SF 9

232 24 8
                                    

Kitty's POV

"I'm so tired, Kitty," reklamo ni Cunningham.

"Shut up and run!" sagot ko rito at mas binilisan pa ang pagtakbo. 10 laps in 10 minutes? Kinabukasan nito baka 'di na ako makatayo nang maayos sa sobrang pagod ng mga paa ko.

Habang tumatakbo ako ay may napapansin akong lumabas sa sapatos ko, isang matulis na bagay na nawawala rin 'pag napapalakas ang stomp ng paa ko. Ang galing naman ng sapatos na 'to.

"I can't take it anymore, Kitty. How can you run so fast?" tanong ni Cunningham na nasa likuran.

"Me, too, Kitty. Hindi ko na kaya," hinihingal na sabi ni Danica. Paano sila hindi mapapagod habang tumatakbo e nagsasalita sila.

"Ayaw 'kong ma-late sa binigay na oras ni Commandant. Bahala kayong dalawa," sabi ko at mas binilisan pa ang pagtakbo.

"May langgam! Ang dami ng langgam!" parang timang na sigaw ni Drey.

"Oh, tapos?" tanong ni Danica sa kaniya habang nakataas ang kilay. Tumigil din ako sa paglalakad at lumapit sa tinitingnan nilang dalawa.

"Alam mo ba ang iniisip ko, Kitty?" Napairap na lang ako kay Drey at sinimangutan siya.

"Parehas ba utak natin?" tanong ko rito.

"Lagyan natin ng langgam mga damit nila," sabi nito at parang demonyong tumawa. Hindi ko na siya pinatulan pa at nagpatuloy na sa pagtakbo, gano'n din ang ginawa ni Danica. "Sige na kasi, Menken," pagpupumilit nito na parang bata habang humahabol.

"Iba na lang."

"Oh sige, iba na lang. Ito gamitin natin." Agad niyang inilabas mula sa bulsa niya ang chili sauce at wasabi. Agad akong ngumiti sa kaniya at ngumiti rin pabalik si Cunningham sa 'kin. 'Pag sa kalokohan, magkakasundo talaga kami ni Cunningham.

"HA-HA-HA!" sabay naming tawa.

"Ginagawa niyo?" tanong ni Danica. Sinabihan namin siya sa plano namin ngunit agad siyang umayaw kaya naman ay hinayaan na lang namin siya ni Cunningham.

Pagkatapos naming gawin ang punishment ay bumalik kaagad kami sa klase. Saktong 10 minutes lang din ang balik naming tatlo. "Take a seat," saad ni Commandant Vessero at nagpatuloy sa pagtuturo tungkol sa mga jargons na mae-encounter namin sa military.

Matapos ang klase ay dali-dali kaming tumakbo ni Drey sa canteen. Alam kong mabagal maglakad ang mga 'yon kaya may chance pa kaming gawin ang gusto namin.

Pagpasok namin sa loob ng canteen ay agad kaming naghiwalay ni Drey. Siya ang papasok sa loob ng kitchen, ako naman ang magiging look out sa pagdating ng iba pa.

"Pasok ka na, lumabas yung cook para magtapon ng basura," sabi ko nang makita ko ang cook na lumabas sa gilid ng kitchen at may dala-dalang bag ng basura. Agad namang sinunod ni Drey ang sinabi ko at ilang segundo na ang nakalipas nang pumasok siya. "Bilisan mo, bugok. Malapit na sila."

Ilang segundo pa ay lumabas na si Drey dala ang tatlong tray. "Kay Dandan 'yang isa. Alam niya plano natin, e," sabi nito at naupo sa isang table.

Pagpasok ni Danica ay agad naman siyang tinawag ni Drey. "Dandan!"

"Stop calling me Dandan, Cunningham," masungit na sabi ni Danica. Sumimangot naman ang huli at nagsimula nang kumain.

"TANG*NA! Ba't ang anghang ng pagkain ngayon?" sigaw ng isa naming kaklase. Agad kaming nagkatinginan ni Drey at bumungisngis.

"Binuhos ko lahat yung dalawa," bulong ni Drey na siyang ikinatawa ko. Ang sama talaga ng Cunningham na 'to.

"Who did this?" matapang na tanong ni Sergeant Grey. Agad kaming napaiwas ng tingin at nagpatuloy sa pagkain. "Who did this!" mas malakas pa ang boses na tanong nito.

Ni isa, walang nagsalita, wala ring ibang kumakain maliban sa 'min ni Cunningham. "Cunningham! Menken! Report to my office, now!" sigaw nito kaya nanlaki ang mga mata namin ni Drey. Nahulaan agad ni Sergeant na kami ang may gawa? Tang*na! Sana talaga 'di ako nagpadala sa kademonyohan ni Drey.

"Come in," rinig naming sabi nito pagkatapos naming kumatok. "What did you do?"

"We did nothing, Sir!" sagot ni Cunningham. Aba, ang demonyo talaga. Gusto pa dagdagan kasalanan niya, e.

"Let me ask you again, what did you do?" ulit na tanong nito. "Are you the ones who put chili sauce in the soup?"

"May wasabi pa po, Sir!" sabi ko na siyang ikinapalo ni Sergeant Grey sa kaniyang mesa. Hinilot din ni Sergeant Grey ang kaniyang noo bago kami binigyan ng parusa.

"Both of you, go the field and do some sunbathing," sabi nito.

"Yes, Sir!" sagot namin bago lumabas, sinamahan naman kami ng dalawang sundalo na magbibigay 'ata ng parusa sa 'min.

Pagkarating namin sa field ay may nakita nga kaming sun loungers ni Drey. Napatingin kami sa isa't isa saka sabay na tumawa. "Legit sunbathe pala sinasabi ni Sergeant?" tanong ni Drey sa dalawa naming kasama.

Ngumisi ang dalawang sundalo at tumango sa 'min. "Kamay," sabi ng isa. Nilabas naman agad namin ang dalawa naming kamay. Tinali nila ito gamit ang isang napakahabang lubid. Ang haba naman 'ata? "Tayo sa ibabaw ng lounger." Agad naman naming sinunod, tinapon nila ang lubid sa monkey bar na nasa ibabaw ng mga sun loungers.

"Fvck!/Sh*t!" sabay naming sigaw ni Drey nang hilahin ng dalawa ang lubid, dahilan para umangat kami sa ibabaw ng loungers.

"Makakaalis lang kayo r'yan kung matatanggal niyo ang lubid na nakatali sa mga kamay niyo," sabi ng isang sundalo.

"Enjoy your sunbathing," sabi pa ng isa at umalis na silang dalawa.

Ganito pala ang sunbathing na tinutukoy ni Sergeant. Sa sobrang init, halos matuyo na pati laway ko. "Hindi ko na kaya, Kitty," sabi nito.

"'Wag kang magsalita, matutuyuan na tayo ng laway," sabi ko rito habang pilit na kinakalag ang lubid na nakatali sa 'kin. Nang hindi ko talaga matanggal ay naalala ko ang sapatos namin. May matulis na lumalabas sa sapatos namin na parang isang maliit na kutsilyo.

"Go, Cunningham!"

"Kitty! Kitty! Kitty!" sigaw ng mga ulupong naming kaklase. Tang*na, nakakahiya. Nakatingin din si Gavin sa 'min kaya kailangan kong magpakitang gilas.

Dahil flexible ang katawan ko, iniangat ko ang isang paa ko papunta sa likod ko. Dahan-dahan ko itong ginawa na para bang nasa isang Gymnasts competition ako. Nang nasa ibabaw na ito ng ulo ko ay agad akong nag-stomp sa bakal ng monkey bar para lumabas ang matulis na bagay sa sapatos ko.

Nang makita kong lumabas ito ay napangisi ako, mas lalo ring lumakas ang hiyawan ng mga kaklase namin na akala mo ay hindi kami gumawa ng prank sa kanila. Dahil mahirap igalaw ang mga paa ko habang nasa ibabaw ng ulo ko ay binaba ko uli ito dahil sa ngalay.

Sinubukan kong itaas ulit ang paa ko at dahan-dahang ginagalaw ang matulis na bagay sa sapatos ko roon sa lubid. Nang makita kong kaunti na lang ay mapuputol na ang lubid, hinanda ko ang sarili ko sa paglapag.

Nang maputol na ang lubid ay agad akong kumapit sa monkey bar at safe na tumalon pababa. "Bye, Cunningham."

"Aren't you going to help me?" tanong nito habang nakangiti.

"Why would I?" nakangising tanong ko at tumalikod.

"Fvck! Menken, comeback here!" sigaw nito na siyang ikinatawa ng mga kaklase namin. Bahala ka mamatay sa inis, Cunningham.

WLMA: SPECIAL FORCES (COMPLETED)Where stories live. Discover now