Marrying A Mafia✓

By YourAuthorJaz

71.8K 1.4K 50

COMPLETED STORY Alicia never expected to fall into an arrange marriage. And she definitely didn't expect that... More

Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Epilogue

Chapter 2

2.4K 47 2
By YourAuthorJaz

Alicia's POV

"Arrange marriage, huh," he said while we're talking about what happened earlier.

"Kuya, I'm too young to get married!" I exclaimed.

"You have no choice, Haley. You know our parents. Kahit ano ay gagawin nila, matupad lang ang kanilang gusto." Uminom muna siya ng light beer bago ako tinignan.

"Look at me and your Ate Shane. We got along with each other after we got married."

"Kuya, he is a freaking mafia boss! I prefer not to marry a criminal! Besides, I don't even want to get married to anyone!" Inagaw ko sa kanya ang light beer tsaka ito ininom.

"Hinay-hinay lang. Akala mo naman sanay sa alcohol," he said while laughing.

"Kuya, you get my point naman diba? Gusto kong tumanda na dalaga! Ayoko magkaroon ng karelasyon!"

"Pft. Pero nung mga bata pa tayo, patay na patay ka dun sa kababata natin na si Vince." Sinapak ko siya agad ng mahina sa braso nang sabihin niya iyon.

"Wag mo na nga ipaalala 'yon! It's so cringe! Kinikilabutan ako hanggang buto!"

"Diring-diri ha!" he said teasingly.

"Alicia, Alex! Inside, now! We'll have a dinner with our guests," my mom said.

Tumayo na kami ni kuya mula sa damo at pumasok na sa loob. Nakatambay kasi kami dito sa bakuran.

Pagdating namin sa dining room ay nandun na ang mga bisita at si daddy na hinihintay kami.

Umupo na ako sa aking upuan habang si kuya ay sa tabi ko.

...

"Alicia, do you have any request before your wedding?" Marcus's mom asked.

"Meron po, tita," I answered.

"Tell us what is it."

"I want to postponed the wedding," buong tapang kong sabi na ikinatigil nila.

"Alicia." Tinignan ako ni mommy at para bang binabantaan niya ako.

"I want to postponed the wedding and move it next year after my 26th birthday."

"Deal." Napatingin ang lahat kay Marcus nang magsalita siya.

"Marcus!" his mom exclaimed.

"Deal. And if this doesn't work out very well, there's no wedding will be held," he simply said.

"Okay, deal," I answered.

It's not like this will work out very well!

Makalipas ang mahigit isang oras ay natapos na kaming kumain. Nagpalipas muna kami ng ilan pang oras sa sala bago naisipan ng mga bisita namin na umuwi na.

Nang makaalis na ang mga bisita ay agad akong sinermunan ni mommy.

"What was that for, Alicia Haley?!"

"What? He agreed too!" Umupo muna ako sa sofa dun sa tabi ni kuya.

"Mommy, hayaan niyo na si Lisha. May utak iyan, may pakiramdam iyan! She can make her own decisions," my brother said.

"Thank you, kuya. I have to go, baka po ay mas lalo akong gabihin sa daan." Tumayo na ako mula sa sofa at nakipagbeso muna sa kanila bago lumabas ng bahay.

Makalipas ang ilang minuto ay narating ko na rin ang aking condo unit at pagdating ko dun ay agad akong humilata sa kama.

...

"No, mom. I can't go! Can't you see that I am practicing?!"

Paano ba naman kasi ay pinuntahan nila ako dito kung saan ako nag-eensayo para lang sabihin na may date kami ng mafia boss na iyon!

"Marcus already said yes. Ikaw na lang ang hinihintay sa venue," she said.

"No!"

"Alicia Haley Smith! Pupunta ka sa date na 'yon sa ayaw at sa gusto mo! And that's final." Napapikit na lang ako bago huminga ng malalim dahil sa sinabi niya.

Wala akong nagawa kundi itigil muna ang pag-eensayo ko at sumama kila mommy pabalik ng mansion. Nandun daw kasi ang makeup artist ni mommy. Papagandahin pa ako eh sigurado naman akong hindi ako type ng masungit na lalaking iyon!

Pagkarating namin sa mansion ay naligo muna ako saglit tsaka sinuot na ang binili ni mommy na dress para sa akin. Isa siyang pink dress na hanggang baba ng aking tuhod ang haba at may itim na belt.

Inayos na nila ang buhok ko at nilagyan na rin ako ng konting makeup. Pagkatapos nila akong ayusan ay bumaba na ako ng hagdan at naabutan ko si Marcus na hinihintay ako sa sala. Akala ko ba ay magkikita lang kami sa isang restaurant?

"Oh, there she is!" Nilapitan ako ni mommy para hilahin papunta sa sala.

Nagbabagal kasi akong maglakad dahil ayoko talagang makipag-date!

"You look so beautiful, hija," Marcus's mom commented.

"Thank you, tita," I formally said.

"Well, what are waiting for? Umalis na kayo," my mom said, and she slightly pushed me towards Marcus.

Baka nakakalimutan niyong four inches na takong ang pinasuot niyo sa akin!

"Go on! Marcus, umalis na kayo," si tita naman ang nagsalita.

Wala kaming nagawa kundi lumabas na. Pagkarating namin sa kotse niya ay bubuksan ko na sana ang pinto ng back seat pero binuksan niya ang pinto ng passenger seat.

"Dito ka na umupo," he said.

Tumango na lang ako at pumasok na sa loob. Sinara niya na ang pinto at umikot papunta sa driver's seat. Tumingin ako sa labas at nandun sa may pinto ang mga magulang namin na halos mapunit na ang mga bibig kakangiti.

...

Nakarating kami sa isang five star restaurant at pinagbuksan niya muli ako ng pinto. Infernes, gentleman siya.

But, he is still not my type!

"Good evening, ma'am and sir. Do you have any reservation?" tanong ng isang empleyado.

"Yes. Under Lucas Marcus Villareal."

Second name pala niya 'yon.

"Right this way, sir." Dinala kami nung waiter papunta sa rooftop ng restaurant.

Pagkarating namin dun ay walang tao at tanging isang lamesa at dalawang upuan lang ang nandun. Sinadya ba ito nila mommy?!

Umupo na ako sa isang upuan at si Marcus naman ay sa tapat ko. Binigay sa amin ng waiter ang menu at maya-maya lang ay nakapili na rin kami.

Ilang minuto ang lumipas at habang hinihintay namin ang mga pagkain ay tahimik lang kaming dalawa.

This is so awkward!

Pasimple akong sumulyap sa kanya at nakita kong pormal siyang nakaupo habang hawak ang phone niya.

"Want to say something?" tanong niya pero nakatutok pa rin ang mga mata niya sa kanyang cellphone.

"N-nothing," I answered.

Mommy, ayoko na! Ang awkward ng atmosphere namin!

"Uhm, e-excuse me." Tumayo na ako at aalis na sana nang magsalita ulit siya.

"And, where are you going?"

"Restroom." Tumango lang siya kaya dali-dali kong hinanap ang restroom.

Pagdating ko dun ay agad kong tinawagan si Macy para humingi ng tawad. Hindi kasi ako nagpaalam ng maayos sa kanya kanina dahil sa sobrang pagmamadali nila mommy.

"Hello, Macy. I'm sorry, umalis agad ako kanina," I said when she answered the phone.

"It's okay, Lish. Nasabi na rin sa akin ni tita na kailangan mo agad umalis kanina. So, how's the date?" tanong niya na ikinagulat ko.

"You know?"

"Yep. So, how is it?"

"It's kind of awkward. Walang nagsasalita sa amin."

"Oh, that is awkward."

"Yeah. Anyway, I got to go. Baka hinahanap na ako nun. Bye, I'll see you tomorrow." Pinatay ko na ang tawag at binalik ang phone sa bag ko.

Lumabas na ako ng restroom at bumalik sa lamesa pero wala akong nadatnan na nakaupo dun. Nasaan na ang lalaking iyon?

Umupo muna ako sa upuan ko at inisip na pumunta lang siya sa cr nang biglang lumapit sa akin ang waiter.

"Excuse me, ma'am. Umalis na po 'yong kasama niyo."

"He what?!" I asked.

"Umalis na po siya kanina. Pinapabigay niya rin po pala ito," he said then gave me a piece of paper.

"Wait, paano 'yong mga inorder namin?" tanong ko.

"Bayad na po, ma'am. Take out na lang po ba?" tanong niya. Malamang...

"Yes. Thank you." Tumango lang siya at iniwan na ako.

Binuksan ko ang papel at binasa ito.

"Go home. My men is waiting for you at the parking lot. I just need to do something." Napatingin na lang ako sa kawalan matapos kong basahin ang sulat.

Probably, he needs to do something about mafia or whatever.

Kinuha ko na ang mga pagkain at dumeretso na sa parking lot at nandun nga ang tauhan niya. Hindi lang isa, apat sila!

"Good evening, ma'am," isa-isa silang bumati sa akin.

"Good evening." 

Pinagbuksan nila ako ng pinto sa back seat kaya pumasok na ako sa loob.

Maya-maya lang ay nakarating na kami sa bahay namin at pagbaba ko ng kotse ay agad silang umalis.

"Hija, you're back already?" tanong ni tita.

"How did it go?" tanong naman ni mommy.

"He left me," walang gana kong sabi.

To be continued

Continue Reading

You'll Also Like

1K 258 20
The Secret Revenge Hustisya at paghihiganti. Yan ang laging nakatatak sa utak ng isang binatang maagang nawalay sa mga magulang dahil sa isang akside...
49.1K 291 10
[KING'S OBSESSION] (May 3,2020-August 31,2020) For EDITING *Plagiarism is a crime 🥴 *Read at your own risk. *Typographical errors *Grammatical e...
16.6K 1.1K 28
A love story that begins in the unexpected checkpoint. The most awkward encounter. Will that encounter creates a new found love? Let's find out in th...
349K 18.2K 42
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...