SF 28

162 18 7
                                    

Lahat ng estudyante ay nasa kanilang formation na at naghihintay sa Commandant. Lahat sila ay kinakabahan maliban na lang sa apat na sina Gavin, Kitty, Drey, at Warner. Hindi mababakas sa mga mukha nila ang kaba sa mga darating na pagsubok. Para sa kanila ay hindi ito basta-bastang exam lang ngunit kampante silang kaya nila lahat ng pagsubok.

"Attention!" tawag ng isa nilang kaklase nang makitang paparating ang Commandant at ang Supervisor. Agad silang nag-salute at gano'n din ang dalawa sa kanila. "Parade rest." Sinunod naman nila ang command at nag-parade rest.

Hindi muna nagsalita si Commandant at isa-isa muna silang tiningnan. "Uniform inspection,"sabi nito. May mga lumapit na mga sundalo sa kanilang lahat at tiningnan ang kanilang uniporme kung tama ba ang kanilang pagkakasuot. Matapos 'yon ay nagsalitang muli ang Commandant.

"The first test that you're going to take is this obstacle course. It's the same obstacle course but this time, you need to finish this obstacle course in 5 minutes. The person who won't finish the obstacle course in 5 minutes will automatically score zero." Halos lahat sila ay gustong mag-react sa kanilang unang exam. Noong huli silang sumabak sa obstacle course na ito, ang pinakamabilis nila ay anim na minuto at iyon ay si Gavin. Siguradong mahihirapan sila sa unang exam pa lang.

"The next test is a 4 x 100 meters swimming relay. Your scores will be based on your performance, and I will be the one to give you your scores. The team who'll win the relay will automatically have a perfect score. It's for your team to decide what will be your strokes." Halos malaglag ang panga ng ibang estudyante sa kanilang narinig. Minsan na rin silang nagkaroon ng swimming classes, at isa lang ang naging epekto nito sa kanila-sakit sa katawan. Ngunit ang iba naman ay tila masaya pa dahil hindi 1500 meters freestyle ang pinagawa sa kanila, halos ikamatay kasi nila ito noong nag-training sila.

"The third and last test that you're going to do is a rifle shooting. There are 4 individual stages in this test. First, shooting in the standing position, 10 shots in 10 minutes at 200 yards. Second, shooting in kneeling position, 10 shots in 60 seconds with reload at 200 yards. Third, shooting in prone position, 10 shots in 70 seconds with reload at 300 yards. The fourth and last, shooting in prone position, 20 shots in 20 minutes at 600 yards. All in all, there are 50 shots worth 500 points but if someone shoots within the ten ring, you'll receive another 10 points for shooting a ten."

Ang nasa isip ng ibang estudyante ay sana naging kagrupo na lang nila si Kitty o 'di kaya ay si Gavin dahil alam nilang ang dalawang ito ay bihasa sa paghawak ng rifle. Ngunit sa kasamaang palad ay gano'n pa rin ang magiging team members nila at hindi na iyon maaaring baguhin pa.

"The first test will start in 5 minutes, get ready."

Nang magsimula ang kanilang unang pagsusulit ay halos maubusan na ng hininga ang lahat. Walang tigil ang kanilang pagbubuhat, pag-akyat, at pagtakbo sa mga obstacles. Pati ang kanilang paghinga nang maayos ay hindi na nila binibigyang pansin at nagpatuloy sa pagtakbo. Mayroong iba na madali lang para sa kanila ang pagdaan sa lahat ng obstacles, mayroon namang iba na paminsan-minsan ay muntikang nadadapa.

Sa kanilang lahat, nangunguna ang dalawang estudyante-si Kitty at si Gavin. Para sa kanila ay kahanga-hanga talaga ang bilis ng dalawa, lalo na si Kitty na babae. Ang tingin ng ibang mga lalaki sa babae ay mabagal at mahina ngunit ang babaeng ito ay kakaiba sa mga babaeng nakilala nilang puro arte lang sa katawan ang alam.

Ang babaeng ito ay kayang makipagsabayan sa kanilang mga kalalakihan. Hindi na sila nagtatakang nirekomenda ito mula sa tournament.

Natapos ang kanilang unang pagsusulit, lahat sila ay nag-improve at natapos nga nila ang obstacle course sa limang minuto lamang. Ang nakakamangha pa ay sabay na natapos si Kitty at si Gavin sa loob lang ng 3 minutes and 41 seconds. Sunod sa kanilang dalawa ay si Drey na natapos sa loob ng 3 minutes and 56 seconds, kasunod nito si Warner na isang minuto lang ang pagitan kay Drey.

"Mas bumilis ka ngayon, Kitkit," sabi ni Danica habang umiinom ng tubig.

"I removed all the sandbags in my body." Tinaas ng dalaga ang kaniyang suot na uniporme at pinakita iyon kay Danica. "See?"

"Sobrang na-amaze talaga ako sa inyo kanina." Hindi na muling nagsalita si Kitty at naglakad na lang papunta sa swimming pool ng paaralan. Ang kanilang paaralan ay kumpleto: mayroong dorm, canteen, clinic, track, field, boxing gym, classroom, library, swimming pool, at mayroon din silang gym na kung saan maaari silang maglaro ng basketball o kahit anong sports sa kanilang libreng oras.

Pagdating nila sa loob ng indoor pool ay naupo sila sa upuang nakalaan sa kanila. Mayroon pa naman silang 30 minutes ngunit maaga silang pumunta para makapag-stretching. "Where's Wang and Padillo?" tanong ni Kitty kay Danica.

"I think they're on their way. Nagutom daw kasi si Padillo sa katatakbo kanina." Mahinang tumawa si Kitty sa sinabi ni Danica. Hindi na siya nagtataka sa binata kung nagutom ito dahil lagi naman itong gutom. "Kitty, can I swim for the backstroke?"

"Yeah, sure. I know, you're good at that stroke," sagot ng dalaga at ngumiti kay Danica.

Ilang minuto ang lumipas nang dumating din ang kanilang mga kasama. "What stroke?" bungad niya sa dalawa.

"I think I'm kinda good at breaststroke," sabi ni Wang.

"I'll swim in butterfly," sabi rin ni Padillo at naupo sa tabi ni Danica.

"Alright, I'll be the freestyle."

WLMA: SPECIAL FORCES (COMPLETED)Where stories live. Discover now