Sangue Dolce ✔️

By Formidable_Writer

22.9K 2.4K 710

Ang pagibig ay walang pinipili, mortal ka man o imortal, dadating ang tamang oras para maging tayo sa huli More

Author's Note
Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Epilogue
Special Chapter

Chapter 60

165 15 3
By Formidable_Writer


"Sino po sila?" magalang na tanong ng isang kasambahay na nagbukas ng malaking gate na ito sa mansyon nila Blake. Sumalubong sa akin ang ngiti niya.

Ngayon lang siguro ako nito nakita dito kaya hindi ako kilala kahit nakapunta na ako dito noong practice namin.

"Ako po si Eda... magandang hapon———————"

"Eda!? Naku ang ganda mo pala Ma'am! Kaya siguro palagi kang nakikwento sa akin ng alaga ko. Halika pasok! Pasok!" kaagad nitong pagaaya sa akin kahit hindi pa ako tapos magsalita.

'Alaga niya? Si Blake?'

Hindi na ako umimik pa at pilit na ngiti na lang ng tinugon ko, sinubukang 'wag magmukhang pilit iyon. Hanggang sa pagpasok ko ay panay ang pakikipagdaldalan niya habang puro tango lang ako sa kaniya kahit wala akong naintindihan sa ilan sa sinabi niya. Puro pagkikwento daw ni Blake sa akin sa kaniya ang naririnig ko. Mukhang tuwang-tuwa pa siya.

"Sigurado ka ba na gusto mo talaga siyang bisitahin? Eh kase Ma'am parang palagi na lang wala siya sa mood, pinagagalitan na nga ng Mommy niya kase palaging naglalasing" mahina pang pagchichika sa akin nitong kasambahay kahit nasa harap na kami ng pinto sa kwarto ni Blake.

Tango lang din ang naisagot ko. Sinubukan ko ulit siyang ngitian upang 'wag akong magmukhang bastos dahil maganda ang pakikitungo niya sa akin kahit hindi kami close.

"Ah sige, teka lang try natin" tumango ulit ako sa kaniyang sinabi, lumapit siya sa pinto saka kumatok doon.

Nakakailang katok na siya ng walang sumasagot kaya parang natatae niya akong nilingon at nginitian.

"Sir Blake! May papasok po ditong bisita niyo!" pasigaw na anito upang marinig ni Blake mula sa loob.

Gaya kanina ay wala pa ring sumagot kaya medyo nahahawa na ako sa kabadong mukha ng ale pero hindi ko pinahalata at kunwari mahaba ang pasensya sa paghihintay.

Hanggang sa ilang minuto ang pagkakatok niya nang wala pa ring tumutugon mula sa loob ng kwarto ni Blake.

"Naku Ma'am, baka pwedeng bukas na lang kayo bumalik... mukhang wala talaga sa mood ang alaga ko" mahinahong ani ng ale.

Tipid akong ngumiti dito "Ayos lang ho... pwede niyo po bang iwan muna dito?... susubukan ko pong ako ang kakausap.." mahinahon ko ring sabi.

Nasulyapan niya ang pintuan saka muli binaling ang tingin sa akin at tinanguan ako "Sige hija, salamat ha... pakisabi na rin sa kaniya Ma'am na kumain na siya, ilang araw na kase siyang walang kain kaya napapanis na lang ang iniiwan kong pagkain sa may pintuan.."

Kinuha niya ang kamay ko saka tinapik-tapik iyon.

"Kung ayaw niya talaga nasa baba lang ako, hihintayin kita doon Ma'am para 'di ka maligaw sa lawak ng lugar na 'to" mahihimigang sinubukan pang magbiro ng ale, ang bait niya para hindi siya pansinin ni Blake.

"Sige po" ganti kong ngiti sa kaniya.

Sinundan ko ng tingin ang ale hanggang sa mawala na ito sa paningin ko bago ako napabuntong hiningang lumapit sa pinto at kumatok doon.

Tulad kanina ay walang sumagot o nagbukas doon. Muli kong sinubukang kumatok "Blake... si Eda 'to... Mag-usap——————"

Hindi pa man natatapos ang sasabihin ko nang ganoon kabilis bumukas ang pintuan matapos kong magpakilala. Sa pagkabigla ko ay hindi ako nakapalaga nang magsalubong ang aming tingin saka niya ako walang pasabing hinila papasok sa loob ng kwarto niya at sinarado ang pintuan.

Napatitig ako sa namumugto niyang mga mata, tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Napansin kong may bandage ang kamao niyang may bakas ng dugo, parang ginamit pang suntok sa matigas na bagay. Ganoon din ang bandang sakong niya na parang napilayan.

Nailibot ko ang paningin sa kwarto niya. Ang kalat. Napakakalat, parang binagyo at nilindol ng dire-diretso. Wasak ang mga mamasaging gamit dito, nakatumba ang ilan, ang ilan naman ay wala sa ayos. Nagkalat rin ang butilyang mga mamahaling alak dito, nangangamoy alak ang kwarto. Maski siya ay amoy alak rin.

Muli ko siyang nabalingan ng tingin, ngayon ko na lang muli nasilayan ang kaniyang pagngiti matapos akong makita kahit nag-umpisa ng manubig ang kaniyang mata habang nakatitig sa akin.

"Eda——————" pagtawag niya na humakbang papalapit nang kaagat akong umatras papalayo at kinalas ang pagkakahawak niya sa akin mula sa pagkakahila kanina. Kung umasta siya ay parang broken-hearted.

Natigilan siya sa pag-atras ko. "Eda, you came... is it mean na bati na tayo? G-gusto mo ilibre kita ulit tulad dati?... Punta rin tayo sa tambayan.. Tapos Eda naghanap ako ng magandang papasyalan natin.. for sure you will love it... maraming designs na planets doon... Tapos Eda may alam akong malalawak na Library dito———————"

"Blake" pagpapahinto ko sa kaniya, nasa mukha niya ang pagiging despirado "Tama na" dagdag ko na naiwan siya nakaawang lang ang labi at nakatingin sa akin.

Pinilit niya pa ring ngumiti "It's nice to hear your voice again while calling my name... I want to hear it again, please... kahit 'yun lang" may namumuo ng luha sa mga mata niya, ngayon ko lang nalaman na ganito pala siya kaiyakin rin, hindi kase halata sa kaniya.

Napabuntong hininga ako sa kaniya. Hindi ko siya sinunod sa halip ay may kinuha ako sa bag ko. Brown envelope iyon saka inabot sa kaniya.

Naguguluhan niya akong tinignan "What's this?" takang tanong niya, sinenyasan ko lang siyang kunin.

Kinuha niya iyon bago binuksan iyon, kita doon ang sandamakmak na pera na kung saan ay pinagipunan ko ng buong taon para sana sa pang ospital ni Mama.

"Bayad na ako sa mga utang ko, kinwenta ko na lahat maski ang mga panglilibre niyo sa akin. Pati na rin ang mga binili mong... napkin, uniform tsaka... diapers noon... Nandyan na lahat ang bayad... kasama na diyan ang binigay mong pera sa pang ospital kay Mama... 'wag kang mag-alala.. binayaran ko na rin sila Aaron at iba pa.. "

"Hindi ko 'yan ninakaw o galing sa ibang lalaki o inutang... Sa pinaghirapan ko 'yan noong huminto pa ako sa pag-aaral... Sinasabi ko ito hindi para dipensahan ang sarili... kundi malinis ang pangalan ko pati sa school natin..." patuloy kong mahinahon na pagpapaliwanag, sinubukang 'wag mautal. Tinititigan na naman niya kase ako.

Binigay ko na lahat ng ipon ko kaya limang daan na lang ang natira sa bulsa ko. Kaya ko namang tipirin iyon kahit dalawang linggo tutal sarili ko na lang ngayon ang bubuhayin ko.

"Why are you doing this?" pagtatanong nito ulit saka isang hakbang na lumapit, napaatras naman ako dahilan upang huminto siya.

"Para bayaran kayo—————"

"You don't have to.."

Nagbaba ako ng tingin, hindi ko kayang tignan ang mga mata niyang pinangingiliran ng mga luha.

"Eda please... pagusapan natin 'to"

"Iyon nga ang sadya ko dito... Naguusap na naman tayo" hindi nagbabago ang seryoso kong mukha na tinignan muli siya pero nag-iwas rin muli ako ng tingin.
.
.
.

Nakaupo kami pareho sa magkabilaang gilid ng kama upang dumistansya sa kaniya. Pinagbigyan ko siya sa gusto niyang manatili pa ako dito ng ilang oras.

"Eda... kailan mo ako mapapatawad?" iyon na naman ang pagkadespirado sa tono niya.

Nilingon ko siya sa gilid ko pero binalik ko rin ulit ang tingin sa kawalan "Napatawad na kita kaya nga nakikipagusap ako—————"

"Really?" biglang nanabik ang tono ng boses niya sa sinabi ko kahit hindi pa tapos, tinapunan ko ulit siya ng tingin. Hindi na ako sumagot pa.

"Thank you for giving me a chance——————"

"Kumain ka na?" pag-iiba ko ng tanong sa malamig na pakikitungo, saglit lang siyang sinulyapan ng hindi siya nakasagot. Nakita ko kaseng may tray doon sa labas ng kwarto niya at mukhang bago luto pa ang mga pagkaing nandoon.

"Where are you going?" mahinahon niyang tanong matapos kong tumayo at naglakad sa kung saan.

Hindi ko na naman siya sinagot, basta na lang lumabas sa pintuan saka kinuha ang tray doon at pumasok ulit bago sinarado ang pinto. Sinundan niya ako ng tingin hanggang sa ilapag ko iyon sa harap niya.

"Sabi ng kasambahay niyo dito kailangan mong kumain... Kain na" aniko saka dinuro ang pagkain. Nagbaba siya ng tingin doon.

Ilang minuto niya lang iyong tinignan saka iniwas ang tingin sa kawalan "Napatawad mo na ba talaga ako Eda... o ginagawa mo lang ito dahil... may kailangan ka?"

Ikinatigil ko ang sinabi niya "Tama ka" taas nuo kong sagot na ikinatingin niya ulit sa akin.

Naglakad ako paikot sa kama upang lapitan siya sa kabilang gilid saka naupo sa tabi niya "Sabi mo gagawin mo ang lahat... 'di ba?" aniko, diretsong nakatingin sa mga mata niya.

Walang mababasang emosyon na ngayon sa mukha niya. "Tulungan mo akong itakas si Lovier" pigil hininga kong paghingi ng tulong, baka kase hindi siya pumayag. Kung papayag man, wala na akong pakialam kung napipilitan siya.

Napangisi siya na ikinatigil ko muli "Lovier? Siya na naman?.. "

"Blake, kailangan niya ng tulong... Kahit papaano naging teacher natin siya——————"

"at naging boyfriend mo" pagdagdag niya sa ibang sasabihin ko sana. Nakikita ko ngayon ang pagkainis niya. "Eda... I don't understand... ni hindi ko nga alam kung tao ba ang mga iyon... lalo na ang kapatid niyang si Sir Dewei... bakit malapit ka sa kanila?" naguguluhan niyang pagtatanong.

Kinabahan ako bigla dahil baka nakakahalata na siya sa kakaibang kinikilos ng magkakapatid, hindi normal kumpara sa mga taong katulad namin.

Nagbaba ako ng tingin saka hinila ang tray papalapit sa akin "Kumain ka muna" pag-iiba ko na naman.

Hindi ko pa kase kayang sagutin ang tanong na iyon, kailangan ko ng pahintulot kay Dewei. Pero mukhang mahihirapan na akong kausapin ang isang iyon. Ginagawa ko rin ito dahil sa mga sinabi niya kagabi.

Hindi ko narinig ang pagangal niya, sa halip ay ramdam ko ang pagtitig niya. Ako na ang kumuha ng kutsara saka kumuha ng kaunting kainin ang ulam na may halong mainit na sinabawang gulay saka itinapat ang kutsarang hawak ko sa labi niya. Hinaantay ko na buksan niya ang bibig niya.

Pagtingin ko sa mga mata niya ay ganoon pa rin ang pagtitig niya, hindi sinusubo ang pagkain, nakakangawit na. Iniwas niya ang mukha sa kutsara "Blake... kailangan mong kumain"

"So you still care about me?" nahinto ako sa tanong niya, nasa tono ang panlulumo.

"Kain na... nilalagnat ka" salungat sa tanong niya ang isinagot ko. Naramdaman ko kase ang hindi normal na init ng temperatura niya kanina sa paghawak sa akin nang ako ay hilain papasok.

"Are you just doing this because of that Lovier?! ———————"

"Yes!" kaagad kong pampuputol sa kaniya, naguumpisa ng magtaasan ang boses naming dalawa. Kita ko sa gilid ng mata kong nalamukos niya ang sapit sa kama.

"Do you really love that guy?" may diin sa pananalita niyang ani, gumalaw ang panga niya matapos magtanong at madiin din akong tinignan. Naibaba ko ang kutsara sa plato.

'Paano niya ba talaga nalaman? Naniwala ba siya sa sabi-sabing Sugar Daddy ko lang si Lovier o napaghahalataan niya na talaga kami noon pa?'

"I saw everything..." umawang ang labi ko sa pagkabigla sa sinabi niya, nagsimula akong lalong kabahan.

"Nakita ko kung paano niyo tignan ang isa't isa... Mula sa classroom... kung saan pinaiwan ka niya upang masolo ka... pinapalayo ka niya sa akin... I heard it all.. Sa pagpasok niyo sa office niya... I saw it... hindi ko lang alam kung anong ginawa niyo doon... Kaya nagawa kong papuntahin ang Librarian nun.. " natulala ako sa kaniya.

Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko habang nakatingin sa naguumpisa ng lumuluha niyang mga mata.

"I saw you hugging each other... Talking while staring to each other's eyes straightly... parang gusto niyo na lang tignan ang isa't isa magdamag!"

"You're smiling at him.. that's the most sweetest smile I've ever seen.. You keep blushing every time he said something"

"I even saw you kissing Sir Cafaro passionately..." muli akong nagulat sa pag-amin niya.

"Sa rooftop mismo ng building na pag-aari ng pamilya ko! As if ayaw niyo ng bitawan ang isa't isa.. kaya wala ka sa prom... nung time na kumakanta ako para sa'yo... dahil nasa iba pala ang atensyon mo.. "

"You're in love with someone else that I did not expect"

Napamaang ako sa narinig. Umaalingawngaw ang boses niya sa pandinig ko kaya nagpabalik-balik iyon sa isip ko. Hindi ako nakaimik.

"Umalis ka na lang" pagtaboy niya bigla sa akin.

"Ayaw" nagulat man ay nagmatigas pa rin ako.

"Para ano pa? Para paasahin ako lalo?!"

"Para alagaan ka bilang best friend mo!"

"T*nginang best friend 'yan!"

Sagutan naming dalawa na halos magbulyawan na. Ikinatigil ko ang malutong niyang pagmumura. Napatitig sa kaniya, nalilito kung bakit siya nagkakaganito.

Lumipas ang ilang minuto ng pagtatalo namin ay hindi pa rin ako umalis dahilan para wala na siyang nagawa kundi manahimik na lang at napilitang kumain dahil sinusubuan ko. Ginagawa ko lang ang habilin ng ale kanina, baka lumala lalo ang lagnat niya kung hindi siya kakain.

Nagpatulong ako kay ale at sa iba pang mga kasambahay dito na linisin ang kwarto niya, tutulong pa sana ako pero sabi ng ale ay sila na daw bahala.

Nang matapos sila maglinis ay nag-iwan sila ng mga damit ni Blake dito saka ako sinabihang bihisan ko raw ito dahil natatakot sila na magbihis kay Blake na nakatulog matapos kong pakainin. Sa kalasingan na rin siguro.

"Po!? Sigurado po ba kayo? Wala po bang ibang lalaki dito na nagtatrabaho para magbihis sa kaniya?" nagugulat kong sabi sa ale.

Ngumiti sila ng mga kasambahay na nagkatinginan, para bang natatawa sa akin "Kaya mo na 'yan Ma'am, gagawin mo rin naman 'yan in the future. Ikaw pa lang ang nakapagpakain sa kaniya Ma'am, maski ang Mommy niya hindi niya sinusunod... Yiieee" saad ng isang babaeng kasambahay na parang kasing edad ko lang, mukha siyang bulate na kinikilig.

Napataas ang dalawang kilay ko na napasulyap sa damit ni Blake na hawak ko. "Eh teka sandali!—————" hindi natuloy ang pagtanggi ko nang paglingon ko ulit sa kanila ay kumaripas sila ng takbo palabas sabay sara ng pintuan.

Wala akong nagawa kundi napapadyak na lang nang pagpihit ko sa doorknob ay hindi ko mabuksan.

'Nilock kami dito, leche!'

Plano ko na sanang umalis habang tulog pa siya pero mukhang magkakaroon ako ng trabaho dito.

Humugot ako ng malalim na hininga saka kunot ang nuo na naglakad papalapit sa gawi ni Blake. Inilapag ko muna ang damit sa lamesa kung saan nakalagay ang maliit na plangganang may laman na maligamgam na tubig at puting bimpo.

Nakapamewang akong tinignan ang mukha niya, nangungunsume. Daig ko pa ang Nanay niya sa pagkakakunot ng nuo ko. Mukha siyang pagod na pagod.

'Pupunasan at... bibihisan mo lang naman... Bahala na bibilisan ko na lang'

Tinitigan ko pa muli ang mukha niya.

'Tulog ba talaga 'to? Paano kaya kung punasan ko lang tapos saka ko gigisingin para sabihan siyang magbihis mag-isa niya? Leche flan namam kase bakit ako ang pinapabihis!?'

Nagpiga ako ng bimpo nang isawsaw ko ito sa maligamgam na tubig bago ako naupo sa gilid ng kama malapit sa gawi niya at inumpisahang marahang pinunasan ang nuo niya.

Panay ang pagbuntong hininga ko habang inaasikaso siya. "Hmm.." narinig kong ungol niya animo'y binabangungot habang pinupunasan ko na ngayon ang bandang leeg niya.

Nahinto akong napatingin sa kaniya bago napabuga ng hiningang mas lalong maingat siyang pinunasan, baka kapag binihisan ko na at magising pa, sabihin pa niyang nirir*pe ko siya.

Paulit-ulit akong napasign of the cross habang kagat labing nagpapalitan ng tingin sa damit niya at suot niya ngayon. Naihilamos ko ang mga kamay ko sa pamomroblema kung paano ko siya uumpishang bihisan, nanlalamig na ako sa kinauupuan ko.

Urong sulong ang mga kamay kong inaabot ang dulo ng t-shirt niya matapos alisin ang pagkakakumot sa kaniya. Mahina kong nasampal ang sarili na pinapalakas ang loob na hubarin na ang suot niya nang mahawakan ko na ang dulo nito.

'Wala lang 'to! Wala lang 'to!'

Napaiwas ako ng tingin nang iangat ko na ang t-shirt niya. Dahil wala akong nakita, wala talaga akong nakitang mga pandesal niya!

Panay na ang paglunok ko habang pigil hiningang pinupunasan ang braso, dibdib at tiyan niya. Binilisan ko iyon sa maingat na paraan saka dali-daling kinuha ang bago niyang tee.

Lumapit na naman ako muli sa may uluhan niya upang buhatin ang ulo niya sabay shoot ko sa damit niya at binaba sa may leeg niya. Maingat ko ring inihiga ulit ang ulo niya saka ko binuhat ang braso niya upang sa bandang kamay naman niya ang ipapasok ko doon sa damit niya.

Lumipas ang ilang minuto ay naiwan akong pawisan sa pagbibihis pa lang sa pang-itaas niya, paano pa kaya sa pang-ibaba niya! Basa rin kase, hindi ko alam na nililigo na pala ngayon ang alak. Nakakapagod siyang buhatin, akala mo kung sinong magaan.

Muli akong napadasal ng 'di oras nang hawiin ko na ang kumot sa may baba niya. Pabalik-balik akong naglakad dito, nag-iisip ng paraan.

'Ano kaya kung magdrama ako na masama ang pakiramdam, baka posibleng makatakas na ako dito. L*ntik kase na 'yan, bakit kase dito pa ako pumunta?!'

Hanggang sa may naisip akong ideya. Nakapiring ngayon ang mga mata ko, sa kanang kamay ko ay hawak ang damit niya pangbaba, ang isang kamay ko naman ay gamit pangkapa. Nag-iingat pa rin dahil baka may iba akong mahawakan.

Panay ang paghugot ng hininga ko at paglunok habang nararamdaman ko ng nagwagi akong tanggalin ang butones niya sa pantalon na suot. Ngayon naman ay maingat kong binababa ang zipper niya! Leche na!

'My gas! My gas! Panginoon, wala akong ginagawang masama, napagutusan lang! Papalitan ko lang siya ng damit!'

Halos manginig ang mga kamay kong maingat na binababa ang pants niya ngayon, hindi ko kase matuloy-tuloy ibaba ang zipper niya kaya nahihirapan ako ngayon. Muli akong nagkakapa at tinatansya kung saan banda ang zipper niya, hindi kase matanggal ang pants dahil kulang ang pagkakababa ko ng zipper.

Natatagalan ako lalo dahil ingat na ingat ako sa pagkapa ko.

'Juice colored. Magkakasala ako ng 'di oras nito! Usap ang gusto ko upang mangyari ang plano ko... hindi para mag apply ng trabaho! Anak ng butanding na 'yan'

Hanggang sa pagbaba ko na ng suot niyang pantalon ay kabado pa rin ako hangga't 'di ko napapasuot itong hawak kong bagong pants.

'konti na lang... malapit na.. konting taas pa.. My gas!'

Nakahinga ako ng maluwag nang maramdman ko ng sa wakas ay napasuot ko rin ng maayos. Nagmukha akong timang hanggang sa pagkukumot ko sa kaniya, sinisigurado ko lang na wala talaga akong makikita kapag tinanggal ko na ang piring ko. Hawak ko ang hinuban niyang damit at akmang tatayo na ng maayos nang ikinagulat ko bigla ang nangyari.

May marahas humila ng braso ko dahilan upang masubsob ang mukha ko sa kung saan lalo na ang nguso ko sa malambot at may katamtamang init na bagay. Tatayo sana ako agad nang muli akong hinila nito papalapit saka hinawakan ang uluhan ko, mukhang pinagduduulan niya ako sa bagay kung saan nakadampi ang nguso ko.

Pigil hininga akong naistatwa sa pwesto at lalong nagulat nang unti-unti niyang tinanggal ang piring ko. Pagbaba ko ng tingin ay mas malaki pa sa melon ang pamimilog ng mga mata ko nang makitang si Blake ay nakadikit ang labi niya sa gilid ng labi ko!

'LECHEEEEEE!!!'

Nabitawan ko ang labahan niyang damit sa pagkagulat at hindi nakakilos agad. Lalo akong maguguluhan kung bakit niya ngayon ito ginagawa.

Nang matauhan ako ay saka ko siya naitulak nang malakas at sa mabilisn kong pagatras ay muntikan pa akong natumba. Gulat na gulat akong naghahabol ng hininga kahit dampi lang ang ginawa niya. Kita ko ang pagkatigil niya nang itulak ko siya sa lakas ng makakaya ko.

"Leche flan ka! B-bakit mo ginawa 'yun!? T-tsaka kanina ka pa ba gising!? Ba't 'di mo sinabi!?" naghahalong galit at pagkagulat kong sabi dinuduro siya.

"I just took my medicine" normal niyang sabi saka kinuha ang baso ng tubig at uminom doon, para bang umiinom talaga ng gamot!

"Leche ka talaga! Halik ang kinuha mo hindi gamot!" bulyaw ko dito saka napasabunot sa sarili sa pagkainis dahil tinitignan niya lang ako habang umiinom ng tubig.

Nabub*sit ako lalo sa mukha niya. Nakakagigil dahil gising na pala siya, hinayaan niya pa talaga akong bihisan siya ng pants!

Siya pa talaga ang may ganang mapabuntong hininga na para bang walang ginawa.

"Naniningil lang ako agad para sa pagtakas ng boyfriend mo" anito, nawala ang inis kong reaksyon.

'Tutulong siya?'

Napakurap ako ng ilang beses.

'Pero kailangan niya talaga akong halikan!?'

Nagsalubong muli ang mga kilay ko sa kaniya.

'Wala pa nga kaming label tapos boyfriend? Ni hindi pa niya ako niligawan...'

"Tch, hindi pa nga nakakaplano——————"

"Look, I will help okay?.. Ba't parang galit ka pa rin?" nadagdagan ang inis ko dahil kung magsalita siya ay parang wala siyang balak magsorry sa ginawa niya kahit alam niyang may relasyon nga kami ni Lovier!

"Praning ka pala eh, pagtapos kitang subuan, painumin ng gamot tsaka bihisan, nagnakaw ka pa talaga ng halik! Namimihasa ka na ah!" pasigaw kong ani sa galit.

Ang loko, nginisihan lang ako!

"Ikaw rin, ba't ba kase ang ganda mo pagnagagalit?" natuptop ko ang bibig ko sa kaniyang sinabi, para bang lalo akong inaasar.

Humupa na siguro ng lagnat kaya ganito kalakas ang loob na sabihin ang mga 'yun. Para bang hindi kami nagsagutan kanina kung mang-asar ngayon. Hinayaan ko na lang sana, leche.

Napapikit ako sa inis at napakuyom ang mga kamao "Susi" tipid kong ani na may diin sa salita.

Napataas ang parehong kilay niya, tinignan ako ng nagtatanong na tingin "Nilock nila 'yung pinto" giit ko na hindi inaalis ang pagkakasalubong ng mga kilay.

"Oh.." anito sabay kros ng mga braso at sulyap sa pinto "Good news" ikinatigil ko muli ang sinabi saka ako binalingan ulit ng tingin "You can sleep with me... here" napamaang ako sa kaniya habang tinatapik niya ang higaan sa gilid niya.

Inis kong kinuha ang unan sa gilid niya at binato iyon sa mukha niya dahilan para tumawa ito ng pagkaloko. Padabog akong naglakad papunta sa may pintuan saka inis na tinutoktok ang pintuan. Balak pa yata akong ipahawa sa lagnat nitong mokong na 'to!

"Pabukas po! Kailangan ko na pong lumabas!" alam kong may tao sa labas at ang mga ibang kasambahay iyon na nakabantay. Pinipihit ko ng pinipihit ang doorknob na kulang na lang ay mabali ito dahil walang tumutugon.

Nakabusangot akong nilingon siya pero paglingon ko ay ang mokong nakahiga na ulit saka nakatagilid na mukhang natutulog ulit.

"PABUKAS POOOO!!"

.
.
.
.

Nakaupo ako sa isang silya sa gitna nitong gilid ng napakahabang lamesa kaya may agwat ang pwesto namin ng Banda. Sa kamay ko lang ako nakatingin dahil ramdam ko ang mga tingin nila.

Nagtataka siguro sila kung anong trip ko at naka face mask pa talaga ako ngayon. Proteksyon ko lang 'to. Proteksyon sa labi kong virgin pa noon, pero ngayon ay apat na lalaki na ang gumalaw. Magpapalit na nga ako ng shampoo sa susunod, nakakaloka.

Sa plano ko ay napagtagumpayan kong makuha muli ang loob ng Banda hindi para makipagayos ng ganoon kadali, kundi pagtulungang itakas si Lovier sa puder ng mga taong iyon.

Nasa dulo naka upo si Sir Dewei na siya ang nagpasimuno ng planong ito, napasunod lang ako dahil sa may atraso din ang pamilya ko sa kanila. Nagsisimula na kase akong matakot sa kaniya magmula sa pagsubok niyang paslangin ako.

Akala ko ready na akong matigok, hindi pa pala. Duwag pa rin ang Eda niyong pagod. Kahit sinong tao naman siguro matatakot kahit pa gaano kagwapo ang papatay sa'yo.

"Ahm... Eda may sakit ka ba?" pagtatanong ni Aaron sa tabi ko, nalingon ko siya bago sila tinignan isa-isa at nag-iwas rin ng tingin.

Hindi ako kumibo at inayos lang ang salamin ko saka bahagyang umurong papalayo kay Aaron kahit may espasyo ang pwesto namin sa laki ng lamesa. Dilekado din ang isang 'to kaya wala pa man ay umiiwas na ako, baka siya ang sunod na magnakaw sa akin.

"Bro, baka kasama 'yan sa outfit niya for today" binulong pa ni Vien kay Aaron iyon kahit maririnig ko naman dahil nasa kabilang gilid ko lang siya. Naniwala naman si Aaron dahil tumango-tango ito saka ako sinulyapan, nag-iwas ako ulit ng tingin.

"So what's the plan?" tanong agad ni Blake, ni hindi man lang nagtanong kung bakit dito sa lugar ni Sir Dewei kami pinapunta.

Nilingon ako ni Dewei kaya silang lahat ay nilingon rin ako. Para bang sa tingin nila ay ako ang mangunguna sa planong ito.

Awkward pa ang pakikipag-usap naming lahat. Sa madaling salita ay hindi kami komportable habang nagmi-meeting kaya napapaisip tuloy ako kung magiging maayos ba ang daloy nito.

"Matanong ko lang... bakit nga pala kinuha si Sir Cafaro ng mga tao? And bakit tao ang ginagamit na term as if hindi kayo tao?" kuryosong pag-iibang tanong ni Vion. Hindi ko inaasahang maiisip niya ang tanong na iyon.

"Because we're not human... me and my brother Dontai" ikinagulat ko ng diretsahang sinagot iyon ni Dewei na dapat ay sinisekreto.

Lahat sila ay pare-parehong naging reaksyon sa sinabi ni Dewei. Magkahalong pagtataka at gulat, naroon rin ang natatawang itsura sa pagaakala ng iba na nagbibiro ito.

"Ahm... I'm not joking... please answer my ques——————"

Hindi na natapos ang sasabihin ni Vion nang ikinagulat naming lahat ang diretsahang pagtingin sa kanila ni Dewei at biglang nag-iba iba ang kulay ng kaniyang mga mata.

Pare-pareho sila ng naging reaksyon muli, ang ilan sa kanila ay akmang tatayo sa kinauupuan pero hindi natuloy nang mapaupo sila ulit sa isang tingin lang ni Dewei.

Nagkatinginan na naman ang Banda saka sabay-sabay na "AAAAHHHHHH!!" sumigaw.

Nagpakawala ako ng malalim na hininga sa reaksyon na naman nila, parang nasisiraan ng bait.

"Mre! May mulno! May mulno! Marang may ngumangawak ngain" (Pre! May multo! May multo! Parang may humahawak sa'kin!) natutulirong pagsusumbong ni Patrick kay Vien na isa ring praning, napayakap na naman sa kambal niya.

"Ngoy! Ngino nga ma mungod na ngamanid nga ni Nir Ngamalo!?" (Hoy! Sino ka ba bukod sa kapatid ka ni Sir Cafaro!?) duro pa ni Patrick kay Dewei na nakataas lang ang parehong kilay sa pananalita nito.

Nalingon ako ni Dewei na mukhang alam na agad ang dahilan kung bakit biglang na ngongo si Patrick.

"HA?!" sabay-sabay na pagtatanong ng Banda, hindi siguro naiintindihan ang sinasabi nito.

"Hamon!" 'yun na yata ang salitang tamang nabanggit ni Patrick na mukhang namangod na na mananalina.

Nabatukan tuloy siya ni Aaron ng 'di oras. Ang lutong ng pagkakabatok, tagos hanggang sa bunbunan.

"I can't believe you have a crazy friends like you" pabulong na ani Dewei sa akin kaya bahagya na naman akong umatras papalayo. Umiiwas para sure.
.
.
.

Malalaki ang mga mata ng Banda habang nakikinig sa pagamin at pagpapaliwanag ni Dewei sa kanila kung ano sila. Si Vien at Patrick ay namumutla na, mukhang unti-unti ng naniniwala.

"Wait... so you're saying that mga bampira ang lahi nin'yo kaya kinuha nila si Sir Cafaro?" paulit na pagkaklaro sa tanong ni Aaron kay Dewei, tinapunan ko ng tingin si Blake na malalim ang iniisip.

Nag-angat bigla ng tingin si Blake naging dahilan para mahuli niya akong nakatingin pero kaagad rin akong umiwas, kunwari hindi talaga ako tumingin.

Tumango si Dewei mula sa tanong ni Aaron. Nagkatinginan ulit ang Banda, nasa mukha nila ang hindi makapaniwala.

"I knew it" tuluyan naming sabay na nilingon si Blake sa pagsasalita niya. Aakalaing pinag-aralan at inimbestigahan niya si Lovier noon at kinompara kay Dewei upang masabi niya iyon.

"Seriously? Bro, pati ikaw naniniwala sa mga sinasabi niya? Ni hindi nga natin kilala 'yan?... Mukha pang monster matapos mag iba-iba ng kulay ng mga mata niya!" mahabang pagpoprotesta ni Vion na pilit inaalis ang mga braso ni Vien na nakapalupot sa kaniya.

"What the f*ck? Monster? Monster is different from vampire... I'm too handsome to be freaking monster" pakikipagdebate na ni Dewei. Ayos na sana ang pagkaserious effect niya kung hindi niya hinaluan ng electric fan, masyadong mahangin.

"Ay meganon? Bro mukhang may kapareho ka na, papayag ka bang talbugan ka niyan?" nawala na ang pagkaOA ni Vien, sumingit bigla sa usapan sabay baling kay Blake na isa ring mahangin.

Binigyan siya ng nakamamatay na tingin ni Blake dahilan para magtago ito sa likod ni Vion.

"That's why we need to plan everything... I'm very sure na hindi lang mga tao ang may hawak kay Dontai... Hindi maiipit ang kapatid ko kung tao lang ang nagbabantay doon" wika ni Dewei, hindi nakukuya.

Hindi umimik ang Banda, nasa mukha pa rin nila ang pagkagulo. Kung maniniwala ba sila o hindi. Naiisip siguro kung nanaginip lang ba sila na totoong may bampira, ganyan rin ako nung una kong malaman iyon.

Sinabihan ko na rin sila kung bakit ito gagawin bago pa man sila makapunta dito sa lugar ni Dewei. Sinabi ko na rin sa kanila isa-isa na hindi si Lovier ang nanamantala sa akin sa kwarto doon sa hotel, sa una ay hindi sila naniwala hanggang mapansin nila ang pagkaseryoso ko at naniwala na sila. Hindi ko pa nasasabi kung sino ang totoong bumaboy sa akin nung gabing iyon dahil mahirap ipaliwanag.

Inaasahan ko ng mahirap kuhanin ang loob nila para sa ganitong sitwasyon dahil lubhang napakadelikado ng gagawin namin at kami-kami lang ang magtutulungan, hindi kami pwedeng manawagan sa pulis dahil maski ang mga iyon ay paniguradong bantay sarado kay Lovier.

"I'm in" nag-angat ako ng tingin kay Blake sa desisyon niya, ngunit pagtingin ko ay nasa akin ang tingin niya. Sa tingin niyang iyon ay parang sinasabi niyang gagawin niya dahil sa akin.

"Me too" si Aaron naman ang sumunod na pumayag. Kahit may nakapagdesisyon na ay pigil hininga pa rin ako, hindi sapat ang apat sa gagawing plano.

"Ako rin" si Vion.

"Ang tunay na kaibigan hindi nagiiwanan, kundi nagdadamayan. Game ako d'yan syempre!" paghirit pang ani Vion.

Napamaang ako sa sunod-sunod nilang pagsang-ayon na napasunod lang din ng tingin sa kanila. Nakaramdam tuloy ako bigla ng guilt dahil matapos ko silang tabuyin sa paghingi nila ng tawad, susugal pa rin sila upang tulungan ako at ang ibang tao—————este si Lovier.

"Ango nin, nali ango" (Ako rin, sali ako) alam niyo na siguro kung sino 'yun.

Kaunting katahimikan bago nila ako sabay na nalingon. Hindi ako umimik, kanina pa ako hindi nagsasalita at nanatiling tahimik lang. Tango lang ang naging sagot ko, para kaseng kapag nagsalita ako ay 'di oras gagaralgal ang boses ko.

Magkahalong pananabik, takot at kaba ang nararamdaman ko nang maisip kung ano kaya ang mangyayari sa pagpapatakas namin kay Lovier.

****

Continue Reading

You'll Also Like

21.2M 544K 37
"Do you want to be his favorite obsession?" DAHIL sa isang trahedya, ikinubli ni Virgo ang kagandahang taglay. Itinago niya iyon sa pamamagitan ng pa...
4.9M 342K 54
Jewella Leticia is not just the Goddess of the Moon, but the new Queen of Parsua Sartorias. *** For Leticia, being honored as the queen and goddess o...
3.9K 1.1K 16
She's vile; She's cold; She's elusive-and she has a secret. . . Sinclair Emberwood is meek and quiet, like a worn and torn doll, thrown away into the...
55.2K 2.1K 60
Every people have a hidden Secret . She's Shion, a maid of Family Hart and she's 'THE MYSTERIOUS MAID'