Marrying A Mafia✓

By YourAuthorJaz

71.7K 1.4K 50

COMPLETED STORY Alicia never expected to fall into an arrange marriage. And she definitely didn't expect that... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Epilogue

Chapter 26

1.1K 27 1
By YourAuthorJaz

Alicia's POV

Isang linggo na ang lumipas at kakauwi lang namin ni Lucas nung isang araw mula sa Paris. Nang ihatid niya ako dito sa mansion ay hindi na siya nagtagal dahil kaagad din siyang umalis at hanggang ngayon ay 'di ko pa siya nakikita. Ni-hindi siya tumatawag o nagtetext man lang.

Nakakapagtaka nga lang dahil hindi ko alam kung bakit siya nagkaganun. Naging maayos naman ang samahan naming dalawa nung nasa Paris kami, pati nung pauwi na kami. 

Napabangon ako nang may biglang kumatok sa pinto. Kaagad ko itong binuksan at umaasang si Lucas 'yon pero si kuya lang pala.

"Pasok ka," matamlay kong sabi at mas nilakihan ang bukas ng pinto.

Naglakad naman siya papasok habang ang kanyang mga kamay ay nasa kanyang bulsa. Seryoso ang kanyang itsura habang nakatitig sa akin.

I know that look. Something is wrong.

"Bakit, kuya?" tanong ko.

"Haley, may sasabihin ako sayo," panimula niya.

"Ano 'yon?" tanong ko. Wala pang sinasabi si kua pero agad na akong binundol ng kaba.

"Umupo ka muna," sabi niya at hinila ang braso ko tsaka pinaupo sa kama.

"Ano ba 'yon, kuya? Bakit parang seryoso ka? Tungkol saan ba iyon?" sunod-sunod kong tanong.

"Tungkol kay Marcus," kaagad bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ko ang kanyang pangalan.

"What happened to him?" tanong ko.

"Tumawag 'yung mommy niya kanina. Sabi niya, nasa ospital daw si Marcus." Tinignan niya ako ng diretso sa mata na tila nahihirapang ituloy ang gustong sabihin.

"Bunso, c-comatose si Marcus," utal niyang sabi.

Napaawang ang aking bibig at pilit iniintindi ang mga sinasabi niya.

"W-what happened?" tanong ko.

"Hindi ko alam. Hindi sinabi ni tita ang sanhi. Pero, pinapapunta ka nila at sila na lang daw ang magsasabi sayo," kaagad akong tumakbo papunta sa walk in closet ko para magbihis. 

I need go see him now!

Nagpahatid na lang ako kay kuya dahil baka kapag ako ang nagmaneho ay mabangga ko pa ang sasakyan lalo na at lumilipad ang utak ko ngayon at nawawala ako sa tamang wisyo kakaisip kay Lucas.

Wala pang kalahating oras nang marating namin ang ospital kung nasaan si naka-confine si Lucas. Nauna na akong bumaba ng sasakyan at hindi na inabalang hintayin pa si kuya. 

Pagpasok ko sa loob ay kaagad kong tinanong sa nurse ang room number ni Lucas. Nang maibigay niya ito ay saktong dumating na si kuya kaya sabay naming tinahak ang elevator hanggang sa nakarating kami sa floor kung nasaan ang kwarto niya.

Tahimik ang buong floor at nagkalat sa hallway ang mga tauhan ni Lucas. Pinadaan naman nila kami nang makilala kami at pagkarating namin sa tapat ng kwarto niya ay agad kaming sinalubong ng mommy niya.

"Hija," pagtawag niya sa akin. 

"Tita, what happened?" nag-aalalang tanong ko.

Hinawakan niya ang kamay ko at tinignan ang asawa niya.

"Ikaw na muna ang bumili ng pagkain," sabi niya kay tito.

Tumango naman ito at sumakay ng elevator. Sinama rin ni tito si kuya kaya naiwan kami ni tita sa tapat ng kwarto ni Lucas.

"Naalala mo nung nakauwi kayo galing Paris?" tanong niya at tumango ako.

"Nung hinatid kana niya pabalik sa bahay niyo. Pag-alis niya, hindi niya namalayan na may nakasunod sa kanya. Hindi bullet proof ang kotse na dala niya kaya nung barilin 'yon ng kanyang kalaban ay hindi niya nakontrol ang pagmamaneho at nabangga niya ang isa pang kotse. We'd almost lost him when he is at the operating room. Sabi ng doktor, maraming dugo ang nawala sa kanya. Pero lumaban siya, hija. Ang nakakalungkot nga lang ay nacomatose siya," mahabang paliwanag niya. Unti-unting pumatak ang luha ko habang papalit-palit ang tingin ko kay tita at kay Lucas na ngayon ay nakaratay sa kanyang kama.

Bakit naman ngayon ko lang 'to nalaman?!

"K-kamusta na po siya?" nauutal kong tanong habang pinipigilang humagulgol sa harap ni tita.

"Sabi ng doktor, wala na siya sa binggit ng kamatayan at hintayin na lang natin na magising siya," sagot niya na ikinatango ko naman.

Binitawan ni tita ang kamay ko kaya naman mabilis kong nilapitan si Lucas. Ang daming aparatus ang nakakabit sa kanya ngayon at puro sugat ang buong katawan niya pati na rin ang ilang bahagi ng kanyang mukha.

Nanginginig kong hinawakan ang kamay niya at napaluhod na lang hanggang sa makapantay ko na ang kama niya. Patuloy pa rin ang pag-agos ng luha ko habang hinahalik-halikan ang kamay niya.

"Lucas, please wake up," pagmamakaawa ko habang nakakulong sa dalawang palad ko ang kamay niya.

...

"Alicia, please. Kumain kana," pagpupumilit ni kuya sakin habang may dalang tray na may pagkain. 

Hindi ako umimik at umiling na lang bilang sagot.

Nakarinig ako ng katok mula sa pintuan ng aking kwarto pero hindi ako nag-abala pang lumingon.

"Mommy, ayaw talaga kumain ni Haley," sumbong ni kuya.

"Bumaba kana muna. Ako na bahala sa kapatid mo," rinig kong sabi ni mommy.

Hindi umimik si kuya pero malamang ay tumango lang ito at naglakad na palabas ng kwarto ko.

"Nak," malumanay niyang tawag sakin at umupo sa tabi ko.

"Mahal mo na ba si Marcus?" tanong niya.

"Mommy, magkakaganito ba ako kung hindi ko siya mahal?" pilosopo kong sabi.

I don't mean to be rude but it's obvious that I love him.

Bakit kailangan pang itanong?

"Kung mahal mo siya, bakit mo pinapahirapan ang iyong sarili?" tanong niya ulit.

"Sigurado akong hindi papayag si Marcus na pabayaan mo ang sarili mo," dugtong niya.

"Ang hirap kasi, mommy eh. Alam mo 'yung tipong baka dumating 'yung araw na bigla na lang siyang mawawala ngayung mahal ko na siya," mabilis namang namuo ang mga luha sa mata ko at pinipigilan ko lang na tumulo ang mga ito.

"Wag mong sabihin 'yan, anak. Diba sabi ni mare, muntik nang mamatay si Marcus nung nasa operating room siya. Pero lumaban siya para sayo. Sana, ganun din ang gawin mo para sa kanya. He won't be happy if he knows that you are torturing yourself," paliwanag niya at hinawakan ang pisngi ko.

"So please, kumain kana kahit konti lang. Gusto mo bang subuan kita tulad ng ginagawa ko nung bata kapa lang?" tanong niya at natawa naman ako kasabay nang pagtulo ng luha ko pero agad 'yon pinunasan ni mommy.

I don't know what will happen to me if my mom is not here by my side.

...

"Hi, Alicia. Pumunta kana rin sa wakas." Nakangiting sabi ni Macy sabay yakap sa akin.

"Okay kana ba?" tanong niya.

"Yeah. A little bit." Nakangiti kong sabi.

"That's good to hear. Pumasok kana sa rink. Nandun na silang tatlo." Tumango ako at kinuha ang sapatos ko sa shelf.

Nang suotin ko ito ay tila parang may naapakan akong kung ano pero hindi ko na ito pinansin dahil madalas naman akong may parang nararamdaman kapag sinusuot ko ang skating shoes ko. Siguro guni-guni ko lang ito.

Pumasok na ako sa loob ng rink at sinabayan sila sa pag-eensayo.

"Aray!" Sigaw ko at agad napaupo sa yelo.

T*ngina ang lamig!

"Alicia!" Sigaw ni Macy.

Natigil din ang tatlo sa ginagawa nila at mabilis ang nilapitan tsaka tinulungan palabas ng rink.

"Oh my gosh! What happened?!" naguguluhang tanong ni Hannah.

Hinubad ko ang sapatos ko at tumambad sa amin ang kaliwa kong paa na nagdudugo. Sh*t! Ang hapdi!

Kumuha naman sila ng panyo na pwedeng pangtakip ng sugat ko dahil sa walang tigil na pag-agos ng dugo nito samantalang si Macy naman ay tila sinusuri ang loob ng sapatos ko.

"What the hell? Sino ang naglagay nito?!" tanong ni Macy habang may hawak na maliit na blade at may dugo pa ito.

Nagpalitan kaming lahat ng tingin at ni-isa ay walang makasagot.

"Girls, sino ang naglagay nito?! This is very dangerous!" sermon ni Macy.

Tinulungan nila ako bumalik sa upuan at kumuha si Amber ng first aid kit. Si Macy naman ay nilinis at ginamot ang aking sugat.

"Tatawagan ko si kuya mo. Ipapasundo na kita," sabi niya nang matapos siya sa kanyang ginagawa.

"Okay kana, Lish?" tanong ni Hannah at tumango naman ako.

Hindi sila bumalik sa rink dahil umupo muna sila sa tabi ko hanggang sa dumating na si kuya.

"What happened, Haley?" tanong niya at lumapit sakin.

"Kuya Lex, may naglagay ng blade sa skating shoes niya," sumbong ni Amber.

"What?!" tanong niya at agad tumingin sa paa ko.

"I'll bring you to the hospital."

"Wag na. Nagamot na rin naman ni Macy eh," pag-awat ko sa kanya.

"No! Paano kung may kalawang yung blade na 'yon o kaya madumi? Edi naimpeksyon pa 'yang paa mo!" sermon niya.

Wala akong nagawa kundi pumayag sa gusto niya. Binuhat niya na ako at lumabas na kami ng stadium.

To be continued

Continue Reading

You'll Also Like

25.6M 910K 44
(Game Series # 2) Aurora Marie Floresca just wanted to escape their house. Ever since her father re-married, palagi na silang nag-aaway dalawa. She w...
32.1M 1M 48
(Game Series # 1) For as long as Katherine could remember, Juan Alexandro Yuchengco has always been her dream guy. He's smart, kind, and could be fun...
12.2K 262 26
-ISANG AKSIDENTE ang babago sa buhay nya, kung saan iminulat niya ang kaniyang mga mata na hindi niya na mukha nakikita niya sa salamin. Gigising siy...
285K 7.6K 39
Her bestfriend betrayed her. Nilinlang siya nito para makuha ang gusto niya. Pero isang pagkakamali ang naging kinalabasan nito.Ang plano nila ay nas...