SF 10

239 14 19
                                    

Kitty's POV

Nang makaalis ako sa pagkakatali ay naglakad na kaming lahat papunta sa classroom para sa susunod na klase habang si Cunningham naman ay naiwan sa field at nakatali pa rin.

"Sige na kasi, Gav. Paayos na ng uniform ko, baka mapagalitan na naman ako nito." Kanina ko pa kinukulit itong si Cornelius, ngunit sobrang tigas talaga ng puso ng lalaking 'to.

"Let our classmates fix that," sagot nito na mas lalong ikinasimangot ko.

"I don't want them to fix my uniform, I'm shy," sabi ko at nag-pout pa. Napahilot na lang si Gavin sa kaniyang sentido at nilapit ang pagitan namin.

Nagsimula ito sa pag-aayos ng kwelyo ko hanggang sa sinturon ko na hindi ko alam kung tama ba. "Remove this," sabi nito.

"Ikaw na," sabi ko na siyang ikinailing niya. Ang galing ko talaga, napapasunod ko ang isang Gavin Frey Cornelius. Baka kaunting push na lang, ma-fa-fall na 'to sa 'kin.

"It's done," giit nito at tumalikod sa 'kin. Agad naman akong lumapit sa kaniya at kinawit ang kamay ko sa braso niya. Pilit niya itong inaalis ngunit mapilit talaga ako at binabalik pa rin ito sa tuwing natatanggal niya. "Romance isn't allowed in the military, Ms. Menken," masungit na sabi nito.

"Sa tingin mo ba, romance na 'tong ginagawa na'tin?" nakangiti kong tanong sa kaniya.

"This is an act of public display of affection, Ms. Menken. I don't want the others to misinterpret what you're doing," sabi nito at muling tinanggal ang kamay kong nakakapit sa kaniya.

"I like you!" matapang kong sabi rito.

"I don't like you," sagot nito at tumalikod na sa 'kin.

"I entered military school because of you!" sigaw ko rito nang makalayo na siya. Ngunit ang Gavin? Walang paki at nagpatuloy pa rin sa paglalakad palayo. "I like you nga kasi!" sabi ko at tumakbo pasunod sa kaniya.

"I told you, having a relationship inside the Academy is prohibited," sabi nito habang naglalakad pa rin.

"Who cares about their damn rules?" sabi ko na sumusunod pa rin sa kaniya. Tumigil ito sandali at hinarap ako.

"Me, Menken. I care for that damn rules. I don't want to be expelled," sagot nito bago tumalikod at iniwan ako.

Hindi na ako sumunod sa kaniya at naupo na lang sa isang bench. He said he doesn't like me. May kulang pa ba sa 'kin? Halos nasa akin na lahat. 'Di kaya, bakla talaga siya? O baka may jowa na siya?

"Tara na, magsisimula na ang susunod na klase," biglang sulpot ni Godfrey. Buhay pa pala 'tong lalaking 'to, 'di ko kasi siya nakikita lagi.

"Oh." Tanging sagot ko at sumunod sa kaniya papunta sa classroom. Sa subject na 'to, History naman ng West Land ang napag-uusapan, history din tungkol sa mga dating mga matatapang na sundalo. Ang boring naman ng subject na 'to at halos isang taon kong pagtitiisan ang subject na 'to.

-

Today is the last day of our classes. Sa loob ng walong buwan ay puro aral lang ang ginagawa namin. May mga normal subjects din naman kaming inaaral gaya na lang ng Physics, Chemistry, at Biology na makatutulong daw sa amin sa oras ng aming mga misyon. Mayroon ding Basic Math na hindi naman masyadong nagpasakit ng ulo ko dahil may tutor ako, si Gavin Cornelius. HA-HA!

May development naman ang mga paglalandi ko kay Cornelius. Minsan hinahayaan niya na akong kumapit sa kaniya 'pag walang ibang tao. Tinutulungan niya rin ako sa mga subjects na medyo tagilid ako. Sa totoo lang ay kaya ko namang mag-excel sa mga subjects namin, gusto ko lang magkaroon ng pagkakataong makalapit kay Gavin dahil nga siya ang laging nangunguna sa klase.

WLMA: SPECIAL FORCES (COMPLETED)Where stories live. Discover now