SF 32

170 14 11
                                    


Ilang metro ang layo ng abandonadong gusali sa tinigilan ng sasakyan ng team nina Kitty. Malapit nang gumabi at nais nilang gamitin ang dilim upang hindi agad sila mapansin at makita ng mga nasa loob ng gusali.

Maingat ang kanilang bawat galaw, walang maririnig na kahit anong ingay sa kanilang paglalakad. Ang nasa kanilang unahan ay si Sergeant Lowell na sumenyas sa kanilang tumigil muna. Ilang segundo silang tumigil bago nagpatuloy muli.

Sumenyas sa kanila si Sergeant Lowell, sumenyas ito na maghihiwa-hiwalay sila. Tinuro ni Sergeant Lowell si Kitty at si Drey, sinenyasan niya ang dalawa na magtago sa damuhan. Sunod ay tinuro niya si Gavin at Warner, sinenyasan niya ang dalawa na pumasok sa likod na bahagi ng gusali. Si Danica naman ay pinapasunod niya sa kaniya.

Nang sumenyas muli ang Sergeant ay naghiwa-hiwalay na silang anim. "Grim Repear (Drey), stay in the bushes. Prepare to snipe the criminals who'll go out later. Angel (Menken), climb to the second floor of the building, wait for my next command. Brains (Cornelius), stay at the backdoor in case someone will escape at the back door. Scorpion (Warner), enter the building. Bambi (Danica) and I will enter in the front door."

"Copy, Gunner," sagot nilang lahat.

Lahat sila ay sabay na gumalaw batay sa utos ni Sergeant Lowell sa kanila. Si Drey ay naroon pa rin sa pinagtaguan nila ni Kitty kanina ngunit nakadapa na siya ngayon habang nakatingin sa telescopic sight. Si Kitty naman ay umakyat papasok sa bintana ng ikalawang palapag gamit ang isang tali na mayroong hook. Si Warner naman ay maingat na pumasok sa loob ng gusali. Si Gavin na naiwan sa backdoor ay agad ring dumapa, gaya ng ginawa ni Drey ay nakatingin din siya sa telescopic sight.

Sa harapan naman ay walang ingay na pinatulog ni Sergeant Lowell at Danica ang mga nagbabantay sa front door. Tinali nila ang mga ito at tinago sa madilim na parte. Matapos iyon ay pumasok na sila sa loob ng gusali. Nang nasa loob na sila ay agad nilang nakita ang mga kalalakihang naglalakihan ang mga braso at maraming tattoo sa katawan.

Hindi muna sila gumalaw sa kanilang pinagtataguan at naghintay ng tiyempo. "Angel, are you inside the building?"

"Yes, Sir," sagot ng dalaga.

"Standby, Angel. Scorpion, are you inside the building?" tanong ng Sergeant ngunit walang sumagot na Warner dito. "Scorpion, are you inside the building?" muling tanong nito. Muli ay hindi sumagot si Warner.


Si Kitty na naroon sa ikalawang palapag ay nag-alala bigla para kay Warner. Paulit-ulit na pumapasok sa utak niya na baka mayroong nangyari sa binata. Bumalik siya sa dinaanan niyang bintana kanina at tiningnan ang kinaroroonan ni Drey. Nahirapan pa siyang i-adjust ang kaniyang mga mata sa dilim ngunit nakita niya rin ang binata kalaunan, nakadapa pa rin ito gaya ng posisyon nito kanina.

Hindi na niya muling nasilip pa nang maayos ang binata nang mayroon siyang narinig na mga yabag. Sa tingin niya ay dalawang tao ito at papalapit sa kinaroroonan niya. Mabilis ang galaw niyang nagtago at sumiksik sa isang gilid. Ilang segundo pa ay dumating din ang dalawang lalaki. "Three men, down. Another three left," rinig niyang sabi ng isang lalaki.

Sino ang tinutukoy ng mga ito? Three down, three left. Hindi kaya sila ito? Anim lang silang pumasok dito kaya siguradong sila ang tinutukoy nito. "They can't easily capture all of us with those number, they even send new graduates. The special force is ridiculous as always."

Sila nga ang tinutukoy ng dalawa at sigurado na si Kitty kung sino na lang ang natitira. Siya, si Danica, at ang Sergeant. Kanina noong nakita niya si Drey na nakadapa pa rin ay nasisiguro niyang wala nang consciousness ito. Malamang ay sinadya iyon para masabi nina Kitty na nasa posisyon pa rin ang kanilang kasama.

"Brains, are you in your position? Brains," rinig ni Kitty mula sa kaniyang suot na earpiece. "Brains." Muli ay walang sumagot.

Tama ang hinala ni Kitty. Sina Drey, Gavin, at Warner ay mahimbing nang natutulog ngayon.

Sa kabilang banda kung saan naroon sina Danica ay inis na napabuga ng hangin si Sergeant. "Gunner. Brains, Scorpion, and Grim reaper are down. I repeat, Brains, Scorpion, and Grim reaper are down."

"Mission abort!" inis na sabi ng Sergeant sa mic at maingat silang lumabas ni Danica mula sa building.

Nang nasa labas na sila ay bumalik sila sa una nilang pinagtaguan at hinintay ang pagbaba ni Kitty. Ilang minuto ang lumipas ay nakita nilang tumatakbo na si Kitty papunta sa kinaroroonan nila.

"Let's get Cornelius and Cunningham."

"What about Private Godfrey, Sir?" tanong ni Danica ngunit hindi sumagot ang Sergeant.

"Let's just hope na nasa labas ang katawan niya. Para mas madaling makuha," sabi ni Kitty. Tumango na lang ang dalaga sa kasama.

Agad nilang pinuntahan si Drey na mas malapit sa kanila. Wala itong kahit anong tama at wala ring kahit anong makikitang nakipaglaban si Drey sa paligid. Ibig sabihin ay inatake at pinatulog ang binata mula sa likod.

Kinuha ni Kitty ang kutsilyo sa kaniyang hita at sinugatan si Drey. Nagising ang binata dahil sa hapdi ng kaniyang nararamdaman. "What the hell happened?" bungad nito sa tatlo.

"They know that we are here," maikling sagot ni Kitty at inalalayan patayo ang binata. Si Drey naman ay napahawak sa kaniyang batok dahil sa sakit ng nararamdaman.

"Let's go."

Sunod nilang pinuntahan ang backdoor kung saan naroon nakaposisyon si Gavin. Gaya nang nakita nila sa pinagtataguan ni Drey, wala ring labanan na nangyari sa pinagtataguan ni Gavin. Dahil kung meron man, siguradong natalo na ni Gavin lahat ng susugod sa kaniya.

Gaya ng ginawa ni Kitty kay Drey ay sinugatan niya si Gavin na agad napaigtad sa hapdi. "The mission is done?" tanong nito.

"The mission has been aborted," sagot ni Danica.

Kumunot ang noo ng binata dahil sa narinig ngunit alam niya kung ano ang naging dahilan nang hindi pagkatapos ng kanilang mission at dahil iyon sa kaniya. "Where's Warner?"

"Nahuli nila siya," maikling sagot ni Kitty.

"Then what are we waiting for? Let's get him," sabi ni Gavin at tumayo.

"Let's get him and we'll get out of here," sabi ni Drey.

"No! We won't rescue him," matigas ang boses na sabi ng kanilang captain, si Sergeant Lowell.

He must've been very disappointed to them.

WLMA: SPECIAL FORCES (COMPLETED)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu