SF 23

203 21 15
                                    

Kitty's POV

Matapos kaming mag-usap ni Gavin ay hindi ko namalayang nakatulog pala ulit ako. Nakayakap pa rin ako sa malalaking bisig niya. Masarap ang tulog naming dalawa ngunit ginising kami ng malalakas na katok. Agad akong napabalikwas at tinignan ang pinto. Anong meron? Bakit parang sisirain naman ang pinto kung makakatok?

"Soldier Menken, we'll have a room inspection today." Anong oras na ba at ngayon pa nila naisipan mag-room inspection?

Agad akong tumayo at sinapak ang tiyan ni Gavin para magising. "Inspection," maikling sabi ko nang magising siya. Tumayo rin naman siya at tila nagulat pa. Siguradong patay kami oras na makita nilang nandito si Gavin. "Sa banyo!" Tatakbo na sana si Gavin papunta ng banyo nang pigilan ko siya at itinuro ang ilalim ng kama. Tumango naman siya sa'kin ngunit agad ring nagbago ang isip ko at pinapasok siya sa closet. "'Wag kang gagawa ng ingay." Pinanlakihan ko pa siya ng mga mata bago buksan ang pinto.

"I'm sorry, Sir. Natutulog na kasi ako," sabi ko at pinatuloy ang isang sundalo.

"Ba't parang ang putla mo?" mausisang tanong nito.

"Ang lakas kasi ng katok mo. Akala ko may sunog, Sir," ani ko sabay kamot sa batok. Agad naman niyang tiningnan ang buong paligid. Wala kang makikita rito. Alis, alis.

"Can I check your closet, incase may tinatago kang kontrabando sa loob," sabi nito na ikinalaki ng mga mata ko.

"Sir, ayos lang ho ba kung mayroon akong blower dito sa kwarto ko? Tutal ako lang din naman mag-isa rito," pag-iiba ko.

"Aba, siyempre hindi! Ilabas mo 'yan."l

"Nasa banyo ho kasi, kunin niyo ho roon," sabi ko at nginuso-nguso pa ang banyo. Nang makapasok siya sa loob ng banyo ay agad kong binuksan ang closet at sinenyasan si Gavin na umalis na. Tumango naman siya at ako naman ay pumunta sa banyo para tignan ang ginagawa ng sundalo. "Sir, nandiyan po."

Walang hiya ka, Cornelius. Ilan pa ang mawawala sa 'kin nang dahil sayo? Napabuga na lang ako ng hangin paglabas ng banyo nang makitang wala na si Gavin. Tiningnan din ng sundalo ang closet ko at agad nanlaki ang mga mata ko nang makitang hawak ng sundalo ang dog tag ni Gavin. Tang*na! Anong kasalanan ang nagawa ko't parang ang malas ko naman ngayon?

"Bakit nandito 'to?"

"Kilala niyo naman ako, Sir. Mahilig akong mang-prank, nakalimutan ko na ngang isauli 'yan kay Cornelius." May pagdududa pa rin sa mga mata niya ngunit tumango-tango pa rin siya.

"'Wag mo nang uulitin. Ako na ang magbibigay nito kay Cornelius." Agad naman akong tumango at nag-salute bago siya umalis. Muntikan na naman, Cornelius. Baka sa susunod, hindi na tayo makaka-graduate.

Matapos ang inspection ay sinubukan ko ulit na pumikit at matulog ngunit hindi na talaga ako dinalaw ng antok kaya naligo na lang ako. Pagkatapos kong maligo ay lumabas na ako ng banyo at kumuha ng damit sa closet. Napansin kong bukas ang lalagyan ko ng mga panties, baka manyakol yung sundalo kanina at tinignan din pati panties ko.

Ngunit may nakita akong box ng cellphone sa loob ng drawer. Sino naman kayang naglagay nito? Agad ko itong binuksan at nakita na may sulat doon.

To Katniss,

I bought you a cellphone, I also bought a new one for me. Just don't let the Commandant see the gadget. Text me after you read this note. -vin

Napangita na lang ako at binuksan ang cellphone, alam kong bagong model ito. Yayamanin din talaga ang Gavin na 'yon. Pagbukas ko ay nakita kong naka-save na ang number ni Gavin kaya agad ko siyang pinadalhan ng mensahe.

WLMA: SPECIAL FORCES (COMPLETED)Where stories live. Discover now