The Love Encounter (Varsity B...

By kotarou-

58.4K 2.8K 129

VARSITY BOYS SERIES #2: THE LOVE ENCOUNTER Content Warning: The Varsity Boys Series features a BL (Boys' Love... More

VARSITY BOYS SERIES #2: THE LOVE ENCOUNTER
Prologue
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
ARCHER ELLIS
Chapter 61
Chapter 62
Kean Anthony Leondones
Epilogue
VARSITY BOYS SERIES 3: BREAKING THROUGH THE CLOUDS

Chapter 01

2K 62 1
By kotarou-

Chapter 01




Ang maingay na terminal ng bus ng lungsod ng Maynila ang gumising sa akin mula sa mahabang pagkakatulog.




"Pretty boy, nasa Maynila kana."


Sabi sa akin ni Kuya Natoy, ang kundoktor na kaibigan ni Uncle Ruben at aming kapitbahay.


"Salamat po, Kuya Natoy. Pakisabi kina Lolo na huwag masyadong mag-alala sa akin." Sabi ko kay Kuya Natoy nang iabot niya sa akin ang bagahe ko.


"Makakarating. Oh, basta magingat ka ha, at pag-igihin mo ang pag-aaral nang magkaroon ng magaling na doktor ang sityo natin." Sabi nito.


Ngumiti ako at tumango. "Opo. Maraming salamat po ulit." Sabi ko saka na tumalikod at naglakad palabas ng terminal.




Bumuntong hininga ako habang pinagmamasdan ang mga malalaking gusali, maingay na kalsada at mga nagmamadaling mga tao. May kaba man sa aking dibdib ay mahigpit kong hinawakan ang strap ng aking backpack at lumang maleta tinahak ko ang bago kong buhay sa siyudad ng Maynila.


Pumara ako ng taxi, tulad ng tinuro sa akin ni Dr. Carlos Leondones, ang doctor na nangako sa akin na pag-aaralin ako ng medesina sa kolehiyo. Nakilala ko si Dr. Carlos nang magsagawa siya ng medical outreach sa sitio ng probinsya namin.


Mabait at magaling na doktor si Dr. Carlos. Nang malaman niya ang kagustuhan at pangarap kong makapag-aral ng medisina at maging doktor kagaya niya ay inalok niya ako na pag-aralin rito sa Maynila.


Siya rin ang nagkusang nagasikaso ng mga kailangan kong dokumento at nagproseso nito. Maganda naman ang mga grado ko sa paaralan. Hindi naman sa pagmamayabang ngunit, nagtapos ako ng may pinaka mataas ng karangalan.


Iyon lamang kasi ang maipapambayad ko sa pagpapa-aral sa akin nina Uncle Ruben at Auntie Leila. Wala na kasi ang mga magulang ko. Ang Mama ko ay namatay limang taon na ang nakakaraan, habang ang Canadian ko namang ama ay hindi ko nakilala kahit kailan.


Mahirap ang buhay sa probinsya, kaya ang makapagtapos ng high school ay isang malaking bagay na. Ayoko nang hilingin pa kina Auntie at Uncle na pag-aralin ako sa kolehiyo dahil magsisimula na ring mag-aral si Reya ang kanilang anak.


Ang akala ko noon, hanggang sa panaginip nalamang ang pangarap namin ni Mama na maging doktor ako, ngunit laking pasasalamat ko na nakilala ko si Dr. Carlos at nagkaroon ako ng pag-asang maisakatuparan ang aming pangarap na iyon.


Ibinigay ko sa driver ang address ng ospital na sinabi ni Dr. Carlos na puntahan ko pagkarating ko sa Maynila. Siya rin pala ang nagbigay ng pera sa akin para makaluwas.


Medyo malayo ang naging biyahe mula sa terminal, dahil narin sa mga buhol-buhol na mga sasakyan sa kalsada. Gamit ang lumang cellphone na regalo ni Kuya Leo sa akin, pinadalhan ko ng mensahe sina Lolo na huwag nang mag-alala at maayos akong nakarating ng Maynila at ngayon ay papunta na ako kay Doc Carlos. Pinadalhan ko na rin ng mensahe si Doc Carlos na nasa Maynila na ako at papunta na sa opsital.




"Narito na tayo, ser."


Anunsiyo nung driver. Kaagad naman ako nagbayad ng pamaseheng sinabi niya.


"Salamat po, manong."


Isang nakakalula at napakagandang gusali ng ospital ang talaga namang nagpamangha sa akin. "Wow, napaka laki namang ospital nito!" Natutuwang bulong ko sa aking sarili.


"Mr. Ethan Lionel Cuevas?" Isang lalaki na sa tingin ko ay nasa kwarenta-anyos na ang edad ang lumapit sa akin.


Nakasuot ito ng purong itim na kasuotan, business suit, kung hindi ako nagkakamali ang tawag roon.


Medyo nangiwi pa ako ng kaunti nang marinig ko ang buo kong pangalan. Ang sabi ni Mama ay pangalan daw iyon ng banyaga kong ama at bilang nagiisang alala niya ay iyon ang ibinigay niya sa akin.




"Ako nga po." Sagot ko.




"Maligayang pagdating sa Manila, Mr. Cuevas. Ako si Hans, ang sekretarya ni Doctor Leondones, nasa board meeting siya sa mga oras na ito at inutusan niya akong sunduin ka. Halika, at dadalhin kita sa opisina niya." Sabi niya.


Tumango naman ako at sumunod sa kaniya. Hindi ko maiwasang mamangha sa ganda ng gusali at lalo na sa mga nurse at doctor na nakikita at nakakasalubong ko. Mas lalo nitong pinag-tibay ang kagustuhan kong makapagtapos at maging isang doktor sa hinaharap.




Balang araw, pangako magiging magaling akong doctor at tulad ni Doctor Carlos ay tutulong rin ako sa ibang tao.




"Narinig kong gusto mong maging isang doktor gaya ni Doc Leondones, tama ba?" Tanong ni Mr. Hans nang nasa loob na kami ng elevator.




"Opo, tama po. Gusto ko pong maging magaling na doktor tulad ni Doc Carlos." Sagot ko naman na hindi maitago ang excitement sa boses ko.




"Magaling kung ganon. Aasahan kong makita kang isa sa mga magagaling na doktor rito sa hinaharap." Nakangiting sabi ni Mr. Hans.


Ngumiti ako at tumango. "Makakaasa po kayo, Mr. Hans." Tugon.




Nakasunod lamang ako kay Mr. Hans hanggang sa dumating kami sa palapag kung nasaan ang opisina ni Doc Carlos.




Isang malawak na kwarto ang bumungad sa akin nang buksan ni Mr. Hans ang pintuang aming hinintuan. Hindi ko tuloy maiwasang mamangha na naman.




"Maupo ka muna hijo." Alok ni Mr. Hans na kaagad ko namang tinugon. Naupo ako sa isa sa mga malalambot na sofa roon sa mini sala set up.




"Dr. Carlos Leondones - Executive Director of Xavier Medical Group"


Pagbasa ko sa pangalan ni Doc Carlos na nakasulat sa isang babasaging desk nameplate. Wow! Kung gayon hindi lang pala isang pangkaraniwang doktor si Doc Carlos, mataas rin pala ang kaniyang posisyon sa ospital na ito.




Ilang minuto lamang ang itinagal nang bumukas ang pintuan at pumasok si Doc Carlos kaya kaagad naman akong napatayo. Sa likod niya ay may isa pang lalaking medyo matangkad na nakasuot rin ng puting kasuotan ng doktor.


"Eli, you're finally here."


Masayang salubong sa akin ni Doc Carlos. Binigyan pa ako nito ng yakap na akin namang ginantihan rin.




"Maraming salamat po, Doctor Carlos. Ngayon palang po nagpapasalamat na ako sa inyong alok na tulong." Sabi ko.


Tumawa naman siya saka hinawakan ang aking balikat.


"It's nothing, Eli. Naniniwala ako na ang mga batang kagaya mo ang magiging asset ng ating bansa sa hinaharap, that's why I will provide you the help you need." Sabi niya. "Oh, by the way I want you to meet my elder son Caspian, he is also a surgeon doctor like me." Pagpapakilala nito sa lalaking kasunod niyang pumasok.


"It's nice to finally meet you, Eli or should I say, Doc Eli?" Isang maliwanag na ngiti ang ibinigay nito sa akin.


Hindi ko naman mapigilang mapangiti dahil sa ginawa niyang pag-address sa aking pangalan. Ang sarap sa pandinig na maikabit sa pangalan mo yung bagay na pangarap mo.


"Thank you, Doc." Inabot ko yung kamay niyang nakalahad sa aking harapan. Grabe, bigla akong nahiya sa lambot ng kamay niya!


"I want to personally bring you home Eli, but unfortunately I have a commitment to attend to. But don't worry, Caspian will take you home."


Anunsiyo ni Doc Carlos. Tumango naman si sir Caspian ng dapuan ko ito ng tingin.


Nagpaalam na rin kaagad si Doc Carlos kasama si Mr. Hans kaagad at sinabi niya na sa bahay nalang mamaya kami magkwentuhan.


"Uh, ayos lang po ba Doc, kung umalis kayong ospital? Baka po nakaka-abala ako sa inyo. Tingin ko ay kaya ko naman pong puntahan ang bahay niyo, basta bigyan niyo lang ako ng address." Sabi ko kay Doc Caspian nang pababa na kami ng building.


Wala na ang white coat nito at tanging, asul na long sleeve na nakatupi hanggang siko at itim na slacks ang suot nito.


"Don't worry, Eli wala naman na akong schedule at isa pa mas mabuti nang ako ang maghatid sa iyo, baka maligaw or mapagdiskitahan ka ng mga masasamang tao." Sagot niya. Tumango nalang ako kahit hindi niya ako nakikita dahil nasa bandang likuran niya ako at nakasunod sa kaniya.


Pagbaba namin sa lobby ay kabi-kabila ang mga doctor at nurse na bumabati kay Doc Caspian. May ilan ring pasiyente ang magiliw na bumabati sa doktor.




Natuwa akong pagmasdan kung paano siya mag -respond sa mga ito. Puro ang ngiting ibinabahagi niya sa mga tao, isang klase ng ngiting tila nakakalma ng kaloobang napupuno ng pangamba at takot.


"I'm sorry, I'm quite popular." Sabi nito na sinundan ng bahagyang pagtawa.


Natawa rin ako . "Mukha nga po, Doc ang dami niyong fans." Paggatong ko sa kaniyang sinabi.


Nasa parking lot na kami ng ospital. Kinuha niya ang maleta kong dala at nilagay iyon sa likod ng magara niyang kotse. Nahiya naman ako, pakiramdam ko hindi ako bagay sumakay sa kotseng ito.


"Hahaha, partida wala pa ako sa showbiz niyan. Tsk. Dapat talaga kinonsider ko ang pag-aartista." Umiiling-iling pang sabi nito ago buksan ang pintuan ng kotse at senyasan akong sumakay na.


Ang napaka bangong amoy ng kotse ang sumabong sa akin. Hindi masangsang o matapang ag pagkabango nito, sakto lamang. Kinabahan tuloy ako dahil baka humalo ang amoy kong pawis rito nakakahiya!


"Mukha naman kayong artistahin Doc bakit hindi niyo subukan." Honest na sagot ko.


Sa totoo lang, gwapo talaga si Doc Caspian, parang pinabatang version ni Doc Carlos. Matangkad, matangos ilong, maputi, makinis at matikas ang pangangatawan. Papasa talaga siyang artista.


Binuksan na niya ang makina ng sasakyan. Sumulyap siya sa akin nang may pigil na tawa.


"Haha, you know what I like you already Eli. You have a humor, I like that." Sabi niya.


Sumulyap ako sa kaniya. "Seryoso yun, Doc! Gwapo niyo kaya, mas gwapo pa sa mga artista sa TV na napapanood ko sa kapitbahay namin!" Saad ko.


"Woah! Really? Haha, I was just kidding. Acting is not my thing, but I'll take the compliment though." Pagpapasalamat nito. "Ikaw din, you look handsome. You have a foreign look actually, that's why I can't really believe na galing kang probinsya...no offense meant okay?"


Bahagya akong natawa. "Ah foreigner po kasi Tatay ko Doc Canadian po, pero diko nakilala." Sagot ko.


"Ah- I'm sorry I didn't mean to put it up."


"Naku Doc, ayus lang 'yon. Hindi naman big deal sakin 'yun."


Sa katunayan niyan, wala naman talaga akong sama ng loob sa tatay ko. Siguro noon, noong bata pa ako at hindi ko pa maintindihan kung bakit wala akong ama gaya ng sa ibang mga bata sa lugar namin.


Pero habang lumalaki ako, na-realized ko na walang saysay ang maghanap sa isang bagay na imposible mo nang makita. Isa pa, hindi naman nagkulang si Mama na mahalin ako, mayroon rin akong Lolo at Uncle na siyang tumayo bilang mga tatay ko. Kaya wala ring naiwang pangungulila sa ama sa puso ko, kompleto ako at iyon ang itinatak ni mama sa isipan ko at iyon rin ang naramdaman ko.


Kung sa hinaharap, magkaroon ako ng pagkakataon na makilala ang totoo kong ama, ipagpapasalamat ko iyon. Kung hindi naman ay ipagpapasalamat ko pa rin, dahil kung hindi rin naman dahil sa kaniya ay hindi rin naman ako maisisilang sa mundong ito.


Habang nasa biyahe ay hindi ako tinigilang kausapin ni Doc Caspian. Iba-ibang kwento ang ikinuwento niya sa akin. Maging ang mga lugar na nadaraanan namin ay sinabi niya sakin ang pangalan.




Natuwa naman ako dahil kahit saglit palang kaming nagkakakilala ni Doc Caspian ay ang gaan na kaagad ng pakikitungo niya sa akin. Wala akong ibang kakilala rito sa lungsod ng Maynila kaya ang magkaroon ng isang kakilalang tao na gay ani Doc Caspian ay isang malaking ginhawa sa akin.


"We're here."


Anunsiyo niya nang pumasok ang magara niyang kotse sa isang subdivision. Halos malaglag ang aking panga sa ganda at laki ng mga bahay na nadaraanan namin. Hindi ko maitago ang pagkamangha dahil ngayon lamang ako nakakita ng mga ganito.


Puros mga bahay kubo lamang ang nakikita ko roon sa probinsya. Ngayon lamang ako nakakita ng ganito.


Huminto ang kotse sa tapat ng isang malaking bahay. Automatikong bumukas ang malaking gate nito at umusad ang sasakyan papasok.


"Oh- I forgot something to tell you Eli." Sabi ni Doc Caspian nang tuluyan nang huminto ang kotse.


"Ano po iyon Doc?" Tanong ko.




Ngumiti siya. "Welcome to Manila. I hope you can enjoy your new life here." Sabi niya. 

Continue Reading

You'll Also Like

3.4K 91 34
Boy's love story When a model and architect Gavin Client Villareal and a celebrity named Jian Kipper Cardejas cross their world in one industry. They...
2.7M 168K 57
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
239K 15.3K 74
After securing his dream job at a luxurious resort abroad, Sinag thought he had found a perfect backdrop for a new chapter of his life. Little did he...
935K 32.1K 75
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.