SF 12

247 15 16
                                    

Kitty's POV

Today ang balik namin sa academy. Kahapon matapos ang ginawa ni Gavin ay wala na akong nagawa pa kun'di iuwi siya. His mom even asked me if Gavin and I have a relationship and I answered her "I hope so, Tita" na siyang ikinatawa niya. Masayang kausap si Tita Mildred but I need to go back to the club because my friends are waiting for me.

She told me na kung may oras ako o may vacation kami nina Gavin ay gusto niyang bisitahin ko siya. Feeling ko tuloy, gusto ako ni Tita para sa anak niyang doctor. Nako, nako, Tita. Kung alam mo lang na gustong gusto ko nang itali si Gavin sa 'kin.

Gavin

Gavin:
Do you want me to pick you up?

Anong nangyari sa lalaking 'to? Lasing lang naman siya kagabi ah at wala rin kaming napag-usapan nina Drey na sabay na pupunta sa Academy.

Me:
No need, I can drive. I'll bring my own car.

Gavin:
I insist, sunduin na kita.

Just what the fvck happened to this guy? Lasing pa rin ba 'to? Nabagok ba ang ulo nito? Bakit ganito ang mga pinaggagawa niya ngayon? Jusko! Baka himatayin ako sa kilig nito.

"Darling, aalis ka na? Are you going to bring your car?" tanong ni Mom habang pababa ng hagdan.

"Dadalhin ko sana but Gavin insisted na susunduin niya raw ako," sagot ko kay Mom.

"Gavin Cornelius? He's not bad, I think he likes you," diretsong sabi ni Mom na ikinatawa ko. How is that possible? Masyadong mahirap landiin si Cornelius at baka itong mga ginagawa niya ngayon ay epekto pa rin ng alak.

"He doesn't, Mom," maikling sagot ko sa kaniya. Nang marinig kong may bumusina sa labas ay agad akong humalik sa pisngi ni Mom at nagpaalam na aalis na. At least, ngayon ay hindi niya na ako pinipigilan. Maybe Dad told her something.

Pagkalabas na pagkalabas ko ay sinalubong ako ng gwapong mukha ni Gavin. Nakasandal siya sa motorbike niya at inaantay ang paglabas ko. Nang makita niyang papalabas na ako ay agad niyang inabot sa 'kin ang helmet na hawak.

"Good morning," bati ko rito at tiningnan ang kabuuang ayos niya. He's so hot with his outfit, I should take a photo of him. "Umayos ka ng tayo, kukunan kita ng picture," sabi ko.

"No," sagot nito at inayos ang kaniyang suot. Dahil ayaw nga niyang magpakuha ng picture, palihim ko na lang siyang kinunan. "You took a picture of me," sabi nito na ikinatingin ko sa kaniga.

"How did you know?" tanong ko.

"It flashed," maikling sagot nito at sinuot sa 'kin ang helmet. "Now, let me take a photo of you, too," sabi niya at agad akong kinuhanan ng picture.

"Hey!" Ngumisi siya sa 'kin at ni-wave pa ang cell phone niya sa ere. Bakit parang iba ang aura ng lalaking 'to ngayon? May iba talaga sa kaniya, e.

"Sakay," sabi niya. Sumunod naman ako at sumakay sa likuran niya. Kumapit pa ako nang mahigpit sa baywang niya sa sobrang bilis niyang magpatakbo.

"Dahan-dahan!" sigaw ko na siya lamang naging dahilan para pabilisin pa ang pagtakbo ng kaniyang motorbike. Napakademonyo talaga! Akala ko matino 'tong lalakeng 'to? Tang*na! Nabitag 'ata ako.

WLMA: SPECIAL FORCES (COMPLETED)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora