SF 6

270 23 18
                                    

Kitty's POV

Today is the day!

Ngayong araw ang first day of school sa West Land Military Academy. Though hindi pa rin pumapayag ang parents kong mag-aral ako sa academy, tinanggap ko pa rin ang offer at nag-enroll agad. I won't miss this chance. 

"Darling, where are you going?" my mom asked.

"Uh... I'm just tidying my things, Mom. Ito pa 'yong mga dinala ko sa out of town namin nina Helen." I smiled sweetly at her. Ang totoo ay hindi naman talaga ito ang mga gamit na dala ko no'n, ito talaga 'yong mga dadalhin ko ngayon sa Academy.

"Bakit parang hindi naman pang beach ang mga 'yan?" my mom asked. Mabilis kong sinara ang maleta ko bago pa makalapit si Mom sa kinaroroonan ko. Medyo nahirapan pa ako sa pag-close ng zipper at mukhang nasira pa ito.

"You know me, Mom. Ang dami lagi ng mga dinadala ko 'pag nag-o-out of town," I replied. She smiled and sat beside me, like what she always do, she caressed my hair with tenderness.  

"Darling, I heard your exam is approaching?" Una ay hindi ko talaga alam na may exam na paparating, sa pagpasok ko sa Academy lang naman kasi talaga ang iniisip ko. Kahit wala talaga akong kaalam-alam sa exam ay tumango pa rin ako sakaniya. "Kailan kayo magre-review nina Helen?"

"I don't know, Mom. 'Di pa po namin napag-uusapan," sagot ko sa kaniya.

"Oh, I see. Tell me kung kailan, Darling. Para makapag-prepare ako 'tsaka dito na kayo mag-review sa bahay, okay?" Ngiti at tango lang ang sagot ko kay Mom. "By the way, may lakad ako kasama ang mom nina Helen. Magpahinga ka na lang muna rito sa bahay and don't ever think of going to that military academy." Ilang sandali niya pa akong kinausap bago umalis. Agad-agad kong pinagpatuloy ang pag-iimpake at nagbihis para makaalis.

WLMA CHOSEN ONES

Drey:
I'm almost ready. Kayo ba?

Me:
Almost done na ako, magbibihis na lang ako. By the way, sabay-sabay talaga tayong papasok today?

Drey:
Of course, kailangan magsama-sama ng mga chosen ones.

Warner:
I'm done packing.

Gavin:
I'm getting ready.

Me:
I'm done na!

(Insert photo)

Drey:
Magbabakasyon lang, Menken?

Warner:
Dalian niyo, alas dose na.

Me:
Yes, Sir.

Drey:
'To na nga!

Gavin:
I'll pick you up first, @Kitty Menken

Me:
*Like*

Sa sobrang kilig ko, thumbs up na lang ang nai-reply ko. Feeling ko tuloy, magde-date kaming dalawa. Buti sana kung walang mga asungot, baka mas masaya.

Pagkatapos kong magbihis ay agad akong naghanda para lumabas ng bahay. Sinilip ko pa kung may tao ba sa dadaanan ko, mabulilyaso pa ang planong pagtakas ko. Nako, nako.

Gavin:
I'm here, @Kitty Menken.

Mabilis pa sa alas kwatro akong nakalabas ng bahay at pumasok sa sasakyan ni Gavin, tinulungan niya naman akong ilagay ang maleta ko sa likod ng sasakyan. "How did you know where our house is?" tanong ko pagkaupo ko sa passenger seat.

WLMA: SPECIAL FORCES (COMPLETED)Where stories live. Discover now