The Love Encounter (Varsity B...

By kotarou-

60.1K 2.8K 129

VARSITY BOYS SERIES #2: THE LOVE ENCOUNTER Content Warning: The Varsity Boys Series features a BL (Boys' Love... More

VARSITY BOYS SERIES #2: THE LOVE ENCOUNTER
Prologue
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
ARCHER ELLIS
Chapter 61
Chapter 62
Kean Anthony Leondones
Epilogue
VARSITY BOYS SERIES 3: BREAKING THROUGH THE CLOUDS

Chapter 10

921 44 0
By kotarou-

Chapter 10 




"You sure, ayaw mong sumabay?"

Muling tanong ni Stella sa akin nang makababa kami sa lobby ng building. Alas-sais na nang hapon at kakatapos lamang ng huling subject namin para sa unang araw ng klase.


Umiling ako. "Hindi ayos lang ako, may kasama naman ako." Sagot ko.


"Okay. See you, tomorrow nalang Eli."


Tumango ako at nagpaalam na rin sa kanila. Kumaway pa si Yuri sa akin.


"Ingat, Eli." Pahabol namang sabi ni Flynn.


Sinundan ko sila ng tingin na maglakad palabas ng building kasabay ang iba pang estudyante na papauwi na.


Nang hindi ko na sila matanaw ay naupo nalang ako sa isa sa mga upuan sa lobby para intayin si Keano. Sabi niya ay malapit na rin naman matapos ang klase niya.


Habang nagiintay ako roon ay dumating naman si Allen. Kaagad itong lumapit sa akin nang makita niya ako.


"Kumusta, first day?" Tanong niya nang makaupo siya sa tabi ko.


"Okay naman. Nakakapagod, pero masaya." Sagot ko.


Ikinuwento ko sa kaniya ang nangyari sa akin sa maghapon. Sinabi ko rin sa kaniya na may mga bagong kaibigan na akong nakilala.


"Mabuti at may mga kaibigan kana agad. Pero huwag kang magtitiwala agad sa mga nakikilala mo, iba ang Manila sa probinsiya." Bilin niya sa akin.


"Opo itang." Biro kong tugon. Humalakhak naman siya at ginulo ang buhok ko.


"Eli,"


Nahinto kami sa kulitan nang may tumawag sa akin. Si Keano pala. Kasama niya ang mga kaibigan niya.


"Let's go." Tipid niyang sabi saka nauna nang maglakad palabas. Kasunod naman niya sina Dylan na nakikipagkulitan kay Lou at si Kenny na binigyan ako ng maliit na ngiti, wala si Sandy. 


Tumayo naman kami agad ni Allen upang sumunod sa kanila. Sabay na kaming lumabas at nagpunta sa parking lot ng university.


Naghiwa-hiwalay lamang kami nang makarating kami roon ay sumakay sila sa kaniya-kaniya nilang mga sasakyan.


"Bukas ulit, Eli. Ingat!" Paalam ni Allen bago ako makasakay sa kotse ni Keano. Tumango ako at kumaway sa kaniya bilang paalam.


Sa backseat ako naupo dahil si Kenny ang nasa tabi ni Keano. Duon rin pala siya nakatira at nakisabay sya sa amin dahil sira raw ang kaniyang kotse.


Pagpasok ko ay kaagad na pinaandar ni Keano ang kotse. Habang nasa biyahe kami pauwi ay tahimik lamang si Keano na nagda-drive habang si Kenny naman ay kinakausap ako.


Tinanong niya kung kamusta ang unang araw ako at katulad ng sagot ko kay Allen kanina nang mga naging sagot ko. Kami lamang dalawa ni Kenny ang nagsasalita buong biyahe hanggang sa makarating kami sa building.


"Sige, una na 'ko." Paalm ni Kenny nang huminto ang elevator sa floor ng unit niya.


Tipid lamang tumango si Keano sa kaibigan. Wala ba siya sa mood? Kanina ko pa napapansin ang pagiging tahimik niya, ang awkward sa pakiramdam.


Nang makarating kami sa unit niya ay dumiretso siya sa kaniyang kwarto nang walang imik. Nagkibit balikat nalang ako nang isara niya ang pinto.


Ako naman ay nagpalit ng damit muna bago nagluto ng hapunan. Nang matapos akong makaluto ay kinatok ko na siya para makapag hapunan.


Hindi ko alam kung anong gusto niyang ulam, sinigang na baboy na lamang ang aking niluto.


Hanggang sa pagkain ay ang tahimik pa rin niya. Nailang ako sa pagiging tahimik niya kaya hindi ko maiwasang panaka-naka siyang sulyapan habang kumakain.


"Stop it Eli."


Nagulat ako nang magsalita siya. Hindi galit ang kaniyang tono ngunit hindi rin iyon masaya.


Nag-angat siya ng tingin sa akin.

Awkward naman akong ngumiti at napayuko nalang.


"Uh, may problema kaba? Ang tahimik mo." Hindi ko napigilang tanong sa kaniya. Hindi ko pa rin siya tinatapunan ng tingin.


"Wala, medyo pagod lang."


Napatango nalang ako sa sagot niya at hindi na muli pang nagtanong. Nang matapos kaming kumain ay nagsabi siyang siya na ang maghuhugas ng pinggan.


Gusto ko sanang pigilan siya ngunit hindi ko nalamang ginawa.


Pumasok nalang ako sa kwarto ko para makapag pahinga na. Wala pa naman akong aaralin ngayong gabi kaya naman pinili ko nalang magpahinga ng maaga nang matapos kong tawagan sina Lolo.


Kinabukasan ay ganon ulit ang routine ko. Gumising ako ng maaga para magluto ng umagahan. Nang lumabas si Keano sa kaniyang kwarto ay naka bihis na ito ng puri niyang uniform.


Saglit akong natulala nang makita siya. Hindi kasi siya naka uniform kahapon, kaya ito ang unang pagkakataong makita ko siyang suot iyon.


Bagay na bagay sa kaniya ang puting uniporme. Gwapo na siya, pero mas lalo siyang gumuwapo dahil roon. Naka ayos ang kaniyang buhok sa magandang istilo. Napaka aliwalas ng kaniyang itsura.


Ang sarap niyang pagmasadan!


Eli! Ano bang pinagsasabi mo?!


Nagising ako sa pagkakatulala ko dahil sa sigaw na iyon sa aking isip. Naramdaman ko ang paginit ng mukha ko kaya napailing lang ako.


"Ayos ka lang Eli? Namumula ka." Puna sa akin ni Keano nang makaupo ito sa mesa.


Kaagad na naglaro sa aking ilong ang kaniyang mabangong amoy.


Para naman akong natinik dahil sa tanong niya. Hindi ako kaagad naka hanap ng mga salitang pwedeng sabihin.


"Uh,-ano oo ayos lang ako! Ano- medyo mainit lang." Naaligaga kong sagot sa kaniya.


Iniwasan kong tingnan siya at sa pagkain nalang itinuon ang aking atensyon.


"You sure?" Paninigurado nito.


Muli akong tumango sa tanong niya. Kung anu-ano naman kasi ang pinag-iisip mo Eli! Hindi ko nalang siya ulit binalingan ng tingin hanggang sa umalis kami sa condo.


Nag text sa akin si Stella na nasa university na sila at iniintay nila ako sa lobby ng building naming upang sabay-sabay kami magtungo sa auditorium para sa general assembly and orientation ng mga first year students.


Nang makarating kami roon ay gulat silang lahat nang makitang kasama ko si Keano. Ay, oo nga pala hindi ko nasabi sa kanila na kilala ko ang isang to!


"Maico,"

Bati ni Keano kay Maico na naalala kong kapatid ng kaibigan niyang si Dylan. Nakipag bro fist ito sa kaniya nang makalapit kami sa kanila.


"Kuys, kumusta. Magkakilala pala kayo ni Eli?" Tanong ni Maico na bumalik ang tingin sa akin.


"Ah- oo hindi ko nasabi sa inyo kahapon." Sagot ko. May hiyang nararamdaman.


Sina Stella at Yuri ay hindi nagsasalita at titig na titig lamang kay Keano.


"Yeah. Eli is my uh, friend. Anyways, baka malate na kayo sa assembly malapit na magstart." Sabi ni Keano.


Humarap ito sa akin at sinabing mauuna na. Nang makaalis si Keano ay duon palamang tila natauhan ang dalawang babae.


"Oh my gosh ang gwapo niya!"


"Ang hot grabe! Ang bango pa!"


Iyon ang mga unang salitang namutawi sa bibig ng dalawang babae. Narinig ako ang pagbuntong hininga ni Maico habang umiiling pa ito.


"Let's go Eli, hayaan mo na 'yang dalawang baliw na 'yan." Pag aya sa akin ni Flynn na nauna nang maglakad kasama si Maico.


Napangisi akong sumunod sa kanila. Iyong dalawang babae naman ay tumakbo rin kasunod namin at pareho silang umangkla sa aking dalawang braso.


Medyo nailang ako dahil hindi ako sanay na may umaangkla sa aking braso, lalo pa at mga babae. Hindi tuloy maiwasang makakuha kami ng atensyon habang naglalakad papunta sa malaking auditorium ng university.


"Hindi mo naman sinabi samin, na kaibigan mo pala si Kean Eli." Sabi ni Stella.


"Kaya nga. Magkasama tayo maghapon e, hindi mo man lang nabanggit sa amin." Dagdag pa ni Yuri.


Alanganin akong ngumuti. "Ah ano kase, uh nawala sa isip ko." Palusot ko.


Nang makarating kami sa auditorium ay malapit na nga magumpisa ang program. Sa likod na kami naupo para rin madaling makalabas mamaya.


Sa buong duration ng orientation ay wala namang lubay sa pagkausap sa akin ang dalawang babae patungkol kay Keano. Nasa pagitan nila akong dalawa, habang sina Flynn at Maico naman ay nasa magkabila nilang gilid.


"Shh. Can you both stop for a while? Ang ingay niyo." Sabi ni Maico sa dalawa na nakapag patigil ng kanilang pagtatanong sa akin.


Napanguso si Stella at hinampas sa braso si Maico.


"Ang epal mo. Tsk." Naiirita nitong sabi sa kaibigan.


"Tama si Maico. Makinig na muna tayo sa speaker." Sabi ko.


Wala namang nagawa iyong dalawa kundi ang sumangayon.


Lunch break nang matapos ang orientation dahil kasabay nito ang pagpipresent ng ibat ibang clubs at orgs na pwedeng salihan ng mga estudyante.


Sa cafeteria ng university na kami dumiretso dahil mas malapit iyon kaysa sa cafeteria ng aming college building.


Akala ko ay nakalimutan nan g dalawa ang paguusisa sa akin tungkol kay Keano ngunit hindi pala. Duon nila iyon ipinagpatuloy, at wala naman akong nagawa kundi ang sagutin sila sa bawat tanong nila. 

Continue Reading

You'll Also Like

2K 237 11
Arcoíris Series 2: Still Into You • BxB Wala naman talaga siyang pakielam sa pisteng pag-ibig na yan. Gusto niya lang mag-aral ng mabuti para sa kina...
4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...
980K 33.7K 76
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
1.1K 92 35
Miguel, grappling with the loss of his lover Felix, strives to move forward and build a new chapter in his life. Ivan, another close friend and admir...