Sangue Dolce ✔️

By Formidable_Writer

23.1K 2.4K 710

Ang pagibig ay walang pinipili, mortal ka man o imortal, dadating ang tamang oras para maging tayo sa huli More

Author's Note
Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Epilogue
Special Chapter

Chapter 39

199 21 12
By Formidable_Writer

Hindi ko naintindihan ang kaniyang sinabi pero nagdudulot iyon sa akin ng kilabot sa buong katawan ko.

"Si—————este Lovier———" putol-putol na ang pagsasalita kong sabi matapos gumapang ang isang kamay niya padaosdos pababa sa tuhod ko!

Ang isang kamay ko ay hawak niya pa rin habang ang isa ko namang kamay ay naninigas sa pagkakakapit sa kinauupuan ko. Gusto ko siyang itulak pero hindi ko magawa.

"Scared?" pabulong niyang sabi dahilan para matigilan ako.

Sa pagtatanong niya na iyon ay nadagdagan ang takot kong nararamdaman. Sa tono niya pa lang ay parang nagtutunog rapist si Sir.

Hindi ako nakasagot, halata naman siguro sa reaksyon ko ngayon.

"S-Sir.. 'wag" umaapaw na ang kaba kong napahawak sa braso niya upang pigilan siya nang umakyat ng marahan na namang gumapang ang kamay niya papunta sa hita ko!

"Answer me, then"

Sa halo halo kong emosyon ay mabagal na gumana ang utak ko, na loading sa sinabi niya.

'Ano nga ulit 'yung tanong?'

Hindi ko na natanong iyon dahil baka sabihin na naman niya ang linyahan niyang I don't want to repeat it.

Nagugulat akong buong lakas siyang tinutulak tulak at nagpupumiglas na nagpapapadyak upang maalis niya ang kamay niyang marahang pinisil ang hita ko at marahang tumataas ang kamay niya sa pagkakahawak sa akin.

"Sir!—————"

"You're being hard-headed again, little human"

Sa emosyon ko ngayon ay hindi ko na maiwasang panubigan ng mga mata kaya nanlalabo na ang paningin ko.

"Sir Cafaro" pagtawag ko pa muli na nanghihina ang boses sa pagsigaw.

Sa paghawak niya sa akin ay parang may kung anong kilabot akong nararamdaman sa malaki niyang mga kamay na dumadampi sa balat ko, nagdudulot iyon ng panghihina sa akin.

Hindi ito ang gusto kong mangyari, gusto ko lang naman malinawan sa lahat at makipag-usap. Hindi ko akalain ang mismong adviser na kilala kong masungit at malamig, isa palang tunay na bampira. Bukod sa natatakot ako, nababastos rin ako sa ginagawa niyang panghihipo sa akin ngayon.

Kahit anong pilit kong pagpupumiglas o pag-iwas ng hita ko ay nabigo ako nang mapagtagumpayan niyang hawakan mismo ang gilid ng pang-upo ko sa loob ng school skirt ko.

"I'm a vampire... aren't you scared?"

Napatitig akong nagugulat sa pagngisi nito dahil kitang kita ko mismo sa mga mata ko kung paano mabilis na tumubo ang mga pangil nito kasabay ng paghaba at pagtalim ng mga kuko niya.

Ramdam na ramdam ko ang tulis ng mga kuko niya sa pagkakahawak sa akin. Mula sa magkahalong kulay abo, berde at asul, ang mga mata niya ngayon ay unti-unting naging purong kulay pulang nakatitig sa akin ng malapitan.

'Juice colored...'

"Answer me!"

Bahagya akong napatalon sa pagkaka-upo dahil sa pagbulyaw nito sa akin. Nanginginig ang mga kamay at tuhod ko na halos hindi na makapagpamuglas at kulang na lang ay ma-ihi na ako sa harap harapang itsura ni Sir Cafaro, lalong gumagwapo————este nakakatakot.

"H-hindi po.." napapikit ako nanginginig ang boses kong pagsisinungaling.

Naisip ko na kung sasabihin kong takot ako ay baka lalo siyang lumala.

"Louder!"

"Hindi po!" kaagad akong napasunod kahit na nanginginig at naluluha na ako sa takot.

Naimulat ko ang mga mata kong sinubukang i-angat ulit ang tingin kay Sir nang wala akong marinig na tugon niya. Natagpuan ko siyang nakatitig lang ito sa akin, para bang natitigilan sa sagot ko.

Ngunit gusto ko ng kumaripas ng takbo nang lumitaw ang nakakapangilabot niyang pagngisi, parang mas nakakatakot pa siya kaysa kay Mr. Amato.

Hindi ko akalaing nasasaksihan ko ang side niyang ito.

"Really?" nakangisi nitong ani, sarkastikong natawa.

'Hindi'

"O-opo" utal ko muling pagsisinungaling.

"Did Dewei told you that we can read human's mind?"

Halos lumuwa ang mga mata ko sa sinabi niya at maalala ang sinabi ni Sir Dewei sa akin.

"O-o... po" mahina kong pagsabi.

"I'll show you what else I can do" aniya bago umangat ang gilid niyang labi, kinakabahan ako sa sinasabi niya.

"Sir! Teka! Sir Cafaro! Lovier!" napapasigaw kong nagpupumiglas na sabi matapos niya akong pakawalan pero pwersahan niya akong pinatayo bago binuhat na parang sakto.

Hindi siya nakinig at ganoon na lang ang pagtili ko dahil kasabay ng mabilis na pagdaan ng malamig na hangin ay sa isang iglap natagpuan ko ang sariling nakatuwad mismo sa pinaka mataas na bahagi ng gubat. Nasa bangin kami!

Kita ko sa mga mata ko kung gaano kadilim ang sa ilalim noon dahil sa sobrang lalim nito ay hindi ko na makita ang hangganan nito.

"AAAHHHHHHHHH!!! SIIRRR!! SIIRR!! TULOONGG! SIIRR CAFAROOO! T-TULONGGGG!! LECHEEE FLAANN! JUICE COLORED HALLELUJAH!!"

Buong lakas akong napasigaw sa pagkalula at sobra sobrang takot na nararamdaman.

Nanlalamig ang buong katawan ko, hindi ako masyadong naggagagalaw sa sobrang takot na baka maihulog ako ng tuluyan!

Hawak ko ang salamin ko na baka mahulog iyon at sinusubukang 'wag tumingin sa ibaba lalo na't nakabitin ako patiwarik!

Gamit lang ng isang kamay ni Sir Cafaro ay hawak nito ang isang paa ko habang kalmado lang akong tinignan dahil ang isang kamay niya ay nakapamulsa lang. Sa ngayon siguro ay kita na ang cycling short ko, sapaw sa palda ko.

"SIRR!! HUWAG PO! MAAWA KAYO!! HUWAG NIYO PO AKONG IHUHULOGG!! AYAW KO PANG MAMATAY, LECHE NA! KAILANGAN PA PO NG TULONG NI MAMA! MAAWA PO KAYO, AKO NA LANG ANG NATITIRANG PAMILYA NI MAM——————"

Lumuluha ko na talagang pagmamakaawa dahil daig ko pa ang isang hayop na pinaparusahan at naka bitin gayong hindi ko naman alam kung anong nagawa kong mali para gawin niya ito sa akin.

"Now, are you scared?" iyon na naman ang tanong niya, kahit halata naman tinatanong pa, sira na yata ulo ni Sir.

Wala akong maisagot, para bang dalawa lang ang pwede kong isagot na ang Oo o Hindi, pipili na lang ako pero kung magkamali ako ng isasagot ay baka buhay ko ang kapalit.

"Answer the d*mn question!" bulyaw nito sa akin, ibang iba na talaga si Sir, malayo sa adviser na kilala ko.

Mabilis akong napailing habang napahawak ng mahigpit sa sariling mga kamay, magkakros ang mga daliri, senyales ng pagmamakaawa habang humihikbi sa pag-iyak. Napakamatatakutin ko para gawin niya ito sa akin lalo na't takot ako sa heights, isang maling galaw ko ay baka tigok na ako ngayon.

"S-Sir.. maawa po kayo.. please.. Lovier" pinilit kong magsalita, kinikiskis ang mga nanginginig kong palad bago hahawak ulit ng mahigpit sa sariling mga kamay.

Sinusubukan siyang tignan kahit baligtad ang nakikita ko, kaya baligtad din pumapatak ang mga luha ko papuntang nuo ko.

"You did not answer my question properly again, Eda"

"S-Sir naman.."

"We're not done yet"

"AAAAHHH!!" napatili ako kaagd nang marahas niya akong inihagis pataas na parang manika lang!

Akala ko katapusan ko na. Akala ko ito na ang huling mabubuhay ako sa mundong ito pero ganoon na lang ako natigilan nang may kaagad sumalo sa akin at sa isang iglap, natagpuan ko naman ngayon na buhat buhat ako ni Sir Cafaro gamit ang isang braso niya lang at mabilis umakyat sa pinakamataas at pinakamatandang puno dito sa lugar na hindi ko na naman alam kung nasaan kami!

Hindi na ako nakareak agad at napahigpit lang ng maigi ng kapit kay Sir Cafaro, ginawa ang makakayang hindi malayo sa kaniya kahit pa natatakot ako sa pagbabago ng anyo niya ngayon.

Panay ang pagsigaw ko na ngayon dahil nasa pinakatuktok at pinakamanipis kaming sanga kung saan doon mismo nakatayo si Sir Cafaro sa pinakadulo ng manipis na sanga ng puno habang walang kahirap hirap akong binuhat at bumalanse na para lang talaga akong manikang pinaglalaruan niya!

Hindi ko na mapigilan kundi ang magpanic na lalo dahil pagtingin ko sa ibaba, ang mataas na punong ito na kung nasaan kami ay nakatapat ang sangang pinapatungan namin diretso mismo sa pader dahilan upang mas lalo akong malula na halos nasusuka na ako sa sobrang taas dito. Habol-habol ko ang hininga ko sa paghikbi sa sobrang bilis kumilos ni Sir, para bang ako ang kumikilos.

Kaagad akong napaangat ng tingin sa kaniya.

"S-Sir tama na. Ayoko n-na po, parang awa niyo na po, Sir"

Ang init na ng mga mata ko sa kakaiyak sa sobra sobrang pagmamakaawa. Ganoon na talaga siguro kalamig si Sir dahil ang hirap niyang paki-usapan, nananatili pa rin kami doon. Pangkasal akong buhat-buhat habang nakababa ng tingin sa akin, nagawa pa talaga ako panooring umiiyak.

Wala na akong pakialam kahit makita niyang ganito ako lumuluha ng husto at sobrang panginginig sa takot. 

"Sir... sa ginagawa mong ito... lalo mo lang ako binibigyan ng dahilan para layuan ka... Lovier, n-natatakot ako.. hindi dahil s-sa kung ano ka... k-kundi dahil sa ginagawa mong pananakot na ito.. p-parang awa mo na.. tama na po"

Mahaba ko pang sabi, sinusubukang magsalita upang kausapin siya ng maayos at hindi niya ako lalong takutin ng ganito, parang aatakihin ako sa puso ng 'di oras.

Hindi ko sinasabing ibaba niya ako dahil nadala na ako kay Sir Dewei noon, nung sinabi kong ibaba ako, literal niya akong ibababa diretso sa lupa.

Sa tagal ko ng paghihinala sa kaniya na may kakaiba sa kaniya, ni minsan ay hindi ko iyon pinahalata at nilakasan ang loob na maging normal lang ang kilos, pero ito siya at pinapakita ang Sir Cafaro na hindi ko na lubusang makilala.

Ilang sandali pa ay muli ko siyang nasulyapan matapos marinig ang pagbuntong hininga niya.

Natitigilan ko siyang pinanoon matapos niyang marahan na naglakad pabalik ng walang alinlangan at kahirap-hirap papunta sa parte nitong puno sa may katawan ng puno.

Nagbaba siya muli ng tingin sa akin.

"Close your eyes" pag-uutos niya sa marahan ng tono at nakita kong humalik na sa kulay brown ang mga mata niya.

Hindi ako kaagad na sumunod, nawawalan na kase ako ng tiwala sa kaniya. Umiwas lang ako ng tingin.

"Close your eyes before you'll regret it" muli niya pang sabi sa mababaw na boses dahilan upang lingunin ko siya ulit kahit panay pa rin ang pagpipigil ng hikbi.

Wala na akon magawa pa bago napipilitang sundin ang sinabi niya. Ipinikit ko na ang mga mata ko saka napakapit lalo ng mahigpit kay Sir Cafaro sa may balikat at leeg niya.

Humangin lang ng mabilisan bago ko narinig na nagsalita na siya.

"You can open your eyes now" kung kanina ay sinisigaw-sigawan ako, ngayon naman ay may tonong lambing sa boses niya.

Pagmulat ko ng aking mga mata ay ikinasurpresa ko na naman nang matagpuan ang sariling marahan ng ibinababa ni Sir Cafaro dito sa ilalim ng puno.

Hindi ko man lang narinig ang paglundag o paglanding niya sa lupa, kakaiba talaga.

Hindi niya pa man ako tuluyang nabibitawan ay napatingin siya muli ng diretso sa mga mata ko, ganoon din ako.

Ilang sandali lang ang nagtagal at parang titigan na ang tawag sa ginagawa namin ngunit gayon pa may hindi pa rin maawat ang mga luha ko sa pag-agos.

Ako na ang pumutol sa titigang iyon na nagbaba ng tingin saka kumawala sa kaniya dahilan upang tuluyan niya akong binitawan. Napaupo at sumandal lang ako dito sa ilalim ng puno, hindi inabalang ayusin ang sarili sa sobra sobrang emosyon.

Ramdam kong dumistansya siya papalayo sa akin.

Yakap ko ang sariling mga tuhod, nakabaling ang tingin sa kawalan habang nagpatuloy sa pagluha at paghikbi, hindi na kase maalis sa isip ko ang nakakalula at nakakatakot na pangyayaring iyon. Ganoon ako ka matatakutin.

Naiinis ako sa sarili ko dahil sa pagiging iyakin, matatakutin at pagiging mahina na kulang na lang ay himatayin.

Para akong masisiraan ng bait kanina hanggang ngayon. Hindi pa rin makapaniwala sa mga nangyari.

Katahimikan ang nanaig sa aming dalawa. Hindi ko man tignan ay ramdam kong ibinaba niya ako malayo na sa leche na bangin na iyon.

Tanging paghikbi at pagsasayaw ng mapayapa ang mga puno dito ang naririnig ko lang na tunog. Para tuloy wala akong ibang kasama dito sa sobrang pagkatahimik niya pero ramdam ko naman ang titig niya sa akin.

Kaagad ko siyang nabaling ng tingin at mabilis na napaatras papalayo nang namalayan kong humakbang siya papalapit sa akin dahilan para matigil siya. Na dala na sa kaniyang ginawa.

Nagbaba ang tingin ko sa kamay niyang may hawak ng panyo umaakma siyang pupunasan sana ang luha ko gamit niyon.

Hindi niya na tinuloy dahil sa paglayo ko na iyon kaya sinenyasan niya na lang akong kunin iyon.

Hindi ko iyon sinunod at tumingin lang sa kawalan, ang leche flan ko na luha ay hindi pa rin tumitigil, nakakabusit.

"Eda" may lambing na naman sa tono ang pagkakatawag niya mismo sa pangalan ko at hindi sa apilyedo ko na nakasanayan ng isang teacher, tawagin ang estudyante.

Hindi ko pa rin siya nilingon, kung kanina ay siya ang hindi marunong makinig, pwes ako rin.

"you can use my handkerchief" pag-aalok pa niya sa boses niya ay para bang gusto niyang patahanin na ako sa sobrang pag-iyak.

Wala na akong pakialam kahit teacher ko pa siya, wala nga siyang pakialam na estudyante niya ako, kung ihagis at buhatin ay parang isang bagay lang. Hindi ko pa rin siya pinapansin at parang walang naririnig.

"Eda, please—————"

"Lubayan mo ako, Lovier" malamig ko ng sabi, hindi ko na makontrol ang pagiging walang galang at para bang kasing edad ko lang ang kausap ko.

"Eda.." malambing niya muling sabi sa pagbubuntong hininga, akala ko ay magagalit siya ulit sa pagtataboy ko sa kaniya pero hindi niya ginawa.

Sa pagmamatigas ko ay ilang saglit pa bago ko maramdaman ang panyong hawak niya na marahang dumadampi sa mukha ko, pinupunasan niya ng kusa ang mga luha ko.

Inilayo ko ang ulo ko kasabay ng pagtapik ng kamay niya, nahirapan pa ako sa pagtapik dahil parang bato ang kamay niya sa tigas. Ni hinto man yata napalayo.

"I'm sorry"

Natigilan ako sa simpleng salita niyang binitawan. Pakiramdam ko ay kaagad umurong ang mga luha ko at napawi agad ang namumuong inis, takot o tampo sa kaniya.

Hindi ko akalain ang isang tigasin, malamig, strikto at masungit ko na adviser ay humihingi ng tawad sa akin ngayon.

Sa paraan niya ng paghingi ng tawad sa malambing na tono ay naging dahilan iyon upang tuluyan ko siyang masulyapan gamit lang ang gilid ng mata pero kaagad ding umiwas ng mahuli niya akong napasulyap sa kaniya.

"Eda.. please.. talk to me" pangungulit pa niya na bago iyon sa akin, hindi ko akalaing mamimilit siya, makausap lang ako.

Ramdam ko pang kinalabit niya ako para lingunin ko siya, ramdam kong hindi na matulis ang mga kuko niya.

Hindi ko alam ang mararamdaman ko  ngayon, dapat galit ako sa kaniya pero parang hindi ko ramdam iyon sa mga oras na ito dahil sa paghingi niya agad ng tawad.

Malalim akong humugot ng hininga saka siya salubong ang mga kilay na nanunubig pa rin ang mga matang nilingon, ang tagal kong mapatahan leche talaga.

Tumikhim ako.

"Ibalik mo ako" tipid kong sabi.

Halos walang kurap niya ako kung tignan kaya iniiwas ko na lang muli ang tingin.

Muli kong narinig ang buntong hininga niya.

"okay.. let's go"

Kung gaano siya katigas kanina lang, gayon naman siya kadali kausap ngayon na mahinahon akong inalaya at akmang aalalayan pa ako nang pangunahan ko siyang makatayo.

Pero nung pagtayo ko mismo ay nakalimutan kong nanlalambot pa rin pala ako hanggang ngayon kaya muntikan na akong matumba, mabuti at napakapit ako agad sa puno pero nalingon ko ng tuluyan si Sir ng malapitan matapos niya akong mabilis na sinalo kahit hindi naman tuluyang natumba o natalisod.

Tinulak ko ang mga kamay niyang naka-alalay sa akin pero hindi niya inalis iyon.

"Tsk" reaksyon ko pa.

Sinubukan ko ulit alisin ang pagkakaalalay niya sa akin pero hinigpitan niya lang iyon.

"Bitiw, po, Sir, Cafaro" pa isa-isa kong sabi nang may diin sa salita.

"No" natigil ako sa pagmamatigas niya muli sa seryoso ng tono saka ako napatili na naman ng pang kasal niya akong marahang ibinuhat.

Wala pa man ay nagpapanic na naman ako.

"I'll carry you home" pagtatapos niya sa usapan saka nag-umpisang maglakad habang buhat buhat ako.

Hindi na ako nakapalag at tulalang napatitig lang sa kaniya. Hindi makapaniwalang nakikita ko sa malapitan ang isang tunay na bampira.

Hindi ko rin inaakalang nagpapaka baba ito sa akin upang patahanin ako at makipag-ayos sa akin agad.

Magka-iba kami ng anyo, pero ito siya. Nagagawang buhatin ang isang tao lang na kagaya ko pa-uwi.

****

Continue Reading

You'll Also Like

21.2M 544K 37
"Do you want to be his favorite obsession?" DAHIL sa isang trahedya, ikinubli ni Virgo ang kagandahang taglay. Itinago niya iyon sa pamamagitan ng pa...
4.4K 1.4K 21
Lavender Grazei, a top student at Edenbrook University majoring in Literature, faces an unexpected twist when she wakes up in the body of Queen Lumin...
570K 1.8K 6
𝘼𝘾𝙊𝙎𝙏𝘼 𝘽𝙇𝙊𝙊𝘿 𝙎𝙀𝙍𝙄𝙀𝙎 #1 HIS BODYGUARD WIFE Maayos na ginagampanan ni West ang mga normal na gawain niya bilang isang mafia queen suba...
677K 11.2K 63
(RAW/UNEDITED) Ahlisha Zoxzhen Bustamantelo has a simple life. She studies at public school and she always ended up fighting with her schoolmates. Ah...