Sangue Dolce ✔️

By Formidable_Writer

23.1K 2.4K 710

Ang pagibig ay walang pinipili, mortal ka man o imortal, dadating ang tamang oras para maging tayo sa huli More

Author's Note
Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Epilogue
Special Chapter

Chapter 31

208 19 11
By Formidable_Writer

"You can do it" iyon ang mga salitang hinabilin sa akin ni Sir Cafaro habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko.

"Pero.. Sir, paano kapag—————"

"No more buts. Remember what I've said to you back then, before you agreed to be the representative in this contest.. " pampuputol n'ya sa sasabihin ko at mukhang wala na s'yang balak ulitin ang sinabi n'ya noon tulad ng nakasanayan.

I chose you because I trust you.

Sumagi bigla sa isip ko ang kasunduan namin na iyon bago n'ya ako napapayag na sumali, iyon ang mga salitang hindi halos mabura sa isip ko, para kaseng, iba ang pakiramdam nang pagkakasabi n'ya sa mga oras na iyon, nakakakislot ng puso.

Napaisip akong mabuti habang pinapakalma ang sarili mula sa kaba at panlalamig ng katawan ko. Ni hindi ko alam kung natatae ba ako o naiihi ng wala sa oras.

"I'm here at your side... If you forgot the process of solving...." pangbibitin pa n'yang dagdag.

"Just remember that I will punish you when that happens" bahagyang nanlaki ang mga mata ko at lalo lang yatang kinabahan sa seryoso ng mukha n'ya, akala ko pa naman ichi-cheer n'ya ako, binabantaan pa yata.

"Sir naman..." nanlulumo kong ani habang nagmamakaawa s'yang tignan para hindi ako parusahan kapag nakalimut ako ng process sa pagsolving o 'di kaya ay mas malala pa doon, ang makalimutan ang formula.

Pero natigilan ako ng nginitian n'ya ako. Ngayon lang yata n'ya ginawa iyon.'Yong labas ang ngipin.

"Just kidding" nakahinga ako ng maluwag sa pahabol n'ya. Nakakakaba s'ya magbiro. Seryoso masyado tignan kung nagbibiro nga s'ya. Pero alam kong nagbibiro nga lang dahil sa ngiti n'ya.

"No matter what happens. Just believe in yourself that you can do it. Stop being silly and lowering yourself. Stop comparing yourself to others, instead be proud of your talent and show what's the best thing you can do for this contest" iyon na yata ang pinaka mahabang sinabi ni Sir magmula nung makilala ko s'ya.

Pati kase sa discussion sa klase ay tipid at malamig ang pananalita kaya ganoonna lang ako naninibago sa kan'ya lalo na ang hindi ko na nakalimutang ngiti n'ya kanina.

Marahan akong napatango. Natitigilan sa mga narinig ko sa kan'ya. Hindi ko akalaing, hindi na ganoon kalamig ang pakikitungo n'ya sa akin, sa halip ay pinapagaan pa n'ya ang loob ko.

"May nakalimutan ka Sir" paghirit ko pa at bigyan n'ya ako ng nagtatanong na tingin "trust God" hindi s'ya saglit nakapagsalita at matagal bago n'ya ako tinanguan.

Naalala kong, hindi pala s'ya naniniwala sa Panginoon, pero buti na lang at sumang-ayon.

"Goodluck" lalo ko pang ikinatigil ang dinagdag n'ya bago bitawan ang pagkakahawak n'ya sa braso ko. Hindi ko pa inaasahang tinap n'ya ng marahan ang ulo ko at nginitian ako ng hindi na labas ang ngipin.

Nagtanguan kaming pareho ni Sir.

Nang magsalita na ang host ay hindi pa man nagbibigay ng tanong umaapaw na ang kaba ko lalo na't napakaraming tao ang mga nanonood dito. Sinisigaw ang pangalan ng bawat representatives sa kada school sila na belong.

Hinaantay ko lang na may sumuport sa akin kahit papaano dahil alam kong kinaiinisan ako ng lahat sa hindi malamang dahilan, tampukan ng mga bullies. Sa palagay ko ngayon ay kaunti lamang ang mga estudyante sa school ko na nanonood ngayon, mukhang ang ilan ay walang balak manood.

Humugot na lang ako ng malalim na hininga dahil parang wala akong nakikitang ka-uniform ko na suot ngayon sa dami ng tao.

'Ayos lang 'yan Eda. Nandito naman si Sir, s'ya ang susuport sa'yo. Laban lang!'

Nalingon ko si Sir muli sa gilid ko ng hawakan n'ya ang balikat ko, napaangat ako ng tingin sa kan'ya.

"Look to your upper left side" aniya.

Nagtataka naman akong sinunod ang sinabi n'ya. Ganon na lang ang pagkatigil ko ng makita ang mga banda ni Blake sa gawing iyon.

Hindi agad mapapansin na kabilang sila sa school ko dahil pang banda kase ang suot nila ngayon.

May hawak silang tig-iisang tarpaulin habang parang nasusunugan ng bahay sa pagsisigaw ng pangalan ko. Hindi ko naiwasang matawa sa nakasulat sa hawak nila.

Eda lang malakas!

Boss Eda for the Win!

Eda the Genius!

Eda namin 'yan!

Ang ikinatawa ko pa ay basta na lang sila manghahablot ng estudyante galing sa ibang school saka inuutusang icheer ako. Nangunguna na doon si Aaron pati ang kambal.

Karamihan sa mga ito ay mga babae kaya madali nilang napapasunod kahit hindi ako kilala. Ang ilan sa mga nahahablot nila ay nagdadalawang isip kung sino ang ichi-cheer. Kung ang representative ba nila or ako.

'Mga Leche flan talaga 'tong mga 'to! Hahaha!'

Nang mabaling ang tingin nila sa'kin ay lumakas pa ang hiyawan nila kaya natatawa akong wala sa sariling kinawayan sila.

Nagpapalakasan ng pag-cheer ang mga manonood habang nagi-entertain ang host na s'yang pinapalakas pa lalo ang hiyawan dito.

Kinakabahan man ay nabawasan iyon dahil sa nakita kong may karamihan na ngayon ang sinisigaw ang pangalan ko.

Muli akong napaangat ng tingin kay Sir ng maramdahan kong pinisil n'ya ang balikat ko na hindi n'ya pa pala binitawan.

"I am not the only one supporting you, they are also here to support you" aniya bago ako nginitian muli, napapadalas na ang pagngiti n'ya sa akin. Hindi ko alam kung paano n'ya nalaman ang iniisip ko kanina pero isinawalang bahala ko na lang iyon.

Nahawa tuloy ako sa ngiti n'ya dahilan para gantihan ko s'ya ng abot tengang ngiti saka tumango tango. Hindi ko kase alam kung anong sasabihin ko, speechless.

Muling bumaling ang tingin ko sa gawi ng mga lokolokong mga banda. Muli akong nagpigil ng tawa dahil naka rock n roll pa kase ang mga kamay nila habang patuloy sa pagchi-cheer, tuloy ay napapasunod rin sa kanila ang mga estudyanteng mga hinablot nila ng basta.

Naiayos ko pa ang salamin ko bago may hinanap at napansin. Wala si Blake.

May kung anong kaunting bumabagabag sa akin at pilit binubura muna sa ngayon sa isip ko ang kung ano ang nangyari sa aming dalawa sa cubicle. Iyon siguro ang dahilan kaya wala s'ya dito.

Ilang sandali pa ay ito na ang pinakahihintay ng lahat. Ang mag-umpisa na ang pasiklaban ng utak.

Ipapakita sa isang screen ang tanong habang binabasa iyon ng host para mapakinggan ng lahat. May nga papel kami at ballpen lamang para sa pwedeng solution kung hindi makaya sa utak lang na pagsolve. Number 3 ang number ko bilang kabilang sa mga representatives.

"If x is a real number such that x - 7 square root of x + 4 = 14, what is the value of x—————" sa sobrang kaba ko ay hindi pa man natatapos nababasa ng host ang tanong ay napapindot na agad ako sa buzzer.

Silang lahat ay napatingin sa akin habang napakatahimik ng paligid salungat kanina na sobrang ingay, para sa pakikinig.

"77" kaagad kong nasabi na sagot matapos tawagin ang pangalan ko sa pagpindot.

"The answer of representative number 3 is 77 let's see if it's right!" masiglang ani ng host saka inilahad ang kamay sa screen at ganon na lang ang paghinga ko ng maluwag at nagpipigil ng ngiti ng makitang tama ang sagot ko, kasabay ng paghuhumiyaw ng mga siraulong banda. Panay ang pagsigaw ng,

Leche flan! Representative namin 'yan!

Ginagaya ang pamamaraan ng salita ko. Natawa na naman ako sa mga 'to.

Nagpatuloy ang paligsahan na ito. Easy round pa lang ito kaya dalawa pa lang ang natatanggal na representative. Sampu kase kaming naglalabanan at ngayon ay walo na lang.

Hindi ko maiwasang mamangha sa isa kong kalaban na lalaki. Zy ang pangalan.

Nagkakapalan din ang salamin n'ya sa mata habang naglalaro lang ng ballpen sa kamay n'ya. Ni hindi ko napansing may sulat ang papel n'ya sa pagsolve, samantalang ako halos mapuno na ang isang bond paper kaya pinalitan agad iyon ni Sir Cafaro ng panibagong papel.

Ilang minuto ang lumipas ay napansin kong kaming dalawa nung lalaking iyon ang halos magkasabay na sa pagpindot ng buzzer sa pakikipag-unahan.

Pansin kong parang nakakalamang s'ya sa lahat. Mas mataas ang puntos n'ya ng dalawa sa akin, may pagkakataon kaseng mali ang nasasagot ko, ikalawa lang ako sa mataas na score. S'ya ang nangunguna. Isa pa sa ikinagugulat ko doon ay ang katulad nito na pagkakataon.

"In the isosceles trapezoid————"

Hindi pa man natatapos basahin ng host ang question ay pumindot na s'ya agad sa buzzer na ikinagulat naming lahat at ikinasaya ng ilan kay Zy.

Sa haba ng tanong na nasa screen at maraming paligoy ligoy sa tanong ay ganon na lang s'ya kabilis basahin t unawain ang tanong lalo pa't express your answer in a fraction ang nakalagay.

"24/8 units" mabilisang sagot nito, wala pa man ay mayabang ng ngumingisi ngisi ang mentor nito na nasa likurang gilid ni Zy.

Matapos naming makita ang sagot sa screen ay nagpalakpakan at naghuhumiyaw muli ang mga ka schoolmates nito.

"The answer is correct!"

Panay ang pag-inhale exhale ko dahil napipressure ako sa kalaban na 'to. Ang bilis sumagot kahit hindi pa tapos basahin ng host ang tanong.

"What is the greatest prime factor of——————" hindi ako nagpapatalo sa bilis dahil pumindot agad ako habang hindi pa tapos basahin ng host ang tanong sa screen.

2¹¹ +2¹³ - 10 ang kasunod n'ya sanang babasahin. Tinawag nito ang pangalan ko.

"31" tipid kong sagot, kinakabahan, bago ako sumulyap sa anim ko na lang na kalaban, may isa kaseng natanggal.

"The answer is..." pambibitin pa ng host bago ako unti unting sumilip sa screen na lumitaw ang answer "correct!" napabuga ako ng hininga na napangiti dahil sa narinig pero kaagad nagfocus ulit matapos ang palakpakan at hiyawan.

Ilang minuto ang lumipas, hindi ko akalaing may tinatago palang kademonyohan sa math itong si Zy dahil sunod sunod s'yang sumagot at halos hindi kami nagkaroon ng chance sa pagsagot sa bilis n'yang magsolve ng utak lang ang ginagamit!

Tuloy ay ikatlo na lang ako sa rating ng scores.

"30"

"correct!"

"1.09"

"correct!"

"negative 23"

"correct!"

"16"

"correct!"

Lalo akong napipressure at parang susuko na dahil ang layo na ng score n'ya kumpara sa aming ibang representatives na apat na lang kaming natitira kahit average round pa lang ito. Gayon pa man ipinagsasalamat ko na nakaabot pa rin ako hanggang dito.

"What is the remainder of 1998^2011 divided by 30?"

Sa narinig kong tanong ay may kaagad sumagi sa isip ko kung paano padaliin ang paggamit ng modulo arithmetic na hindi na kailangang magsolve sa papel.

3 seconds pa lang at wala pang nakakapindot ng buzzer habang ako nakapikit lang at sa isip nagsosolve, nagcoconcentrate.

Napamulat ako ng mata ng makarinig ng tunog ng buzzer at napatingin kaagad kay Zy ng tama ang hinula kong pumindot na naman s'ya. Sa oras na masagot n'ya ang tanong na ito ng tama ay isa na sa amin ang matatanggal sa taas ng score n'ya at delikado akong matanggal kapag nangyari iyon, lalo na't pahirap ng pahirap ang mga tanong.

"18" sagot n'ya na ikinatigil ko.

'Huh? Teka paanong naging 18?...sure ba s'ya? O baka naman mali ang naiisip kong sagot? Pero... baka nasobrahan sa katalinuhan kaya naging 18? Leche? Baka naman 1998 mod 30 kaya 18 ang sinagot n'ya? Kulang solutions mo pre'

"judges?" tanong ng host sa mga judges kung tama ba ang sagot pero isa sa kanila ang umiling na ibig sabihin ay mali ang sagot.

At ibig rin sabihin non ay may pwedeng magsteal kung sino ang sasagot sa tanong na iyon.

Bahagya akong nagulat ng lingunin ako ng kalaban kong si Zy na para bang may ibang pinangangahulugan ang tingin na iyon, para bang alam n'ya na tama ang isasagot ko.

Wala na akong sinayang na oras at kaagad pinindot ang buzzer sa harap ko dito sa kinauupuan ko. Tinawag ang pangalan at numero ko.

"12!" silang lahat ay natigilan maski ako dahil napataas ang boses ko. Nakakahiya! Paano ba naman kase nakakaramdam ako ng inis kay Zy, para bang sa tingin n'ya sa akin na iyon ay hinahamon ako nito.

Hindi ko alam na sa lahat ng representatives dito ay ako lang ang nilingon n'ya dahil diretso lang palagi ang tingin nito. Snobber ang peg.

"And the answer is.." unti unting lumitaw ang answer sa screen "correct!"

Napatakip ako sa bibig ko dahil mabaho, joke, nag-toothbrush ako. Natuwa lang ako dahil hindi ko inasahang magkakamali sa simpleng tanong ang Zy the genius monggoloid, joke ulit.

Chinito kase tapos maputi, 'yon nga lang mukhang bunot ang buhok na nagsasalamin ng makakapal.

Nakayuko akong binaling ang tingin sa screen at papel habang seryoso ang mukha para makapagfocus. Natahimik muli ang lahat.

Oras na para ipalabas ang totoong utak ko. Inaalala ko ang kung paano ako sinanay ni Sir Cafaro. Kung paano n'ya tinuro sa akin sa madaling paraan ang short cuts sa pag solving at pagcalculate ng mga numbers sa mabilisang paraan.

Masasabi kong ganon s'ya kagaling magturo, iyong tipong sa bawat numero pa lang na sasabihin n'ya ay hindi ka pwedeng magkamali na unawain kung ayaw mong maparusahan at pasayawin o kung ano ano pang acrobatic, gymnastic, athletic ang peg ni Sir.

Gayon pa man ay sinanay ko ang utak kong sa isip lamang ang pagsolve lalo na kung aabot na sa difficult round.

"489 students" sagot ko agad matapos magbuzzer sa problem solving naman na questions.

"correct!"

Kaagad nagpalakpakan at nagsisigaw sigaw ang mga lokoloko na naman habang pumapalakpak lang ang ilang estudyante dito.

"182" muli kong sagot kahit hindi pa nakakalahati sa pagbabasa ang host sa questions.

"correct!"

"the square root is 145" muli kong mabilis na sagot ng hindi gumagamit ng kung ano mang papel o ballpen na pangsolve.

"correct!"

Napatayo na ang mga lokolokong banda na tinataas na naman ang mga hawak nila. Inuutusan pa nilang patayuin ang mga estudyanteng hinablot nila kanina. Panay ang palakpak kaya hindi ko na naman naiwasang mapangiti sa pagiging supportive nila kahit ilang buwan pa lang kaming nagkakakilala.

Naligtas ako at may isang natanggal kaya tatlo na lang kaming natira. Kasama pa rin si Zy dito.

"What is... the value of.. √99 + √33 /    √99 - √ 33 + √ 99 - √ 33 / √99 + √33—————"

Aakma na sana akong pipindot ng may nakauna. Hindi si Zy kundi ang isang babaeng representative number 8.

Tinawag ang number at pangalan n'ya.

"4" sagot nito.

"The answer is.... 4! Correct!" Anunsyo ng host.

Sa mga oras na ito pantay ang score namin ni Zy habang mababa lang ng isang puntos ang isa pang representative.

Nagbreak muna kami ng 5mins dahil nasa difficult round na kami. Napasulyap pa ako sa gawi ni Zy at natangpuan kong nakatingin ito sa akin habang napapansin kong may pinaguusapan sila ng coach n'yang parang pinagsasabihan s'ya. Ang creepy makatingin pre!

At leche! Nginisihan pa ako!

Agad akong napaiwas ng tingin dito at nabaling ang tingin ko kay Sir nang humarang s'ya sa pagkakasulyap ko sa gawi nila Zy bago ako inabutan ng mineral water at pinagbuksan pa.

"calm down" aniya habang diretso ang tingin sa akin. Sa mga mata n'yang natitignan ko ay pakiramdam ko ay para akong pinapakalma non.

Hanggang kase ngayon, hindi nabawasan ang panlalamig ko at parang naiihi na talaga ako pero kaya pa namang pigilan muna.

"you're doing great" muntikan na akong mabulunan sa paginom ng tubig dahil tinap n'ya na naman ang ulo ko ng marahan kaya napaangat muli ako ng tingin sa kan'ya.

Lunok, ng tubig.

Mas lalo akong natitigilan ng punasan n'ya pa ang malamig kong pawis nang kumuha s'ya ng panyo n'ya mula sa bulsa.

Napapansin ko mula kanina ay agaw pansin din si Sir Cafaro magmula ng pumasok kami dito sa lugar na ito. Nagmukha tuloy akong parang alalay lang ni Sir kanina kahit ang totoo, ako ang inaalalayan n'ya sa dami ng tao dito kanina.

Nasobrahan yata sa pagkasupportive teacher.

"Hey" nabalik ako sa wisyo ng pinalagitik n'ya ang kan'yang mga daliri sa harap ko, ngayon ko lang namalayang natulala ako sa kan'ya.

'Leche flan naman Eda. Lutang ka na naman!'

Napakurap lang ng ilang beses pero hindi ko maiwas ang tingin ng ngitian n'ya na naman ako. Iyon na naman ang pagkislot ng puso ko.

'My gas. Ano ba 'tong nararamdaman ko?'

"Are you okay?" tanong nito sa akin na parang nagpipigil ng tawa sa akin, kahit alam kong hindi naman s'ya palatawang tao.

"Ano bang nararamdaman mo?" ikinatigil ko na naman ang tanong n'ya, para bang kanina ko pa pansin na kung ano ang maiisip ko ay magtatanong o magsasalita s'ya na maihahalintulad sa naiisip ko.

Mind reader lang ang peg.

"I...ahm..kinakabahan Sir" putol putol kong ani at tinitigan pa n'ya ako bago tinanguan.

"It's normal... but you need to calm down because it may affect your brain when you're nervous. Hmm?" mahinahon n'yang ani na pinapaintindi ang kan'yang mga sinasabi.

Tumango tango ako bago uminom ng kaunting tubig, kaunti lang dahil baka lalo lang akong maiihi.

Nagumpisa na muli ng paligsahan na pautakan at ngayon na difficult round, hindi na kami pwedeng gumamit ng papel o ballpen sa pagsolve kundi utak lang at paunahan sa mabilisang pagsolve.

"For all positive integers x, x³ +ax² + 8x + 5 is a multiple—————" unang tanong ng host at katulad nang sa naunang round, hindi pa natatapos ang host magsalita ay nakapindot na si Zy na ang dapat kasunod ng sasabihin ng host ay multiple of (x+1). What is the value of a?

"4" sagot ni Zy at natama naman ito. Nagpalakpakan muli.

Lumipas ang ilang minuto. Painit ng painit ang laban, halos hindi pa man gumiginhawa ang host ay mabilis na namin itong sinasagot, ang ilan sa mga sinasagot ko at chinachambahan ko na lang sa bibilis sumagot ng mga kalaban ko ngunit naglalabanan ang score ko at score ni Zy.

"6%"sagot ko.

"the answer is correct!"

"1.02" sagot naman ni Zy.

"1.02 is the correct answer!"

"1,476" sagot ko.

"correct!"

"4.065128" sagot ni Zy.

"the answer is correct!"

"3 million and 4 hundred 36 thousand 9 hundred 82" halos walang ginhawa kong ani sa mahabang solving sa isip ko at tinatandaan ko lang.

Gamit ang mga daliri ko sa dalawang mga kamay ko ang palatandaan ng sandamakmak na digits na sinosolve ko para hindi ako malito.

"You got another point for that!"

Hanggang sa umabot sa puntong patas na naman muli ang scores namin ni Zy habang ang isang representative ay nahuhuli na ang score n'ya.

Sinubukan ko pang sulyapan sa gawi si Zy matapos maanunsyo na ito ang last question at kung sino ang unang makasagot ay iyon na ang champion, ngunit ganon na lang muli ang pagkatigil ko ng makitang sinulyapan din ako nito bago mayabang na ngumisi.

Pasimple akong napakuyom ng kamao, nakakainis ang pagngisi n'ya, para bang nangaasar na hindi ko s'ya malalamangan, sa lahat ng ayaw ko ay ang inaasar ako.

"What is the value of expression 97! + 98! / 98! + —————— Yes, number 2!" lahat ng atensyon ay nabaling kay Zy matapos mabilis nagpindot ng buzzer at naunahan pa sa pagbabasa ang host.

plus 99! At kailangan common fraction ang answer ang karugtong niyon.

Kinahaban ako, sa isip isip ko ay nawawalan na ako ng pag-asa dahil paniguradong si Zy na ang panalo. Ok na ako sa 1st place, ang hindi okay sa akin ay ang pangisingisi n'ya

"ninety nine over seventy nine hundred" sagot ni Zy. Nanlulumo akong napabuntong hininga.

Ito pa naman ang pangarap ko, ang makasali sa ganitong uri ng paligsahan, ako pa man din ang representative sa school namin na kung saan dadami siguro lalo ang mga mambubulas sa akin lalo pa't huhusgahan na naman siguro ako dahil hindi ako ang champion.

"I'm sorry number 2 but your answer is... wrong" sa narinig ko ay nabuhayan ako ng loob at muling mabilis na nagsolve sa isip ko dahil pwede pang magsteal. Hindi ko muna pinansin ang mga reaksyon ng ilan.

Akma ko ng pipindutin ang buzzer ng maunahan ako ng isang babaeng representative.

"ninety nine over ninety seven?" parang hindi pa nito siguradong sagot na ani ng babae.

"The answer is.... I'm sorry but the is wrong" pagkaanunsyo ng host, silang lahat ay nabaling ang atensyon sa akin matapos kong natatarantang pinindot ang buzzer, baka pwede pang magsteal dahil hindi pa nauubos ang oras.

"ninety nine over ninety eight hundred" mabilis kong ani na parang nagrarap sa mikropono.

Napangiti ang host na parang natatawa sa paraan ko ng pagsagot dahil napawasiwas pa ako ng mga kamay na parang nagpapaliwanag sa mabilisang paraan.

"Your answer is.." pabitin pa nitong ani na may pa sound effect pa dito n drum.

"I'm sorry number 3 but your answer is... " para kong binagsakan ng langit at lupa sa narinig lalo na sa mukha ng host ngayon kahit binitin n'ya ang kan'yang sinabi.

"Correct!" kaagad nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nito na parang doon pa lang ako naloading.

"Ladies and gentlemen. Our champion this year is Miss Eda Ilaria Gaviola! Let's give her around of applause please!" nagsalita pa ng nagsalita ang host at doon ko lang namalayan na ako pala ang panalo bago ako wala sa sariling napatayo sa kinauupuan habang tuwang tuwa at hindi makapaniwala.

Sinulyapan ko ang gawi ni Zy at nakitang inirapan ako nito? Para bang hindi tanggap na ako ang champion.

Nilingon ko ang banda na nagtatalon talon ngayon habang halos mapaos na sa kakasigaw ng pangalan ko at tinataas lalo ang mga hawak nila. Ang kambal ay lokoloko na naman, paano ba naman kase nagyayakapan at nagdadramahan na para bang daig pa ang nagkaroon ng kasisilang na anak.

Kumaway kaway sila sa akin at ganon din ako, hindi naiisip na nasa stage pa rin ako ngayon at maraming nakatingin sa akin. Napa rock n roll pa ako sa kamay at ganon din ang mga lokoloko kaya pareho kaming nagtawanan kahit malayo sila sa gawi ko.

Sinuotan na kami ng mga medals habang, trophy, medals at certificate naman ang natanggap ko dahil ang isa pang premyo ay Madi-discount pa lalo ang tuition ko at wala na akong babayaran pa.

Matapos akong ma-awardan ay nakababa na kaming pareho ni Sir Cafaro. Hindi matao ang hinintuan namin bago s'ya humarap sa akin.

"Congra——————"

Hindi n'ya na natapos ang kan'yang sasabihin ng sa sobrang tuwa ko na nadala ako sa emosyon dahilan para hindi ko sinasadyang sunggaban s'ya ng yakap na mahigpit.

Ramdam kong natigilan s'ya. Natutuwa ako dahil dalawang beses ko ng maranasang maging champion, una sa music ngayon naman sa isang international school math contest.

Naiisip ko agad si Mama na kung naaalala n'ya na siguro ako, paniguradong magtatatalon s'ya sa tuwa. Palagi na lang kaseng award sa pagiging topnotcher ko sa school ang nakukuha at ngayon mula ang mga awards na to sa ibang paligsahan ay mapapaligaya ko si Mama.

Ang naiisip ko lang kung paano ako makakapagkwento sa kan'ya kung ibang tao ang tingin n'ya sa akin.

Ilang sandali pa ay hindi ko inaasahang unti unti akong ginantihan ng yakap ni Sir Cafaro na ikinatigil ko at ikinabilis ng tibok lalo ng puso ko.

Alam kong pagbati lang ito pero iba ang nararamdaman ko sa yakapan namin dahil parang napakatagal ng pagkalas n'ya sa yakap.

Ang ikinagugulat ko pa doon ay parang naramdaman ko sa uluhan kong inamoy n'ya pa ang buhok ko, buti na lang naliligo ako, bago napahigpit ang yakap sa akin ng unti unti ay iba na ang pakiramdam ko sa pagyakap na iyon.

"Congratulations, Eda" bulong nito sa tenga ko dahilan para magpigil ako ng hininga sa paninindig ng balahibo ko ng dahil sa hininga n'yang dumapo sa tenga ko.

Isa pa, first name ko na naman ang tawag n'ya sa akin.

"S-salamat po Sir" inis akong napapikit dahil sa hindi ko alam ang dahilan kung bakit nauutal ako.

"Drop the formalities when it's just the two of us.." lalo akong natitigilan sa muli n'yang ibinulong sa akin dahilan para nalamukos ko ang likurang damit n'ya sa pagkakayakap sa kan'ya.

"Dontai only or, you can call me whatever you want" sa hina ng pagkakabulong n'ya ay nagtunog mapaos ang boses n'ya at lalong manly pakinggan sa lalim.

Hindi ako nakaimik habang napuno ng pagtataka sa mga sinasabi n'ya. Para bang, nagiging sweet ngayon ang trato at pagkakasabi n'ya sa akin. Hindi ko alam kung teacher pa ba ang gumagawa ng ganon sa estudyante n'ya.

"A-ahm... Sure ka ba Sir————I mean a-ah..." nagdadalawang isip ako kung anong itatawag sa kan'ya.

Hindi ko na naman inaasahang mahina itong natawa. Hindi ko na naman naiwasang mautal kase naman hanggang ngayon, nakakulong parin kami sa mga braso ng isa't isa. Hindi ko ramdam ang init ng katawan n'ya dahil kakaiba talaga ang temperatura n'ya sa katawan. Magkahalong init at lamig.

"Do I have to repeat it?" kahit ganiti na n'ya ako itrato ay hindi pa rin nawala ang pagiging masungit sa pananalita n'ya.

Umiling na lang ako.

"H-hindi na po kailangan.. Lovier" pahina ng pahina kong sabi lalo na sa pagbanggit ko sa ikatlong pangalan n'ya.

Muli ko na namang narinig na mahina s'ya natawa.

"Can you repeat it?" hindi ko inaasahan ang iniutos n'ya.

"Po?"

"Say my name again" napakurap pa ako ng ilang beses.

'Luh, bakit?'

Nagtataka rin ako kung bakit hindi n'ya na tinanong kung bakit iyon ang napili kong tawag sa kan'ya.

Napatikhim ako.

"Do I have to repeat it?" panggagaya ko pa sa linyahan n'ya palagi pati ang pagkakamanly ng boses n'ya ay ginaya ko rin.

Naging dahilan iyon para bahagyang lumuwag ang yakap n'ya saka ako nilingon na nakakunot ang nuo.

"Joke... Joke lang joke po, Lovier" kaagad akong napahirit na joke lang dahil seryoso na naman kase ang mukha n'ya, parang hindi makuha sa biro.

Napatitig akp sa kan'ya ng muli na naman s'yang mahinang natawa sa akin.

"Silly" anito.

"Kalamansi" dagdag ko pa dahilan para muli n'ya akong balingan ng tingin at lalong natawa sa akin kaya pareho kaming nagtawanang dalawa ng makuha ang joke ko, buti na lang bumenta.

Nababalewala ang mga taong napapadaan habang hindi pa rin kami napapakalas sa pagkakayakap. Parang ang sarap sa feeling na nakasundo ko na ang kinaiinisan at kinatatakutan ko na teacher.

Ilang sandali pa.

"*Ehem* *ehem* *ehem!*"

May nagsi peke ng ubo kaming narinig na malapit sa gawi namin dahilan para ako ang unang kumalas sa pagkakayakap dahil para bang wala s'yang balak pakawalan ako sa paraan ng pagyakap n'ya.

"Hi Sir!" sabay sabay bumati ang banda kay Sir Cafaro bago nagpalitan ang tingin sa aming dalawa.

Pilit ko silang nginitian dahil baka iba ang isipin ng mga 'to sa nakita nila.

Hindi na lang sila nagtanong pa, sa halip ay isa isa akong binati at pinuri. Nagbiruan pa kami at nag-asaran tulad ng nakagawian sa tuwing kasama ko sila.

Napapa-apir pa kami sa tuwing nagtatawanan na parang mga siraulo, kaya kami nagkakasundo.

"Ay, nga pala Vion" pag-iiba ko saka kinuha ang bag ko sa at may hinanap doon

"Yes?" anito.

"Oh" aniko matapos iabot ang coat n'yang bagong laba dahilan para umugong ang asaran ng mga lokoloko.

"Teka bat s'ya may gift pero ako wala, pareho lang naman kami ng mukha" may tono pang pagtatampo ni Vien. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin maiwasang malito kung sino si Vien at Vion dahil sa pareho nitong mukha kaya sumasagot agad sila kung tatawagin ko ang pangalan sa isa sa kanila.

"Luh, leche flan 'to. Coat n'ya 'yan, kita mo may name n'ya" turo ko pa sa coat ni Vion. Bumilog naman ang bibig ni Vien at naisip na siguro nung natagpuan ako sa male restroom.

Ang ilan ay nagsi-tanungan na kung paano napunta sa akin ang coat ni Vion ngunit dinadaan ko na lang sa biro at iniiba ang topic dahil mahabang kwento.

"Teka lang mga pre, cr muna ako, parang puputok na pantog ko eh, nakakanerbyos kase kanina" ani ko na kanina pa ako nagpipigil ng ihi.

Napatango naman silang natatawa sa akin at sinasabing halata daw na ninenerbyos talaga ako. Nilingon ko si Sir at nahuling nakatitig ito sa akin at pilit na lang akong ngumiti na nagpaalam dito, tinanguan n'ya ako.

Nakakailang hakbang pa lang ako papalayo pero naalala kong nasa ibang school pala kami dahil dito ginanap ang contest. Mas malaki kase ang entablado dito, isa pa, hindi ko alam kung saan banda ang cr dito sa laki nito at baka maligaw pa ako.

Napaatras akong lakad pabalik bagp sila napalingon sa akin at nagtatakang bakit nandito pa ako.

"ahm... Hehe... may nakakaalam ba sa inyo kung... nasan ang banyong pambabae?" aniko, nadadagdagan ang pagpipigil ko ng ihi.

Nagkatinginan sila bago sabay sabay na umiling sa akin dahilan para mabaling ang tingin namin kay Sir Cafaro.

Nakasunod ako kay Sir Cafaro ngayon habang naglalakad ng mabilis dahil sinabihan ko s'yang ihing ihi na ako

"Looks like, you're famous now" nagtataka ko s'yang nilingon bago nabaling ang tingin ko sa mga estudyanye at iba pang mga taong madadaanan namin, napapatingin sa amin.

Sinubukan ko pa silang nginitian kahit pinagpapawisan na ako kakapigil ng ihi.

Ilang sandali pa ko hindi ko inaasahang hinablot ni Sir ang kamay ko saka ako hinila pakaladkad at pareho kaming nagmamadali sa paglalakad.

Hindi ko akalain pati na lang sa pag-ihi ko ay tuturuan n'ya pa ako kung nasaan banda ang cr. Isa pa lalaki pa talaga ang humihila sa akin ngayon!

'Leche flan, panibagong kahihiyan'

****

A/N: ang (!) po ay hindi lang po basta basta exclamation point/mark iyan. Symbol po ng factorial iyan sa mga nalito po sa paraan ng pagsulat. Ge 'yon lang, lab yow.

Continue Reading

You'll Also Like

3.8M 134K 36
The day he chose her is the day that her fate was already sealed. *** 'Yong guwapong lalaki na pasyente mo sa mental hospital, na wala kang alam na s...
13.7K 821 55
A probinsyana girl named Bejay that born to be a girl's scout that accidentally caught the attention of the hottest and sexyiest famous vlogger/strem...
21.2M 544K 37
"Do you want to be his favorite obsession?" DAHIL sa isang trahedya, ikinubli ni Virgo ang kagandahang taglay. Itinago niya iyon sa pamamagitan ng pa...
13.4M 641K 49
"She's my best friend, and she's the thirteenth victim." Nangako si Althea Denise Limerick at ang best friend nitong si Elyse na hindi sila magiging...