SF 25

173 18 11
                                    

Kitty's POV

After our mock-up training ay agad kaming pinaulanan ni Sergeant Grey ng magagandang salita. Sabi pa nga niya ay isa raw kami sa mga magagaling na sundalong naging estudyante niya. Parang noon lang ay tinawag niya kaming slowest batch.

Matapos nga ang araw na 'yon ay balik na ulit kami sa field para sa aming mud training, sa shooting range para sa aming shooting class, at sa gym para sa aming defense class. Sa araw-araw na lumilipas ay nakasanayan na rin ng mga katawan namin ang mga intense training. Ang sabi pa ni Sergeant Grey ay mayroon na raw mga estudyanteng nakapasa para maging isa sa Special Force ng West Land.

Ngunit hindi namin pinagtuunan ng pansin iyon dahil na rin sa nalalapit naming exams. Kung papasa kami sa exam na ito ay magkakaroon kami ng 1 week vacation pagkatapos ay bibigyan kami ng isang totoong misyon na 'pag natapos namin ay kasali na kami sa mga ga-graduate ng WLMA.

Ibig sabihin ay malapit na kaming magdalawang taon dito sa loob ng military at muli na namang magsisimula ang West Land Tournament.

"Agh... kailangan ko pang mag-training sa umaga at mag-aral sa gabi. Nakakatamad naman," reklamo ko kay Gavin na nakaupo sa kama ko.

"I can help you with those strategies and tactics, I can also help you with our past lessons." Ngumiti ito sa 'kin ngunit nakabusangot pa rin ako. Hindi naman problema ang pag-aaral sa mga 'yon, ang problema ko lang naman ay sobrang tamad ko.

"But I'm to lazy to study, Gav," sabi ko at ngumuso. Agad naman niya akong hinila papalapit sa kaniya at pinaupo.

"I can't do anything about that," sabi niya habang hawak-hawak ang dulo ng buhok ko. "When did you last cut your hair?" biglang tanong nito. Sabi na, e, bakla talaga 'tong si Cornelius. Kunwari lang 'tong nanliligaw kasi inggit siya sa ganda ko.

"Aray!" reklamo ko nang pitikin niya ang noo ko.

"Ano na namang iniisip mo?" Umiling-iling ako sa kaniya at bahagyang ngumiti. Alangan namang sabihin ko na iniisip kong bakla siya at inggit siya sa ganda ko?

"Last 3 years ago pa "ata," sagot ko sa kaniyang unang tanong. Tumango-tango naman siya at inamoy-amoy ang buhok ko. May nakakaadik bang amoy sa buhok ko at palagi niya nang ginagawa 'yon? "Anong meron sa buhok ko? Mabaho na ba?"

"Nope. It smells great," ani niya saka ngumiti nang matamis sa 'kin. Bakit parang may masamang binabalak 'tong si Gavin ngayon? Omy-bubuntisin niya na ba ako? Hindi na ba siya makapaghintay? Dalawang buwan na lang at magtatapos na kami! I need to stop him, ayokong makunan habang nagt-training-wait, so papayag nga akong magpabuntis sa kaniya?

Agad kong pinaypayan ang sarili ko gamit ang aking palad. Ang init naman kasi, nag-iinit ang paligid. Parang kailangan ko nang magpalagay ng aircon sa kwarto ko. "I have something to tell you, baby. And please no matter what I do or say, don't be mad at me."

"What is it?"

"I already talked to Drey. I asked him if he has feelings for you and he told me that he likes you. Just like me, he likes you for almost 2 years and a half already."

"And?"

"And both of you like each other..." bulong niya.

"So why would you ask me not to get mad at you? It's not something to be-" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang pinutol niya ito ng halik. Inihiga niya ako sa kama at agad pumatong sa 'kin para ipagpatuloy ang paghalik. I want to protest but before I could, Gavin already claimed my lips, sucking my tongue, while caressing my body.

I want to protest and push him away but my mind is clouded with his kisses. It feels like I have no control over my body anymore. My body is just responding towards his touches. All I can do is moan as i kissed him back with the same desire and hunger. His lips tastes so good that it's making me addicted to it. "Oh~" I moaned on Gavin's lips when he massaged my mounds.

"I want you to be mine, Katniss," bulong nito sa tenga ko habang nakapaibabaw pa rin sa 'kin. "You're mine, Katniss."

"I-i'm not an object, Gavin. You can't just own me," sabi ko at tinulak siya paalis sa ibabaw ko.

"I'm yours, Katniss. I'm only yours. I want you to own me, Katniss." Gusto kong tumalon sa saya, gusto kong magpa-party sa pinagsasabi ni Gavin. Tang*na! Yes, baby, I own you. You own me, too. Nasa ibang galaxy na po ang aking panty! "Are you still confused about your feelings? Do you still like Drey?"

Hindi ako sumagot sa tanong niya at tahimik lang akong umupo sa kama. I know deep inside me, I still like Gavin. I like Gavin and Drey was just a substitute. I thought I like him because my mind kept thinking about him. I thought I like him because he's always with me. Pero puro akala lang pala ang lahat. Inisip kong gusto ko siya to forget Gavin. Inisip ko ring nakalimutan ko na siya. But deep within me? Siya pa rin talaga. Si Gavin pa rin talaga.

"If you still like him then why did you respond to my kisses? Why is your body responding to my touches, Katniss?"

"I-i still like you, Gav," sabi ko habang nakayuko. I am already 20 pero para pa rin akong bata kung umakto. Paanong nagkagusto itong lalaking 'to sa 'kin?

"Really?" masayang tanong nito. Agad akong tumingin sa mga mata niya at tumango. Ngumiti naman siya nang pagkatamis-tamis na muntikan ko nang ikatunaw. Ngiti palang, nakakatunaw na.

"But we're not official yet! Saka na 'pag graduate na tayo," sabi ko na ikinatango naman niya. Akala ko ako lang ang parang bata sa 'min, siya rin pala. "Shall we continue our training then?" tanong ko.

"Training? What training?" tanong nito pabalik. Ngumisi ako sa kaniya at pinahiga siya bago pinatungan. It's my turn, Gavin.

"This training," I said before claiming his lips. Charot, baka panaginip lang 'to Lord, ha?

WLMA: SPECIAL FORCES (COMPLETED)Where stories live. Discover now