WLMA: SPECIAL FORCES (COMPLET...

Oleh ABOGSAEARTH

12.8K 1.1K 705

West Land series #2 West Land Military Academy is a school for students who want to be one of the west land's... Lebih Banyak

Introduction
Prologue
SF 1
SF 2
SF 3
SF 4
SF 5
SF 6
SF 7
SF 8
SF 9
SF 10
SF 11
SF 12
SF 13
SF 14
SF 15
SF 16
SF 17
SF 18
SF 19
SF 20
SF 21
SF 21.1
SF 21.2
SF 22
SF 24
SF 25
SF 26
SF 27
SF 28
SF 28. 1
SF 28.2
SF 29
SF 30
SF 30.1
SF 31
SF 32
SF 33
SF 34
SF 35
SF 36
SF 37
SF 38
SF 39
SF 40
SF 41
SF 42
SF 43
SF 44
Epilogue
Author's Note
Special Chapter I
Special Chapter II

SF 23

204 21 15
Oleh ABOGSAEARTH

Kitty's POV

Matapos kaming mag-usap ni Gavin ay hindi ko namalayang nakatulog pala ulit ako. Nakayakap pa rin ako sa malalaking bisig niya. Masarap ang tulog naming dalawa ngunit ginising kami ng malalakas na katok. Agad akong napabalikwas at tinignan ang pinto. Anong meron? Bakit parang sisirain naman ang pinto kung makakatok?

"Soldier Menken, we'll have a room inspection today." Anong oras na ba at ngayon pa nila naisipan mag-room inspection?

Agad akong tumayo at sinapak ang tiyan ni Gavin para magising. "Inspection," maikling sabi ko nang magising siya. Tumayo rin naman siya at tila nagulat pa. Siguradong patay kami oras na makita nilang nandito si Gavin. "Sa banyo!" Tatakbo na sana si Gavin papunta ng banyo nang pigilan ko siya at itinuro ang ilalim ng kama. Tumango naman siya sa'kin ngunit agad ring nagbago ang isip ko at pinapasok siya sa closet. "'Wag kang gagawa ng ingay." Pinanlakihan ko pa siya ng mga mata bago buksan ang pinto.

"I'm sorry, Sir. Natutulog na kasi ako," sabi ko at pinatuloy ang isang sundalo.

"Ba't parang ang putla mo?" mausisang tanong nito.

"Ang lakas kasi ng katok mo. Akala ko may sunog, Sir," ani ko sabay kamot sa batok. Agad naman niyang tiningnan ang buong paligid. Wala kang makikita rito. Alis, alis.

"Can I check your closet, incase may tinatago kang kontrabando sa loob," sabi nito na ikinalaki ng mga mata ko.

"Sir, ayos lang ho ba kung mayroon akong blower dito sa kwarto ko? Tutal ako lang din naman mag-isa rito," pag-iiba ko.

"Aba, siyempre hindi! Ilabas mo 'yan."l

"Nasa banyo ho kasi, kunin niyo ho roon," sabi ko at nginuso-nguso pa ang banyo. Nang makapasok siya sa loob ng banyo ay agad kong binuksan ang closet at sinenyasan si Gavin na umalis na. Tumango naman siya at ako naman ay pumunta sa banyo para tignan ang ginagawa ng sundalo. "Sir, nandiyan po."

Walang hiya ka, Cornelius. Ilan pa ang mawawala sa 'kin nang dahil sayo? Napabuga na lang ako ng hangin paglabas ng banyo nang makitang wala na si Gavin. Tiningnan din ng sundalo ang closet ko at agad nanlaki ang mga mata ko nang makitang hawak ng sundalo ang dog tag ni Gavin. Tang*na! Anong kasalanan ang nagawa ko't parang ang malas ko naman ngayon?

"Bakit nandito 'to?"

"Kilala niyo naman ako, Sir. Mahilig akong mang-prank, nakalimutan ko na ngang isauli 'yan kay Cornelius." May pagdududa pa rin sa mga mata niya ngunit tumango-tango pa rin siya.

"'Wag mo nang uulitin. Ako na ang magbibigay nito kay Cornelius." Agad naman akong tumango at nag-salute bago siya umalis. Muntikan na naman, Cornelius. Baka sa susunod, hindi na tayo makaka-graduate.

Matapos ang inspection ay sinubukan ko ulit na pumikit at matulog ngunit hindi na talaga ako dinalaw ng antok kaya naligo na lang ako. Pagkatapos kong maligo ay lumabas na ako ng banyo at kumuha ng damit sa closet. Napansin kong bukas ang lalagyan ko ng mga panties, baka manyakol yung sundalo kanina at tinignan din pati panties ko.

Ngunit may nakita akong box ng cellphone sa loob ng drawer. Sino naman kayang naglagay nito? Agad ko itong binuksan at nakita na may sulat doon.

To Katniss,

I bought you a cellphone, I also bought a new one for me. Just don't let the Commandant see the gadget. Text me after you read this note. -vin

Napangita na lang ako at binuksan ang cellphone, alam kong bagong model ito. Yayamanin din talaga ang Gavin na 'yon. Pagbukas ko ay nakita kong naka-save na ang number ni Gavin kaya agad ko siyang pinadalhan ng mensahe.

Gavin

Me:
Hey, thanks for this.
Tapos na ang inspection sa inyo?

I wasn't expecting him to reply this fast.

Gavin:
You're always welcome.
Yes. Btw, I think I left my dog tag in your room.

Me:
Yeah, the officer even saw it. But it's fine now.
Nakalusot naman ako.

Ihahatid naman daw riyan ngayon ni officer ang dog tag mo.

Gavin:
Ito na 'atang kumakatok.

What are you doing right now?

Me:
Changing into my night dress.

Gavin:
Can you please stop teasing me with your clothes?

Me:
Excuse me? I'm not teasing you, I'm just sending you this pic because I want you to be amazed by my sexy body.

What about you? What are you doing?

Gavin:
Doing night workout.

Me:
Now, look who's teasing who.

Gavin:
Can I call?

Me:
Yes.

Gavin calling...

"Hey," he greeted with his baritone voice. Ang sarap sarap sa tenga, pwede nang alarm clock sa umaga. "Inaantok ka na?"

"Hindi nga ako makatulog," sabi ko sabay higa sa kama.

"Same here with me," paos na sagot nito.

"Why did you call?"

"I think I won't have time to flirt with you tomorrow. Remember the mud training? Bukas na 'yon." Flirt with me raw! Marupok na kung marupok pero totoo talagang marupok ako. Cornelius, paano mo nagagawang patayin ako gamit ang mga salita mo?

"Oo nga pala, we'll be very busy," tanging sagot ko. Binalot kami ng katahimikan at wala ni isa ang nagbalak na magsalita.

"Can you sing a song for me?" putol niya sa mahabang katahimikan. Kung mayroon man akong weakness, iyon ay ang pagkanta. Kaya, Gavin, ipagawa mo na ang lahat sa 'kin, 'wag lang ang kumanta.

"Pwedeng moan na lang?" nahihiyang tanong ko. Agad naman siyang napatawa sa sinabi ko. Anong nakakatawa ro'n?

"At bakit?" natatawa pa rin niyang tanong.

"Dahil hindi ako marunong kumanta, period," sabi ko sabay irap sa ere na tila ba nakikita niya.

"Okay, I'm fine with the moan. Please moan my name, baby." Sa mga pinaggagawa ni Gavin ngayon, isa lang masasabi ko. Malandi siya. Akala ko talaga hindi siya nagpapalandi o lumalandi, mukhang mali ang mga iniisip ko tungkol sa kaniya.

"Malandi ka!" tanging sabi ko bago patayin ang tawag. Tang*na! Anong karapatan niyang lumandi sa 'kin? Ako lang pwede lumandi sa 'ming dalawa!

Gavin calling...

"I'm sorry," bungad nito habang tumatawa ng malakas. Bakit pati pagtawa niya, ang sexy? Lord, bakit parang ang dami namang good qualities nitong si Gavin tapos ako, halos walang talent. Why naman gano'n, Lord?

"Ako lang may karapatan lumandi sa 'ting dalawa, ha. Ako lang."

"Okay, okay. Ikaw lang lalandi sa 'tin, ikaw lang lalandi sa 'kin." Ayoko na talaga! Hindi na ako makahinga. Yung panty ko, nilipad na sa ibang planeta. "Katniss!"

"Ay panty ko!" Mas lalo siyang natawa sa sinabi ko na parang katapusan na ng mundo bukas. "Stop laughing, Gavin!"

"Okay, I'll stop."

"Wala ka bang kasama r'yan? Baka marinig nila"

"My roommate left earlier, he said he can't take all the trainings anymore. So I'm free to call you whenever I want." Jusko, Lord! Anong kabayanihan ba ang ginawa ko sa past life ko, bakit parang sobrang kilig naman 'tong pinaparamdam sa 'kin ngayon?

"Bahala ka nga, matutulog na ako. Good night." Hinintay ko muna siyang sumagot bago pinatay ang tawag.

"Alright, Good night, baby. I love you." Paksh*t, saan? Saan na ang panty ko? Dahil sa kilig ay hindi na ako sumagot pa at pinatay na ang tawag. Agad akong nagpagulong-gulong sa kama sa sobrang kilig. Why naman ganito, Lord? Papatayin na ba ako bukas?

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

45K 1.5K 36
#34 in werewolf as of June 6 2019 #163 in vampire as of June 11 2019 Arcadia is a one of the strongest female wolf in Nightsbane Academe, a hybrid. E...
23.4M 778K 60
Erityian Tribes Series, Book #3 || Cover the world with frost and action.
56.5M 1.2M 127
Mikazuki convinces Bullet to meet his birth parents after being taken away by the former leader of the most powerful mafia group, Black Organization...
Inside LVIS ✔ Oleh Endless

Misteri / Thriller

5.6K 230 38
The school that all the students dream of. Mala subdivision ang laki, kumpleto sa mga pasilidad at mataas na kalidad ng edukasiyon. Tanging may ginto...