bumuhay ng patay na"

"Ano pala ang ginawa mo sa akin kung gayon?" may pagkasarkastiko kong sabi, hindi naiisip na maaring may mangyari kay Lovier kapag nasunod ang gusto ko.

"Eda... May mahina ka pang pulso nung mga oras 'yun.. magkaiba kayo ng sitwasyon ni Blake" mahinahon niyang pagpapaliwanag habang ako ay hindi na halos makontrol ang naiisip.

Naiisip ko rin ang mga magulang ni Blake. Baka lahat sila ay mabawian ng buhay kung malalaman nila ang anak nilang nabuhay ulit kahit nilibing na.

"Hindi ka pa patay... muntikan ka lang mamatay. We have a difference compared to me who is purely immortal." pagpatuloy niyang pagpapaintindi sa akin.

"Lovier... Alam kong kaya mo siyang buhayin.. Niligtas ka niya.. Niligtas niya tayo!" pagpapaintindi ko rin sa kaniya. Parang natutunan ko ng maging matigas ang damdamin.

"Kung hindi niya ginawa 'yon... malamang ako sana ang namatay... Napakalaking utang na loob ang ginawa niya." may diin rin sa salita kong sabi.

"Eda, are we going to fight?" muling tumiim ang bagang niya pero mahinahon pa rin ang pagkakasabi niya.

"Sa tingin ko, Oo" buong lakas kong sagot. Taas nuo. Sarado na ang isip ko.

"I can't do that"

"Bakit nga kase? Leche naman! Dahil kasalanan sa inyo!?————"

"Dahil maaari rin siyang matulad sa kapatid kong si Emanon!" biglaang bulyaw niya, hindi na nakapagpigil sa katigasan ng ulo ko.

Napatayo siya at napahilamos sa mukha. Umawang ang labi ko sa gulat.

'Emanon? Kapatid niya si Emanon? Kaya pala... ang tagal niyang natablan ng bala na gawa sa pilak.. '

Nakatalikod siya sa gawi ko at nakatukod ang mga braso sa lamesa. Nasabunutan ang sariling buhok saka muling natakpan ang mukha gamit ang kaniyang palad. Sa nakikita ko ngayon sa kaniya ay hindi ko maiwasang manibago, nakaramdam ng guilt. Naalala kong bukod sa maraming asawa ang Ama niya, posible ring marami siyang kapatid.

Naalala ko bigla si Emanon. Parehong nagkapatayan sila ni Blake pero hindi niya sinabi sa akin kung ano ang nararamdaman niya ng mawalan rin ng kapatid at ng mga magulang. Pakiramdam ko, napakamakasarili ko.

"Damon is his real name ... He was born lifeless, kaya naisip ng ikalimang asawa ng Hari na buhayin ang nag-iisa niyang anak upang makaangkin ng trono" pinanindigan ako ng mga balahibo habang nakatanaw sa malapad niyang likod.

'Ibig sabihin... matagal ng patay si Emanon?'

"Damon's Mother was punished for what she did. She's gone. Damon grew up without parents with him ... he didn't know himself ... Pati si Ama ay hindi siya kinikilala bilang anak.. Susunod lang siya sa kung sino ang unang mag-uutos sa kaniya... Wala siyang pakialam sa lahat"

"My brother's personality was kept mysterious so they changed his name into Emanon for his safety"

"Matutulad si Blake sa kapatid ko kung bubuhayin ko ang isang patay na" paulit-ulit umalingawngaw sa tenga ko ang mga sinabi niyang iyon nang hindi ako nililingon. Nakatingin sa kawalan, pinipigilan ang sariling masigawan ako ulit.

"He won't know you ...Iba na sa Blake na makikilala mo....It's different from Blake that you'll know ... The dead don't have any emotions to remember the people he loved..."

Parang sinaksak ng paulit-ulit ang puso ko ang huli niyang sinabi.

"para mo na ring pinapatay muli si Blake" dagdag pa niya. Ngayon ko lang yata siya narinig na mahaba ang sinasabi. Nagbaba ako ng tingin.

"Ako ang nandito pero siya ang hinahanap mo" napaangat ako ng tingin sa kaniya sa sandaling nilingon niya na ako.

Walang kulay na makikita sa mata niya kundi itim. Itim na itim. Mahihimigan sa kaniyang sinabi ang emosyong gusto niyang ipahatid sa akin.

"Please let him rest Eda." pagtatapos niya sa usapan saka hindi nagpaalam na naglaho sa paningin ko. Nasagad ko yata ang pasensya niya.
.
.
.
.

Mag-isa lang ako dito sa kwarto. Nakatulalang naka upo sa kama. Hindi ako makatulog, hindi ako nakakaramdam ng antok. Hindi ako natatakot dito sa madilim na kwarto kahit ako lang ang mag-isa.

Nasa palasyo pa rin ako, hindi pa ako umuuwi sa bahay tutal hindi ko rin naman alam kung saan ang daan dito palabas sa lawak ng lugar na ito. Hindi rin ako pwedeng umalis hangga't hindi ako nakapagpapaalam kay Lovier, baka magalit na ng tuluyan sa akin iyon. May nangyari pa namang sagutan sa amin kanina.

Ang lalim ng iniisip ko, 'di ako mapalagay sa pwesto ko at pinipilit ang sarili na matulog muna pero nabigo ako. Hindi talaga ako inaantok, gusto ko agad makita ulit si Lovier. Pakiramdam ko naman kung makikita ko siya ay gusto ko ng umalis ulit. Nagi-guilty ako at iniisip kung ako ba talaga ang may mali o kung saan ako nagkamali.

Ilang araw ang lumipas nang hindi ko na muling nasilayan si Lovier dito sa palasyo. May pagkakataong palihim ko pa siyang sinisilip sa labas ng kwarto kung napapadaan ba siya kase sa tuwing bubuksan ko ang pintuan ay may mga pagkain ng nakalapag doon sa harap ng pinto.

Ilang araw na rin akong hindi dinadalaw ng antok.

Mukhang bagong luto pa. Ang pagkakaluto ay parang sinadyang half cook lang, yung mapula-pula pa ang karne para siguro hindi mabigla ang tiyan ko. Kahit may pagtatalo kami ay napakaasikaso niya pa rin sa akin. Kaya inaamin ko na, namimiss ko na siya.

Panibagong araw na naman, inobserbahan ko na kung anong oras siya maglalagay ng pagkain sa labas kaya inaabangan ko siya ngayon dito sa loob mg kwarto. Pinapakiramdaman ko ang presensya at pinagaralan ko kung paano lumakas ang pang-amoy.

Ilang minuto ang lumipas ay kaagad kong inayos ang sarili dito sa harap ng pintuan nang naamoy ko na sa malapitan ang dugo niya. Ang bango.

Walang kung anu-ano ay mabilis kong binuksan ang pintuan. Natagpuan ko siyang akmang ilalapag ang tray sa gilid, kung saan may isang maliit na lamesang nakadisplay sa labas ng kwartong ito. Nalingon niya ako at hindi naituloy ang paglapag ng tray.

Ako ang nag-iwas ng tingin. Nakakailang para sa akin na ilang araw na naman kaming hindi nangkikita at ngayon ko lang ulit nasilayan ang magaganda niyang mga mata.

Lumabas ako ng kwarto at lumapit sa kaniya, hindi naman siya umalis sa pwesto niya. Tinanggap ko ang tray na hawak niya bago nag-angat ng tingin sa kaniya.

"Salamat" tipid kong sabi sabay tukoy doon sa pagkain na hawak ko. Tango lang ang tinugon niya, awkward akong ngumiti dahil ang cold na naman niya.

"Pasok ka muna" pag-aaya ko pa sa kaniya kahit ako itong bisita dito.

Nakahinga ako ng maluwag nang hindi ako nahirapang imbitahan siyang pumasok. Siya pa ang nagsara ng pinto kasabay ng paglapag ko ng tray dito sa lamesa, sa gilid ng kama.

Nalingon ko ulit siya. Nakapamulsa lang siyang nakatayo at may distansya sa akin habang nasa nililibot ang paningin sa kwarto. Naramdaman siguro ang pagtitig ko at paglapit sa kaniya. Nagbaba siya nang tingin sa akin, hindi ko pa naririnig ang boses niyang binibigkas ang pangalan ko.

Wala na ako sa wisyo na pinalibot sa kaniyang bewang ang mga braso ko at inihilig ang ulo ko sa dibdib niya. Nakaramdam ako ng pagkakomportable sa temperatura ng katawan niya. Ang sarap yakapin magdamag.

Ramdam ko ang pagkatigil niya sa pagyakap ko. "Lovier" tawag ko. Muli kong iniangat ang mukha nang hindi ko siya narinig na tumugon. Nakababa lang siya ng tingin sa akin at pinapanood ako.

"Galit ka pa ba?" sinubukan kong lagyan ng lambing sa tono ang boses ko at hinigpitan ang yakap ko. Nag-iwas siya ng tingin.

"I'm not mad" sa wakas ay narinig ko rin muli ang boses niya. Sinilip ko pa ang mukha niya para makasigurong totoo ba ang sinasabi niya.

Kita ko ang pagbabago ng kulay ng itim niyang mga mata, naging kulay lila at pula na ikinangiti ko ng wala sa sarili habang nakatitig.

"Weehh??" sinubukan ko pang lokohin siya, naninigurado kung hindi ba talaga siya nagalit.

Muli niya akong tinignan ng madiin sa mga mata. Ramdam ko bigla ang pagdausdos ng mga kamay niya sa braso at tagiliran ko bago unti-unting ginantihan ng yakap nang hindi inaalis ang tingin sa akin.

"I missed you, amore" ikinahinto ko ang sinabi niya. Mabilis na tumitibok ang puso ko. Naibuka ko ng bahagya ang labi ko sa unti-unting paglapit ng mukha niya sa akin.

Dinampian niya ng halik ang nuo ko, napapikit ako sa sarap ng pagkakahalik niya. Dinadama ang malambot na labi niya. Bati na kami. Awtomatik na napatawad na namin ang isa't-isa sa tinginang iyon.

Mabuti at hindi siya kagaya ng ibang lalaki na grabe kung magalit, 'yung tipong maninigaw at mananakit ng pisikal. 'Yun nga lang, hindi lang siya mamamansin ng ilang araw pero ang swerte ko pa rin kung gaano siya kaasikaso at kalambing kahit may tampuhan.

Hinapit ko ang batok niya at marahang nilapit ang mukha sa akin. Tumingkad pa ako sa tangkad niya saka gumanti ng dampi na halik sa pisngi niya. Nagkaiwasan pa kami ng tingin, 'di nakaligtas sa paningin ko ang pagngisi niya.

"I missed you too, mahal" paghirit ko pa pero hindi na makatingin sa kaniya. Unang beses ko lang siyang tinawag na ganon.

"Hmm" tugon niya pero maririnig ang mahina niyang pagtawa sa malalim niyang boses.

Naisandal ko ang nuo sa dibdib niya at doon ngumiti. Bahagya ko siyang nahampas sa braso nang panggigilan niya ang bewang ko na bahagyang pinisil. P*tik kinikilig ako.

"Lovier"

"Hmm"

Nag-angat ako ng tingin. Pigil ang ngiti, syempre para hindi halatang kinikilig ako. Enebe pereng tenge.

"Pwedeng gawin na natin... 'yung date natin?" ako na ang nangunang mag-aya. Natuptop niya ang bibig niya saka natatawang nginitian ako.

"Akala ko pa naman kung ano ng gagawin natin" mahinang pilyo niyang sabi sabay ngisi nang magsalubong ang mga kilay ko.

Akmang magsasalita na ako nang halos lumobo ang mga mata ko nang kaagad siya muling magnakaw ng halik sa labi. Umiwas ng tingin na parang wala siyang ginawa. Natakpan ko ang mukha ko dahil nahahawa ako sa pagngiti niya. Para kaming mga tanga.

Nanatili lang kami sa ganong posisyon, nagtatawanan ng walang dahilan at nagnanakawan ng halik sa isa't-isa.

Ganito na lang sana kami palagi.

****

Continue Reading

You'll Also Like

570K 1.8K 6
𝘼𝘾𝙊𝙎𝙏𝘼 𝘽𝙇𝙊𝙊𝘿 𝙎𝙀𝙍𝙄𝙀𝙎 #1 HIS BODYGUARD WIFE Maayos na ginagampanan ni West ang mga normal na gawain niya bilang isang mafia queen suba...
8.4M 468K 53
Jewellana Leticia is an outcast. She has been a victim of mockery as she couldn't keep up with the other goddesses her age when it comes to power an...
14.3M 622K 56
Para kay Hezira ay isang kathang-isip lamang ang mga bampira. Hindi siya kailanman naging interesado sa mga ito. Pero lahat ay nagbago matapos ang is...
154K 8.8K 43
Tagalog Vampire-Romance story. Ano ang gagawin mo kapag tumira ka sa isang mansion kasama ang mga bampira? Ikaw ba ay matatakot o magmamahal? Hindi m...